webnovel

Falling in love with a rival

Ayaw man ni Yesha na maging kontrabida ay gumawa pa rin siya ng paraan upang umeksena sa buhay ng dalawang gwapo at matchong beki. Sa kabila ng pagkakaroon ng love story ng kababata at first love niyang si Kalix at sa isa pang beki na bigla na lang umeksena sa buhay nila na si Ken, hindi pa rin siya makapapayag na maagaw sa huli si Kalix sa kanya. Pero sa pagsasama-sama nilang tatlo, bigla na lang dumating ang oras na naramdaman niyang nagsisimulana ring mahulog ang loob niya kay Ken. Kung kailan, paano at bakit iyon nangyari, hindi niya alam. Magtagumpay pa kaya siyang putulin ang pagtitinginan ng dalawang beki o siya ang mamroblema kung kaninong beki mapupunta ang puso niya

Kaneza · 歴史
レビュー数が足りません
20 Chs

Chapter 13

Naalimpungatan si Yesha nang makaramdam ng uhaw. Nakalimutan niya palang magdala ng inumin sa kwarto. Inaantok pa siya pero alam niyang sasakit lang ang lalamunan niya kapag tiniis niya ang uhaw na nararamdaman kaya bumangon na siya at naglakad patungo sa kusina upang uminom ng maaligamgam na tubig.

" I don't believe in love, I don't believe in magic"

Napahinto siya sa paglalakad pabalik ng kwarto nang marinig ang boses ni Ken na tila kumakanta. Tila nahipnotismo siya ng magandang boses nito na nagpalakad sa kanya papunta sa may pinto palabas ng balkonahe ng bahay kung saan tanaw niya ang beking ito na may hawak na gitara. Sa kaharap na lamesa ay may tasa ng kape, papel at panulat. Nakasuot lang ito ng sando at jersey shorts pero ang lakas pa rin ng dating. Siguro, dahil sa magandang muscle ng mga braso at balikat nito.

" I thought I will never love this way again… Until… Opps! Mali," sabi ni Ken at saka binura ang huling isinulat. " I thought I will never love this way again…Uhmm… Love that I used to feel back then. But when I saw you…"

Napangiti siya nang maisip na hindi lang pala singer ang nobyo-nobyohan niya kung hindi isa ring composer. Hindi malayong ma discover talaga ito ng mga kilalang recording company. Pakiramdam niya tuloy ay tuluyan nang nawala ang antok niya lalo na kapag tumitipa ng string ng gitara ang binata at sinasabayan ng pagkanta. Napakaganda kasi talaga ng boses nito. Ang lamig sa pakiramdam at pandinig.

"So I started writing this song hoping that you'll realize what I'm feeling all along. And now…now… Haays, hanggang dito na lang yata ako." Nabaling ang tingin nito sa tasa ng kape na wala nang laman. " I think I need more coffee."

Bigla siyang nataranta nang makita ang pagtayo ni Ken mula sa kinauupuan at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Patungo ito sa may puwesto niya mismo kaya ilang hakbang lang palayo ang nagawa niya.

"Ye-Yesha? Bakit gising ka pa?"

"G-Gising?Ako?" kunwa'y sabi niya bago naghikab at nagkusot ng mga mata. "Nauhaw kasi ako kaya uminom ako ng tubig"

"Oo nga pala, nakalimutan kitang dalhan ng bottled water kanina. Sorry."

"It's okay, sige. Balik na ako sa room ko."

"Kanina ka pa ba riyan?"

"Ha? Saan? Dito sa sala? Hindi, 'no. Bakit mo naman naisip 'yon? Napadaan lang ako kasi napansin kung bukas ang pinto. Akala ko kasi na may magnanakaw na. Sige, akyat na ako. Good night."

Hindi niya alam kung gaano siya ka obvious na natataranta sa mga isinagot niya kaya mas binilisan na lang niya ang lakad pabalik sa kwarto. At nang maisara ang pinto ay napapangiti siya nung maalala ang hitsura ni Ken kanina. Kung gaano kaganda ang boses nito at kung gaano ka gwapo ito habang kumakanta.

"Good morning," nakangiting bati ni Yesha nang maabutan sina Mamita, Papsy at Ken na nagsisimula pa lang mag almusal.

"Good morning, baby!" bati ni Ken nang makalapit ang dalaga at humalik sa pisngi.

"Good morning, baby" nakangiting tugon niya. At bago pa siya nakapuwesto ay kaagad nang inayos ni Ken ang upuan niya. "Thank you, baby.!"

"Nakatulog ka ba nang maayos kagabi, Yesha?" nakangiting tanong ni Mamita.

"Yes, Mamita. Pakiramdam ko po na sa loob lang ako nang sarili kong kwarto dahil sa dami ng mga unan."

"Mabuti naman. Dahil sooner or later alam kung mapapadalas ka na dito kaya dapat masanay ka na,." sabi ni Papsy.

"By the way, baby. What do you want for breakfast? Pancake?, right?"

Nakangit siyang tumango sa katabing si Ken na nakahawak sa kaniyang kamay. Pati ba ang paboritong niyang almusal ay nakuwento ni Kalix dito o sadyang inalam lang ng pamintang ito.

"Hot chocolate, right?" nakangiti na naming tanong ni Ken.

"Yes, baby."

"Sandali lang at ipagtitimpla kita."

"Huh? Hindi na."

"baby, ok lang. Gusto ko habang andito ka, lahat ng request mo ako lahat ang gagawa. Ako ang mag a-asikaso at mag aalaga sa'yo"

Tuluyan na niyang hindi napigilan si Ken na tumayo at pumunta sa kusina. Hindi niya inaasahan na ito pa mismo ang magtitimpla ng mainit na chocolate para sa kanya. Naaalala niya tuloy na sa kanila ni Kalix, siya ang palaging naghahanda ng aalmusalin ng kababata.

"Napaka-sweet talaga ni Ken," sabi ni Mamita. "Napakatamad ng batang 'yan pero pagdating sa'yo wala nang sabi-sabi pa."

Napangiti na lang siya bago hinawakan ang mga kobyertos. Ganito pala ang pakiramdam kapag siya ang inaasikaso at inaalagaan. Ganito rin ba kasarap pag minahal siya nang taong mahal niya?

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

follow niyo ako sa IG (kaneza.kenlet) ko for more novels to come :)... and pati na rin sa fb ko (kaneza kenlet) for updates.... thank u guys for reading this novel... alam kung hindi pa dito nagtatapos ang lahat nagsisimula pa lang tayo... first time kung gumawa nang ganito sana magustuhan niyo at sana suportahan niyo rin.... thank you again, guys. :)