webnovel

Falling For Mr. Wrong [Tagalog Novel] Soon To Be Published under PHR

Myla was good at her job. At kahit ano pa mang trabaho ang ibato sa kanya ay nagagawa niya ng maayos. Iyon ay bago siya ipinatapon ng kapatid sa hacienda ng kanilang pamilya upang tumulong sa pamamahala niyon. She accepted the task at hand without much question. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ang desisyong iyon nang makilala isang umaga ang lalaking magiging bagong kasosyo sa hacienda. Si Darwin, ang nag-iisang lalaking gustong gusto niyang pulbusin noon pa mang makilala niya ito. Ang masaklap pa ay obligado siyang pakisamahan ito nang mabuti dahil kasama iyon sa trabaho niya. Dahil napasubo na ay pinilit na lamang niyang gawin ang nakaatas sa kanya habang ipinagsisiksikan sa isip na trabaho lamang iyon. But then again, she was with Darwin, her greatest nemesis who happened to possess the pair of lips that had hunted her thoughts ever since she had tasted them when they were in college. Mapapanindigan ba niya ang "workmates" set up nila kung maging ang tibok ng puso niya ay naaapektuhan na ng simpleng presensiya lamang nito?

Eira_Alexis_Sotto · 都市
レビュー数が足りません
32 Chs

Prologue

ISANG beses pang hinagod ni Myla ang suot na dress upang siguraduhing maayos pa ang itsura niyon. Ganoon din ang ginawa niya sa buhok niya. She was being overly cautious. Hindi niya iyon mapigilan dahil unang beses iyon na makaka-attend siya ng isang Graduation ball. At siya lamang ang sophomore na naimibitahan sa isang ganoong event bukod pa sa ang nag-imbita sa kanya bilang maging date nito ay si Chirstopher.

Her Kuya Lenard and his band members were popular. They were a group of handsome, intelligent, and rich young men. At kung sa musika rin lamang ay talagang may ibubuga ang mga ito. Ngunit hindi naman pahuhuli si Christopher. Bagaman hindi mayaman ang pamilya nito ay sikat ito dahil matalino din ito bukod pa sa basketball team captain din ito. And she has a major crush on him.

She has a crush on him since the first time she met him. Nakabunggo niya ito noon at kumalat ang lahat ng papel at gamit na hawak niya. Pinulot nito ang lahat ng gamit niya. Magalang na iniabot nito ang mga iyon bago nito ipinakita ang pinakamagandang ngiti na yatang nakita niya sa buong buhay niya.

"Be careful." Were the last words he said to her that day. Nakaukit na sa isipan niya ang ngiti nito pagkatapos niyon. Then she started following him around. Nalaman niyang Team captain ito ng varsity team at kaya lamang nakakapag-aral sa eskuwelahan nila ay dahil sa scholarship na nakukuha nito mula sa pagiging basketball player. Gayunpaman ay hindi naman nito pinapabayaan ang pag-aaral nito kaya naman isa ito sa top students ng Engineering Department ng kanilang eskuwelahan.

At dahil din sa mga nalaman ay lalong tumindi ang paghanga niya sa lalaki. He was handsome, smart and very hardworking. And before she knew it, she was already doing everything to be close to him. Pinapanood niya ang bawat games nito. At eventually ay nagawa niyang kausapin ito. At ngayon nga ay siya na ang inimbitahan nito sa Graduation ball ng mga ito.

"Hey, 'you coming with me?" tanong ng Kuya Lenard niya na kabababa lamang mula sa kwarto nito. He was even more dashing wearing that three piece suit.

"Oo, kuya." Sagot niya rito.

"Bakit hindi ka man lang sinundo ng date mo?" naiiling na sabi ng Kunya niya.

"Eh wala namang kotse si Christopher."

"Uso na ang taxi ngayon, aba!" sagot pa ng kuya niya.

"Eh nahihiya raw siyang isakay ako ng taxi. Baka hindi raw ako maging komportable." Sagot muli niya. Iyon ang paliwanag ni Christopher at naiintindihan niya ito. Laki nga naman siya sa isang mayamang pamilya kaya sanay siyang inihahatid ng kotse. Siya lamang ang inaalala nito.

"Whatever." Sabi na lamang ng kuya niya saka nauna nang palabas. "Let's go. Susunduin ko pa si Maggie." Tukoy nito sa date nito.

