webnovel

Haplos ng Hangin (Tagalog)

Sandi Hinolan is loved and adored by all. Will the man of her life be able to love and adore her?

_doravella · 都市
レビュー数が足りません
47 Chs

The Apartment

Pagkarating ko sa arrival area, agad akong naghanap ng ATM machine to withdraw some cash from Siggy's card. Sinabi na rin naman niya sa akin ang pin.

Gustong-gusto kong tumanggi, gusto ko sana ay 'yong cash lang pero he insisted talaga na ipahiram sa akin ang buong master card niya. Tinanggap ko na, paniguradong makakatulong din naman sa akin 'to.

Holy mother of monkey! My jaw dropped when I saw the remaining balance of his card. Like, is it really fucking real? For real? The remaining balance almost reached half a million! Half a fucking million! Dalawang libo na lang yata at exactly five hundred thousand na ang laman ng card na ito. Fuck? Is this allowed? Is this for real? For fucking real?!

Yes, I belong to a rich family pero hindi magagawang ipagkatiwala ng parents namin na bigyan kami ng card na may lamang hihigit sa hundred thousand. Ang pinakamalaking amount lang yata na napunta sa saving's card ko ay twenty thousand. Tapos siya, halos mangalahati sa isang milyon?!

I bit my lower lip and stared at the exact amount that flashed right before my eyes. Para akong naliliyo sa laki ng numero. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nagawang i-entrust ni Siggy sa akin ang ganitong klaseng card na may ganito ka-laking amount. Parang gusto ko tuloy bumalik sa Negros para lang ibalik ito sa kaniya.

"Miss, can you go a little faster? I'm in a hurry kasi. Kanina ka pa kasi r'yan, parang wala ka namang ginagawa."

Napalunok ako nang bigla akong kausapin ng babaeng nasa kasunod kong linya. I didn't even notice na may nakasunod na pala sa akin dahil sa gulat na nararamdaman ko pa rin ngayon.

Oh, Siggy, what have you done?!

"U-Uh, sorry."

Binilisan ko ang pagwi-withdraw. Five thousand ang napindot kong numero. Dapat sana isang libo lang 'yon pero dahil sa pressure, five ang napindot ko.

Parang ang laki na talaga ng utang ko sa kaniya. From plane ticket, accomodation and the few clothes he lend, and the phone he gave me, to this. Parang mabubutas talaga ang bulsa ko bago ako makakabayad sa kaniya now that I don't depend with my parents financially. Hindi ko pa naman alam kung magkano na lang 'yong laman no'ng debit card ko sa apartment. Kailangan ko na yatang maghanap ng work as early as now and dedicate myself on paying my debts with him.

Sinawalang-bahala ko muna ang babayaran kong utang kay Siggy at kinuha ang phone na ibinigay o pinahiram niya sa akin? Ewan, basta 'yon na 'yon. Hinanap ko ang number ni Mikan at agad tinawagan ito.

I was in queueing with the taxi lane. Naghihintay din kung kailan sasagutin ni Mikan ang tawag ko. Naka-ilang ring pa bago niya tuluyang sinagot ang tawag.

"Napatawag ka na naman? May maganda ka bang sasabihin tungkol kay Sandi?"

My brows furrowed when I heard Mikan said that the moment he answered the call.

"Si Sandi ulit 'to, Mikan. I borrowed Siggy's phone to contact you. I'm here at the airport, kararating ko lang. Meet me in my apartment after an hour."

"Bakit hindi mo sinabing ngayon ang dating mo? Sana nasundo kita!"

"Alam kong may pasok ka sa araw na ito kaya hindi na kita naabisohan sa pag-alis ko ng Negros. Sige, Mikan, sa apartment na lang tayo magkita."

"Wha-"

Agad kong tinapos ang tawag nang saktong ako ang sasakay sa taxi. Dumiretsong pasok lang ako since wala naman akong mabibigat na gamit na dala. Sinabihan ko si manong driver kung saan ako magpapahatid and just comfortably lay down while watching the outside scenery of this lonely taxi.

