webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Audition

I find my self a seat inside this auditorium where my friends, Nesto and Mikan, practiced for their theatre play. Natanggap sila sa pinag-audition-an nila months ago.

Mabuti na lang talaga at hanggang dito dala ni Mikan ang influential card niya, napapasok niya ako sa practice at hinayaang makapanood. Linggo kasi ngayon, siguro natunugan ni Mikan na bored ako sa dorm kaya sinundo niya ako kanina para dalhin dito. Mas mabuti na 'yong ganito kesa isipin ang grades kong pabagsak na sa kumunoy.

I am still updating with my parents from time to time pero hindi sila mismo ang kumu-contact sa akin. We had communications through Dahlia, my sister. Minsan lang din 'yon kasi hindi masiyadong mahilig sa social media si Dahlia, nahawa yata sa mga friends niya. Si Hannah naman, hindi rin ako minsan pinapansin, siguro busy din sa buhay kaya hinayaan ko na lang na maging ganito ang situwasiyon ng pamilya namin. Mas mabuti nga siguro 'yon para hindi nila ako madalas matanong tungkol sa grades ko. Paniguradong wala talaga akong masasabi.

The theatre group I'm watching now is practicing since few months ago. Ang sabi ni Mikan, mga around July daw ipapalabas ang presentation na ito. Kaya puspusan ang kanilang practice that even on weekends ay double time ang kanilang practice. They were also making some choreography, props, and other needed during the presentation. Musical ang magiging theme nila at gagamitin nila ang mga sikat na songs ng bandang Eraserheads. Sobrang nainggit ako nang malaman kung sa bandang iyon ang mga kantang gagamitin nila for the musical.

Fan na fan talaga ako ng Eraserheads, e, and knowing that their iconic songs will be featured in this musical gives me chill. Tapos ang sabi, manonood pa raw si Ely para personal daw na makita ang musical. Sobrang nakakainggit. If I could just barge in and made myself the bida of this musical, I'd be willing to do that. Kaso, I'm from Manila and they're from Diliman.

The year changed and my first year as a college is nearing to its end na. Panigurado, retake ako sa iilang subjects ko. Dagdag pasanin na naman sa nalalapit na summer class.

I keep my self busy while looking at the stage. Medyo magulo pa sila at paminsan-minsan ding napapahinto dahil sa iilang errors ng casts ng musical at minsan naman 'yong sa music.

Hindi naman actually nag-a-act sina Mikan and his band, they're like the band assisting the musical scoring. Paniguradong live talaga ang mga kantahang magaganap.

Bakit ba kasi ako nandito, lalo lang akong maiinggit, e.

Pero kahit na may part sa akin na naiinggit sa kung anong ginagawa ng mga friends ko, lalo na ng bestfriend ko, a big part of me is so happy of what they're doing. I should be happy for them, though. At least, they're doing the things they really like to.

Pero wala, e, mahina tayo, e, kaya ang pagtingin na lang talaga sa malayo ang kayang gawin ko sa pangarap na gustong-gusto ko.

"Are you alone?"

Gulat akong napatingin sa left side ko nang may narinig akong nagsalita. He's in a low voice pero malapit lang ang distansiya naming dalawa kaya nangibabaw pa rin ang buo niyang boses. Tumingin ako sa kaniya at kahit madilim, inaninag ko ang kaniyang mukha, only to see a familiar face.

"Siggy?"

It has been weeks since the last time I saw him pero nakilala ko pa rin siya. Paanong hindi ko siya makakalimutan, e, tumatak na yata ang mukha niya sa utak ko. Weird, right?

"Mabuti naman at kilala mo pa ako," he said in a more humor way but with a humorless face.

"Of course! How could I forget you?" I smiled. Kahit hindi niya makita dahil sa dilim ng auditorium, I still flashed my sweetest smile.

"You have a good memory, Sandi."

"Oh, kita mo, kilala mo rin ako!"

Umiwas siya ng tingin pero hindi nakawala sa paningin ko ang ngiting ginawa niya. I looked away, too, and bit my lower lip to suppress my smile. Talaga bang ngumiti siya?

"Anyways, what are you doing here pala? Dito ka ba nag-aaral?" Pag-iiba ko sa usapan, napatingin na ulit sa kaniya.

"Uh… no. Sinama lang ako ng friend ko."

"Kasali sa theatre?"

"Consultant ng play."

Wow. Friend? Isang consultant ng musical na 'to, friend niya? Wow.

"Ikaw? What are you doing here?"

"Ah, sinamahan ko rin 'yong bestfriend ko."

"Who?"