Nakangiti namang sumunod na lang siya sa kapatid. Sa backseat ng kotse ng kapatid niya siya umupo habang abala ito sa pagda-drive at sa pakikipaglandian na rin sa ka-date nitong nasa harapan din. Hindi na niya pinansin pa iyon. She was beyond happy just by being Christopher's date and she does not care anymore even if they do something over bound at that car regardless of her being there.

Nang makarating sila sa hotel function hall kung saan gaganapin ang ball ay agad na inilibot ni Myla ang paningin. And when she finally saw her handsome date for that night, she smiled to herself. May kausap itong babae. Ngunit hindi naman siya nag-isip ng masama. He was friendly and approachable. Siguro ay kinakausap lamang nito ang babae dulot ng kagandahang-asal.

Maglalakad na lamang siyang palapit sa lalaki nang may humarang sa harap niya. Agad siyang napasimangot nang makilala ang lalaki.

"Get out of my way." Nakasimangot na sabi ni Myla kay Darwin na siyang humarang sa dinaraanan niya. Pagkatangkad-tangkad pa naman nito at matipuno ang pangangatawan kaya wala na siyang ibang nakita pa kundi ito.

Sa lahat ng kaibigan ng kuya niya, dito siya bwisit na bwisit. Ang hilig kasi nitong humarang harang sa harap niya gaya ng mga oras na iyon. Isa pa, trip na trip nito ang asarin siyang bansot o dwende, o nuno sa punso. And most specially, the guy was a definite playboy. At last year pa siya allergic sa mga tulad nito. Actually dito talaga mismo siya allergic.

"Where are you going?" tanong nito.

"Sa ka-date ko." Nakataas ang kilay na sabi niya rito.

"You have a date? Kaya ba sumabay ka pa sa kuya mo sa pagdating?" kaswal na tanong nito saka namulsa.

Habang tinitignan niya ito ay nakakaramdam siya ng pagkailang kahit pa hindi naman niya matukoy ang dahilan. Bumagay sa maputing balat nito ang suot na suit na gray ang kulay. He has that pointed but perfectly manly nose, a pair of eyes with long lashes, and a pair of perfect lips that was now grinning at her. At ngali-ngaling batukan na niya ang sarili dahil di yata at pinupuri na naman niya ito. Hindi naman niya maitangging talagang gwapo ito. 'Yon nga lang ay bwisit talaga siya rito.

"Will you just get the hell out of my sight? Napakalaking istorbo mo sa maganda na sanang gabi ko" paismid na sabi niya rito at akmang lalagpasan na ito nang muli siyang harangin nito. "Lumayas ka nga sa harap ko, bakulaw!" inis nang sabi niya rito.

Sasagot pa lamang si Darwin nang marinig nila ang pagtawag ng atensiyon ng MC mula sa stage.

"And now it's time for the announcement for the King and Queen of the night." Ang nakangiting anunsiyo ng lalaking MC.

Napasinghap siya. Iyon na ang pinakahihintay niya. May tradisyon kasi sa school nila. Ang mapipiling King and Queen of the Night sa pagtitipong iyon ay mabibigyan ng tyansang pumili ng isasayaw. At ayon sa paniniwala ng lahat, ang magiging pareha ng napiling King o Queen ay siya ring makakapares ng mga iyon habang buhay kaya naman lahat ay ina-anticipate ang event na iyon. Paano kung si Christopher ang mapili at siya ang gustuhin nitong makasayaw nito? Ibig sabihin ba niyon ay siya na ang makakasama nito habang buhay? She knows it was just a stupid belief. Pero hindi rin naman niya maiwasang umasa. She was indeed a hopeless romantic.

"Ladies and gentlemen, Our Queen, Lauren Policarpio." Malakas na saad ng MC. "And our King, Darwin Lawrence Buenavista."

Tilian at palakpakan mula sa lahat. Wala sa loob na nilingon niya ang katabi pa ring si Darwin. Napasimangot siya nang makita ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

"Well, can't blame them. I've always been the handsomest of them all." Sabi nito at itinaas pa ang mga kamay saka nagkibit-balikat.

Ang sarap nitong ingudngod kung hindi nga lang alam niyang magugulpi siya ng mga fans nito kapag ginawan niya ito ng masama. Sikat ito kaya nga nanalo itong King of the night.

