webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Coffee Shop

Para akong nasa Disneyland nang ma-witness ko ang audition ng Dulaang UP. Mas lalo akong natuwa nang makita ang iilang miyembro nila na minsan ko ring ini-stalk sa mga social media accounts nila. I am so familiar with Dulaang UP. No'ng malaman ko nga'ng sa UP ako mag-aaral, agad kong s-in-earch ang tungkol sa theater group nila and that's Dulaang Unibersidad ng Pilipinas o mas kilala ng lahat na Dulaang UP.

"Ang galing-galing n'yo naman, sana makapasa kayo sa audition," sabi ko sa kanila nang palabas na kami sa venue kung saan naganap ang audition nila.

Inakbayan ako ni Nesto at pabirong pinisil ang pisnge ko.

"Sana nga mag-dilang anghel ka, Sandi."

"Ihahatid na kita sa dorm mo, Sand," sagot ni Mikan at siya na mismo ang nag-alis ng nakaakbay na kamay ni Nesto sa akin.

Tumawa si Nesto sa ginawang iyon ni Mikan pero hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi naman nakakatawa 'yong ginawa ni Mikan. Tumango na lang ako sa sinabi ni Mikan at hindi na masiyadong pinansin ang pag-uusap nilang iyon non-verbally.

Hindi ako pinayagang umuwi ng parents ko during the semestral break. So, I was force to have a vacation with my few relatives from my mother's side, ang mga Prietos.

They're fine naman kasama, but just like the Hinolans, hindi ko rin masiyadong ka-close ang mga cousins ko rito. Hindi naman kasi kami sabay na lumaki, minsan ko lang din silang makita, at hindi pa kami madalas na nag-c-communicate through social medias kaya medyo distant talaga ako sa kanila. Ewan ko ba, napapaisip tuloy ako kung sino ba talaga ang may problema, ako ba o silang mga relatives ko.

I stayed there for like a week bago ako bumalik sa dorm ko para naman mag-process sa enrollment ko for the second semester.

Naging successful 'yong transaction namin ni Nesto. Nagawan niya ng paraan para baguhin ang grades na ipapakita ko sa parents ko. Mabuti na lang din at meron akong naipon na pera from my allowances kaya nakapag-bayad ako kahit na medyo masakit sa bulsa ang presyo no'ng ginawang tampering ng grades ko.

Yeah, I know, this is illegal, pero hindi naman nahalata ng parents ko ang ginawa kong iyon. They, slightly lang naman, praised me for that grade with that particular subject. Nagpapasalamat na rin ako na naging busy ang parents ko the time na ipinakita ko sa kanila by sending them a message about my grades. Hindi rin ginawang big deal.

Pero hindi ko alam na mas lalo akong malulugmok sa second semester ng first year ko as a BS Nursing student.

Kung dati, isang subject lang ang nagpa-iyak sa akin. Ngayon, halos lahat na yata. Nursing 2 and 3 tapos may Chemistry pa. Ba't ba ang bobo ko sa Science? Ano bang mali sa akin?

Matinding pagpipigil na lang ang ginagawa ko ngayon na maiyak sa grades ko. Prelims pa lang bagsak na bagsak na ako. Maka-ilang beses na rin akong napagsabihan ng mga Prof ko sa grades kong ito pero anong magagawa ko? Masiyado talaga akong bobo.

Siguro no'ng una, puwede ko pang gamiting excuse ang pag-a-adjust sa bago kong environment kaya ako bumagsak. Pero ngayon, nasa second sem na ako, mahirap nang gawing excuse 'yon kahit na ang totoo ay hanggang ngayon, nag-a-adjust pa rin ako sa paligid ko. Hindi ako sanay. Bakit ba kasi hindi ako nasanay? Palagi na lang ba dapat akong i-s-save ng mga kaibigan ko like Mikan and Kiara? Kasi kung oo, laking pasasalamat ko na hanggang ngayon, intact pa rin ang friendship namin kahit na minsan lang kaming magkita, at sa minsang iyon, sa screen pa.

Before nag-start ang second sem, sinabi ko sa sarili ko na pagbubutihin ko na ang pag-aaral na hindi ko na dapat gagamitin ang ginawa ko no'ng first semester. Pero matatapalan pa ba nito ang final grades ko kung sakaling sa midterm ay ganoon pa rin?

Nakakapanlumo ang pagiging bobo ko. Sobra.