Ano bang mga trabaho ang alam ko? Anong mga trabaho ang kaya kong gawin? Hindi ko alam. Ni paghuhugas nga ng pinggan ay hindi ako marunong, ang maghanap pa kaya ng ibang trabahong mas higit pa roon? Kaya kong mag-alaga ng ibang tao pero hindi ko kayang gawin ang mga gawaing bahay. All my life, I was raised with all the helpers around me who do the job for me. I wasn't able to wash the dishes of my own, tidy up my own room, wash my own clothes, and even magwalis ng paligid. I've never done that. Siguro noong nag-aaral pa lang ako, may na-experience siguro akong ginawa ko iyon pero nakalimutan ko na kasi most of the time, hindi kami ang naglilinis ng classroom and garden namin. The school hired someone to do that job. At saka isa rin siguro sa facts kaya hindi ako naka-experience na maglinis ng kung anu-ano dahil alam nilang anak ako ng sikat na doctor sa city. They're intimidated to even ask a favor from me.

After a few minutes, almost an hour, ride from the airport to my apartment, ay sa wakas nakarating na rin ako. As usual, just like the usual Monday, everyone around me is busy. Maraming students and normal people na naglalakad sa bawat side ng daan. Malapit din naman kasi itong apartment ko sa Diliman.

Papasok pa lang ako sa premises ng apartment building, agad nang sumalubong sa akin si Tita Vivian, ang tagapangalaga ng buong building.

Based on her reaction, she was shocked nang makita ako. Hindi ko pinuna ang gulat na ipinakita niya. Nakakagulat naman kasi talaga kasi nagpaalam ako sa kaniya kahapon na pansamantala akong uuwi sa province good for one week tapos after twenty-four hours, makikita niya akong nasa harapan niya.

"S-Sandi, na-nakabalik ka na pala. A-Akal-"

"Hindi na po ako natuloy sa Negros, Tita Viv," agad na rason ko kahit na hindi naman 'yon ang totoo.

Nakakasanayan ko na ang pagsisinungaling, ah?

"Sige, Tita Viv, akyat lang ako."

Ngumiti ako sa kaniya at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng aking apartment. Pero hanggang doon, talagang nakasunod lang si Tita Vivian sa akin. I want to ask her pero baka may pupuntahan lang siya sa parehong floor, kung saan ang apartment ko, since nandito rin naman 'yong apartment kung saan siyang naka-stay kasama ang family niya.

"Um, Tita Viv, may kailangan po kayo?" Bago ko binuksan ang pinto, nilingon kong muli si Tita Vivian na nakatayo lang sa tabi ko.

She looks confuse with her eyebrows meeting in the middle. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya kayang sabihin. Ewan ko, para rin siyang constipated. Baka makiki-banyo sa bathroom ko? But she has her own, though.

"Uh, e, ano-"

"Sa loob na lang po tayo mag-usap, Tita Vivian."

I finally opened my apartment's door and smiled courteously to her. Pero parang wala namang nagbago sa expression niya sa mukha kahit na lumawak pa itong ngiti ko sa kaniya. What's her problem, though?

Tuluyan akong nakapasok sa loob and when I saw the inside of my apartment, I was in mere shock.

Holy mother of monkey! What the fuck happened here?!

"T-Tita Vivian! Ano pong nangyari rito? Dinaig pa nadaanan ng bagyo 'to, ah? Nanakawan po ba ako?"

"'Y-Yon na nga, Sandi… Kasi ano, um, ano kasi, ano-"

"Tita, nanakawan po ba ako?!"

Shit! Nang ma-realize ko ang sarili kong sinabi, I run towards my room and immediately find my wallet kung saan ko nilagay ang personal cards na mayroon ako. I opened my small cabinet and devastation happened when I saw it empty, like all of my clothes and few things that I owned weren't there anymore.

I bit my lower lip and composed myself. What just happened? Fuck, what?! Nilagay ko sa noo ko ang dalawang palad ko, feeling the weighted burden I'm currently feeling. Nakakainis, sobra! Hindi ko kailanman na-imagine sa buong buhay ko na mananawakan ako nang ganito. Yeah, I am aware na maraming magnanakaw at akyat-bahay dito pero the building is well-guarded with CCTVs and hindi naman kasi basta-bastang may nakakapasok dito kung hindi ka naman talaga resident. Pero bakit nangyari ito sa akin ngayon?! Isang araw lang akong nawala tapos ganito na?! Anong kalokohan 'to?

Iginala ko ang tingin ko sa buong paligid ng apartment. Katulad no'ng sa labas, magulo rin dito. I even saw my small study table na wala na ang Macbook na iniwan ko lang dito. Pati ba naman 'yon pinatos pa? Pati mga damit ko? Anong klaseng kalokohan 'to?!

