Xynthia PoV
Pabalik-balik akong naglalakad. Anong gagawin ko para makalabas sa kulungan na to? Lahat ng pwede kong gawin para makalabas ay ginawa ko na pero walang silbi. Pwede ko kayang tawagin si Celestial Goddess? Siya lang ang pwedeng makatulong sakin sa oras na to.
Pumikit ako at nagdekwatro. Sinubukan kong ikonekta ang isip ko sa kaniya. Since she's my ancestor at ibinigay niya sakin ang kapangyarihan niya. Kayang kaya kong makipag usap sa kaniya gamit ang isip ko. Yun ang sabi niya. But right now ayaw gumana. Parang may pumipigil sakin na magpalabas kahit konting kapangyarihan lang at sigurado akong dahil ito sa sikid nato.
Damn!
Paano ko sila makakausap!? Ayokong matalo kami sa darating na digmaan! Ayokong manalo sila ina. Kailangan namin ng tulong nila.
Ganto nalang ba? Hanggang dito nalang ba? Susuko na ba ko? 😭
Someone PoV
"Red?"
"I can't believe it.. kakalabas pa nga lang niya nakulong na naman siya"
"We'll wala tayong magagawa. Her curiosity drives her"
"Hindi parin ba tayo kikilos?"
"Not yet.."
~☆~
Alicia's PoV
"Need help?"- nakangiseng saad ng lalaking nasa harap ko. He's Noah Hillel, ang wizard na alam kong makakatulong sakin para mahanap si Xynthia. Kaya niyang mahanap ang isang tao kahit saang lugar pa man to.
Tumango ako at walang pasabing umupo sa sofa nito. Sinamaan lang ako nito ng tingin bago umupo sa harapan ko.
"She's missing"- mukhang naintindihan nito ang sinabi ko at matalim na tinignan ako.
"And do you think i will help you to find her? Hindi mo ginawa ng maayos ang trabaho mo"- malamig na saad nito at tumayo. Bago pa man ito makaalis ay agad ko siyang pinigilan. I don't have a choice. He's the only one who can help me at isa pa. Hindi ko gugustuhing makarating pa sa ito kaniya
"You know what he can do kapag nalaman niyang pumalpak ka na naman"- matalim na saad nito. I know..
"Just this once.."- pagmamakaawa ko dito. Bababaan ko na ang pride ko. I really need his help.
~☆~
Xynthia's PoV
"Hey you!"- napasimangot ako ng tuloy-tuloy itong naglakad na para bang walang narinig. Napanguso na lamang ako at walang nagawa kundi sumunod dito. Magtatanong lang naman ako kung pwedeng makikain hehehe. Nagugutom na kasi ako 😢
Nabuhayan bigla ang kaluluwa ko ng makitang papunta siya sa kitchen. Para akong tuta na nakasunod sa kaniya. Napatingin ako sa lamesa na pang-apatan at umupo sa upuan. Dumeretso siya sa ref at may kinuha ng kung ano-ano at nagsimulang magluto. Hindi ko maiwasang mamangha sa galing nitong magluto. Mukhang sanay na sanay ito. Daig pa ang professional sa bilis nitong kumilos.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit dito at tignan ang niluluto niya. Wahhhh bakit pakiramdam ko naglalaway na ko!?
Para namang hindi nito ako nakita at patuloy lang siya sa ginagawa niya. Nagsandok na siya at inilapag ang mga pagkain sa lamesa.
Napalunok ako ng ilang beses. Huhuhu wala ba talaga siyang balak yayain ako? Mamamatay na ko sa gutom dito 😭
Walang pasabing umupo ito at nagsimula ng kumain. Agad akong umupo sa harap nito at nagpa cute.
"pwedeng makikain? Hehehe"- para naman itong walang narinig at hindi man lang ako tinignan. Para lang akong kumausap sa hangin! Wahhhh parehong-pareho talaga silang dalawa ni Zeke! Ang sarap nilang pag untugan! Madamot!
"Wahhhhhh sge na!"- pagmamakaawa ko dito. Ilang minuto pa sa kakahintay ko ng sagot niya ay hindi na ko nakatiis at kumuha na ng plato, spoon and fork at nagsandok ng walang paalam. Hehehe bahala siya.
Hindi ko pinansin ang malamig at matalim nitong tingin at nagsimula ng kumain.
"Hehehe sarap!~"
Author's Note
Short update~
Your votes and comments are really appreciated