webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Green Tea

Each day, it's getting harder and harder than ever. I can't last a day without breaking down or even crying myself to sleep beacuse of my problematic adjustment situation with my studies.

Pressured na pressured na ako sa pag-aaral na ito. I can't even share it to my friends kasi alam kong pareho ko, may sari-sarili rin silang problema na kailangang harapin and I can't just walk in front of their door and just say my problem like it's nothing. Big deal na ito para sa akin kaya ayokong ipasa sa kanila ang burden na kinakaharap ko ngayon.

Each day, nararamdaman ko na pabobo ako nang pabobo. Aside from getting my studies together, nahihirapan din ako sa social life ko. I can't make friends for my self. Masiyado akong nasanay sa extroverted friend kong si Kiara. She was the one who introduces me to her friends noong nasa high school pa lang kaya naging friends ko na rin sila. She's good at making friends. While Mikan himself is no sweat when it comes to making friends kasi 'yong mga tao ang kusang lumalapit sa kaniya because of his family name. No sweat, right?

I tried making one pero it seems like they know each other and they can relate to each other. I have friends naman this college pero I don't know if I'm allowed to call them friends, more like acquiantances lang kasi ang turing nila sa akin. So in the end, I became an outcast. I feel like an outcast.

I don't know what's wrong. Sabi ni Kiara and Mikan, friendly naman daw ang mukha ko, there's nothing wrong pero bakit ganito ako?

There's a thin line between me giving up and continuing what I started. The only thing that keeping me into pieces right now is my parents' expectations of me. I don't want to disappoint my parents, said my inner conscious.

Hindi magkandaugaga sa mga librong dala ko, tinahak ko ang coffee shop sa tapat na madalas kong tinatambayan. I took the risk of going there kahit na umuulan at wala pa akong payong. Thanks to my jacket, I was able to cover the books I'm holding while running.

Kung hihintayin ko pa kasing tumila ang ulan bago ako tumawid, baka matagalan ako. Kaya bahala na. I hope these books won't be bruised. Hiniram ko pa naman 'to sa library.

Holy mother of monkey!

Nagkalat ang lahat ng books na dala ko, even my bag, sa basang gutter na few steps na lang sana ang layo mula sa entrance ng coffee shop.

My eyes widened, not in amusement but in mere shock.

Holy mother of monkey talaga!

"Sorry."

Dali-dali kong pinulot ang mga nagkalat na libro at iilang gamit sa paligid. Hindi pinansin ang sinabi ko ng babaeng siyang nakabunggo sa akin.

I bit my lower lip when I saw the girl who bumped me leave.

Grabe, hindi man lang ako tinulungan or humingi man lang ng pasensiya.

Instead of holding grudges with what that girl did to me, mas inatupag ko na lang ang pagpupulot ng mga gamit ko. Basang-basa na nga 'yong mga libro ko, pati ako nabasa na rin dahil sa ambon na galing sa gilid ng roof. Good thing I have my jacket on, hindi nabasa ang damit na suot ko sa loob.

I was about to grab my bag when someone got a grip on it first. Akala ko nanakawin pero kasabay ng pagtayo ko ay ang pag-abot ng bag sa akin.

Kahit naaamoy ko ang masangsang na amoy galing sa ulan, umalingasaw pa rin sa ilong ko ang pamilyar na mabangong amoy ng isang lalaki.

"T-Thanks," I slightly stuttered dahil sa lamig na naramdaman ko dahil sa basang jacket na nakapulupot sa akin.

Akala ko pa naman water-proof 'tong jacket na suot ko. Nakaka-disappoint H&M ha.

Nang makuha ang lahat ng gamit, agad akong sumilong malapit sa gilid ng coffee shop. Malakas pa rin ang ulan at nilalamig na ako pero mas nakakapanlumong tingnan ang mga basang librong hawak ko ngayon. Patay talaga ako nito sa library. Sana lang talaga at hindi nasira.

Hindi ko na alam kung sa'n na nagpunta 'yong tumulong sa akin kanina. Baka nagpatuloy sa buhay niya't hindi na ako inabala pang tulungan. Nakapag-thank you na rin naman ako.

Gusto ko mang pumasok sa loob ng coffee shop, ayoko na kasi baka malamig sa loob. Nilalamig na nga ako ngayon baka kapag pumasok ako ay lalo akong lamigin. Wala sa priority ko ang magkasakit ngayon kasi marami pa akong kailangang ipasa. Kaya nga ako nanghiram ng libro sa library tapos ganito pa.

I'll book a grab na lang ba para makauwi sa dorm ko at o-order na lang ako online ng tea and dinner? I think that's the best thing that I need to do instead of my original plan na sa coffee shop ulit na ito ako magpapalipas ng oras to study.

