Gian's Pov...
"Hindi ka makakatakas sa akin amasona" saad ko at inilabas ang gamit na kahit minsan ay hindi ko pa nagagamit.
*Bang bang*
"Gi... Gian please wag... mong patayin si Cass *cough cough* please" Pagmamakaawa ni dugo na tinago ko sa likod ko habang nakikipag laban kanina at ngayon ay nakikipag palitan ng putok kay amasona at Kamio Rin.
"Hindi ako ang masusunod dito, tatapusin ko ang misyon ko at papatayin si Kamio Rin pero bahala na si Adam kung anong desisyon niya para kay Amasona" Napuno ng pag aalala ang mga mata ni Dugo dahil sa sinabi ko at muli na namang ininda ang sakit ng sugat. Napakarami ng dugo ang lumalabas sa kanya.
Agad agad ko siyang tinurukan ng morphine para kumalma siya.
*bang bang*
Tch ngayon naman ay nagtawag ng kasama ang kalaban kaya mas dumami ang nagpapaputok. "Dugo pag hindi ako nakaligtas sa gagawin kong 'to ikaw na ang magtuloy sa misyon natin. Tandaan mo nangako tayong maglilingkod sa Tokugawa clan at kung ano man ang ibinigay nilang misyon ay kailangan nating matapos." Biglang napahawak sa akin ng mahigpit si Dugo. "Gi... Gian no, ayokong pati ikaw iwan ako please" Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal ito sa pagkakahawak sa akin.
Ito ang tadhana ng isang ninja, ang maging tapat sa kanyang mga binibitawang salita.
Inilabas ko ang telepono ko at tinawagan si Adam.
'Pinsan mukhang ito na yata ang huling misyon ko, sunduin mo na si Dugo dito' saglit na nanahimik ang nasa kabilang linya.
'What do you mean Gian, you don't tell me you... '
Binabaan ko na siya kaagad dahil kailangan ko ng magmadali. Mabilis akong lumabas sa kinatataguan at inihagis ang mga shuriken na kanina ko pa tinatago, marami sa kanila ang natamaan ko pero merong isang hindi kaya nagpaputok ito sa akin hindi inaasahan iyon kaya nasagi nito ang balikat ko.
Tch, inilabas ko na ang aking katana at gamit ito ay sinalag ko lahat ng pinatatama niya sa akin. Maya maya ay may dumating na namang mga lalaki at naglabas ako ng tatlong kunai at ibinato ang mga ito sa tatlong lalaki na magkatabi at sumapul ito sa mga ulo nila. Nang nasa harap ko na si Kamio Rin ay napahawak siya sa kanyang ulo at itinaas ko na ang katana ko para patayin siya, pero hindi ito natuloy dahil kinailangan ko pang saluhin ang isang katana na muntikan nang tumama sa kamay ko sinundan ko ang direksyon kung saan nanggaling ang katana at tama ako ng hinala kay Amasona ito galing na mukhang galit na galit dahil papatayin ko ang ama niya.
Pupunta sana ako sa direksiyon niya ng bigla akong tapirin ng ama niya. Tinignan ko ito ng walang halong emosyon at tinamaan ng shuriken pero hindi ito tumama dahil sa pinatalsik ito ng isang kunai na alam kong galing kay amasona.
Tatayo sana ako pero biglang may dumaang sakit sa tagiliran ko. Nakita kong may nakatama sa akin ng isang kunai shit, napunta sa dalawang ito ang atensiyon ko. Mabilis akong tumayo at napahawak sa tagilirang natamaan at kinuha ang kunai na nakasaksak dito at itinapon sa taong nagbato.
Shit, this is not ending.
Inilabas ko na sa pagkakasuksok ang isa ko pang katana at nagsimulang atakihin ang ibang mga lalaki.
Si amasona ang pinakamalaking hadlang dito kaya pagkatapos ko silang mapatay ay diniretsiyo ko kaagad si Amasona.
"Gian I'm really amazed by your skills but you can't kill me nor my father because I'll kill you first" mapagmataas niyang saad pero hindi ko na lang pinansin at nagsimula na kaming magduelo.
Napatigil ang paglalaban namin ng masira ang isa kong katana.
"Gian wag ka na kasing lumaban" Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya at napatingin ako sa katanang nasira.
"Alam mo tumahimik ka na lang" sagot ko na lang dahil napakaingay niya.
Itinapon ko na ang katanang nasira at napagdesisyonang madaliin na ang laban dahil baka maubusang ng dugo si Dugo.
"A... anong ginagawa mo?" Nagulat siya sa pormang ginawa ko. "Hajime Saito's finishing move Gatotsu" Kahit ang mga ninuno namin ay mga ninja ay mas humahanga ako sa Shinsengumi at kay Hajime Saito.
"Tch your playing unfair Gian you're from a ninjas clan and your using a samurai's move" tch wala namang nagsabi na hindi namin pwedeng pag aralan iyon eh.
Susugod na sana ako ng...
*bang bang*
Bigla akong natamaan ng bala sa balikat.
Napatingin ako sa direksyon ng nagpaputok at ito ay ay ama ni amasona, nakakainis mukhang hindi ko matatapos ang misyon na ito.
Unti unting nanlalabo ang mga mata ko at nan malapit na akong matumba ay may malalakas na bisig ang sumalo sa akin.
"Tsk tsk tsk, no one can dare to hurt my crush" Pamilyar ang boses niya kaya nagulat ako ng makita ang mukha ng may ari ng boses.
"I... ikaw, anong ginagawa mo dito?" Anong ginagawa dito ng isang gangster. "Well it just happened na isa akong descendant ng isang ninja clan" nagulat ako sa sinabi niya pero kahit ganon ay walang lumabas na kahit anong reaksyon sa mukha ko.
"Tch anong ibig sabihin nito Sam, no Saishi Yuru" bigla akong napaigtad sa pagkakasandal sa kanya dahil sa narinig kong pangalan, shit isang Yuru, isa na namang kalaban.
"Wait wait Gian, no Nagi Kaneshiro my unproclaimed girlfriend " Shit, paano niya nalaman ang totoo kong pangalan at anong pinagsasabi ng isang 'to.
Mabilis niya akong nabuhat at binato ng kunai ang mag ama ng sabay na nakapagpagulat sa akin.
Pagkatapos ng ilang segundo ay wala na ang mga ito ng malay.
"A... anong ibig sabihin nito?"
Mabilis niya akong nabuhat at hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari, anong ginagawa ng isang Yuru dito at bakit niya ako tinutulungan.
"Anong nangyayayari? Anong ginagawa ng isang katulad mo dito?" Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nainis ng ganito tch.
"Woah woah, di ako makapaniwalang kaya mong magalit honey you really surprised me there" Tch anong honey nakakainis na itong lalaking ito ha.
"Don't call me honey tch" Di niya na ako inasar at napatingin ako sa gawi ni Dugo na buhat buhat ng hindi ko kilalang lalaki.
"Dugo!"
Nagulat si Yuru sa ginawa ko kaya muntikan na akong mahulog at napainda ako sa sakit ng tama.
Inalalayan niya akong makapunta kay dugo.
"Gi... Gian na... san si Cass?" Nanghihina niyang tanong sa akin.
"I just knock her out, kaya ok lang siya Miss Ranzel" napangiti si Dugo sa sinagot ni Yuru at unti unting pumikit.
A Suivre...