webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Baby

Mom wants to have an annulment with Daddy. It turns out that she's not happy with her life with Daddy. Daddy didn't say much, ayaw niyang pumayag. Kahit halata sa kanilang dalawa na hindi na sila masaya sa buhay mag-asawa nila. The annulment issue die-down after a few days since Mom decided it. Hindi natuloy pero hindi na rin sila nagpansinan pa mula noon. Mas itinutok na lang nila ang sarili nila sa trabaho. We're cool with it. We're big enough to understand naman what's going on.

I went on with my life. Continue living as happy as I can be.

After that vacation in my hometown, back to normal sa akin ang lahat. Except that he's by my side nang mag-back to normal ako. Bumalik kaming Manila to continue my pending projects. Naipagpatuloy din ni Siggy ang naudlot niyang dream movie. Sinimulan na rin ang construction ng rest house ko.

I am happy. I am contented. I am at peace. Everything's going to their right places. Everything is in pieces.

Well, of course, except lang no'ng biglang magpaalam si Alexa sa team ko. Lalagay na kasi siya sa tahimik kasama ang boyfriend niya kaya nag-decide siyang mag-resign sa team ko. It was so sad, lalo na't napalapit na rin sa akin si Alexa, pero that's life. I can't hold of them forever. Kaya may bago akong make-up artist ngayon.

Except that, after a few months, a terrifying and at the same time an heaven's blessing came upon us…

"Sandi… is this yours?"

Pangisi-ngisi pa ako habang ka-text si Siggy nang biglang lumabas galing sa common comfort room ng buong bahay si Ms. Yang. Kauuwi lang namin galing sa taping. Dapat nasa kuwarto na ako ngayon at nagpapahinga pero masiyadong malalim ang pinag-uusapan namin ni Siggy sa text kaya napahinto ako't umupo muna sa sofa ng living room.

"The what?" tanong ko nang hindi man lang nakatingin sa kaniya.

I am less interested with her question, anyways.

"This pregnancy test kit?"

"The what?!" this time, napatingin na talaga ako sa kaniya.

Pansamantala kong iniwan ang phone sa sofa at agad na nilapitan si Ms. Yang. May bitbit nga siyang pregnancy test kit at nang kunin ko ito, nakita kong may dalawang pulang linya na ito. Positive? The hell?

"Is that yours, Sandi?" mas firm na tanong ni Ms. Yang.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko't nagtataka na. "Of course not! Why will I use that?" Ibinalik ko sa kaniya ang kit dahil parang naamoy ko pa ang ihi mula rito. Ewy!

"To check if you're pregnant or not? Sandi, I'm asking you straight, you should be answering me straight too. Sa 'yo ba 'to? Ginamit mo ba 'to? Buntis ka ba?"

"No! I am not pregnant and just so you know me and Siggy are practicing safe sex."

"Oh, so may nangyayari sa inyo?"

"Um, normal?" I say it like it's a matter of fact. Normal lang naman 'yon sa couple na nagmamahalan na dalawa. What's wrong with that? Mabuti nga kaming dalawa napa-practice ng safe sex using condom, e.

"Whatever! Ang gusto ko lang i-point out is sa 'yo ba-"

"Baka sa 'yo? Puwede ka pa namang magbuntis, 'di ba?"

"Sandi! This is not the right time to joke that around," may panlilisik ng matang tingin niya sa akin.

Ngumisi ako. "Okay! Joke. Joke only. You're so stressed out these past few days. Hindi kasalanan ang paminsan-minsang pagngiti."

Joke ko lang naman talaga 'yon. Kahit na mukha pa siyang bata sa paningin namin pero naka-state sa birth certificate niya na hindi. He's more than fifty years old na. Menopausal stage.

"If this is not yours at mas lalong hindi rin naman sa akin… E, kanino 'to?"

Nagkatinginan kaming dalawa. My lips parted, so as hers. And at this moment, alam kong pareho kami nang iniisip na dalawa.

"Nissa!" Nilakasan ko na ang boses ko kasi I know she's upstairs, in my room, arranging my things. "Nissa!" sigaw ko ulit nang hindi ko pa rin maramdaman ang presensiya niya kahit saang sulok ng bahay.

"P-Po? Tawag n'yo po ako?"

