(Old memories from the beginning )
makulimlim na langit ang bumalot sa araw na yun.
Araw na napagkasunduan ng dalawang hari ng Stokadian at Fos na walang sinuman sa dalawang kaharian ang maaring magsakop...
Napagkasunduan ito ng dalawang unang hari.
Isang blood treaty ang ginawa ng dalawang kaharian..ng oras na yun..
"Para sa lahat ng taga Fosian at stokadians"
!!Mabuhay ang Fosian"mabuhay ang stokadians!!
Masayang namumuhay ang dalawang kaharian
hanggang dumating ang oras na ang dalawang hari ay nagpasyang pumili ng bagong hahawak ng kanilang mga trono..
Napili ng hari ng stokadi ang kanyang pinakamatandang anak na ang pangalan ay Remorth..
Si Remorth ay isang magiting na sundalo at namumuno ng hukbo ng mga black hollows.noon pa man ay nakitaan na siya ng mahusay na paghawak mga tao..ngunit meron itong tinatagong ugali...tinataglay nito ang pagkasakim sa kapangyarihan..
"Papuntahin dito si remorth kailangan ko siyang makausap "
Opo mahal na hari "
Prinsipe remorth pinapapunta po kayo ng mahal na hari sa kanyang bulwagan..
Pumunta si remorth kasabay ng mga kawal ng hari at ito ay nagbigay galang sa hari ng skotadi na siyang ama niya..
Bakit po aking ama?
"Humanda ka na bukas para sa pagpasa ko ng trono sayu..kailangan ko na din mamahinga bilang hari"
Masayang balita po aking ama at ikinagagalak ko po yun aking ama...
Noon pa man ay gusto nyang maging hari para kanyang ambisyon na masakop ang fos pero ito ay pinipigilan lagi ng kanyang ama..
Nang kanyang makuha ang trono ng stokadi ay doon na nagsimula ang kanyang maiitim na balak sa Fos at Stokadi..
Tinipon nya ang mga kriminal na assasin ng stokadi na nakakulong.
Kinausap niya ito tungkol sa planong pagpatay sa bagong hari ng Fos kapalit ang kalayaan..
Ang lahat ng nangyayari ay ayon sa kanyang plano
Pagkatapos mapatay ang bagong hari ng Fos ay dali daling nagpadala ito ng espeya sa loob ng palasyo ng Fos para patayin ang anak ng hari ng Fos..
Nabalitaan ito ng mga taga Fos.
Mahal na reyna napatay po ang mahal na hari ng mga assasin ng stokadi!!!
Umiyak ang mahal na reyna!! sa di matanggap na balita ay nagkulong ito sa kanyang kwarto..
Nagalit ng husto ang ama ang bagong hari at nadeklara ng digmaan sa mga stokadi ...
kinaumagahan....
nang nabalitaan ng dating hari ng stokadi ang nangyari sa bagong hari ng fos ay alam nya na kung sino ang may gawa nito.
"Tawagin nyo si remorth ngayon din".
Opo mahal na hari.
"Mahal na haring remoth pinapatawag ka ng iyong ama."
"Ah ganun ba HAHAHA "Ako na ang bagong hari haha..
Sige at susunod ako..
Pumasok si remorth sa kwarto ng kanyang ama at dali daling binasag ang salamin ng bintana at sinaksak ang kanyang kanang kamay ng panang dala niya diretso sa puso ng Mahal na hari..
Urgggghhhhhh!! anak bat mo to ginagawa?.mahinang boses na lumabas sa bibig ng hari...
Mga kawal may nagtakang pumatay kay ama!!!!
Nagsipasok ang mga kawal at itoy na alarma..
Sinusugod tayo ng Fos!!!!Lahat ng kawal hanapin nyo ang pumatay kay ama!!!!!!
mahal na haring remorth may dumating na balita galing Fos nagdeklara sila ng digmaan laban po sa atin..
Hahaha yun nga ang gusto ko ang sakupin natin ang Fos..
Ihanda ang mga black hollows unit ..sa pagsasanay
susugod tayo!!!
Kailan po mahal na hari?
Hintayin mo ang hudyat ko kailangan natin mapatay ang anak ng hari ng Fos!!
mahal na hari remorth nagpadala po ng impormasyon ang espeya natin sa Fos..
pinadala ng reyna ang kanilang anak sa mundo ng mga tao!!kasama ang dating hari ng fos.
may dalawang legendary royal emblem knights ang bumabantay daw sa batang prinsipe..
meron daw magic spell ang mga ito na mahirap natin mahanap mahal na hari!!
Pasundan nyo!! magpadala kayo ng anim na black hollow tracker hindi sila uuwi hanggang hindi nila napapatay ang prinsipe!!!
opo mahal na hari...
HAHAHA Mapapasaakin ka rin mahal na reyna!!!
Sasakupin natin angFos!!!!
Mabuhay ang mahal na hari !!!!
mabuhay !!
long live the king!!!!
***********PRESENT TIME********
Pagkatapos gamutin ni karen ang mga sugatang sundalo ay nakita niya si nyx ....
Nyx kumusta?
"Oh karen okay naman kumusta din?
Okay naman ..kasama mo ba si diana?
Hindi eh iniwan ko kasama ang prinsipe..
anong balita kay nico nyx?
nasa kanya ba ang medallion?
ano sa tingin mo?
Yun nga ang iniisip ko ..
mahihirapan tayo nito ang lalakas na ng mga black hollows..
kailangan na natin magmadali eh..
Babalik ka ba sa mundo ng mga tao karen?
Di ko pa alam nyx!!
Kung babalik kayo pasabi kay diana na hindi muna ako makakabalik gawa na din na binabantayan namin ang east of divine..
ah okay nyx makakaasa ka.. alam na man yun ni diana kasi may katungkulan tayo..
oh kumusta karen si isaac?
okay naman nyx..
oi nyx !!!tawag ni isaac
oh isaac!! long time no see..
Haha hindi na gaya ng dati ang kapayapaan dito sa mundo ng halfworld ..gaya ng dati ng mga kabataan natin..
Kaya nga sana bumalik na sa lahat..
Hindi na natin mababalik sa lahat ito..
Tayo ang pinagbibintangan na pumatay sa dating hari ng stokadians ..
kailangan natin ipaghiganti ang pagkamatay ng mahal na hari..
Pero meron pa tayong hinaharap na suliranin
ang misteryosong sakit na dumadapo sa kasundalohan natin ...
hindi pa matukoy ng higher warlock kung ano ito.. ang una palang na impormasyon ay isa ito mahika na ang may kaya lang na magpalaganap nito ay ang may mataas na uri ng kapangyarihan..
"Dumadami na din ang may sakit nito ..ang problema nito ay contagious disease ito ang ang tinatamaan lang ang mga sundalong nakikipag laban."
marahil isa ito sa sandata ng mga black hollows para humina ang depensa natin at sakupin ang fos ng tuluyan....Kailangan natin itong masulusyunan ng maaga bago mahuli ang lahat...
Karen at isaac ng North of divine pinapabalik na kayo ng mahal na reyna sa palasyo ani ng isang royal emblem knights...
Muling bumalik sina karen at isaac sa palasyo ng mahal na reyna ..
Karen isaac"
Bumalik kayo sa mundo ng mga tao ngayon din..
Opo mahal na reyna..
**************************