"Ayon siya oh. Kita mo 'yang seryosong bugnuting 'yan na lead guitarist ng banda? That's him. That's my bestfriend. That's Mikan. The Mikan Osmeña." Proud ko pang itinuro ang bestfriend ko. "Sino nga pala 'yong friend mong consultant na nandito?"

Lumingon ako sa kaniya at ganoon na lang ang naging gulat ko nang nakatingin na siya sa akin.

Tumagal ang titig ko sa kaniya. Hindi ko alam pero grabe naman, napapatulala talaga ako sa mga mata niya.

My eyes went down to his lips.

Holy mother of monkey!

I looked away when a memory came back to me. Eighteen years old lang ako no'ng mangyari 'yon pero sa tuwing may nakikita akong labing malambot tingnan, nanunumbalik sa akin ang katangahang nagawa ko noong eighteenth birthday ko.

Pathetic, Sandreanna.

I bit my lower lip and composed my self for a quick second at saka ko ibinalik ang tingin sa kaniya. Tipid akong ngumiti, medyo nahiya sa pagtitig na ginawa ko kanina.

"He's actually my Uncle. Uncle Fidel, he's a professor here in UP."

"Ah."

Tipid akong ngumiti sa sinabi niya. Medyo nagpapasalamat na rin na hindi niya ginawang big deal ang pagtitig na ginawa ko sa kaniya. Masiyadong nakakahiya kapag iyon binanggit niya pa.

Natahimik ulit kaming dalawa ng mga ilang minuto. Nanatiling sa stage ang tingin ko. Nakikiramdam sa katabi ko. Palihim na inaamoy ang pamilyar niyang bango.

Holy mother of monkey! Hindi talaga nakakaumay! Ano bang pabango niya? Puwede ko kayang tanungin? Parang gusto kong gamitin para araw-araw kong masinghot ang ganiyang klaseng bango. I can seriously last a day just by smelling that fragrant!

"Yari na."

May dumating na isang lalaki at umupo sa tabi ni Siggy. Napatingin na rin ako sa lalaking iyon. He looks natatae or worried, or in between, ganoon.

"Why? What happened?" Tanong naman ni Siggy.

"Nagkagulo sa back stage kanina. Stress na stress na nga Uncle Fidel mo, e."

"Bakit? Ano bang nangyari?"

Nagkagulo sa back stage? Kaya pala biglang kumaonti ang tao sa stage kanina. Ang naiwan lang yata ay 'yong banda nina Mikan at ang iilang staff na nakaupo lang sa harap at nakatingin sa stage.

"'Yong bidang babae ng musical, biglang nabuntis."

Ha?

"O, e, ano naman ngayon kung nabuntis? Is that something to be worried about?"

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. Hindi yata napansin no'ng lalaking bagong dating ang presensiya ko kasi tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang kuwento.

"Gago. Edi cancelled ang musical. Unless kung makahanap sila ng bagong pamalit. Malaki na raw kasi 'yong tiyan ni Myx. Alam mo namang delikado 'yon at hindi talaga puwede."

Buntis si Myx? Okay, hindi ko talaga personally kilala si Myx pero nakilala ko siya dahil sa paminsan-minsan kong panonood ng practice ng musical, tapos kinu-kuwento pa nina Nesto. At saka, sumikat din 'yan dahil magaling naman talaga sa larangan ng teatro.

"Edi maghanap. Marami naman sigurong pamalit. Bakit pati ikaw na-s-stress na rin? Uncle Fidel can handle that."

"Ay, sabagay, tama ka nga. Takte, nakakadala kasi ang pagpa-panic ni Sir Fidel, e."

"Maybe Uncle Fidel's panicking because they lack of time. The play is fast approaching na rin."

"'Ta mo, justifiable talaga ang pagpa-panic ni Sir Fidel, e."

Sayang naman. Sobrang sayang naman ni Myx. Nasa kaniya na 'yong pangarap kong role tapos dahil lang sa nabuntis siya, biglang nawala sa kaniya with just a snap. Kung ako siguro nasa posisyon niya paniguradong ma-f-frustrate ako. Pero first of all, bakit nga ba siya nagpabuntis kung alam niyang bawal at may mahalaga siyang role na ginagampanan sa musical? Maybe there's a reason behind it.

"Sandi?"

Naputol ang malalim kong pag-iisip sa situwasiyon ni Myx ngayon nang may tumawag sa pangalan ko. Akala ko no'ng una si Mikan, Nesto, or Siggy since sila lang naman ang nakakakilala sa akin dito. Pero ibang boses kasi at patanong pa ang kaniyang tono.