Makahulugan kong tiningnan si Ms. Yang bago ako nag-angat ng tingin sa mezzanine kung saan siya nakatayo. May bitbit siyang damit at mukhang tama 'yong hinala ko kanina na nag-aayos nga siya ng mga gamit na ginamit ko kanina sa shooting. Bumalik ang tingin ko kay Ms. Yang. Tumango siya sa akin, giving me the authority. Bumalik ulit ang tingin ko kay Nissa na naghihintay lang sa sasabihin ko.

"Come down here, Nis." Sinenyasan ko si Nissa na lumapit sa akin. She has no idea. So do I… at first.

Tumalikod si Ms. Yang sa akin habang hinihilot ang kaniyang sentido. Takte, parang sakit nga sa ulo 'to. Sumasakit na rin kasi ang ulo ko.

"Bakit po?" inosente niyang tanong nang makababa na siya from the second floor, bitbit niya pa rin 'yong damit na dala-dala niya.

"Is this yours, Nerissa?"

Napa-iwas na lang ako ng tingin nang diretsahan siyang tinanong ni Ms. Yang sabay nang pagpapakita niya no'ng kit na nakita niya from the common comfort room ng bahay.

Natahimik kaming tatlo. Hindi agad nakapagsalita si Nissa kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya para makita kung anong naging reaksiyon niya.

She's in shock. Nabitiwan na niya ang dalang damit at nanginginig ang kamay na inabot ang kit mula kay Ms. Yang.

It really hers.

"M-M-Ms. Ya-Yang… M-Ms. Sandi… so-sorry po. So-sorry po talaga."

I squinted my eyes and bit my lower lip. "How many months, Nis?" kalmadong tanong ko.

Mas lalo akong napapikit ng mata nang makitang umiiyak na si Nissa.

"T-Tatlo po."

I mentally counted the months. December ngayon, kung tama ang calculate ko, September niya ginawa ang bata.

Marahas na bumuntonghininga si Ms. Yang kaya napatingin ako sa kaniya. Magsasalita na sana siya pero tumunog ang phone niya kaya napatingin siya rito.

"Kausapin mo muna si Nerissa, Sandi. I need to take this call." Ipinakita niya pa ang phone niya sa akin pero hindi ko nakita ang caller ID.

Tumango ako sa gusto niyang mangyari at sinundan na lang ng tingin hanggang sa makalabas papunta sa garden area ng bahay.

Napabuntonghininga ako nang ibalik ang tingin kay Nissa. Nakayuko na siya at pinapahiran ang luha sa kaniyang mukha. I think she's still crying kasi tumataas-baba pa ang balikat niya.

"May boyfriend ka pala?" Kasi sa pagkakaalala ko, wala naman. I know her life story.

"W-Wala po."

"Who's the father then?"

"W-Wala po…"

I narrowed my eyes. "Ha? E, paano nabuo 'yan? Don't tell me you're the second virgin mary?"

"I-I mean po… ano po, i-iniwan po ako ng boyfriend ko nang malaman niyang buntis ako."

"What a load of bullshit! Napaka-gago naman ng lalaking 'yan?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong pagtaasan ng boses si Nissa. Hindi ako galit sa kaniya. Galit ako ro'n sa lalaking nakabuntis sa kaniya, who is not man enough to face his own fucking responsibility!

"M-Ms. Sandi… sorry po talaga. Please po 'wag n'yo po akong tanggalin sa trabaho, Ma'am. Kailangan na kailangan ko po ito ngayon. W-Wala na po akong mapupuntahan, Ma'am. Kailangan ko po talaga ang trabahong ito."

Bigla tuloy akong na-guilty sa pagtaas ng boses ko sa kaniya nang magmakaawa na siya sa akin. Kung pahihintulutan ko siguro, baka kanina pa siyang lumuhod sa harapan ko.

I tap her shoulder to calm her down. Kahit hindi pa ako nabubuntis, thanks to my experience roles, alam kong bawal ma-stress ang mga buntis.

"Of course not, Nissa. I know you have nowhere to go. Hindi kita tatanggalin. Hindi 'yon sumagi sa isipan ko. I'm just worried that I may not bring you all the time because you're pregnant now."

"Kahit dito na lang po ako sa bahay, Ms. Sandi. Ako na lang po ang bahala sa mga gawaing bahay," nagmamakaawa pa ring sabi niya.

