webnovel

Hindi Inaasahang Pangyayari (2)

編集者: LiberReverieGroup

Magkakaiba ang bawat sagisag ng magkakaibang pakultad. Ang pakultad ng Beast Spirit ay gumagamit ng berdeng esmeralda, habang itim na esmeralda naman ang sa pakultad ng Weapon Spirit at puti sa pakultad ng mga Spirit Healer.

Ang piraso ng esmeraldang nasa kamay ni Jun Wu Xie ay kulay berde at ito ay nagsasabing siya ay parte ng pakultad ng Beast Spirit.

Ang mga bagong disipulo ng pakultad ng Beast Spirit ay umalis na para pumunta sa gusali ng kanilang pakultad noong umaga at si Jun Wu Xie, isang biglaang minadaling tinanggap na disipulo, ay hindi naman nagmamadali sa kanyang pagpunta.

Ang kanyang ring spirit ay nakabase sa halaman at ang pagaaral tungkol sa mga beast o weapon spirits ay hindi importante para sa kanya. Ang nais lang niyang malaman ay ang kung paano niya magagamit ang spiritual powers sa loob niya.

Iyon ang nagtulak sa kanya para hindi pumunta agad sa pakultad ng Beast Spirit, na sanhi ng hindi niya pagkakita sa pagkasira ng kanyang reputasyon gawa ng balita na kumakalat sa buong akademya.

Kalagitnaan pa ng hapon, nang papunta na ang mga disipulo sa tanghalian, nang dumating si Jun Wu Xie sa bulwagan ng kainan. Ang kanyang pagdating ay nakaakit ng ilang tingin, mga tingin na may awa, paghamak, at sama. Binuhat ni Jun Wu Xie ang maliit na itim na pusa nang hindi napapansin ang mga pagtitig. Kinuha niya ang kanyang pagkain at umupo sa isang kanto, yumuko para kumain. Hindi nakikinig, tumitingin, sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

"Siya si Jun Xie?! Yung nasipa sa una niyang araw?" Ang ilang kabataan na hindi pa nakikita si Jun Xue ay nagkakagulo para makita ang maliit niyang anyo. Hindi sila interesadong makakita ng henyo, marami man ang narinig nila tungkol sa kanya, ngunit ngayo'y interesadong atakihin ang isang hayop na nahulog sa tubig, at nagtataka kung ano nga ba ang itsura niya.

"Siya nga. Unang araw palang niya pero pinaalis na siya. Kalokohan." Sinabi ng isa pang kabataan.

"Pero, hindi ba't pag pinaalis ka sa pakultad ng mga Spirit Healer, kailangan mo ring umalis sa akademya? Bakit nandito pa siya?"

"Walang may alam."

Ang buong bulwagan ay napupuno ng mga debate at mga hula kung bakit nahulog ang bata mula sa kanyang pagpapala sa loob ng isang araw.

Sa pangalawang palapag ng bulwagan, nakatingin si Senyor Ning kay Jun Wu Xie na nakaupo sa kanto, tahimik na kumakain, at ang kanyang kilay nakataas na tila nagtatanong.

"Yan ang batang minamataan ni Fan Jin?" Nanliit ang mga mata ni Senyor Ning at sinulyapan si Yin Yan sa tabi.

Tumakbo agad si Yin Yan nang malamang pinaalis si Jun Xie sa pakultad ng mga Spirit Healer at sinabi ang balitang ito kay Senyor Ning. Sa pagkakataong iyon, dalawa silang nakatingin mula sa itaas.

"Oo."

"Pinaalis talaga siya?" Maingat na tinanong ni Senyor Ning. "Unang araw palang pero pinaalis na siya? Hindi pa nangyayari iyon dati at mabait naman si Gu Li Sheng. Hindi naman siya mukhang gagawa ng malalang kaso."

Agad na sinabi ni Yin Yan: "Totoo nga ang nangyari. Pag-alis ni Jun Xie, linapitan ko ang panginoon para tanungin kung bakit umalis ang kapwa disipulo. Siya na rin ang nagsabi na hindi nabibilang si Jun Xie sa pakultad ng mga Spirit Healer at wala siyang rason para manatili doon."

Nang maalala ang mukha ni Gu Li Sheng habang sinasabi iyon, natuwa si Yin Yan.

"Oh? Ganun ba? Narinig ko na nakilala na ni Gu Li Sheng ang bata habang sila'y noong kinukuha palang niya ang pagsusulit at interesado na si Gu Li Sheng sa kanya noon. Tinanong pa niya ang bata sa harap ng lahat kung interesado ba siyang sumali sa pakultad ng mga Spirit Healer. Ilang araw palang ang nakakalipas pero nagbago na ang isip niya?" Nanliliit parin ang mga mata ni Senyor Ning gawa ng kanyang pagdududa. Hindi naman mukhang gawain ito ni Gu Li Sheng.

Tumanggi si Yin Yan: "Simpleng salita lang ang mga iyon mula sa mabait na guro, paano ito tatanggapin ng sinuma? Si Jun Xie, na nagisip na pinaboran na siya ng panginoonat matatanggap na sa pakultad, ang gumawa ng gulo."

"Ngunit sinabi ni Gu Li Sheng na isang disipulo lang ang tinanggap niya ngayong taon? At sinabihan ang disipulong iyon? Tinanong ni Senyor Ning.