Nanlulumo sa sarili, napatingin ako sa pinto kung saan nakatayo si Tita Vivian. Naiiyak akong nakipagsukatan ng tingin sa kaniya.

"T-Tita, ano pong nangyari? Nasaan na po 'yong mga gamit ko?"

Humakbang si Tita Vivian palapit sa akin pero umiwas din ako ng tingin, pinahiran ang bumagsak na luha dahil sa panlulumong nararamdaman. 'Yong inaasahan kong pera, wala na. 'Yong iilang gamit na mayroon ako, wala na.

"S-Sandi, 'yon na nga. Ano kasi, hindi ka nanakawan. M-may pumuntang mga lalaki rito, nagpakilala silang tauhan daw ng Daddy mo. H-Hindi sana ako maniniwala pero m-may ipinakita silang pruweba kaya kalaunan ay naniwala ako. N-Nandito raw sila para kunin ang mga gamit mo sa apartment mo. G-Gusto sana kitang tawagan pero hindi ka na sumasagot kaya pumayag na ako. H-Hindi ko naman alam na ganito pala ang gagawin nila rito sa kuwarto mo."

Dahan-dahan akong napaupo sa kama ko nang marinig ang sinabi ni Tita Vivian. Mas lalong nakakapanlumo. Nakakainis. Nakakagalit.

"Mga damit mo lang naman ang kinuha nila. Pati 'yong mga importante mong gamit. Sinabi rin nila na hindi ka na raw babalik dito kaya pinapakuha nila ang gamit mo. Ang sabi magta-transfer ka na raw."

Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa ibabaw ng magkabilang hita ko. Sinalo ng mga kamay ko ang nanlulumo kong mundo. Galit na galit ako. Nagngangalit ako sa galit. Pero wala akong ibang magawa kundi ang pa-igtingin ang panga ko't pigilan ang sariling sumabog. Sa iyak ko idinaan ang lahat.

"S-Sandi, hindi mo ba alam?"

Naririnig ko ang palahaw na boses ni Tita Vivian pero wala na sa kaniya ang atensiyon ko. Abala ako sa pagpapakalma sa sarili kong demonyo.

"Sorry talaga, sinubukan naman kitang tawagan pero hindi talaga kita ma-contact, e."

"S-Sige, salamat, Tita Vivian," pagtatapos ko sa usapan.

"Sige, maiwan na muna kita rito."

Mas lalong umigting ang panga ko nang tuluyang makaalis si Tita Vivian. Tumayo ako at agad na inihagis sa kung saan ang unang bagay na nahawakan ng kamay ko.

Nakaka-bullshit! Nakakagalit! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nakakaiyak. Nakaka-frustrate. Nakakasakit ng puso.

Hindi nakuntento sa isang bagay lang, kumuha ako ng isa at inihagis ito sa kung saan. Hindi ako bayolenteng tao pero dahil sa galit kong ito hindi ko na alam kung anong mga kaya kong gawin.

Umupo ako sa kinatatayuan ko't sinabunutan ang sarili.

Why do my parents had to do this?! 'Yon na lang ang mayroon ako, bakit mawawala pa?

Habang nasa ganoong posisyon, doon ko nakita ang isang kapirasong papel na nakapatong lang sa ibabaw ng kama ko. Katabi ko lang ito kanina pero dahil sa halu-halong emosyong mayroon ako, hindi ko agad itong napansin.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha pero nagawa ko pa rin itong kunin. I opened that piece of paper and tried to vision it clearly.

'I know you'll be here after you runaway. I don't know when but I know you will. I've got everything you need. We all have what you need in life, Sandreanna. Now choose if you will stay with us or you will continue running away and be miserable for life. Your choice, Sandreanna.

-Mom'

Nilakumos ko ang papel at inihagis sa kung saan. Mas lalo kong diniinan ang pagkakakagat ko sa pang-ibabang labi ko at pinigilan pa rin ang sariling sumigaw ng malakas. Gustong-gusto ko nang sumabog. Hindi ko na alam kung anong gagawin maliban na lang sa pag-iyak.

This is so fucking frustrating!

"S-Sand? What happened to your apartment? Bakit ang gulo rito?"

I heard Mikan's voice pero hindi ko man lang itong napagtoonan ng pansin dahil sa frustration na nararamdaman ko. Nanatili akong nakaupo sa kama ko, tulala, at hindi malaman kung anong gagawin. Daig ko pa sinalanta ng malakas ng bagyo nito sa situwasiyon ko ngayon. Nakakainis! Sobra!