Sinubukan kong uminom sa milk tea na in-order ko, pero maski ang panlasa ay parang nawala na rin sa akin dahil sa panlulumong nararamdaman ko. Sobrang sikip ng dibdib ko at hindi ako makapag-isip ng maayos kung paano ko i-i-explain sa parents ko ang kabobohan ko.

"Can I share a table?"

Umiwas muna ako ng tingin at pa-simpleng pinahiran ang mata kong basang-basa na ng luha bago nilingon ang lalaking nagsabi no'n. Iginala ko muna ang tingin ko sa paligid ng coffee shop to see if there are available tables at kung bakit kailangang dito talaga siya sa table ko uupo. Tipid akong ngumiti sa kaniya nang makitang punuan nga ang coffee shop at marami pang tao bago tumango bilang sagot sa kaniyang tanong.

"Sorry, medyo magulo," paghingi ko ng sorry dahil sa mga nagkalat kong notes sa ibabaw ng lamesa.

May long quiz kami mamayang six PM. Five minutes lang dapat 'yong pag-b-breakdown kong ito pero naudlot nang dahil sa lalaking ito. Ayoko namang maging rude lalo na't maraming tao sa coffee shop na ito tapos he needs some space and I don't own the whole coffee shop, though.

"Are you studying? I can leave you alone, though."

Habang inaayos ko ang mga notes and other paraphernalias kong hindi ko naman nagamit kasi walang pumapasok sa utak ko everytime na binabasa ko ang mga notes ay nagsalita itong lalaking nasa harapan ko.

"Uh, no, it's fine. No need. Wala na rin namang pumapasok sa utak ko," wala sa sariling sabi ko habang patuloy na inaayos ang notes ko at isa-isang nilagay sa plastic folder nito.

Gulong-gulo na ang utak ko ngayon pero grabe 'yong amoy ng lalaking nasa harapan ko ngayon, umaabot hanggang sa kasuluk-sulukan ng ilong ko. Alam mo 'yong pinaghalong bango at tapang pero hindi nakakaumay? 'Yong talagang mananatili sa utak mo ang ganoong klaseng amoy?

Ayoko sanang magpa-distract pero distract na distract na talaga ako that I had to look at his face for the second time around because I wasn't paying attention to his face from the first look. Iba epekto sa akin kapag mabango ang isang lalaki tapos guwapo pa, mas lalong guguwapo 'yan sa paningin ko.

Holy mother of monkey! Wow. What a face!

"Uh, your phone's ringing. Uh, hello? Your phone's ringing?"

"W-What?" Maka-ilang beses akong napakurap sa aking mata nang marinig ang sinabi niya. Nakatitig pa rin ako sa magaganda niyang mata na animo'y nasa thin air ako.

"I said your phone's ringing. It's kind of disturbing kasi. Baka rin importante 'yan."

Nataranta ako sa sinabi niya at agad na hinanap ang phone ko from my things.

Habang kinakapa ko ang phone kong maingay ay tiningnan ko ang paligid ko. Some of the customers of this coffee shop is looking at my direction.

I bit my lower lip when someone's not calling. It's an alarm.

In-off ko ang alarm at inilapag ito sa tabi. Inatupag ko ang natitirang milk tea na in-order ko kanina.

"It's not a call. It's an alarm. Pasensiya na sa ingay," while sipping from the cup.

I was mesmerized the second time I look at his face. The third look made me question my self. Did I saw this guy somewhere else? His face is not that common naman but why do I have this hunch that I saw this guy many times already. He is so fucking familiar. And when I say fucking familiar, I am really sure that I had an interaction with this guy before.

"Alarm? Oh? Do you have class?" He asked.

Inilapag ko ang cup of milk tea and pinunasan ang bibig ko gamit ang usual handkerchief ko.

Gosh! Why can't I live without handkerchief anyways?

"Uh… no. It was an alarm for my breakdown."

He chuckled a bit and amusingly looked at me. We had an eye contact for a split second but why do I feel strange? Strange in a way that this guy is really familiar and we had some of connection. Magkakilala ba ang past lives namin at ganito akong makaramdam ng familiarity sa kaniya? I don't know.

Holy mother of monkey! Epekto na ba ito ng pagiging bobo ko sa pag-aaral? 'Wag naman sana.

"Breakdown? Really?" He asked, a bit amused.

"Yeah, five minutes lang naman. I'm back with my normal self now."

He chuckled again. But this time, it's a bit longer na halos tumawa na siya nang malakas. I bit my lower lip again to control my self from being struck by his cute little laugh.

Anong nangyayari sa 'yo, Sandreanna?

