webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Conversation Over San Mig Light

"Naaawa talaga ako kay Mommy Felicity at Daddy Gab sa kinakaharap ng family nila ngayon. Pati nga ako na-s-stress talaga."

Inilapag ko ang kubyertos na hawak ko at ibinigay sa kaniya ang hundred percent attention ko.

"Why? What happened?"

"May dinner kasi kami tomorrow with the Osmeñas. Kailangan kompleto ang pamilya. But Siggy's persistent na hindi um-attend bilang nasa Manila raw siya ngayon. E, 'yon, pinuntahan ni Kuya Decart at Einny sa Manila para mapauwi since ilang buwan na rin na hindi umuuwi 'yon after ng kanilang fight with his parents. Sana nga mapauwi nina Einny. Magpa-pasko pa naman."

Teka, ano?

"Nag-away si Siggy at ang parents niya?"

Tuluyan na talaga akong naging curious sa usaping ito. Hindi naman talaga ako interesado sa mga chismis ni Kiara pero it involves Siggy that's why I'm this curious na kulang na lang at pumasok ako mismo sa screen at harapin siya ng personal.

"Yeah. It started kasi few months after my wedding. Mga July yata or June? Something in between. Bigla kasing nag-declare si Siggy na magta-transfer daw siya sa DLSU. E, siyempre nagulat ang parents niya kasi stable naman ang status niya sa USLS kaya bakit magta-transfer nang biglaan? So, hindi nag-agree si Mommy at Daddy. Pero pinagpilitan niya kasi 'yong gusto niya kaya ayon, nag-away sila. Ilang buwan nang hindi umuuwi rito sa Negros. Ang sabi nasa mansion lang daw ng mga Lizares sa Manila. Pero sa pagkakaalala ko, pati 'yong ka-a-acquire lang na penthouse nina Mom and Dad for Darry ay hiniram niya pansamantala. Siguro ginawang studio or something. Hindi na rin naman nila inalam, e."

Napa-iwas ako ng tingin sa screen at napaisip sa sinabi ni Kiara.

Nag-away sila ng mga magulang niya? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Bakit hindi man lang niya naikuwento sa akin? At saka, hindi alam ng pamilya niya na may tumitira sa penthouse na pag-aari ng bunso nilang kapatid? Ha, teka, naguguluhan ako.

"N-Nand'yan ba si Siggy, Ki?"

Napatingin si Kiara sa wrist watch niya at may tiningnan din sa malayo.

"Hmm, ang sabi ni Einny, pauwi na raw sila from the airport. Siguro later dadating na rin sila."

Bumagsak ang balikat ko at napaiwas ulit ng tingin. Umuwi siya ng Negros nang hindi man lang ako inabisohan.

"Oh, they're here na pala." Naibalik ko ang tingin ko kay Kiara nang magsalita ulit siya. Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo kanina habang dala-dala pa rin ang phone niya. Naglakad siya somewhere pero wala na sa screen ang tingin niya. "Hi, hon."

Nakita ko sa screen na niyakap niya ang asawa niya. Masiyadong magulo ang other line kaya hindi ko maaninag kung ano exactly ang nangyayari. Basta ang alam ko lang, binati ni Kiara ang asawa niya.

"Sinong kausap mo?"

"Oh, it's Sandi."

Biglang pumasok si Einny sa screen. Ngumiti siya sa akin at kumaway na rin.

"Hi, Sandi. Ikaw pala 'yan."

"H-Hi."

Hindi kami personally magkakilala ni Einny. Hindi pa nga kami nagka-bonding or whatever, e. Pero nang dahil kay Kiara ay nakilala ko siya. At saka nagkakilala lang kami no'ng mismong kasal na nila.

"We we're catching up. Mabuti nga't na-contact ko na siya after a very long time. By the way, sumama ba talaga si Siggy sa inyo?"

"Sige, mag-usap muna kayong dalawa. Kakausapin lang namin ni Kuya Decart si Siggy. And yep, kailangan niyang sumama kung ayaw niyang ma-cut ang mga cards niya."

"'What? Kakausapin n'yo na naman ako? Hindi pa ba tapos ang pag-uusap natin kanina sa kotse?"

I bit my lower lip and looked away when I heard his voice from the other line. He is, indeed, in Negros. Nang hindi sinasabi sa akin. Nang hindi pinapaalam sa akin.