Mas lalo kong niyakap ang mga basang libro when a wind blew. Mas lalo akong nilamig. In times like this, ang sarap lang humilata sa kama habang nagka-kape o tea man lang, chillin', tapos nanonood lang ng Netflix. Hay! Sarap ng buhay kapag gano'n.

And that's when I realized na hindi ko na pala nagagawa ang mga bagay na madalas kong gawin noon. My life did really change when college came.

I put that thought away and grab my phone inside the pocket of this jacket. The only thing I'm thankful right now is my water-proof phone. Hinanap ko sa applications ang Grab app para makatawag na ako ng masasakyan. Nilalamig na talaga ako.

"You can go inside. They turned off the AC. Only the fans are on pero hindi rin masiyadong malamig. Sakto lang, to warm you up."

Napatigil ako sa pagtipa sa phone ko at napatingin sa malapit na entrance ng coffee shop when I heard someone talk. I saw a guy with a damp and messy hair. 'Yon ang unang napansin ko sa kaniya kasi it's not the usual hair style and cut of a guy. It's a bit longer than normal kaya una kong napansin. He's cute. No. Scratch that… he's guwapo. He's like a guy version of Liza Soberano, I think? He's like a soft boy with a soft featured face.

Okay, scratch that, Sandreanna. You're in the middle of a bad wind.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at pinasadahan na rin ng tingin ang loob ng coffee shop. Halos yata lahat ng taong nandoon ay nakasuot ng jacket, sweater, name it, just to fight this coldness the incoming typhoon brought tapos dinagdagan pa ng December nights.

I saw in the internet kanina na uulan daw kaninang umaga. Kaya nga ako naka-jacket ngayon. Sobrang bobo ko kasi wala akong payong. Hindi na rin ako nag-atubiling bumili. Akala ko kasi huhupa rin ang ulan bago ako makauwi. Hindi ko naman alam na buong araw pa lang uulan. Bakit kasi hindi na lang s-in-uspend ang klase.

Ngumiti ulit ako sa guy na ito at napagpasiyahang pumasok na lang at sundin ang original plan ko. I set aside my phone, total hindi na rin naman ako magtatawag ng taxi kasi nakapasok na ako sa loob ng coffee shop.

The guy was actually right. Hindi nga masiyadong malamig dito sa loob. Sakto lang. Parang kumot sa malamig na gabi. It's just perfect to warm you up.

Lumingon ako sa guy, nilahad niya ang daanan. Tumingin ako sa direksyon na pupuntahan namin at nakitang walang nakaupo sa mga lamesa sa bandang iyon.

"Thank you," sabi ko sa kaniya nang mailapag ko ang gamit ko sa lamesa. Mag-isa lang ako sa table at kaonti lang naman ang tao sa loob ng coffee shop kaya I can sit wherever I like, and alone.

"No worries."

Tinanggal ko na rin ang suot kong jacket. Basang-basa ito kaya nilagay ko muna sa back rest ng bangkong katapat ng uupuan ko.

Kaonti lang 'yong basa ng damit na suot ko ngayon pero 'yong jacket talaga ang basang-basa. Tumutulo pa nga sa sahig ng coffee shop, e. Magbabayad na lang ako ng extra fees mamaya pag-alis ko.

Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng jacket na suot ko kanina para mapunasan ang basang-basa kong buhok. Nang makitang pati ito ay nabasa rin, napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa disappointment.

Extra fees for tissues again.

"Here, you can use this."

I saw a hanky handed by a guy. Umangat ako ng tingin at nang makitang 'yong lalaking nagpapasok sa akin kanina ang siyang nag-abot no'n, my lips were in awe.

"T-Thanks…"

Tissues are useless when it comes to situation like this kaya ko natanggap ang panyong inabot niya. Isasaoli ko na lang mamaya. Or I'll just pay for the damages of this hanky.

"What do you want? Ako na mag-o-order."

"Ay hala, hindi na. I can do it my self. Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko," tanggi ko when he offered.

"I insist. O-order na rin naman ako. Isasabay na kita. I also occupy the table next to yours."

Napatingin ako sa katapat kong lamesa no'ng doon siya tumuro.

I bit my lower lip and awkwardly smiled at him.

"Uh… Thanks. Um, green tea would be fine."

"That's all? How about food?"

"I'll eat later after my nightly dose of green tea."

Hinagilap ko sa bag ang wallet ko to give him some cash. Pero nang pag-angat ko ng tingin, wala na siya sa kaninang kinatatayuan niya. Nakita ko na lang nasa tapat na siya ng counter and speaking intently to the cashier na parang natamemeng nakaharap sa kaniya.

I guess I'll pay later, then?

