webnovel

First Love Actually Dies

Thirteen years old is too much young to fall in love with. Kaya kung ano-anong kagagahan ang pinanggagawa ni Gus sa kaniyang 'apple of the eye' na si Hector Jeff Guzman. He's her first love and she'll do everything para mapansin lang nito. Kasehodang masabihan siya na malandi. Gustaniana Elaine Marquez is not that gorgeous but a very charming and pretty enough for a head turn. Pero kasing panget ng pangalan niya ang pinapakitang pagtrato ng first love niya sa kanya at sa harap pa mismo ng maraming tao. Hanggang kailan niya matitiis at matatagalan ang masasakit na salitang binibitawan nito sa kanya? Is it true that first love really never dies? Or kagagawan lang iyon ng mga taong tanga na patuloy pa ring umiibig sa taong una nilang inibig?

marypaulette · 若者
レビュー数が足りません
36 Chs

Chapter 8

NAKAPANGALUMBABA kong tinatanaw ang mga kaklase kong abala sa proyekto na ginagawa nila. Bakit ngayon pa nila ginagawa ang mga iyan? Ngayon ang deadline ng proyekto namin sa Musika.

"Ewan ko ba sa mga 'yan, walang ibang inatupag kundi shopping doon, shopping dito," wika ni Vaneza na tila narinig ang sinabi ko sa isip. Nasa tabi ko siya at nakatingin rin sa ibang kaklase namin.

"Mabuti na lang at mga good students tayo. Naku! Magkukumahog sana tayo katulad nila."

"Ang sabihin mo, Chel, suwerte ka dahil sinabihan kita. Kahapon mo nga lang natapos 'yong proyekto natin sa Musika," natatawang sabat ni Donna.

"Oo nga, Don, a million thanks to you, mahal."

"Hahaha!"

Natawa na rin ako nang marinig ang asaran ng dalawa. Minsan kasi ay makakalimutin si Rochel lalo na pagdating sa mga proyekto at taldang aralin. Mabuti na lang at nandito kami upang ipaalala ang mga iyon sa kanya.

"Kmusta naman ang dinner n'yo noong Sunday, Gus?" tanong ni Donna.

Pagkaalala sa dinner kahapon ay muling nanumbalik ang kahihiyang tinamasa ko. Kahit sina Marky at Hector lang ang nakakaalam, nakakahiya pa rin.

Ayaw kong sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari dahil for sure pagtatawanan lang ako ng mga ito.

"Okay naman. Masaya," ani ko.

"How's my Marky?"

"Pasaway pa rin, parang bata."

"Naku! Mga bata pa naman kasi tayo, Gus."

"Nope. Bata as is walang kamuwang-muwang. Alam mo naman 'yong love of your life, noh!" wika ko.

"Hayaan mo na, magbabago pa naman ang Marky ko."

"Tse! Love is blind, ika nga."

Nagtawanan sina Vaneza at Rochel sa sinabi ko.

"Oi! Did you know..." at ikinuwento ko sa kanila ang nakakagulat na nalaman ko kahapon, namin ni Marky. Na ang Mommy ko, Mommy ni Marky at Mommy ni Hector ay matalik na magkaibigan pala noong mga bata pa sila. Kung nagulat ako, maging sila ay nagulat din. Imagine? Ang liit talaga ng mundo.

Sinabi ko rin sa kanila ang ginawang matchmaking ni Tita Gwyneth sa amin ni Hector. At sinabi ko rin na nagalit ang baby ko dahil doon. Ikinuwento ko rin sa kanila kung paanong nagalit si Daddy ng nalaman nito kay Marky na may hinahabol daw akong lalaki sa campus.

"Bakit naman niya ginawa iyon?"

"Naawa na raw s'ya sa'kin sa kakasunod kay Hector." And I told them everything. Ang sinabi ni Daddy at pinag-usapan namin ni Marky.

"Super strict talaga ni Tito sa inyo, Gus."

"Parents ko rin naman ganyan din," ani Rochel.

"Lahat naman siguro ganyan pero tayo itong matitigas ang ulo. Sinabihang huwag magbo-boyfriend pero sige pa rin nang sige," wika ni Vaneza.

"We both know our limits. Alam naman natin kung hanggang saan lang tayo, hindi ba?"

"Tayo, oo. Pero ang iba nagpapadala sa bugso ng damdamin. Sa tawag ng laman."