Hinawakan ko na ang dalawa niyang balikat para pakalmahin siya. Hindi siya puwedeng ma-stress ng ganito, makakasama sa bata, for sure.

"You're staying, Nissa. Whatever the situation is. You're a family to me now. I can't just leave you behind," assurance ko sa kaniya.

Pero imbes na tumahan, mukhang mas lalo ko siyang napaiyak. Niyakap ko na lang siya at sinalo pansamantala ang pinapasan niya. Kahit ilang buwan pa lang kaming magkasama nitong si Nissa, naging pamilya na siya sa akin. Kasama na sina Alexa, Chivas, at Martin. Mas lalo na si Ms. Yang.

"Maraming salamat po talaga, Ms. Sandi."

Kumalas lang sa yakap si Nissa nang makabalik si Ms. Yang sa amin na may malawak na ngiti. Mukhang hindi niya napansin ang ma-dramang mukha ni Nissa at mukhang nakalimutan na rin ang napag-usapan kanina.

"I have an early christmas gift for you!" malawak na ngiting sabi niya.

"What is it?"

"You know Mr. Ardian Cayetano, right?"

"Of course! Sino bang hindi? The legendary Mr. Ardian Cayetano, right? The Box Office King!"

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Ms. Yang na halatang-halata talagang may magandang balita siyang dala.

"The management just called me. Mr. Ardian Cayetano wants to do a movie with you and they're arranging it now."

"What?! Weh? 'Di nga?"

"Oo nga sabi! Teka, anong oras na ba? Bandila na ba ngayon? Ang sabi, ilalabas daw ang shot-gun interview sa kaniya tungkol sa 'yo, e."

Kinuha ni Ms. Yang ang remote ng plasma TV ng living room at in-on ito. Good timing kasi dahil madaling araw na, Bandila na nga ang napapanood namin ngayon.

"At sa showbiz balita… Ardian Cayetano at Sandi PH, posible bang magka-movie sa susunod na taon? Ito ang diretsahang sagot ni Ardian Cayetano," sabi ng reporter.

F-in-lash sa screen si Mr. Ardian Cayetano at ang brand na nababalitang bago niyang in-endorse. Ardian Cayetano is one of the legends in this showbiz world. Magaling siyang artista. Palaging box office ang mga movies na ginagawa niya. Marami na siyang nagawang projects. Sikat na sikat talaga siya. Bata pa lang ako, nasa industriya na siya. And isa siya sa mga celebrity crushes ko. Pinangarap ko ring makatrabaho siya pero alam kong imposible 'yon. Sobrang taas na ng narating niya. Kahit na known ako sa hollywood, wala pa ring makakapantay sa mga achievements niya sa buhay.

He's ten years older than me. Pero may fiancee na at ang fiancee niya ang isa rin sa mga sikat na artista, mula noon hanggang ngayon, na si Ms. Genessa Soberano. Hands down ako sa tandem nila. They started as love team hanggang sa naging real ang reel team up nila. But few years ago, they decided to accept projects na hindi kasama ang isa't-isa, with different on-screen partners.

Maraming itinanong kay Ardian Cayetano, tungkol sa kung ano-anong issue. Pero nang binanggit na ng reporter ang pangalan ko, doon na ako nakinig sa naging sagot niya.

"Sandi PH? The Sandi Hinolan? 'Yong binansagang Netflix Queen ng Pilipinas? Why not! It's my pleasure kung makakasama ko siya sa iisang project. I'll be waiting on that. Sana talaga mangyari sa susunod na taon."

Holy mother of monkey! Sinapo ko ang bibig ko at hindi pa rin makapaniwala sa narinig ko from Mr. Ardian Cayetano himself!

"See that!"

"Holy mother of monkey, Ms. Yang! Totoo ba talaga 'yon? Hindi ba ako nananaginip? Talagang gusto ni Mr. Ardian na makasama ako sa isang movie?"

"Oo nga-"

"Oh, my God! It's my honor! Did you hear that, Nissa? Gusto raw ako makasama ni Mr. Ardian sa isang movie!" excited na sabi ko na pati ang nagda-dramang si Nissa ay sinali ko pa sa excitement ko.

"Ang OA mo naman masiyadong mag-react, Sandi. Si Ardian lang 'yan."