Grabe, Siggy, girlfriend mo ba talaga ako?

"Manahimik ka ha, kung ayaw mong mabigwasan ulit kita."

Ako na mismo ang nag-end ng call without saying goodbye to Kiara. I know it's rude pero hindi ko na kasi ma-take marinig siya from the other line. Kailangan ko pang i-sink in ang lahat ng information na sinabi ni Kiara plus the fact na nandoon nga siya sa Negros without hitting me some message saying na umalis siya pansamantala. Kahit 'yon man lang sana, I'll understand naman.

Sandi:

Sorry, Kiki, the line disconnected. Poor internet connection. I'll contact you soon. Thanks for the talk. I miss you and see you soon. Love you!

I locked my phone and cleaned my mess. Matapos kong hugasan ang napagkainan, diretso akong natulog sa kama without washing up. Pagod na pagod ang katawan ko't hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ewan ko rin at kung bakit biglang bumagsak nang ganoon ang katawan ko. Para akong naubusan ng dopamine sa isang bagsakan, e.

The next morning, I received a message from Siggy and few missed calls. Since naka-silent ang phone, imposibleng magising ako kung tumawag nga siya habang tulog ako.

Ch-in-eck ko na lang ang message niya sa akin. Isa lang 'yon pero mas marami pa rin ang missed calls.

Siggy:

I'm sorry.

I stared for it for quite some time bago ko pinindot ang call button.

Sana naman gising na siya sa mga oras na ito.

It rang for a couple of times bago niya tuluyang nasagot. Tahimik ang parehong linya kaya nagbuntonghininga na lang ako bago ngumiti sa kawalan.

"Hi…" simpleng bati ko habang nakatingin sa high ceiling ng penthouse.

He also sighed, a very deep one. I smiled bitterly.

"I'm sorry," he said hoarsely, halatang kagigising lang.

"That's fine. Sinabi na rin naman ni Kiara sa akin ang tungkol do'n. J-Just enjoy your stay there and I hope na magkabati na rin kayo ng parents mo."

Ang sobrang understanding mo naman, Sandreanna. Ganito ka pala magka-boyfriend? Pero sa totoo lang, umiiwas lang ako na mag-away kaming dalawa over petty things. Never pa kaming nag-away since we're together. And ayokong mag-away talaga kami. I can't imagine it. Kaya kung kaya ko namang umintindi, iintindi ako. Habaan mo lang talaga ang pasensiya mo, Sandreanna.

He sighed again.

"It's fine, pangga, really. I'll go to my Tita's home in Cavite this Christmas. We'll do the trip by next year na lang, kapag long weekend."

May plan kasi kaming mag-celebrate ng Christmas sa La Union. Hindi raw siya kasi uuwi sa kanila and ako naman ay imposibleng makauwi na rin.

"I'll make it up to you. I'll be there before classes resumes."

"I'll be waiting, pangga. Sige na, resume your sleep na. Sorry for waking you up this early. Magpapaalam na rin ako na inaya ako ng friend kong si Dina na mag-mall later."

"Okay. Just update me from time to time. And please be a good girl. I miss you already."

"I am a good girl!"

"I know you are."

"I love you, pangga."

"I love you more."

When the call ended, a long and heavy sigh heaved out of me. Isinantabi ko ang phone at nagpatuloy sa pagtitig sa high ceiling habang nakahiga pa rin sa kama.

Hanggang ngayon, nasa akin pa rin ang card ni Siggy. He refused it no'ng ibinalik ko ito sa kaniya. Sabi niya, I can do whatever I want with the money daw since may sarili rin naman siyang allowance coming from his parents and some business na p-in-ut up niya with few of his friends. Sobrang nakakahiya na nga pero minsan talaga ay hindi ko maiwasang hindi makagastos since 'yon talaga ang nakasanayan ko. Ang hirap mag-depart sa mga bagay talaga na nakasanayan mong gawin lalo na no'ng naka-depend ka pa sa parents mo.

I kind of lied when I said Dina invited me on shopping. Pero mabuti na lang talaga at available ngayon si Dina and some few friends and blockmates kaya nang inaya ko sila, gora naman agad sila. Milk tea date lang 'yong kaya namin pero kung kakayanin daw ng oras baka makapanood kami ng sine.

