webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Debut

I was, and still am, an abused child. Bata pa lang ako, ang pinang-di-disiplina ng mga magulang ko sa akin ay sinturon at ang tungkod na ginagamit ni Lolo. Kaonting kamalian lang, sinturon na ang katapat. Kapag malaki-laki naman, ang mabigat at matibay na cane ni Lolo ang ginagamit nila.

I was so immune with the pain that getting hurt nowadays became nothing for me. Every time the metal part of that belt hit my back, lagi kong iniisip na mahal ako ng mga magulang ko and this is their way of showing me how they love me and this is their way of disciplining their child. Na-immune ako sa sakit until it became nothing to me anymore. Dati umiiyak pa ako n'yan sa tuwing pinapalo, sa tuwing nasasampal, sa tuwing halos ingudngud na ako sa pader ng aming bahay.

I developed a fear to my parents that in order to not go on their bad side, I need to follow every rules they have, kahit labag ito sa kalooban ko at hindi ko ito gusto.

Hindi na pagmamahal ang meron ako sa mga magulang ko. Alam ko sa sarili kong takot na ang meron ako sa kanila. Takot na ang nararamdaman ko. Takot sa lahat ng bagay.

Kaya nga no'ng sinabi ng mga magulang ko na sa UP - Manila ako mag-aaral ng Nursing para sa Pre-Med ko, wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon and conditioned my self to study every night for the UPCAT. Eldest ako, kailangang maipasa sa akin ang legacy ng pagiging doctor, kaya naiintindihan ko kung bakit 'yon ang gusto nilang mangyari sa akin.

Mas nakakahiyang hindi maging doctor lalo na kung pamilya ng mga doctor ang pinanggalingan mo.

"Sandi!"

I was about to go to bed when something in my brain is telling me that someone is calling me.

"Sandreanna, bumaba ka! Alam kong gising ka pa."

Teka, wait, may tumatawag talaga sa pangalan ko, e.

Isinuot ko ulit ang slippers ko para lumabas ng kuwarto to check something. Kung tama bang merong tumatawag sa pangalan ko o baka hallucinations ko lang.

Palabas na sana ako ng kuwarto nang bigla itong bumukas.

"Ma'am Sandi, nand'yan na po si Dok at Doktora, hinahanap ka."

"Sandreanna Millicent, ano ba!"

Holy mother of monkey!

Halos itabi ko ang kasambahay na siyang tumawag sa akin sa kuwarto dahil sa pagmamadali. Dali-dali akong bumaba ng hagdan para puntahan kung saan galing ang sigaw. Dumagundong ito sa buong bahay kaya paniguradong kung sino man 'yong natutulog ngayon, magigising talaga. Malaki rin kasi ang boses ni Daddy.

Sunod-sunod na paglunok ang nagawa ko nang makita ko si Daddy sa gitna ng living room habang niluluwagan ang kurbata niya. Mas lalo akong nanlumo sa aking sarili nang makitang nakapikit pa siya habang ginagawa niya iyon. It's a sign that he's really pissed off.

"Da-Da-Dad, g-good evening po," bati ko sa kaniya nang makapuwesto ako malapit sa kaniya.

I didn't see Mom around pero paniguradong nandito na rin siya. When Dad is around, Mom is too.

"Ano 'tong nabalitaan kong nagpapasikat ka na naman daw sa school n'yo?"

Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay at dahan-dahan ko itong pinisil para kahit papaano'y ma-relax ko naman ang sarili ko. I'm literally shaking from the inside. I swallowed hard, trying to ease the nervousness I'm feeling lalo na sa sinabi niya.

Patay na.

"T-That was for grades, Dad. Miss Belonio said I-"

"I. Don't. Fucking. Care if it was for the grades or not. 'Di ba ang sabi ko, pag-aaral ang atupagin mo nang sa ganoon ay hindi ka na umasa sa ibang bagay para lang umangat 'yang grades mo?"

"Y-Yes, D-Dad."

"Kung anu-ano 'yang inaatupag mo. What about your UPCAT? Nagri-review ka ba? It's fast approaching."

"Everyday po akong nagri-review, Dad."

"Good. Now go to your Mom. She's waiting for you, you need to discuss your debut."

"Yes po, Dad."

Mariin kong pinisil ang mga daliri ko bago tumalikod para maglakad papuntang kusina.

"Sandreanna!"