"Ikaw ba, Chel, nagpadala ka na ba?" tanong ni Donna.

"Hindi pa, noh! Gusto ko munang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto ko muna iyong may marating bago ko gagawin ang mga bagay na iyon," sabi ni Rochel.

"True! Maging ako ay ganyan din. Ayaw kong magsisi sa bandang huli. Gusto ko 'yong mapapangasawa ko ang pag-aalayan ko ng Bataan," wika ni Donna.

"Bakit ba iyan na ang pinag-uusapan n'yo? Ang pagbo-boyfriend lang ang topic natin," sabi ko.

"Papunta na rin doon ang pag-uusapan natin," ani Vaneza.

"Oo nga!" Nagulat kaming lahat ng paglingon namin ay si Gng. Fuenteblanca na ang mabungaran namin.

"Ang seryoso ng pinag-uusapan n'yo. Hindi n'yo na namalayan ang pagpasok at paglapit ko sa inyo," ani Gng.

"Sorry, ma'am." Hinging paumanhin naming magkakaibigan. Bumalik sa kinauupuan ang mga kaibigan ko.

"Talking in my class is strictly prohibited unless I told you so. At ang pinag-usapan ninyo ay masyadong SPG. Hindi na kayo nahiya? Naririnig pa man din kayo ng mga kaklase n'yong lalaki?" sermon pa rin ni Gng. Fuenteblanca.

Siya ang pinaka-istriktang guro namin. Masyado kaming engrossed sa pinag-usapan namin kaya hindi namin siya napansin na dumating na pala. Pinagalitan tuloy kami. She just keep on talking hanggang sa mapagod ay ang iba naman ang pinagalitan. Nakita pala nito ang ibang kaklase namin na hindi pa tapos ang proyekto.

Ipinasa namin ang proyekto namin nang hingin niya. Paglapit ko sa table niya ay masama pa rin ang tingin niya sa akin.

"I won't tolerate that tsismis again, Ms. Marquez. Dapat hindi na mauulit ang nangyari ngayon," wika niya.

"Okay, ma'am," sagot ko.

"Those who have not submitted thier projects today, we will be having a recitation. Kung hindi masagot lahat ng tanong ko, I'll talk to your parents," galit na sabi niya pagkabalik namin sa upuan.

"Understood?!" Her voice raised when my classmates did not answered.

"Yes, ma'am," sabay-sabay na sagot nila.

Nagsimula ang klase na hindi nawala ang atensyon ko sa guro namin. Kahit pa sumasalit sa paningin ko ang mukha ni baby Hector. Iniiwasan ko pa ring maalala siya dahil baka mapansin ni Gng., lagot na naman ako.

"Malapit na ang Acquaintance Party, kung sino man ang tutugtog sa seksyong ito ay exempted sa exam at project sa susunod na grading." Nag-ingay ang mga kaklase ko sa pahayag na iyon ni Gng.

"Kanta, ma'am?" tanong ni Maeng.

"Tugtog! Bobo! Gagamit ka ng instrumento upang tumugtog. Gitara, piano, violin, saxophone, etc.." Nagtawanan ang ibang kaklase ko.

"Quiet! Sinabi ko bang magtawanan kayo?!" Dagling tumahimik ang lahat. Natatakot sa nanlilisik na mga ng guro namin.

"Puntahan ako sa opisina kung sino ang interesado. Manahimik kung hindi marunong, huwag magmarunong. Nakuha?!"

"Yes, ma'am," sabay-sabay na sagot namin.

"Goodbye! And be good, all of you!" Paalam ni Gng. sa amin.

KASALUKUYAN kaming kumakain sa canteen nang magsalita si Donna.

"Good thing na marunong pa rin akong mag-piano. Excited na ako!"

"Marunong akong mag-gitara, pero hindi masyado. Ni hindi ko nga matapos ang iisang kanta," wika ko.

"Oo, di ba? Tinugtog mo' yong paborito mo. In my dreams ni speedwagon?" Excited na sabi ni Rochel.

"Hindi niya paborito 'yon, oi! Nagandahan lang siya," ani Donna.

"Maganda 'yong lyrics at saka ang music mismo. Magpapaturo na lang ako sa marunong mag-gitara. Matagal na kasi akong hindi naggigitara," sabi ko sa kanila.