Umupo ako sa bangko at pinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili ko. Inayos ko na rin ang mga dala kong libro at ang bag ko. Kahit nakakapanlumong tingnan ang mga basang libro, wala akong nagawa kundi ang ayusin na lang ito. Hahayaan ko na lang, baka matuyo rin 'yan mamaya. Sana lang talaga at hindi mapuna ng librarian kapag isasaoli ko na.

"Here's your green tea."

Isinantabi ko ang mga nagkalat na libro sa lamesa at binigyan ng space ang inilapag niyang cup of tea. Dali-dali kong kinuha ang wallet ko para mabigyan siya ng cash but he cut me off.

"Don't worry. It's on me." Naunahan na niya ako sa pagsasalita kaya bago pa man makasagot, umalis na siya sa harapan ko para umupo sa table na katapat ko lang din naman ng table ko. So, magkaharapan kaming dalawa ngayon.

"Thanks…" Naging bulong na lang ang gustong sabihin.

He smiled at me when he sat down then his eyes shifted on a book on his table and started reading it.

I stared at that guy. Pamilyar na naman ang mukha niya. Sa'n ko ba nakita 'to? Mukhang hindi naman siya nag-aaral sa school kasi hindi naman siya naka-ID. His looks is too mature to be a student and too young to have a corporate job. I can't figure it out. He's in between.

I was kind of thankful na busy siya sa tinitingnan niya kaya nagkaroon ako ng chance na titigan siya. Iniisip ko lang kung sa'n ko ba siya nakita. He's so familiar… again!

Oh, wait. Yes! I know! I know where I saw his face! It's here. In this very same coffee shop. He's the guy who shared a table with me.

Is he a regular here ba? Madalas naman ako sa coffee shop na ito pero after no'ng araw na iyon, hindi ko na naman siya nakita pang tumatambay dito. Alam ko 'yon kasi araw-araw talaga akong pumupunta rito with the same time. Before and after class, dumadaan talaga ako rito. Imposibleng hindi ko siya makikita kapag ganoon.

Hindi ako umiwas ng tingin nang pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatingin ako sa kaniya. Instead, I smiled at him. He smiled, too, pero hindi lumabas ang ngipin. Hindi rin naman half-smile kasi hindi man masiyadong umangat ang labi niya. I just saw it in his eyes that he's… smiling. Weird, right?

"Uh… Thanks for paying my drink. I hope I can repay you, though." Medyo nilakasan ko ang boses ko para makarating sa puwesto niya. Magkaharapan nga kami pero may distansiya kami sa isa't-isa.

Lol, social distancing.

He press a smile and put down what he's holding. He shifted on his seat before nodding to me.

"Your thank you is enough. No need to repay me."

Ganyan ba talaga ka-seryoso ang mukha niya? It suits him, though, and it added more to the intensity of his manly face. I know I said he's cute pero nang makita ko nang malapitan ang mukha niya kanina, hindi na ako nagtaka kung bakit natameme ang cashier kanina nang makaharap niya. Sino ba naman kasi ang hindi matatameme? Ako lang yata. Sanay ako sa mga guwapo dahil sa mga kaklase at iilang kakilala pero hindi sa ganitong matured na guwapo.

Yes, he's guwapo but he's not my type. I want a simpler guy. Kahit na nakasuot siya ng simpleng damit lang, the vibe of him isn't screaming simplicity.

"Are you alone? Dito ka na umupo. Teka, kukunin ko lang 'tong jacket." Kinuha ko ang jacket at inilipat sa back rest ng inuupuan kong bangko. Anticipating so much to accept my offer, I looked at him.

He remained sitted on his seat. He stared at me with po-faced. I look away and bit my lower lip, medyo napahiya sa ginawa niyang pagtanggi sa offer ko.

Oo nga naman, a guy like him can't just simply sit with a girl like me. Sa city lang naman namin ako nakararanas ng special treatment because of my family's long legacy, not in this big city where no one knows I'm the oldest daughter of the best doctor in our little city. No one looks me up here that's why It's very hard for me to adjust in a city like this.

Pinagtoonan ko ng pansin ang tsaa ko't inatupag ang sariling business. Siguro may hinihintay siya o may kasama kaya hindi niya tinanggap ang offer ko.

"Okay."

I heard a chair being dragged backwards kaya nag-angat ako ng tingin nang makitang nakatayo na siya at palapit na sa table ko. I press a smile and umayos na rin ako sa pagkakaupo.

"Don't get me wrong, ha? I just want to say thank you lang sa libreng ginawa mo." I tuck my hair behind my ear and flash a smile to him.

Ganoon pa rin ang expression sa mukha niya. Parang walang emotion.

"Siggy."

"Ha?"

"My name's Siggy… and you're?"

"Sandi…" I offered my hand for shakehands. "Sandi Hinolan."

He stared at it. Glanced at me. And eventually accepted my hand.

Akala ko mapapahiya ako. Mabuti na lang talaga at tinanggap niya.