I heard the voice came from my side, near Siggy's place. And that's when I realized the one that called me is the guy na siyang kausap ni Siggy.

I don't know him. He's not even familiar to me. Feeling close, eh?

"Ikaw si Sandi Hinolan, 'di ba?"

What?

I blinked more than twice when he asked me about my name again. This time, his facial expression said so that he's quite sure about knowing me.

Naituro ko pa ang sarili ko, trying to compose my shocking self. What is going on?

"A-Ako?"

"Tama, ikaw si Sandi Hinolan. Anak ka ni Dr. Bernardo Hinolan, 'di ba? Kapatid mo naman si Dahlia."

Really? This is going creepy. What is going on? Seryoso talaga.

Gulat man sa sinabi niya, nagawa kong pasadahan ng tingin ang lalaking nasa gitna namin. He was covering his face. I don't know what's going on but really, bakit ako kilala ng lalaking ito? Na obviously kilala ni Siggy? Noong isang buwan pa akong nagtataka kung bakit kilala ni Siggy si Ate Ada. I want to ask him pero nahihiya ako. Maybe I'll ask Mikan later. But first, this guy muna.

"B-Bakit mo ako kilala at ba-bakit mo kilala ang kapatid ko?"

Imposible naman ito. Oo maliit ang mundo pero masiyadong malawak ang Manila para makakita ng kakilala from the province. And for the record, this guy is really not familiar. Hindi ko pa siya nakita noong nasa city pa lang ako. I don't know him talaga.

"Ah, friend namin ni Siggy si Dahlia. Hindi mo ba ako kilala?"

I glanced at Siggy when this guy mentioned na kaibigan nila si Dahlia. NILA. So it means, silang dalawa. That means, pati si Siggy.

"Are you sure it's Dahlia Hinolan?" Paninigurado ko.

"Oo, si Daling. Dahlia Barbara Hinolan."

Daling… that is indeed Dahlia's nickname. 'Yan 'yong tawag namin sa kaniya at ng mga taong malalapit sa kaniya.

Teka, paanong naging kaibigan ni Dahlia ang mga lalaking ito? They're too far from her. Yeah, sure, Dahlia's friendly pero aabot talaga rito sa Manila? That's impossible.

I looked at Siggy, asking for some back up to this guy's statement pero seryoso lang siyang nakatingin sa kaniya at parang nag-uusap through glares.

Okay, what is going on?

"Uh… I think I said too much. I'm Jaka Escala nga pala." Inabot niya pa ang kaniyang kamay.

I don't want to be rude kaya panandalian kong inabot ang kaniyang kamay for a quick shakehands.

"Dito ka pala nag-aaral?"

This is kind of a little weird. Imbes na sagutin ang tinanong nitong si Jaka Escala, nalipat ang tingin ko sa katabi kong si Siggy na medyo nakayuko at hinihilot ang sentido niya.

"Kilala mo 'yong kapatid ko?" Tanong ko sa kaniya.

He slowly put her hand down and gave his attention to me. Gusto ko lang talagang malaman kung magkakilala ba kaming dalawa. At kung bakit sinabi nitong Jaka Escala'ng ito na kaibigan nilang dalawa ang kapatid ko.

"S-Sibat mo na ako. Puntahan ko lang si Sir Fidel."

Pinasadahan ko ng panandaliang tingin si Jaka Escala nang bigla siyang magpaalam. Bumalik din naman agad ang tingin ko kay Siggy na mukhang hindi man lang pinansin ang pag-alis ng kaniyang kaibigan.

Seryoso akong nakatingin sa kaniya, hindi mababakasan ng kahit anong kasiyahan sa mukha. I should be happy right now kasi may common friend pala kami pero this is weird talaga, e. Something in my gut feeling is telling me that there's something wrong and I don't know what!

"Bakit mo kilala ang kapatid ko?" Pag-uulit ko sa naging tanong ko. Putakte, gusto kong malaman!

"Hindi mo ba ako kilala?"

Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa pagbabalik niya ng tanong sa akin. Medyo nakakainis na, ha.

"You're Siggy. Aside from that, hindi ko na alam. If I know you, I should've said it the first time I saw you. It's so overwhelming kayang makakita ng kakilala from hometown dito sa malaking city na ito."

"You seriously didn't remember me?"

My face turned into a frown. Engot din pala ang isang 'to, e.

"H-Hindi nga-"

"Hi, ulit, Sandi. 'Di ba magaling kang kumanta? Naalala ko, sinabi ni Dahlia na magaling daw kumanta ang Ate niya. 'Di ba ikaw 'yon?"