Napatigil ako at halos mapaiktad dahil sa biglang pagtawag ni Daddy sa akin. Dahan-dahan akong tumalikod para humarap naman sa kaniya.

"P-Po, Dad?"

"Sandreanna, I'm warning you, this should be the last time. Ayoko nang marinig na kumakanta ka, sumasayaw ka, at gumagawa ka ng ibang bagay na walang kabuluhan. Hindi mo madadala 'yan sa Med School kaya as early as now, stop it. Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko sa 'yo kapag sinuway mo ang bilin kong ito."

"Y-Yes, Dad, noted."

Sumenyas siya na umalis na ako kaya kahit nararamdaman ko pa rin ang nginig sa aking katawan, naglakad ako papuntang kusina. Itinuro kasi no'ng isang kasambahay, na siyang tumawag sa akin kanina, kung nasaan si Mommy kaya agad akong pinuntahan 'yon.

It's funny now na kapag galit sila, hindi na sila namamalo, dinadaan na lang nila sa mga masasakit na salita. I don't know what's worst, tho. Pero mas mabuti na siguro 'yong mapagsalitaan ng mga masasakit na salita kesa ang mapalo at magkasugat-sugat ang katawan dahil sa pasa.

"Sit down, now, Sandi. I prepared you some milk para mabilis kang makatulog."

I saw in the kitchen island na merong glass of milk doon. Tipid akong ngumiti kay Mommy habang may tinitingnan siya sa fridge.

"T-Thanks, Mom."

Kahit ayoko, napilitan akong umupo sa kitchen island para tanggapin ang glass of milk na paniguradong galing lang din naman sa mga fresh milk na nasa fridge.

Dalaga na ako, marami na ang nagbago. I don't drink milk anymore. I'm a tea person now but Mom's too busy with her work that she didn't knew about that anymore. That's fine with me, that's understandable naman due to the stress she gets with her work.

"The invitations are out and everything is settled with the party this Saturday. I've already invited your classmates and teachers. Everything is settled, wala ka na dapat na problemahin pa."

Hinawakan ko ang katawan ng baso at dinama ang lamig na hatid nito.

"Thanks, Mom," tanging sagot ko.

"And one more thing, your escort will be Krane Lizares. You knew him, right? Anak ng Tito Nicholas mo, your Dad's best friend," she continued like nothing happened.

I tightened my grip on this glass of milk when I heard that name. I bit my underlip and stared in thin air.

Holy mother of monkey. Of all the people talaga!

"Your gown will be delivered by tomorrow yata and your pre-debut photos are out now so post some of them on your social media accounts, ha?" Tumango ako sa kawalan sa pagpapatuloy na pagsasalita ni Mommy. "Good night, anak. Finish your milk." She kissed me on my head before going to their room.

Naiwan ako sa kusina na tulala. Hindi makapaniwala kung bakit sa lahat ng tao, siya pa ang magiging escort ko. Wala na bang iba? Can't they choose Mikan? Or my classmates? Or my cousins? Or Dad's other colleagues? Why Krane Lizares?

"You okay, Sand? You're silent today."

I stop playing with my food and tipid na ngumiti sa nagtanong na si Kiara.

"Just a little off today," pag-amin ko.

"Why? Is there something bothering you? Napagalitan ka ba kagabi?"

Agad akong umiling dahil sa sinabi ni Mikan. I don't want to share to them anymore kung anong mga nangyayari sa bahay. It's personal. And hindi ko dapat pinapasa sa kanila ang kung ano mang problema meron kami as a family. We're fine. We're perfectly fine.

"I'm just bothered with what my Mom said. She said Krane Lizares will be my escort for my debut."

"Oh, my God!"

"What the-"

"Yeah, I know." Inunahan ko na sila sa mga gusto nilang sabihin. Alam na alam kung ganito talaga ang magiging reaksiyon nila. Nakakagulat nga naman talaga.

"Oh, my God talaga! Why can't they choose Mikan? I mean, what the hell?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Kiara.

"It's a disaster, Sand,�� Mikan said.

"I hope not. I mean, I hope he'll behave well during the party." Me being an optimist, still think of him in an optimistic way. I really hope so. "May practice daw ng entourage sa Friday. Let's see if he behaves well," dagdag na sabi ko.

Napa-face palm si Kiara sa sinabi ko. Si Mikan naman ay umiwas lang ng tingin.