"Hahanap tayo ng marunong maggitara, Gus." turan ni Vaneza.

"Yes. Don't worry," wika ni Rochel. Nagagalak akong marinig iyon sa kanila.

Hobby ni Rochel ang tumugtog ng violin at saxophone naman ang kay Vaneza. Si Donna naman ay magaling mag-piano kahit na miminsan lang niya gawin iyon. Mga bata pa lang kami ay pinag-aral na kami ng aming mga magulang. Subalit maaga akong natigil dahil pagpipinta na ang nakahiligan ko.

"We should submit our names to Gng. Fuenteblanca," sabi ni Rochel.

"Mamaya pagkatapos natin dito," wika ni Donna na sinang-ayunan naming lahat.

"Look who's coming." Lahat kami ay napabaling ng sabihin iyon ni Vaneza. Sinundan namin ang itinuro niya. Papasok sa canteen sina Marky at Hector. Silang dalawa lang.

Pagkakita sa binata ay agad nag-init ang magkabilang pisngi ko. Naalala ko bigla ang nangyari kahapon sa bahay nina Marky. Ang paghalik ko sa cleft chin niya.

Pagpasok ko kanina ay iniwasan ko na silang makasalubong. Dumaan ako sa alam kong hindi makakasalubong si Hector. Bigla akong nawalan ng lakas ng loob na harapin siya. Agad kong ibinaba ang tingin ko nang makitang mapapagawi ang tingin nila sa amin.

"And they're coming here." Excited na sabi ni Donna.

Nagkunwari akong abala sa kinakain ng ilang sandali pa ay narinig ko na si Marky.

"Hi, ladies!" bati niya.

"Hello," sagot ng mga kaibigan ko. At wala na akong rason para hindi sila tingnan. Nagtaas ako ng tingin ngunit siniguro ko na kay Marky lang mapapadako ang mga mata ko.

"Hi," bati ko.

"Hi, Gus. Okay lang ba na maki-share ng table sa inyo?" tanong ni Marky.

"Sure! Sure!" Rochel answered him and looked at Donna playfully.

"Thanks. Jeff, tara let's take a sit," yaya nito kay Hector na noon ay hindi ko alam kung nakatingin ba sa akin o hindi.

And to my own shocked, Hector sit in front of me.

Really?

One of my awkward moments..

"Tara! bili tayo ng pagkain, bro."

"Sure," anito.

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis ang mga ito.

Kung kailan ko siya iniiwasan, saka naman mapapalapit sa'kin.

"Parang may hindi tayo nalalaman." She glanced at Rochel.

"Yea, there's something going on with you." Sabay turo niya sa akin.

"Wala!"

"Bakit hindi mo binati ang babe mo?"

"Oo nga, himala naman yata. Naumpog na ba iyang ulo mo, Gustiniana?"

"Wala lang ako sa mood maghabol ngayon," sabi ko.

"Ah, so gusto mo ikaw naman ang habulin niya?" Vaneza grinned.

"It's not like that. Magpapahinga muna ako sa kakahabol sa kanya."

"Ay? May ganoon pala?" They laughed at what Vaneza said.

"Mayroon. Pero ang tanong? Hahabulin kaya siya ni Baby Hector?" sabi ni Rochel.

"Pumunta na nga dito, di ba? At saka nakita n'yo ba kung paano n'ya tingnan si Gus kanina? Parang sinasabi n'ya, 'hey! I'm here', seryosong turan ni Donna.

"Si Hector ba ang nakita mo? Baka si Marky kamo?"

"Hahaha.."

"Ewan ko sa inyo," pikon na sagot ni Donna.

Natigil kami sa pagbabangayan ng mula sa kinauupuan namin ay nakarinig kami ng kaskas mula sa gitara. Sabay naming nilingon ang tumutugtog. At hindi namin inaasahan na makikita si Chan na nag-iisang kumakanta.

"Oh my God.."

"Ganyan ba kagwapo ang mga tumutugtog ng gitara?"

"Adonis is singing. Napakagwapo niya.."

Narinig kong sinabi ng mga kaibigan ko. Mababakas ang paghanga sa mga boses nila.

"May nakita na akong magtuturo sa'yo, Gus!" Eksaheradang sabi ni Vaneza. Nakatingin pa rin siya kay Chan na noon ay nakaagaw na ng pansin sa karamihan.

"No way.."

"Yes way.."