"Sorry for laughing. First time ko kasing marinig na someone made an alarm for their breakdown," he's obviously stopping himself for laughing at loud.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at saktong pagtingin ko sa phone ko, Krane Lizares' name appeared on it.

Gusto ko mang magtaka kung bakit biglang tumawag ang kumag na ito, I have no choice but to accept his call immediately. Umingay na naman kasi ito, but this time, panandalian lang kasi in-accept ko agad ang tawag.

"Uh… hi?" I said first.

I also stopped my self from looking at the guy in front of me. Baka busy din siya sa pagkain niya kaya baka ma-creepy-han sa akin kapag sa kaniya ako nakatitig while talking with Krane over the phone. Don't be a creep, Sandreanna, stop it.

"Hi there, Sandi! I'm around your area. Tatanong ko lang sana kung free ka ba right now. Dinner naman tayo. Treat ko."

He's around the area? Ano na namang ginagawa niya rito sa Manila?

"Uh, sorry, Krane, I have a class later. I can't accompany you over dinner."

I bit my lower lip when I heard the guy in front of me harshly sighed. Hindi ko siya pinansin pero alam ko sa sarili kong gustong-gusto ko siyang pansinin, kahit sulyapan man lang, nang panandalian.

"What? Ano ba 'yan. Minsan na nga lang akong pumunta ng Manila, magiging busy ka pa. Minsan lang 'to, Sandi, samahan mo na ako."

Kung hindi lang talaga namin family friend ang family ni Krane, matagal ko na 'tong hindi pinansin, e. Ewan ko lang kung bakit kapag he's around, I'm not comfortable enough. He's nice naman towards me, medyo taliwas sa mga statements na sinasabi ni Kiara tungkol sa kaniya. Though, yeah, medyo gago talaga itong si Krane Lizares.

"I have a class pa this six PM, Krane, e. If you could wait, we can have dinner after."

"Okay. Bilisan mo, ha. At saka susunduin kita. Hintayin mo lang ako."

I can hear disappointment from him. I don't know what's making him disappointed, e, pumayag na nga akong makipag-dinner sa kaniya kahit na busy talaga ako tonight. Kung hindi ko lang talaga alam na paniguradong isusumbong niya ako kay Daddy kapag tinanggihan ko siya, hindi talaga ako makikipagkita sa kaniya, e.

He dropped the call so I dropped mine too. Nabuntonghininga na lang ako sa Krane Lizares na ito.

"Boyfriend mo?"

Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang guy na nasa harapan ko pa rin. He was busy stirring his mug when he asked that and he's not even looking at me.

"Uh… no. Family friend." Teka, bakit ba ako nagsasabi sa guy na ito? Yes, he's familiar, but I don't know him nor his name. "S-Sige, um, the table is yours now. I need to go." Inayos ko ang bag ko and tumayo na rin. I half-smiled at him before going on my own way.

"Ingat."

Napahinto ako nang marinig kong sabihin niya sa akin 'yon. I bit my lower lip and stopped my self from smiling widely.

Holy mother of monkey, Sandreanna, sinabihan ka lang ng 'ingat' ng isang unknown handsome guy, ngumingiti ka na riyan? Parang tanga.

S-in-ilent ko ang phone ko while the classes is on going. Nang matapos ang last period ko for today, I stared at my phone when a bunch of messages and some missed calls from Krane appeared in my phone. I sighed heavily that I almost fill a bag of air. Sobrang lalim ng buntonghininga ang nagawa ko, kaya nitong abutin ang malalim na bangin.

Sobrang kulit ni Krane. I said to him na seven PM pa matatapos ang class ko pero 6:30 pa lang, nag-miss call na siya sa akin at pinapadalhan na ako ng messages asking where am I, bakit ang tagal matapos ng klase, at kung anu-ano pa.

Wala bang ibang kaibigan na pupuntahan 'tong si Krane? Cousins? Brothers? Other relatives? Bakit ba ako kino-contact niya ngayon?

I went outside the school premises after I sent him a message that my class is done. I looked for a sign of him pero wala naman. Umalis na ba siya? Nabagot kahihintay sa akin? Sana nga, nang makauwi na ako sa dorm ko tonight.

He didn't answer to my message. I waited for another minute. Baka parating pa lang.

And I waited for another couple of minutes.

And another.

Until I saw a car approaching the gutter where I'm standing. Krane Lizares' physical self went out of that car and aggresively approached me with menacing eyes.

"Ba't ang tagal mo? Kanina pa ako nagti-text sa 'yo, ah?"