We shake hands for a split second. I felt an energy coming right through from his palm to mine. Probably from the cold weather mixed with the warm and cozy ambiance of this coffee shop. I don't know. I can't figure it out.

"We've met before, right? Do you still remember? Do'n sa table na iyon." Our hands parted and he gave me again that serious expression na hindi ko alam kung meron pa ba talagang ise-seryoso pa. Itinuro ko pa ang table kung saan ko siya unang nakita, nasa kabilang part na 'yon ng coffee shop. "You probably don't." Tipid akong ngumiti at sumimsim na lang sa tsaa'ng hawak ko.

"Yeah, I do. How could I forget? You're the girl who has an alarm for breakdown."

I snorted a little laugh when I remembered it. Grabe, 'yon talaga ang naalala niya sa akin?

"Woy hindi naman. Time management lang."

"Do you have schedule for breaking down this hour? Abisohan mo lang ako. Baka bigla kang umiyak d'yan, magulat pa ako."

Natawa ulit ako. Hindi sa sinabi niya kundi sa iniisip kong paano niya nagagawang magbiro with that serious face? Gusto kong magtanong pero nakakahiya naman. Feeling close ka masiyado, Sandreanna.

"Grabe naman 'to. Hindi naman."

We stayed silent for a couple seconds. Tanging ingay ng stereo ng coffee shop at iilang conversations ng mga tao sa paligid ang nangibabaw na ingay sa amin. I took that chance to sip on my tea.

"Can I ask you a favor?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at ngumiti na rin. Indicating na pumapayag ako kung ano man 'yon. Kaya ko naman siguro.

"My brother sent me a photo. He wants me to analyze and give meaning to it. A perspective of a normal person looking at that photo. Can you do it?"

"Oh, sure."

Inabot niya sa 'kin 'yong phone niya. I almost gasped in awe when I saw how expensive and how latest his phone is. Nakakahiya namang hawakan 'to. Sobrang kintab pa, halatang bago, ah?

Sabi na, hindi talaga basta-basta ang lalaking ito, e.

I focused on the picture flashed on the screen. Set aside the thought of him having an expensive phone.

I was smiling when I look at the picture.

There's a girl, naka-side view, at mukhang nasa malayo ang tingin. It's in black and white. It's so dramatic. Nakadagdag sa drama'ng hatid ng picture ang masalimoot na scenery sa likuran ng babae plus maganda rin ang girl na nasa picture. Maganda ang pagkakakuha, halatang isang professional ang nag-take ng picture. Or maganda lang talaga ang camera'ng ginamit? Maybe the one who took it got a chamba on angle? I don't know. Basta, it looks good.

"Girlfriend mo?"

Unti-unting napawi ang ngiti ko nang mamukhaan ang babaeng nasa picture. Parang habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa picture, the more I recognized it, until I already knew who that girl is.

"Uh, no. Bestfriend siya ng oldest namin. Crush naman siya ng third Kuya ko. Yeah, I know, it's complicated."

She's Ada Osmeña. Mikan's oldest Ate. How in the world na naging bestfriend niya ang Kuya nitong lalaking nasa harapan ko ngayon? Is he serious?

Yeah, I know na maganda si Ate Ada. Siguro kumalat ang angking ganda na meron siya dahil 1) isa siyang Osmeña and Osmeñas are naturally born beautiful with their white complexion. 2) dahil siguro kapatid niya si Teagan Osmeña na isang sikat na artista. 3) talagang maganda si Ate Ada.

Pero bakit nga kilala ng lalaking ito ang babaeng nasa screen, which happened to be my bestfriend's older sister?

Mas lalong nadagdagan ang pagtataka ko nang may nag pop-up na notification. I have no intention to read it pero huli na ang lahat, because it's pop-up, kusa ko itong nabasa before it went gone.

Justine Saratobias:

Puta, dude! Ang ganda talaga ni MJ Osmeña. Ligawan ko kaya?

I swallowed hard and looked at the owner of this phone.

"M-May text ka." Ibinalik ko sa kaniya ang phone niya.

Huminga akong malalim at pilit iwinawaglit ang mga naiisip. I'm so confused.

I don't know Justine Saratobias but the family name Saratobias is kind of familiar to me. Sa pagkakaalala ko, merong konsehal sa city namin na Saratobias ang family name. I don't personally know them. Pero ang makitang nabanggit niya ang pangalang MJ Osmeña na dinagdagan pa sa pagkakakita ko ng picture ni Ate Ada, na ayon sa kaniya ay kuha raw ng kaniyang kapatid, ay mas lalong nagpa-confuse sa akin.

Kung kilala niya ang mga kilala ko, bakit hindi ko siya makilala? I should, at least, knew him. With that physique of him, I should.

Sabi ko na familiar talaga siya sa akin, e.

~