"Oo nga! Si Ardian Cayetano na pantasiya ng mga Titas of the Philippines, ng mga ka-edaran mo, Ms. Yang."

"Ay, ang OA mo sa part na ka-edaran ko talaga. Hoy, hindi. Iba 'yong pantasiya namin noon."

"Ay, oo nga pala. Sina Vic Sotto nga pala ang mga pantasiya mo noon."

"Tumigil ka! Kundi, hindi ko talaga tatanggapin 'tong project na ito."

"Biro lang naman, Ms. Yang! Tanggapin mo, please! Crush na crush ko 'yang si Mr. Ardian Cayetano and dream come true ang magka-project kaming dalawa!"

Pansamantala naming nakalimutan ang problemang dala-dala ni Nissa dahil sa magandang balitang natanggap ko.

Ms. Yang filled me the additional details later on. Ang sabi niya, sa January pa raw, ng susunod na taon, magmi-meeting for the project and arrangements. Baka rin magka-story con and script reading na after that. Hindi pa rin totally finalize ang ibang details pero isa lang ang alam ni Ms. Yang, dapat daw maisakatuparan ang movie na ito sa lalong madaling panahon, bago pa magpakasal si Ardian at Genessa.

But for now, they'll let me enjoy the holidays. I went home in our hometown during Christmas break. Personally, nakita ko rin ang pinapatayo kong rest house na ilang buwan na lang daw ay matatapos na. Eight months 'yong time range ng construction kaya by next year, paniguradong tapos na talaga ang lahat lahat dito. Maybe mga first quarter ng taon, tapos na raw.

"Excited na talaga ako sa gagawin naming project ni Ardian Cayetano. Tapos ang sabi pa ni Ms. Yang, isang batikang direktor daw ang magdi-direk no'n," masayang kuwento ko kay Siggy habang kumakain ng ice cream.

Nandito kami sa rest house na pinapagawa ko. Furnished na ang structure ng bahay pero hindi pa talaga totally tapos pero puwede namang tambayan kung makakayanan mo ang mga alikabok at ibang duming hatid ng construction materials and other debris.

Nandito kami sa labas, dinadama ang malamig na simoy ng gabi.

He put some strands of hair at the back of my ear as he listens to every word I say.

"Tungkol sa ano raw ba ang movie n'yo?"

"'Yon… ang hindi ko pa alam. First week of January daw ang official meeting tungkol doon at baka ro'n na rin malalaman kung tungkol sa ano ang movie."

"He has a fiancee, right?"

"Mm-Hmm. Si Ms. Genessa Soberano."

"Kailan daw sila ikakasal?"

"Maybe after the movie? Last quarter of next year yata? I don't exactly know when. Pero thanks for reminding me, 'yan ang una kong itatanong talaga sa kaniya kapag nagkita kami. Aren't you happy with me?"

"Are you happy with it?"

"Yes, I am!"

"Good. Then, I'm happy for you, too. As always."

"Naks! Ang supportive talaga ng boyfie ko. Kaya mahal na mahal kita, e!" I pinch his cheeks and agad ding pinaulanan ng little kisses and lips niya.

"I love you more."

Siggy was supportive all along. He was my entire support system. And I am so lucky na mula noon, hanggang ngayon, mayroon akong boyfriend na katulad niya na grabe ang support. One thing I never had with my previous relationships. Kaya ko nahihiwalayan 'yong mga ex kong iyon dahil bigla nila akong lalatagan na hindi sila payag sa project na dadating sa buhay ko, lalo na 'yong mga may R-rated scenes or simply kissing scenes lang. Ang O-OA nila, mabuti't hiniwalayan ko agad.

Tuwang-tuwa ako nang malaman na as soon as possible, maybe the last week of January, ay kailangang magsimula na ang movie. Pero napatulala ako sa script na hawak ko nang malaman kung tungkol saan ang plot nito at sa iilang scenes na gagawin namin ni Mr. Ardian. Mas lalong nakakapanlumo ang location ng set.

They asked me if I'm fine having an erotic bed scene with Mr. Ardian. I was hesistant inside pero kailangan kong gawin 'to. Sooner or later, in my career, talagang gagawin ko ang bed scene. I've done bed scenes before pero pang-tweetums lang kasi 'yon. Kiss kiss lang. Medyo kinakabahan talaga ako sa kalalabasan ng movie na ito pero alam kong kakayanin.