Naputol ang usapan namin ni Siggy nang bumalik ulit si Jaka Escala. Medyo humahangos pa siya pero na-compose naman niya ang sarili niya.

Naibaling ko tuloy ang kaonting inis ko sa kaniya. Ang Dahldahl talaga ni Daling.

"Why?"

"Dito ka rin nag-aaral, 'di ba? Mag-audition ka kaya sa iniwang spot ni Myx? Open na ang spot sabi ni Sir Fidel. Hindi ka na puwedeng humindi, sinabi ko na sa kaniya kaya hinahanap ka na niya ngayon."

"Jak, ba't mo naman dinawit si Sandi dito?"

Mas lalong gumulo ang utak ko nang pumasok sa eksena si Mikan. Nagulat ako na pinansin ni Mikan si Jaka Escala. Hindi ko na tuloy alam kung saan ako titingin. Sobrang gulo at nakakagulat naman ito!

"She's from UP Manila, not from Diliman," dagdag na sabi ni Mikan.

"Jaka, where is the girl you're talking about? Nasaan na 'yong girl na sinasabi mong papalit kay Myx Mondejar?"

Hindi pa man nakaka-recover sa mga pangyayaring nangyayari sa paligid ko, mas lalo itong nadagdagan nang lumapit na sa tumpukan namin ang Professor na siyang nangangasiwa sa musical na ito.

Okay, what is going on?

"Sorry, Sir Fids. Hindi pala siya tiga-Diliman."

"What's your name, hija?"

Diretsong tumingin sa akin 'yong professor na mukhang tinatawag nilang Sir Fidel. Hindi niya pinansin ang huling sinabi ni Jaka. I bet he didn't even hear it. He just directly focused his attention to me.

I blinked my eyes, sobrang nagulat sa mga pangyayaring nangyayari ngayon sa paligid ko. I don't have a fucking idea what is going on.

"S-Sandi Hinolan po." Kahit confused sa mga nangyayari, I was able to answer that prof's question.

"Okay, Sandi Hinolan, can you sing and act for us?"

Napatitig ako sa prof dahil sa naging tanong niya. Gusto ko mang tingnan si Mikan at ang iba pang nandito sa circle namin pero I was busy looking for a 'just kidding' sign galing sa prof pero wala talaga, masiyado siyang seryoso to throw a fit about joking around. And I bet he's too old for that.

"Try it."

Saka lang ako nakaiwas ng tingin sa prof nang magsalita ang lalaking nasa tabi ko. Naibaling ko sa kaniya ang tingin ko at saktong nakatingin na rin siya sa akin with a ghost of a little smile on his face.

"Just try it," he said again.

And I did.

Gusto kong umayaw kasi hindi dapat puwede itong ginagawa ko pero nananaig talaga sa sarili ko ang kagustuhan sa gagawin. Ayokong palampasin ito. Gusto kong subukan. Paniguradong walang mawawala.

I went in front and I can feel that all eyes were on me. I just boost my own self-confidence with the help of Mikan's encouraging smile, Nesto's shocked face, Jaka's hopeful smile, Sir Fidel's waiting smile, and Siggy's ghost smile.

Sobrang nakakahiya nitong gagawin ko pero oportunidad na mismo ang lumapit sa akin para sa maliit kong pangarap, palalampasin ko pa ba? I can't lose this one. I can't lose this little hope I'm slowly building inside me.

Before akong sumampa sa stage, may ibinigay sa akin na isang piece si Sir Fidel for my audition piece. It's a scene excerpt from the original srcipt. Isang page lang naman siya and it consist of a small line and a the song that the bida will sing. I'm allowed to read the script daw basta I am able to provide the right emotion for the scene and for the song.

My heart's in a race right now. Parang binabayo ng hangin sa sobrang lakas ng tibok. Nahihirapan akong habulin at para akong mauubusan ng hangin. Sana lang talaga kapag nagsimula na ako, hindi ako maubusan ng hangin.

Sobrang fan na fan ako ng mga musical. Like Les Misérables, Phantom of the Opera, Hamilton, lalong-lalo na ang musical na dating sinalihan ng our very own Ms. Lea Salonga na Miss Saigon. Imbes na mga normal rated movies, I watched musicals during my past times kaya mas lalo akong na-hook sa ganoon. Natutuwa ang buong pagkatao ko kapag nakakapanood ng musical, what more pa kaya kung ako mismo ang masasali sa ganoon? Sobrang nakaka-flattered na.

I cleared my throat and glanced at the direction of the band. With the right cue, I started the piece that is assigned to me.

I do hope I did well.

~