webnovel

Chapter 5

Dumating na ang iba pa namin mga kamag anak. Kaya medyo naging busy kami. Nilabas na namin ang iba pang mga handa.

Halos maggagabi ng matapos ang handaan kaya naglinis na kami. Napagisipan namin na dito matulog mga pinsan namin.

Naglatag ako sa sahig ng hihigaan nila, kask hindi naman kami lahat kasya sa kama.

"Ate bili muna kami ng pagkain ah" Sabi ni Aj at Janel. Pumasok si Ate Grace sa kwarto para tulungan ako mag ayos ng hinigaan.

Kasya kaming pito dito sa kwarto ko. Medyo magipit nga lang. Bumaba ako para tignan ang ginawa nila. Nagluluto si Angeline at Ate Gladys ng meryendahin namin. Si Kin naman may kinuha sa bahay nila.

Umupo muna ako at nagselpon. Nagtext sa akin si Mama na wala pala sila, pumunta daw sila sa burol ng kamag anak namin. Malayo daw kaya dun muna sila magiistay.

Kinabukasan uuwi din naman sila eh.

"Sundan mo nga sila Aj at Janel wala pa sila" Utos sa akin ni Ate Gladys. Medyo madilim ang daan kaya binuksan ko ang ilaw ng cellphone ko.

Naglakad lakad ako ng may nabunggo akong isang bata. Mukhang isa siyang pulubi hindi siya huminto sa paglakad gusto sana siyang sundan ng bigla akong tinawag nila Aj.

"Kanina pa kayo hinintay nila Ate"

"Marami kasing bumibili eh" Sagot ni Kin sa akin.

"Nawala yung bata" Impossibleng kaagad agad na nawala yun.

"Sinong bata?" Tanong nilang dalawa sa akin.

"May bata kanina dito, biglang nawala" umuwi na kami at di na lang namin inintindi yun.

Naghintay kami sa niluluto nila hanggang sa naghain na kami. Tinigil namin ang selpon para kumain muna kami dahil dipa kami nag hahapunan.

10pm na pero gising pa rin kami. Ganito kami lagi pag may sleepover. May time na napapagalitan kami dahil sa mga kaingayan namin.

Umupo muna kami upang bumaba ang kinain namin ng maisipan namin na maglaro ng Truth or Dare. Dahil wala naman sila Mama at Papa pwede kami mag ingay.

"Okay ikaw na Kuya Janel" Sabi ni Kin ng tumutok kay Janel ang Bote. Nagpatuloy kami sa paglalaro ng mapansin namin na mag aalas dose na.

"What if laruin natin to" Sabi ni Angeline at nilabas niya ang isang pouch. Doon nakalagay ang baraha na binigay ni Lola.

"Diba sabi no Lola wag daw laruin yan" Sabi ko kay Angeline.

"Malay mo di totoo yun" Sabi ni Aj. They keep pursuing me on playing the game until I agreed. Di namin alam kung paano laruin to.

Binuksan namin ang pouch at Nilabas ang baraha. Hanggang sa may Papel na nahulog at dito nakalagay ang mga rules o kung paano laruin ito.

'The rules is whoever has the 'O' card will die. Only one person will live'

"Baka pakana lang nila yan" Sabi ni Ate Grace. Binalasa na namin ang mga card. Sa una wala pang nakakuha ng 'O' card.

Nakakailang rounds na ng laro pero wala pa rin. Hanggang sa may nakakuha ng 'O' card sa amin, at si Kin iyon. Biglang may dumaan na malakas na hangin. Tinuloy namin ang paglalaro.

"Oh Kuya Janel nakuha mo" Sabi ni Aj. Nagpatuloy ang aming laro.

"Hahaha ikaw din" Tumawa si Janel ng nakuha niya ang 'O' card

"Ate Grace alis ka na" Sabi ni Kin.Tatlo na lang kaming natitira. Binalasa ulit namin ang cards. Medyo tumagal ang Round na ito hanggang sa nakuha ni Ate Gladya ang 'O' card.

Kumagat ako ng tinapay na binili nila Janel at Aj kanina sa tindahan. Nagbigay ng Cards sa amin si Ate Gladys pero ni isa wala sa amin ang cards.

"Mukhang matatagalan Tayo dito" Sabi ni Janel. Nagbigay ulit si Ate Gladya ng cards pero wala pa Rin.

Hanggang sa dadalawa na lang ang natitirang cards. Sabay namin itong binuksan ng at Napunta kay Angeline ang Card.

"Congrats Ate Nic, mabubuhay ka" Pabiro na sabi ni Aj. Niligpit namin ang baraha at pinagkainan namin para matulog na.

"Sa tingin niyo mamatay tayo?" Tanong ni Kin nung nakahiga na kami.

"Hindi siguro" Sagot ni Ate Grace.

"Matulog na tayo anong oras na oh" Sabi ni ate Gladys.Natulog na kaming lahat, ng biglang may nalaglag na pusa galing sa aming bubong.

"May nalaglag" Tumingin kami sa labas sa aking bintana upang tignan ang pusa, hila hila ng bata ang nahulog na pusa galing sa bubong namin. Imposibleng mamatay yung pusa.

"Wag na lang natin pansinin" Sabi ni Angeline at pinagpatuloy na lang namin ang pagtulog.

'Bakit niyo nilaro ito'

'Bakit!!!'

'Diba sabi ko wag!'

'Nicoleee!'

'Nicole!"

'Bakit'

'BAKIT!"

Nagising ako sa aking panaginip. Tumingin ako sa akong paligid at tulog pa ang aking mga pinsan. Dumungaw ako sa aking bintana ng makita ang isang—

"AHHHHHH!!!"