"I-Ikaw ba ang nagsabi kina Mommy at Daddy kung saan ang apartment ko?" Diretsahang tanong ko sa kaniya matapos ang ilang segundong katahimikan. Hindi ko siya matingnan sa mata dahil natatakot akong baka tama itong nasa isipan ko ngayon.

"What?! No! Hindi ko sinabi sa kanila. They asked me pero wala akong sinabi, Sandi. Swear!"

Dahan-dahan kong sinalubong ang mga tingin niya. Nakaupo na siya sa tabi ko at hindi na rin malaman kung anong gagawin sa nadatnan niyang situwasiyon ko ngayon.

"Kung hindi, sino? Sinong puwedeng magsabi sa kanila na rito ako nakatira. Ikaw lang ang kilala nila rito, Mikan. Ikaw lang ang puwede nilang pagtanungan tungkol dito. Mikan, the only money I have is now on their possession. Pati mga damit ko, kinuha nila. Wala nang natira sa akin, Mikan. Daig ko pa ninakawan ngayon!"

"I-I swear, hindi ko talaga sinabi sa kanila kung saan. They did ask me pero hindi ako nagsalita. Pero… pero naalala ko kanina, sinabi sa akin ni Samantha, 'yong kaklase mo, may nagtanong daw sa kaniya kung sa'n ka nakatira."

Now this is the total bullshit!

Umiwas na lang ako ng tingin, napayuko, at mas lalong dinama ang bigat ng damdamin ko ngayon. Nakaka-frustrate talaga, kahit kailan!

"May sasabihin din sana ako sa 'yo, Sand. Tungkol sa pinapagawa mo sa akin."

"What is it?"

Bigla ay para akong nabuhayan ng loob nang marinig ko ang sinabi ni Mikan. Kahit papaano'y nakakita ako ng liwanag sa masalimoot kong mundo ngayon.

This news is the only thin line of hope I need to hold on. Ito na lang ang bubuhay sa akin kung saka-sakali.

But upon seeing Mikan's face, it all drained like a useless water on a drainage system going to the canal. Kasabay din no'n ang pagguho ng mundo ko.

"Ang sabi ni Mr. Garcia, cancelled na muna ang meeting mo sa kanila. They will try to contact you kapag nakahanap ng schedule."

Umiwas ako ng tingin at imbes na umiyak, natawa ako sa lahat ng nangyayari. Hanggang 'yong tawa ay nagtutunog pait na. Hanggang ang tawa ay parang himig ng isang napakapait na pighati ng isang taong nawalan na ng pag-asa sa buhay.

"Sand, sorry-"

"Don't… Don't be sorry. It's not your fault. It is my fault. I fucked up everything, Mik. I am to blame to this. Siguro nga mali talaga na nagsinungaling ako sa parents ko. Siguro nga mali na kinalaban ko sila. I fucked everything and now I'm screwed! Babalik na lang ako sa-"

"Babalik ka sa kanila? Para ano? Para hayaan ang sarili mong maipakasal sa Krane na 'yon? 'Yong sundin mo kung anong gusto nila para sa future mo, katanggap-tanggap pa 'yon. Pero 'yong hahayaan mong sila ang mag-desisyon sa kung sinong pakakasalan mo, hindi katanggap-tanggap 'yon, Sandreanna!"

"Bakit? Ganito rin naman ang pamilya mo 'di ba? Nag-a-arrange marriage naman kayo 'di ba?"

Napatayo si Mikan dahil sa naging tanong ko. Biglang sumeryoso ang paraan ng kaniyang pagtingin sa akin. Never breaking the stare.

"Hindi lahat ng Osmeña, ganoon. Hindi mo kilala ang pamilya ko, Sandi."

"Hindi mo rin kilala ang mga magulang ko, Mikan. Hindi mo alam kung ano pang mga kaya nilang gawin."

"Sige, bumalik ka sa kanila't magpakasal sa gagong iyon. Pero kapag ayaw mo na, kapag nagsisi ka sa naging desisyon mo, don't come running back to me and ask for my help. You choose it, you stand for it."

Bumagsak nang tuloy-tuloy ang luhang pinigilan ko kanina. Bumagsak din ang katawan ko sa kama at tahimik na iniyak ang lahat habang nakatitig sa kisame.

I don't fucking know what to do anymore!

~