Buong araw akong nasa labas kasama ang mga few of my blockmates. Nakapanood nga kami ng isang movie and after that, nag-aya 'yong isa naming kasamahan na si Meghan. Nood daw kami ng gig sa 19 East Bar and Grill. Excited pa ako no'ng una kasi akala ko ang Mikaneko ang papanoorin namin pero nang makarating doon, hindi pala. Various rising bands are playing tonight, including the highlights which is ang Spongecola. Kaya na-excite na rin ako.

Band party is the best party talaga for me. 'Yong tipong nakikipagrakrakan ka sa mga OPM hit songs and napapatalon ka sa sobrang saya ng mga tugtugin nila, lalo na ang beat of every drum and strum of the guitar. Kung papipiliin talaga ako, I prefer parties with jampacked bands than a party na EDM and DJs lang ang nagdo-dominate. Mas ma-f-feel mo kasi ang every songs kapag ganoon. Tapos hindi lang naman puro hype ang banda, mayroon din silang mga heartbreaking songs that added more to the drama of your life. Kaya band party is the best! Fight me!

At saka not to compare and not to judge lang ha pero sa tingin ko mas respetado ang crowd kapag isang banda ang tumutugtog kaysa sa mga party songs like EDMs or whatever. Mas wild yata ang mga tao sa club kaysa sa mga ganitong gig hub lang. Ewan ko lang ha. It's only based on my observation lang naman.

May inuman din namang nagaganap pero mga light drinks lang ang pinapatos namin. San Mig Light nga lang itong hawak ko habang sumasabay sa saliw ng magandang musikang pumapasok sa tenga ko.

Iilan sa mga friends ko, kasama na ang mga boyfies nila. May ilan din namang, katulad ko, na walang kasama at ang each other lang ang sandigan. Pero sa dami ng tao ngayon at kahit sa tingin mo'y malaki ang Manila, nagiging maliit ito sa tuwing pumapasok ka sa mga hangout bars. Nakikita mo ang mga kakilala mo, e.

Itinukod ko ang dalawang braso ko sa bakal na barandilya habang nakahawak sa panibagong bote ko ng San Mig Light for tonight. Sumasabay ako sa saliw ng musikang hatid ng Spongecola. Katabi ko ang mga kaibigan ko. Maingay ang lahat, parehong sa usapan at sa tugtugin na hatid ng banda.

This time, mellow ang naging kanta ng Spongecola. Kay Tagal Kitang Hinintay.

"Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan. Tayo'y muling magkasama at dati ay balewala. Panatag ang kalooban ko at ika'y kapiling ko na. Kay tagal kitang hinintay."

Sinabayan ko ang chorus ng kanta. Iwinagayway ko pa ang dala kong bote sa ere at ma-dramang pumikit para mas madama ang kanta. Ganoon din ang ginawa ng ilan kong kasamahan na katulad ko'y mas gusto pa rin ang OPM over westernized songs.

The night is full of fun and laughters. I've never enjoyed this in my entire life. The freedom that I needed never fails to give me choices and options to choose to. Ang sarap mabuhay nang ganito! Sana bata pa lang ako, nalasap ko na ang ganitong klaseng buhay. Sana no'ng may ganito sa amin during fiestas, pumupunta ako't nilalabanan ang antok. Sana pala.

Akala ko dati lalaki akong reserve at tahimik. Pero mas exciting pa rin talaga kapag nakipag-interact ka with other people tapos ganito pa kasaya.

"Nesto!"

Habang nasa ganoong estado, biglang naagaw ng iilang sigaw ang atensiyon ko. Nasa malapit lang naman kaya rinig na rinig ko. Lumingon ako sa bandang kaliwa ko at doon ko nga nakita ang pinagkakaguluhan ng mga kakilala ko at ng mga nakakakilala na rin sa kaniya. Patapos na rin naman ang Spongecola at last song na yata nila 'yon.

"Grabe, Ernestor! Ang hirap mo na talagang hagilapin sa mga panahon ngayon. Dati nakikita lang kita r'yan sa sulok, e."

"Ako lang 'to, guys, ang pinakaguwapong basist ng Mikaneko at ng Diliman."