"C'mon, guys. He's not that bad naman siguro. It's been a year since I saw him, siguro naman nagbago na siya? I mean, may respeto naman siya siguro sa kaibigan ng daddy niya, may respeto naman siguro siya sa 'kin. Trust me, he'll behave well," optimistic pa rin na sabi ko.

Napa-iling si Kiara sa sinabi ko. Halos manlumo na.

"Trust me too, Sandi, wala sa vocabulary ng Krane na 'yan ang salitang respeto," ani Kiara.

"May tiwala ako sa 'yo, Sand, pero sa gagong 'yon, wala," sabi naman ni Mikan.

Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko. Trying to find some solutions on how to cheer them up.

"You know why his name is Krane? Because it came from Kronos. And you knew what Kronos did, right?"

Panandalian kaming nagkatinginan ni Mikan dahil sa sinabi ni Kiara.

"I don't know, Ki. I don't even know Kronos."

"Ugh! Kronos was a titan. Anak siya ni Gaea. He killed his own father na si Ouranos."

Mas lalo yata akong naguluhan sa mga pinagsasabi ngayon ni Kiara kaya tumingin ulit ako kay Mikan.

"Kaka-Rick Riordan niya 'yan, hayaan mo na," sabi naman ni Mikan.

Oh, okay?

"Whatever! My whole point is that Kronos is bad. Krane too."

"Cheer up, guys. He'll do nothing, okay? He'll do nothing," conclusion ko sa usapan namin.

Total, tapos na naman akong mag-lunch, nagpaalam na ako sa kanila para puntahan ang next class ko.

Trust your instinct, Sandi, he'll do nothing.

Dumating ang Friday. After class, dumiretso kami ng iilan sa mga classmates ko sa venue ng debut ko na magaganap na bukas. They're selected and ngayon ko lang nga rin nalaman na sila pala ang makakasama sa entourage.

My cousins were also here but hindi naman ako close sa kanila kaya kaniya-kaniya rin silang usap nang makarating sa venue. Mga kapatid ko, nandito rin. At mawawala ba naman ang bestfriends ko? Siyempre, hindi.

Nandito rin ang hot topic namin no'ng isang araw pa. Mas nauna pa nga siyang nakarating kesa sa amin.

Pagdating namin, naabutan namin siyang nakikipag-usap sa mga pinsan kong lalaki. Sharing the same wave length really click with each other, huh.

"Hello there, Miss Sandi. It's my pleasure to be your escort for your debut. Though it's kind of unexpected but it's an honor."

"Uh, hi, Krane," sagot ko sa pagbati niya nang lumapit na siya sa akin before pa man magsimula ang practice. Kararating ko lang n'yan at kalalagay ko lang ng gamit ko sa isang vacant chair.

"How are you? Tagal nating hindi nagkita, a?"

I told you, Krane will do nothing. I trusted my instincts this time. It will never fail me.

"I'm fine. I'm good. You?" I heard you got kicked out from La Salle because of your attitude? How about that, Krane?

Pero siyempre, hindi ko sinabi 'yon sa kaniya. Sa isipan ko lang 'yon, 'no. Although, yeah, I really want him to ask about him being kicked out from a well-known University here in the province.

"More than fine, Sandi. I heard you're going to UP Manila? Wow! That is awesome."

Napahawak ako sa may bandang batok ko nang sabihin niya 'yon. It feels like parang it's happening na talaga na well in fact, I didn't take the UPCAT pa lang. Nakakahiya naman.

"Uh… Hindi pa naman sure, Krane. Hindi pa ako nagti-take ng UPCAT," pangko-correct ko sa sinabi niya.

"So what? With your dad's influence, for sure you'll get in. Look at me nga, nakuha nga ako ng daddy mo to be your escort kahit sobrang busy ko. That's how strong your dad's influence is. So don't worry, Sandi, UP will be an easy peanut for you."

Wow! Parang utang na loob ko pa sa kaniya na siya 'yong escort ko ngayon. Wow talaga.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at itinoon na lang ang atensiyon sa choreographer ng entourage na ito.

Matapos ang practice, hindi na kami nakapag-usap ni Krane. Maliit lang kasi ang attention span niya, madaling naaagaw. At saka, hindi ko na rin nakausap ang mga bestfriends ko. Matapos ang dinner with the entourage team ay nagsi-uwian na rin naman kami.