Inisimiran niya ito habang nakangisi pa rin itong naglalakad papunta ng stage. Lahat ng atensiyon ay nakatuon dito ngunit iniiwas na niya ang tingin at ibinalik iyon sa date niya. Nakikipag-usap pa rin si Christopher sa babaeng na nakikilala na niya ngayong si Berna. The girl was the self-proclaimed Queenbee of the school. Kagaya niya ay sophomore lamang din ang babae. Bahagyang kumunot ang noo niya. Numero unong flirt ang babae at alam niyang maging ang kuya niya ay nagawa nang landiin ng babae kaya naman nang makilala ito ay hindi na niya mapigilang mainis. Pero siyempre ay sa babaeng ito lamang siya inis at hindi kay Christopher.

Nagsimula siyang maglakad palapit sa mga ito. She has to mark her territory. Wala siyang pake kahit pa pakiramdam ng babaeng iyon ay takot ang lahat rito. She was prettier than the witch, anyway.

Ilang hakbang na lamang ang layo niya mula sa dalawa ay nagulat pa siya sa biglang pagtapat ng spotlight sa kanya kasabay ng singhapan ng mga nasa paligid. Agad naman siyang napatigil at lumipad ang tingin sa stage. Ano ba ang nangyayari? She was busy planning on how to make Berna go away from Christopher that she was not able to pay attention to what was happening onthe stage.

Nang lingunin niya ang stage ay nakita niyang nasa kanya na ang atensiyon ng lahat maging ng mga taong nasa paligid niya. Nagawa pa niyang lingunin si Christopher at si Berna. Nakaismid ang babae habang wala naman siyang mabasa sa ekspresyon ng mukha ni Christopher.

"Please come up here." Awtomatikong lumipad pabalik ang tingin ni Myla sa stage nang marinig ang pamilyar na boses ni Darwin mula sa mga speakers.

"What the hell?" she mouthed at him.

Sumenyas itong umakyat siya ng stage ngunit pinandilatan lamang niya ito. Ano ba ang gusto nitong palabasin?

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito dahil maging iyon ay ipinarinig pa niyon mula sa microphone.

"Nevermind then." Sabi nito bago ibinaba na ang mic sa stand niyon saka patalong bumaba ng stage.

Sa buong pag-aakala niya ay tapos na ang kalokohan nito ngunit nagulat siya nang maglakad itong papunta sa kanya kasunod ang isa pang spotlight. Tumigil ito sa harap niya at sa gulat niya ay basta na lang hinapit ang beywang niya.

"Will you be my first dance for tonight?" cool na cool na sabi nito.

"W-what are you saying?" ang gulat na tanong niya. Ni hindi niya magawang kumawala sa pagkakahapit nito kahit pa alam niya sa sarili niyang dapat ay lumalayo na siya rito. It was like he has just seeped all of her remaining energy.

"Myla." Narinig niyang sigaw mula sa likuran niya. At nang lingunin niya iyon ay si Christopher ang nalingunan niya na madilim na ang mukha.

"Christopher, it's not what you think it is---" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang biglang hawakan ni Darwin ang baba niya at basta na lamang ipaling nito ang mukha sa mukha niya. He was not smiling anymore and there was something intense in his eyes that she cannot seem to decipher.

"It is what it is." Seryosong sinabi nito bago bumaba ang mukha nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito kasabay ng pagtahip ng dibdib niya. Malakas na singhapan sa paligid ang narinig niya ngunit hindi siya kaagad na nakapag-react.

Nang sa wakas ay mahimasmasan ay mabilis na tinulak niyang palayo ang lalaki bago mabilis pa sa alas-kuwatrong nilingon si Christopher. Nang mahanap ng mga mata niya ang lalaki ay naglalakad na itong patungo sa exit. Tinangka niyang tawagin ito ngunit hindi ito lumingon.

Nanlilisik ang mga matang nilingon niyang muli si Darwin na nakatayo pa rin sa harap niya. Nakatingin ito okay Christopher ngunit wala siyang mabasang pag-sisisi sa mukha nito. He even smirked.

"Good for him." Sabi nito bago siya nilingon. "You should not---"

Natigil ito nang lumipad ang kamao niya sa mukha nito. Bahagyang napa-urong ito sa impact ng ginawa niya ngunit nanatiling nakatingin sa kanya.

"I hate you!" patiling sabi niya. "And I will hate you, forever, Jerk!"