The entire movie will be filmed in Praque, Czech Republic. Kaonti lang din ang magiging casting ng movie dahil sa allocation ng budget. Europe ang destinasyon namin kaya paniguradong mahal ang magiging expenses nito. Kahit na wala namang problema sa budget dahil isa kami sa mga producers ni Mr. Ardian.

Two months kaming mawawala. Two months kaming maninirahan sa Praque. Medyo kabado sa mga mangyayari pero alam kong kakayanin. I've done this before, travelling for the sake of work, it should be an easy peanut to me.

Isa lang din ang dinala kong staff. Since hindi puwede si Nissa due to her growing belly, pinili ko na lang dalhin ang bago kong personal assistant na si Annavie. Simula no'ng malaman naming buntis si Nissa, kumuha na ako ng isa pang PA to handle my graveyard schedule. PA ko pa rin naman si Nissa pero sa mga easy task na lang, at 'yong mga makakaya niyang trabaho lang.

Lahat ng iyon ay naintindihan ni Siggy at malugod niya akong sinuportahan sa project na ito kahit na ilang buwan kaming malalayo sa isa't-isa. Pero may isang bagay akong hindi totally sinabi sa kaniya… 'yon ay ang tungkol sa kakaibang bed scene na gagawin namin ni Mr. Ardian. I guess I'll tell him after we shot those scenes. I'm kind of nervous. Kinakabahan ako na baka hindi ko magawa ng tama.

The entirety of the production of the film was amazing! There was never a dull moment with them. Araw-araw may mga natututunan ako sa kanila, lalo na kay Mr. Ardian. He's so mature and he's so nice. Nili-libre niya kaming lahat sa mga kainan around the area. Gina-guide niya rin ako sa mga acting skills ko. He was also supporting me during that bed scene, tinuturuan ng mga dapat gawin and how to relax during the scene. Marami siyang naituro sa akin. Marami rin siyang na-share. Now I know why they all love Mr. Ardian Cayetano.

"That was amazing! I've never been there- I mean yeah, I went there for a taping but I've never tour around the area."

"You should try to visit the next time you'll be there. That's the place you should never miss when you're there."

"Really?" I took a sip on my wine and was amaze to his sharing about this perfect place for me to live.

"Yep… Hayaan mo, next time, sa susunod na movie natin, i-s-suggest ko kay direk na roon tayo mag-shooting."

"Oh? So you think we're gonna have another movie together?"

"Looking forward to. I'm sure there's gonna be some kind of prequel or sequel out of this movie, right? At saka magaling kang artista, magaan ka-trabaho. There's no doubt why some artists highly talked about you. You're adorable and… lovable. And I'm seeing it myself now."

"Hala, grabe ka naman. Normal na tao lang naman ako, Kuya Ardian."

Lumapit siya sa may bandang tenga ko and whispered something. "You should stop calling me Kuya. It's kind of awkward na."

Sabay kaming natawa dahil sa ibinulong niya sa akin. "Oh, I'm sorry. Hindi na, hindi na."

I got some foods from our table, kasama ito ng mga drinks na in-order for tonight's get together or the celebration for our last day here. Lumingon ako sa ibang kasamahan namin sa table at nang makita nakatingin sila sa amin at tahimik, hilaw akong natawa.

"Are you guys, okay?"

"Yeah, yeah, we're good."

"Okay tayo, guys, 'di ba? Okay tayo?"

"Oo, okay lang tayo."

At nagtawanan silang lahat. Natawa na rin kami ni Ardian nang magkatinginan kaming dalawa.

We enjoyed the night because it will be the last one before we pack up and officially finish this movie in one go. In order to enjoy, we had some few drinks. And by means of few drinks, umuwi kaming lahat na lasing.

I got out of bed with pounding head. It's always been like this, hangover or not. Minsan sinasawalang-bahala ko na lang lalo na kapag nawawala naman kapag iniinuman ko ng tubig.

With squinting eyes, still adjusting from the brightness of my place, iginala ko ang tingin sa paligid. Dalawa kami sa room na ini-stay-han namin the entire stay here in Praque. Kasama ko sa room ang PA ko na si Annavie. I saw her from the other bed na mahimbing pa rin na natutulog. Mukhang nakainom din kagabi.

