P R O L O G U E
"Tigilan na lang natin ang pag papanggap." Sambit ko nang syang ikinatigil nya sa pag hihiwa at nilingon nya ako.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Seryosong wika nito at agad naman akong na takot
"Please, huwag mo namang ipilit pa ito-"
"Pumayag kana rin mismo. Hayaan mo at malapit na rin naman matapos itong pagpapanggap natin."
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang labanan pero palaging may parusang naka handa para sa akin. Na parang siya pa ang magulang ko dahil ikinukulong nya ako dito sa mansyon kasama ang mga maids.
Gustong gusto ko nang sumuko at ayoko na. Napapagod na rin ako. Hindi para sa sarili ko. Kundi para sa kanya. Pinagmumukha niyang ** ang sarili nya sa babaeng ex nya na iniwan siya. Napapagod na akong mag pagamit.
Nagulat ako ng hinila ako pahigit ni Lexord at matalim ako nitong tiningnan. Gusto ko na agad maiyak dahil sa paghigpit ng pagkakahawak nito sa braso ko.
"Stop your emotions. Hindi nakaka tulong yan at huwag na huwag kang iiyak sa harapan ko. Kung ano man ang takbo ng isip mo ay wala akong pakielam." Kinilabutan ako ng may ibinulong sya sa tenga ko." I love her and you're just a *** of my life." Nang itulak ako nito ay para bang natulala na lang ako.
Napaka plastik siya. Sobra! Maski kaibigan ko ay parang naloko na rin niya sa ugali nya. Kahit anong gawin ko ay minsan konting pagkakamali ay nararamdaman kong sasaktan nya ako agad. Kaya naman bumuhos na ang luha kong matagal ko nang pinipigilan. Para na akong mababaliw dahil sa pigil ng emosyon ko at pagpapanggap na ayos pa rin ako sa anim na buwan na pag papanggap namin.
Maybe it's time to fight back so I can escaped and have a freedom on my own.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko at umakyat ng itaas. Mabilis kong sinipa ang pinto ng kwarto nya nang syang ikina gulat nya. Sinugod ko sya mula dito at binigyan siya nang dalawang sampal sa mukha.
"I am a *** of your life right?" Umiiyak kong sambit sa pagmumukha nya. "Kung ganon lang pala ang tingin mo sa akin mula umpisa, edi sana pinalaya mo na lang ako! Hindi ako ang kailangan mo diba?! Pwes! Puntahan mo siya at hayaan mo na akong maka laya sa'yo! Dahil matagal na rin akong nagtitimpi at gustong gusto ko nang umalis sa **** na mansyon na ito!" Sinipa ko pa ang inuupuan nya bago lumabas nang pinto.
You can now proceed at Chapter 1