Okay? Bakit siya pa itong galit ngayon na ako naman talaga ang naghintay nang matagal?

"I told you, I still have a class left pa," I said calmly, trying to stretch my patience, as always.

"Minsan lang akong pumunta rito, Sandi. Prioritize me naman."

Okay? Why? Why would I do that?

I want to utter some words to counterpart what he just said. But my words will always left me hanging. Instead of speaking, I just sighed.

"Just get in, Sandi," muwestra niya sa bukas na pinto ng kaniyang car.

I glanced at him. My eyebrow shot up when I saw him looking at something else with shock and annoyance.

"Damn it," mahinang bulong niya pero nakaabot sa tenga ko dahil sa sobrang lapit naming dalawa.

Ano ba'ng nangyayari sa kaniya? He's kind of weird.

"Sandi, pumasok ka na."

"Okay. Okay."

Curious man sa kung ano'ng nagpagulat sa kaniyang mukha, sinunod ko na lang ang gusto niyang mangyari.

When I was inside the car, and while he's going to the driver's seat, I took that chance to look at the direction na tinitingnan niya kanina.

Wala namang unusual akong nakita, except that I saw a familiar face. I saw the guy who shared a table with me kanina sa coffee shop na malapit kung saan siya nakatayo ngayon. He's just there, hands on his pockets, standing, while looking at me directly. I know the car's windows are tinted pero I'm that sure na diretso siyang nakatingin sa akin. Or is it just me? Yeah, weird.

Krane blocked my view nang pumasok siya sa kotse kaya umiwas na rin ako ng tingin at hindi na masiyadong pinagtoonan ng pansin ang familiar stranger na iyon. I've got things to think about and Krane being in the picture is already a burden to me. What more kung idadagdag ko pa 'yon? 'Wag na. Hindi ko naman kilala 'yon.

Buong dinner namin ni Krane, nakasimangot lang siya at minsan ding nag-s-space out. Tapos kung tatanungin ko siya, bigla siyang magiging iritable. Ako na lang 'yong nag-adjust. Nakakahiya naman sa kaniya.

"Is someone courting you?" Bigla ay naging tanong niya nang ihatid na niya ako sa tapat ng dorm.

"No. Why?"

And why would I think of that? I'm too busy reaching my parents' expectations of me. Naubos na sa pag-aaral at pag-b-breakdown ang oras ko.

"Isn't that Osmeña guy courting you?"

Osmeña guy?

"Who? Lahat ng Osmeña, kilala ko, Krane," I said like a matter of fact. Close ako sa iba. Kilala naman ako ng lahat ng Osmeña, lalo na ang mga lalaki sa pamilya nila. So, yeah, sino sa kanila?

"Tss, that guy you're always with."

Oh? Oh! Mik-mik.

I snorted a laugh when I realized whom he refers as the Osmeña guy. Oo nga naman, close nga ako sa kanila pero nang dahil iyon sa natatanging Osmeña'ng malapit sa akin, kay Mikan.

"No! I mean, gugunaw na lang ang mundo, hindi ako liligawan no'n. Bestfriend ko lang 'yon, Krane," still laughing. I couldn't imagine being courted by Mikan himself. "Kapatid na ang turing ko sa kaniya and vice versa and just by thinking of that, it's near to impossible, Krane. Mikan will never do that," dagdag ko pa.

"Good. How about my cousins? Are they making a move?"

"Huh? Cousins? You… have cousins?"

Ang alam ko lang, he has two older brothers, Krypton and Krate. I don't know much about his family. Pero one time, narinig ko from Dad na walang kapatid ang Daddy nila nor their Mom, who is dead by now. Walang ibang relatives si Ninong Nicholas in our city that's why he's relying so much with his friends, and that includes my Dad. Malayong kamag-anak lang daw nila ang mga may-ari ng sugarcane miller na nasa city namin, saying na hindi sila related directly. Dad said it to me so I assume it's true.

But thinking of it right now, siguro nga hindi ko ganoon kakilala ang family ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Kahit na best buddy ang parehong daddy namin, still, we don't know each other.

"Who on earth doesn't have cousins, Sandi?"

"I don't know. Maybe you, maybe me?"

"Ugh! Forget it. Just go inside."

He turned around and went back inside his car without saying good bye or good night man lang. Sa sobrang bilis ng pangyayari, napakurapkurap na lang ako sa mata ko habang tinitingnan ang kotse niyang palayo na sa puwesto ko.

Okay, what was that?

~