"Ugh! Ang sakit ng ulo ko!"

I hate mornings talaga, especially the early ones. I'm not a morning person ever since. Isang himala talaga kapag nagigising ako ng maaga.

I went to the bathroom and freshen up a bit: nag-toothbrush, naghilamos, inayos ang sarili.

"Finally! Makakauwi na rin ng Pilipinas," I say in front of the mirror.

I'm happy that I'm going home after months of being away and makikita ko na rin si Siggy. And speaking of Siggy! Oo nga pala!

Lumabas ako ng bathroom to check on my phone. Sa sobrang burara ko talaga lately, hindi ko na alam kung saan saan ko naipapasok ang mga bagay bagay na importante pa naman sa akin. Magulo na ang kama ko dahil sa kakahanap sa phone ko. Tapos makikita ko lang pala siya sa may single sofa malapit sa window.

Nang makita ang phone, napaupo ako sa single sofa at nanlumo. Pangalawang beses siyang tumawag kagabi but hindi ko iyon lahat nasagot. I wasn't with my phone last night dahil abala ako sa party na ginawa namin kagabi.

Sinubukan kong tawagan siya pero hindi sumasagot. It left me with a choice that I'll leave him a voice message.

"Pangga, I'm sorry, I did not answer your call last night. I was out with, uh, um, the whole cast, bilang celebration for our last day of taping. I know it's midnight there and of course, you're having a good night sleep but I just want you to know that I'm gonna see you the day after tomorrow and I love you, so, so much."

I sent the voice message without hesitation. Inilapag ko ang phone sa coffee table at napabuntonghininga.

"G-Good morning po, Ma'am Sandi."

"Mm-Hmm, good morning din. What's our schedule for today?"

Napakamot sa kaniyang batok ang kagigising lang na si Annavie. Namumungay pa ang mata niya't halatang inaantok pa. Siguro nagising dahil sa ingay na ginawa ko.

"Ano po, Ma'am, wala naman po. Ang sabi lang po ni direk, Ma'am, rest day para makapag-impake po ang lahat. At saka po pala, Ma'am, ang sabi ni direk ngayon daw ipapalabas ang official teaser ng movie. May gusto po kayong gawin sa araw na ito, Ma'am?"

"Nothing. I just want to stay here all day and pack the things. I also want to eat breakfast here. Paki-arrange na lang."

"Sige po, Ma'am."

Bumangon ng tuluyan si Annavie. Wala sigurong nagawa kundi ang bumangon na lang at ayusin ang kaniyang higaan, imbes na bumalik sa pagtulog.

Tumingin ako sa labas ng bintana at tinanaw ang city view ng Praque. I really like Europe. There's something about it that I want to see once a year. Sabagay, matagal nga rin pala akong nanirahan dito, especially in London.

Ilang minuto ang lumipas na nakatanaw lang ako sa labas ay biglang nabulabog ang tahimik kong mundo. Napalingon ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok doon. Agad na lumapit doon si Annavie to see through the eyehole kung sino ang nasa labas.

Bumalik ang tingin niya sa akin matapos ang ilang segundo. "Si Mr. Ardian po, Ma'am."

Huh?

Kahit nagtataka, tumayo ako sa kinauupuan ko't kinuha ang robe from my bed and wear it.

"Open up," utos ko sa kaniya habang tinatali ang bathrobe.

Binuksan niya ang pinto at naglakad naman ako papunta roon. Bumungad nga sa akin si Ardian. Nakapamulsa, nakangiti, at bihis na bihis.

"Good morning," nakangiting bati ko sa kaniya.

"Hmm, good morning. Just woke up?" sabi niya nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mukhang napansin na nakapangtulog pa ako tapos siya bihis na bihis na.

"Um, kani-kanina lang."

"Do you have plans for today?"

Mas lumapit ako sa pinto para pormal na maharap si Ardian. Si Annavie naman ay umalis na sa kaninang puwesto niya't bumalik sa loob.

"Nothing in particular. I'm just gonna stay here and pack some things for tomorrow's departure."

"That's boring. You want to come with me? I'm gonna tour the area alone. I'm needing a company and I'm knocking here in your door step, trying my luck if you'll gonna come."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. At walang pagdadalawang-isip na sumagot. "Yeah, sure."

~