Natatawa akong tumungga sa boteng hawak ko habang nakatingin kay Nesto. Halos nilapitan na siya ng mga taong kakilala ko na kakilala na rin niya at isa-isa siyang kinausap. Ako, nanatili pa rin ako sa puwesto ko. Iginala ko na lang ang tingin sa paligid, nagbabakasakaling makita ang presensiya ng bestfriend ko since nandito rin naman ang ka-banda niya.

"Nandito ba ang ibang members ng Mikaneko?"

"Ah, wala. Free day kasi namin ngayon kaya naka-puslit akong pumunta rito para naman mag-enjoy, 'no. At saka balita ko nandito kayo kaya heto."

"So, hindi mo kasama si Mikan?"

"Hindi. Umuwi 'yon ng Negros. Sa susunod na linggo pa ang balik para naman sa preparasyon namin sa New Year Countdown sa BGC sa thirty-one."

Nangunot ang noo ko dahil sa narinig mula kay Nesto. Napatingin ulit ako sa kaniya at saktong napatingin na rin siya sa akin. Lumawak ang ngiti niya't agad na lumapit sa akin.

"Sandi!" He spread his arms wide and aimed for a hug. Hindi ko naman siya binigo at agad pinagbigyan sa gusto niya. Isang panandaliang yakapan lang.

"Ikaw, Sandi, ang matagal kong hindi nakita," he exclaimed.

"Ilang buwan lang naman, Nesto, at nasa Diliman lang kaya ako," sagot ko naman.

"Oo nga, Nesto. Ikaw kasi, nasa itaas ka na at masiyado ka nang busy kaya hindi mo na alam kung anu-ano ang nangyari kay sinu-sino," sagot ni Dina.

"Masiyado na kasing inactive 'to sa social media accounts niya kaya wala na akong naging update sa 'yo."

"May bagong account 'yan si Sandi."

"Grabe, tapos hindi n'yo man lang ako sinabihan? Add mo ako, Sandi. i-a-add agad kita."

"Sus, Nesto. Dami mong satsat. Drinks on you tonight?"

Bigla ulit nagkagulo ang lahat dahil kinantiyawan nilang manlibre si Nesto sa amin since bigtime na siya ngayon. Dahil sa presensiya ni Nesto, tumagal ang pananatili namin sa bar.

How did I survive this cruel word, anyways? It's been months since I've stayed away from my parents. Magpa-pasko na. Panahon sana para sa reunion, reconciliation, and bonding with families. But here I am, journeying this road alone, away from my family, away from my love ones.

"Sandi, kumusta ka na?"

Matapos ang lahat ng ingay at kasiyahan, sa wakas at nagkaroon ng chance si Nesto na lapitan ako't makipag-usap. Kanina ko pa siyang gustong makausap. Gusto ko kasing makarinig ng update from him about Mikan. Miss na miss ko na talaga siya, sila ni Kiara.

"Heto, surviving. Mas lalong minamahal ang journalism," kibit-balikat na sagot ko, naghahanap ng tiyempo kung kailan ako makakapagtanong tungkol kay Mikan.

"You're looking good. Mas gumanda ka ngayon. Mas blooming."

"Maliit na bagay, Nesto," pagbibiro ko pa. Tumawa siya kaya natawa na rin ako.

"Tinatanong kita kay Mikan pero palaging nagiging bugnutin ang ungas sa tuwing binabanggit kita. Nag-away ba kayo? B-in-usted mo ba 'yon?"

"Ha? Paano ko bu-busted-in 'yon. Bestfriend lang kami ni Mikan, Nesto, ano ka ba."

"Ouch. Parang busted nga."

Sinamaan ko siya ng tingin at napa-iling na lang sa kung anu-anong mga pinagsasabi niyang hindi ko naman maintindihan. Tumungga na rin ako sa huling shot ng beer na hawak ko.

"May maliit na problema lang sa pamilya, Nest, kaya bigla akong naging idle."

"But looking at you right now, you look good, parang walang problema."

Natawa ako sa sinabi ni Nesto pero hindi na rin naman sumagot pa. Nag-offer siya ng another bott of beer na tinanggap ko naman. Hindi pa naman ako tinatamaan at nasa tama pa naman ang pag-iisip ko kaya another bottle of San Mig Light won't hurt a butt.

"How's Mikan?" out of nowhere ay tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan. Nagkaroon ng courage to ask about him.