Kinabukasan, maaga akong nagising hindi dahil excited ako sa debut ko mamayang gabi, kundi dahil birthday ko ngayon. Maaga akong naligo para paglabas ko, kung sakaling may surprises na magaganap, at least prepared ako.

But when I come out of my room, it's like an empty shell of vastness. Sobrang tahimik ng bahay na aakalain mong ako lang ang taong nandito.

I continued walking hanggang sa makita ko ang bunso namin na nasa living room. I got excited when I saw Hoover kaya dali-dali akong bumaba ng hagdan para lumapit sa kaniya kasi paniguradong mag-g-greet 'yan sa akin, just like what he did last year, and every year.

"Hoover, good morning," masiglang bati ko sa kaniya.

He's playing with his iPad and didn't even glance at me when I greeted him. Doon lang ako nanlumo nang makita kong nakasalampak sa tenga niya ang Airpods.

Kaya pala hindi ako napansin.

But, it didn't stop me from coming near him. Tumabi ako sa kaniya to get his attention.

"I said, good morning my Hoover."

"Ate, ano ba, I'm playing. Stop annoying me."

Napasuko ako sa dalawa kong kamay nang iwasiwas niya ito because of annoyance. Hindi man nga lang siyang nakatingin sa akin habang ginagawa niya iyon. He is, indeed, playing.

Nagulat ako sa inasta ni Hoover. Hindi naman kasi siya ganito ka-sungit. He's our sweetest boy kaya. What happened? Nakaka-disappoint naman.

I didn't bother him again. Iginala ko na lang ang tingin ko sa kabuuan ng bahay. Sakto namang papalapit ang Yaya ni Hoover sa puwesto namin. Kaya nang ngumiti siya, napangiti na rin ako.

"Happy birthday po, Ma'am Sandi."

I gave her my biggest smile when I heard her greeted me a happy birthday.

"Thank you, Yaya," sabi ko. "Anyways, nandito pa po ba si Mommy at Daddy? Gising na po ba sina Dahlia and Hannah?"

Inilapag ni Yaya ang glass of milk na para yata kay Hoover nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"Umuwi po kaninang madaling araw sina Dok at Doktora pero agad ding bumalik ng ospital kasi may emergency daw po. Si Ma'am Dahlia naman po, maaga ring umalis, dinaanan ng mga kaibigan niya po yata, mag-j-jogging daw po. At saka si Ma'am Hannah, tulog pa po yata."

And there's Hoover na pinansin nga ako pero nagsungit naman. Every one in the house are busy.

I sighed and thank Yaya for her greetings and her information. Lumabas ako ng bahay to go to the garage and para hanapin na rin si Manong Dodong.

"Manong Dodong, puwede po bang mahiram ang keys ng scooter?"

"Ay, Ma'am Sandi, ikaw po pala. Happy birthday nga po pala, Ma'am."

Malawak na ngiti rin ang iginawad ko kay Manong Dodong, our family driver.

"Thank you po, Manong Dodong."

"Saan nga po pala kayo pupunta, Ma'am?" Tanong niya habang may kinukuha sa isang cabinet na nandito sa garage ng bahay.

"Magli-libot-libot lang po, Manong Dodong."

"Heto po, Ma'am," sabi niya sabay abot sa akin no'ng key ng scooter na sinasabi ko. "Mag-ingat po kayo, Ma'am, ha. Balik din po kayo agad, baka bigla pong dumating sina Dok at Doktora," dagdag na paalala niya.

"Akong bahala, Manong," sagot ko naman habang tinatanggalan ng takip ang scooter.

Sa akin ang scooter na ito, pero minsan ko lang gamitin dahil nga hindi naman ako pinapayagan ng parents ko na dalhin ito kung saan-saan lalo na't wala pa akong lisensya. Limitado lang ang mga araw na nasasakyan ko ang motor kong ito. At isa sa mga limitadong araw na iyon ay ngayon.

Maaga pa naman kaya paniguradong wala pang masiyadong maraming sasakyan sa kabuuan ng city kaya puwede pa akong mag-drive ng motor.

I just roam around the city proper, bumalik din ako agad sa bahay.

Later that day, bumiyahe na rin kami papuntang Bacolod since sa L Fisher Hotel ang venue ng debut ko. Naka-check in kami roon and doon na rin ako m-in-ake up-an at inayusan.

Basically, naging idle ako sa araw kong ito. Even during the party, idle ako.

