webnovel

FLOWER OF LOVE

WARNING: This novel contains some matured and erotic scenes not suitable for teen readers. Isang college student na walang muwang sa tooong mundo, kuntento sa kung anong merun siya at hindi naghahanap ng mga bagay na wala siya. Iyon si Flora Amor Salvador bago makita si Dixal Amorillo, ang nagpakilalang engineer at naging boyfriend pagkatapos siyang mahalikan. Subalit biglang gumulo ang tahimik niyang mundo at dahil sa psychological trauma na naranasan ay nagkaron siya ng amnesia. After seven years ay di niya alam kung paano paniniwalaan ang isang Dixal Amorillo na nagpakilalang asawa niya at pilit siyang pinapaikot sa mga palad nito dahilan upang mainis siya sa lalaki. Subalit paano kung totoo ngang ito ang kanyang asawa at ama ng kanyang genius na si Devon? Paano kung ito pala ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaruon ng amnesia, magagawa pa ba niya itong tanggapin, kung kelan malapit na itong ikasal sa pangalawang asawa?

Dearly_Beloved_9088 · 都市
レビュー数が足りません
129 Chs

ACCUSATION

Salubong ang mga kilay ni Dixal habang mariing nakatitig sa memorandum galing HR na nagsasabing inililipat si Flora Amor sa finance department bilang personal assistant ni Veron.

"Dalawa ang pwedeng mangyari ngayon, either apihin do'n si Flora Amor, o makipagrambulan siya kay Veron. For sure hindi papayag si Veron na basta na lang patalo kay Flora Amor, gano'n din ang asawa mo kay Veron. Pero hindi ka pwedeng tumutol d'yan ngayon lalo na't mabigat ang paratang kay Flora Amor," paliwanag ni Lemuel na nakatayo lang sa harap ng work table habang si Dixal ay nakaupo sa gilid ng mesa, ang isang paa ay nakaapak sa tiles na sahig.

Nailamukos niya ang palad sa mukha't ibinagsak sa mesa ang memo habang binabalikan sa alaala ang nangyari kahapon sa emergency meeting.

"Idedemanda ko ang kompanyang to for breach of contract dahil sa paggamit ng sub-standard materials sa pinapagawa kong residential building!" nanggagalaiti sa galit na hiyaw ng isang matanda sa hanay ng mga shareholders sa isang panig ng conference table habang si Dixal ay nasa uluhang panig ng mesa at pinaiikot-ikot sa mga kamay ang hawak na ballpen habang matamang nakikinig sa sinasabi ng matanda ngunit walang makikitang emosyon sa mukha niya.

"With all due respect, sir," agad tumayo ang project manager ng tinutukoy na site na nakaupo sa kabilang hanay ng mesa kung saan din nakaupo ang tahimik lang ding si Lemuel at iba pang officers na may kinalaman sa naturang project at tatlong shareholders sa panig nila kabilang ang ama ni Veron.

"As far as I'm concerned, ipinakita ko na po sa inyo kahapong walang sub-standard materials na sinasabi niyo sa site. In fact lahat ng mga materials doon ay mga Class A. Pa'no niyo po masasabing breach of contract 'yon?" anang project manager.

"Ito ang patunay na nagsisinungaling kayo sa'kin. Mismong tauhan niyo ang nagbigay sa'kin ng mga 'yan!" mariing akusa ng matanda habang hawak sa kamay ang mga larawan ng sub-standard materials at mga taong gumagawa ng pundasyon ng building.

Biglang tila nagkaroon ng bubuyog sa loob ng conference room sa sobrang ingay. Nagtanungan sa isa't isa ang mga naruon kung sino ang nagkalat ng mga larawang 'yon.

Habang si Dixal ay tahimik lang sa kanyang kinauupuan. Nakikini-kinita na niya ang mangyayari.

Nagsalita ang isa sa mga shareholders sa hanay ng matanda.

"Pwede ba naming malaman kung sino ang nagbigay ng impormasyon sa'yo tungkol sa mg sub-standard materials na ginamit sa building mo at ng mga larawang 'yan?" tanong nito.

"Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi niya sinabi 'yon sa'kin nang magkita kami pero hindi niya alam na nakuhanan ko siya ng picture. Ito ang mukha niya," anang matanda, pagkuwa'y kinuha mula sa isang folder ang picture ng sinasabi nitong nagbigay rito ng impormasyon. Pinagpasa-pasahan iyon ng mga naruon.

May hula na si Dixal sa itinuturo ng matanda gayunpama'y nakuyom pa rin niya ang kamao nang matiyak na picture nga 'yon ni Amor nang magpunta ang babae sa site na 'yon.

"This is ridiculous! Hindi magagawa ng babaeng 'to ang ganyang bagay dahil baguhan lang siya sa trabaho at isa pa'y personal assistant siya ng chairman." sabad agad ni Lemuel nang makita ang larawan.

Tumawa si Donald Randall na noo'y tahimik lang din sa kinauupuan kung hindi sumabad si Lemuel.

"'Yon na nga ang mahirap. Pumapayag ang chairman na sa mismong opisina niya manggaling ang anay na sisira sa kompanyang 'to," panunuyang wika nito.

Napatigil siya sa pagpapaikot ng nilalarong ballpen at tiim-bagang na ibinagsak ang nakakuyom na kamao sa ibabaw ng mesa.

Agad umayos ng upo ang mga naroon, kinabahan marahil sa ginawa niya.

"May I voice out my opinion, sir," sabad ni Nicky na manager ng research department.

"Hindi po ako naniniwalang nakausap niyo ang babaeng 'yan. Halata po sa picture na malayuan po ang pagkakakuha sa larawang niya. Ini-edit lang at inizoom. Try to examine the picture, and you'll surely agree with me," ani Nicky.