"Ayon, pinapakyuhan pa rin ang mga taong nagsasabing sumikat lang daw ang banda namin dahil sa Ate Teagan niya. Kilala mo naman 'yong kaibigan mong 'yon, ungas kung ungas, e. Pero down to earth pa naman. Feeling humble, ganoon. Teka, selfie tayo, ipang-iinggit ko lang sa kaniya."

Mahina akong natawa dahil sa naging sagot ni Nesto. The same old Mikaelo Angelito Osmeña. Nakipag-selfie na rin ako sa kaniya gamit mismo ang phone niya.

"Alam mo, may ginagawa siyang kanta ngayon. Ang sabi niya puwede raw naming i-release next year. Pero hindi ko pa alam kung ano, e. Ayaw naman kasing sabihin ng ungas, e, sabi surprise raw. Ungas nga'ng talaga."

"Ikaw ba, may ginagawa ka rin bang kanta para sa bago n'yong album?"

"Sinubukan kong gumawa nang mismo kong kanta pero wala talaga akong makuha sa utak ko. Ang galing-galing ko kapag nakiki-contribute lang ako pero kapag galing mismo sa experience ko, wala, e, olats talaga."

"Ang pagsusulat kasi ng kanta, galing dapat sa puso 'yan. May experience ka man o wala, basta galing sa puso mo, maganda ang magiging kalalabasan no'n."

He narrowed his eyes on me and parang hindi sure kung paniniwalaan ang sinabi ko o hindi, e.

"May makukuha rin pala ako sa 'yo, kahit papaano, Sandi, 'no?"

"Oo, ako pa. Tama lang talaga na kinaibigan mo ako. Marami kang makukuhang idea sa akin. At saka, 'di ba may ex ka? Kuha ka ng idea sa experience mong iyon tapos gawin mong kanta."

"Nge, ang weird naman no'n. Gagawan ko ng kanta 'yong taong masaya na sa iba."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Oo nga, ang weird nga'ng gawan ng kanta ang taong matagal ng wala sa buhay mo."

"Ikaw ba, Sandi, kapag ba ginawan ka ng kanta ng ibang tao, anong ire-reak mo?"

"Siyempre, magiging overwhelmed. Nakaka-overwhelm kaya na may nag-dedicate ng song sa 'yo."

"Paano kung gawan ka ng kanta ni Mikan, anong gagawin mo?"

"Ha? Bakit naman ako gagawan ng kanta ni Mikan? Hindi naman ako espesyal na tao, ah? Bestfriends lang kaya kami."

Umiwas siya ng tingin at napabuntonghininga.

"Ikaw ba, nakapakinig na sa lahat ng kanta ng first album namin?"

Umiwas ako ng tingin at biglang nag-guilty sa naging tanong ni Nesto. Shet, may ganitong klaseng question talaga?

"Hindi, e. 'Yong first single n'yong Biro at Sukat lang 'yong napakinggan ko."

Napa-face palm si Nesto sa naging sagot ko't pa-iling-iling na napatingin sa harapan niya. May pinansin siyang isang kakilala kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-inom ng beer, quite expecting na tapos na ang usapan namin tungkol sa usaping iyon.

"Mamaya pag-uwi mo, pakinggan mo ang kanta naming Bench at Kaibigan. Hit me up after what you felt when you hear that song."

Naguguluhan man, tumango na lang ako sa sinabi niya. Bench at Kaibigan. Hindi ko pa nga napapakinggan ang kanta nilang 'yan.

"Okay."

"Nood ka naman minsan sa mga gig namin. Sa thirty-one may gig kami sa New Year Countdown. Punta ka. Paniguradong matutuwa 'yong si Mikan. At saka, nabanggit din ni Auwi sa akin na kilala ka raw niya?"

"Ah, oo. Classmate namin si Auwi no'ng elementary."

"Mabuti. Basta sa thirty-one, ha? Aasahan kita. Hindi ko sasabihan si Mikan para surprise. And I'll send you the details na lang. "

Hindi ako tumango. Hindi rin ako tumanggi. I'm in between. Hindi ko kasi alam kung anong mangyayari sa araw na iyon. Kung kakayanin at pahihintulutan ng panahon, baka nga makapunta ako.

Bench at Kaibigan, pakikinggan kita.

~