Yes, may party ako pero hindi naman ito ang gusto ko, gusto 'to ng mga magulang ko. They want a party para maka-brag sila sa mga colleagues nila and other people of how rich and successful they are as a doctor, as a parent, as a person. They want to tell everyone na sobrang perfect ng family namin, na sobrang saya ng family namin. They want to send a message na dapat kainggitan nila kami.

I watched how Mommy and Daddy lied about their messages to me. I watched how my Lolo and Lola lied about how they love me so much that I can be their favorite apo raw. I watched how my cousins said that we are so close with each other daw and they missed hanging out with me just like what we always did when we were still kids, daw. I watched everyone showed how plastic they are to me. Ang totoong tao lang yatang nandito sa venue'ng ito ay walang iba kundi ang bestfriends ko na sina Mikan at Kiara, e.

Elegante at enggrande ang naging debut ko. Dinaluhan ng iba't-ibang klaseng mayaman, iba't-ibang klaseng tao, iba't-ibang klaseng hambugero at hambugera. More on doctors ang naging bisita ko since galing sa medical field ang parents ko.

So my debut became a party for doctors, reunion of doctors to be exact.

My instinct did a good job, wala nga'ng ginawang masama si Krane sa akin. Sa iba, meron, pero sa akin, wala. He caused a very, very little commotion kanina sa party. Pero dahil isa siyang Lizares, the commotion went down easily and as if nothing happened.

To be honest, I'm not happy. I didn't want an elegant and grand party for my debut, a simple family dinner and hanging out with my chosen people were enough sana for my birthday. Mahirap ba talagang ma-achieve 'yon?

I am so fucked up with parties during my birthday. All my life yata enggrandeng party ang nagaganap sa tuwing birthday ko, hindi naman ako nagiging masaya. Siguro noon, noong bata pa ako, masaya ako sa mga ganitong klaseng party. Ngayong malaki na ako, I just want a peaceful alone time for my birthday. To contemplate for my self. Para makagawa ako ng kakaiba sa birthday ko. I want to try that slumber party, tree planting, hiking, outing, at kung anu-ano pang adventure during birthdays.

Nakakasawa kapag ganito kasi at the end of the day, maiiwan akong mag-isa. Marami nga akong regalong natanggap but it feels like what I'm looking for is not on that pile of gifts I received.

Madaling araw na. The party was done hours ago. Tulog na rin ang kasamahan ko sa kuwarto na si Dahlia kaya naisipan kong lumabas ng hotel room para pumunta sa roof deck ng hotel. Siguro naman, by now, puwede na akong uminom ng alak? I'm eighteen now, legal and hopefully, free.

Nag-try akong um-order. Luckily, pinagbigyan naman ako. Nakilala kasi ako no'ng bartender, ako raw 'yong nag-debut kanina sa La Proa Ballroom nila kaya ayon, agad din naman akong binigyan ng inumin.

It's not my first time to drink a liquor. Patago akong umiinom years ago. Nagagawa ko 'yon sa tuwing pumupunta ako sa party ng family nina Mikan kasi you know, legal ang uminom doon whatever your age is. Ang cool ng family nila, ano? Ang cool ng mga Osmeña.

Hindi ko nga first time uminom pero first time kong um-order ng inumin na mag-isa at nasa open area pa.

I drank and drank and drank that night. Naubos ko ang isang bote ng vodka, alone. Kaya ngayon, umiikot na ang mundo ko at paniguradong hindi na ako makakatayo kapag sinubukan ko. I guess I need help.

Sinimot ko ang malamig na hangin na dala ng madaling araw at napatingin sa kaliwang side ko.

I saw a guy. I look at him at sinubukan kong alalahanin kung kilala ko ba siya. Unfamiliar siya sa akin at siguro, dala na rin ng pagkakalasing, malabo na siya sa paningin ko.

Isa lang naman ang klaro sa paningin ko, 'yong labi niyang isang tingin ko lang alam kong malambot na.

I want to do something different during my birthday, right? I have an idea but this sounds crazy, really crazy. But I'm taking the risk.

"Can I kiss you?" I ask him out of nowhere. I even smile para hindi naman niya mapansin na sobrang creepy ko. I know I'm beautiful but I ain't creepy.

I heard him chuckled but that's not what I'm thinking right now. I really want to kiss him and I must be really drunk by now.

"Those who really want to kiss someone don't ask permission from them, you know?"

Permission isn't needed daw, so…

I kissed him.

~