Nag-ingay na naman ang mga nasa paligid.

Subalit hindi nagpaawat ang may-ari ng building at pinaggiitang 'yong nasa larawan ang nakausap niya.

"For that reason, I am going to sue this company, especially the chairman for breach of contract dahil hindi niya sinunod ang nakalagay sa kontrata!" giit ng matanda.

"Wait Mr. Marcus. Hindi basehan ang larawang 'yan para idemanda mo ang kompanya. Lalo na't magkaiba ang appearance niyan sa ngayon? Kung titignan mo ang itsura ng building sa ngayon at iche-check ang mga materials na gamit sa paggawa ng building, I don't think may maniniwala sa'yong nag-breach ng contract ang kompanya," mahinahong sabad ng isang shareholder sa hanay nina Lemuel, ang ama ni Veron.

Biglang namula ang pisngi ng matanda, tila napahiya sa sinabi ni Edmund Villaberde at sumulyap sa kinauupuan ng ama ni Shelda na halatang tumalim ang titig sa ama ni Veron.

"Baka naman pwede nating pag-usapan ang problemang 'to, Mr. Marcus. Narinig niyo naman ang sinabi ni Mr. Villaberde. Kahit magdemanda kayo, ang kasalukuyang itsura pa rin ng site ang pagbabasehan sa inirereklamo niyo. Mapapahiya ka lang kung idudulog mo sa korte ang kasong 'to." sumabad na rin ito't makahulugang tumitig sa matanda na parang sinasabing "kumalma ka".

Napabuntunghininga ang matanda saka bumaling kay Dixal na hanggang ng mga oras na iyo'y hindi pa rin nagsasalita, itinuloy ang pagpapaikot ng ballpen sa mga daliri niya.

He could sense something unexpected would happen. Hindi niya lang matukoy kung ano 'yon. Pero segurado siyang si Amor ang magiging sentro ng usapan.

"Sige, pumapayag na ako. Pero hindi ako papayag na hindi mapaparusahan ang babaeng nagbigay sa'kin ng mga maling impormasyon. Gusto kong ipatanggal siya sa trabaho!" utos ng matanda.

'That's it!' hiyaw ng isip niya.

Nakaplano talaga ang mangyayari. Pinagplanuhang mabuti ang lahat at humahanga siya sa may pakana ng lahat ng 'yon.

Was it this insane Donald Randall? Ito marahil ang nagsimula.

Or the smart Edmund Villaberde? Sa simula'y ayaw niyang maniwalang naghahabol din ito sa pera ng mga Amorillo. Pero kung susuriing mabuti, ito ang nagbigay ng picture ni Amor sa matanda dahil naniwala ito sa sulsol ni Veron.

"If you'll give me the honor to decide on what to do with that lady, Mr. Marcus, I can assure you na matatanggalan siya ng pangil sa magiging desisyon ko. Pero hindi namin siya pwedeng ipatanggal hanggat 'di napapatunayang isa nga siyang ahas sa kompanya," nakangising baling ni Edmund Villaberde sa matanda.

Napasulyap si Lemuel sa kanya. Dinig na dinig nito ang pagkikiskisan ng kanyang mga ngipin sa galit. Nahalata rin nito ang pagkuyom pa lalo ng kanyang isang kamao habang mahigpit na nakahawak sa ballpen ang isa niyang kamay.

Sinasabi na nga ba niya. Magaling makipaglaro ang ama ni Veron. Alam na alam nito kung paano manu-neutralize ang sitwasyon na ang tanging apektado ay ang kanyang asawa.

"Tell me first," nanenegurado ang matanda.

"It's either ililipat siya sa construction site as building inspectress or as PA ng finance director at babawasan ng doble ang sahod niya. But of course, ang chairman pa rin ang masusunod kung ano ang pwedeng gawin sa kanya,"nakangising napasulyap ito sa kanya.

Nanunuyang napangisi rin siya rito. Dapat segurong matuto siya sa strategy na ginagamit nito sa bawat larong sinasalihan.

Kahit siya'y humahanga sa bilis nitong mag-isip. At nahulaan agad nitong hindi siya papayag na magtrabaho sa field ang kanyang asawa, kaya gustuhin man niya o hindi mapipilitan siyang ilipat si Amor sa finance department bilang PA ng anak nito.

Kung malalaman nitong si Amor ang kanyang pinoprotektahang asawa, baka mas mapahamak ang huli sa mga kamay nito at ni Veron.

Hula niya'y tila yata mas mapanganib ang matandang 'to kesa kay Randall pagdating sa taktikang gamit.

"What will you choose Mr. Chairman?" tanong nito sa kanya.

Pinigilan niya ang galit na nararamdaman at malamig ang boses na sumagot.

"Transfer her to the finance department," tipid niyang sagot nang 'di tumitingin rito at sinabayan niya ng tayo.

"If you have no other concerns Mr. Marcus, let's end this meeting," an'ya sa matanda saka nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon hanggat kaya pa niyang magtimpi ng galit para sa ama ni Veron.

"Dixal, ano'ng gagawin mo ngayon?" pukaw ni Lemuel sa naglalakbay niyang isip.

Napabuntung-hininga siya.

"Sa tingin ko, mas maganda kung maililipat nga ang asawa mo sa finance department."

dugtong ng kaibigan.

Ang talim ng tinging ipinukol niya sa lalaki.

"Bakit ako malilipat sa finance department?"

Bahagya pa siyang nagulat nang makita si Amor sa may pinto. Ito lang pala ang binigyan niya ng access na maglabas-masok sa opisina nang 'di na kumakatok.