webnovel

Falling For Mr. Wrong [Tagalog Novel] Soon To Be Published under PHR

Myla was good at her job. At kahit ano pa mang trabaho ang ibato sa kanya ay nagagawa niya ng maayos. Iyon ay bago siya ipinatapon ng kapatid sa hacienda ng kanilang pamilya upang tumulong sa pamamahala niyon. She accepted the task at hand without much question. Ngunit parang gusto niyang pagsisihan ang desisyong iyon nang makilala isang umaga ang lalaking magiging bagong kasosyo sa hacienda. Si Darwin, ang nag-iisang lalaking gustong gusto niyang pulbusin noon pa mang makilala niya ito. Ang masaklap pa ay obligado siyang pakisamahan ito nang mabuti dahil kasama iyon sa trabaho niya. Dahil napasubo na ay pinilit na lamang niyang gawin ang nakaatas sa kanya habang ipinagsisiksikan sa isip na trabaho lamang iyon. But then again, she was with Darwin, her greatest nemesis who happened to possess the pair of lips that had hunted her thoughts ever since she had tasted them when they were in college. Mapapanindigan ba niya ang "workmates" set up nila kung maging ang tibok ng puso niya ay naaapektuhan na ng simpleng presensiya lamang nito?

Eira_Alexis_Sotto · 都市
レビュー数が足りません
32 Chs

14

Hindi naiwasa ni Myla na titigan si Darwin tutal ay nakapikit naman ito. The guy was really handsome. Hindi naman sa hindi niya iyon napapansin noon. Aware naman siyang guwapo ito, iyon nga lang busy siyang kainisan ang buong pagkatao nito kaya naman hindi mahalaga sa kanya ang itsura nito. But it seems like she was seeing him in a different light now. Dahil ba sa unang pagkakataon ay tinitignan niya ito nang wala ang inis sa dibdib niya?

Bakit nga ba siya naiinis dito? Dahil ba lagi siya nitong inaasar? Ngayong naiisip niya iyon, it seems like it was too childish to be hating this guy for it.

Biglang pumasok sa isip niya ang ginawa nito noong graduation ball. Was it because of that? Pero bakit ngayong iniisip niya iyon ay hindi naman siya nakakaramdam ng inis sa dibdib niya? At ngayion na hindi na siya bata, aaminin niyang hindi naman masama ang halik na 'yon. He was a good kisser back then. And he was a better kisser now.

Gusto niyang batukan ang sarili. Ano ba ang nangyayari sa kanya? They called for a cease fire because of work. At ang akala niya ay ang pagiging civil dito ang pinaka magagawa niya sa pakikiharap dito. But now it feels like she was eventually forgiving him. And he was waking up a feeling that she could not even recognize.

"Stop staring." Maya maya ay sabi nito nang hindi pa rin nagmumulat ng mata.

"H-ha?"

"I said stop staring." Nagmulat ito ng mga mata saka tinignan siya. "Or I might kiss you."

Mabilis pa sa alas-kuwatrong umupo siya ng maayos at iniiwas ang tingin rito. Narinig naman niya ang malakas na pagtawa nito. Pinagti-trip-an siya nito!

"Bakulaw..." pabulong na sabi niya.

"Bansot..." narinig naman niyang sabi nito kaya naman napatingin siya rito at literal na sinimangutan niya ito. Tumawa lang naman itong lalo.

"I told you, you can't call me that anymore!" sita niya rito bagaman hindi naman siya naiinis. Bakit nga ba? Samantalang noon, kapag naririnig niyang tinatawag siya nito nang ganoon ay nanggagalaiti na siya.

"Bakit ba kasi?" nakangisi pa ring tanong nito. "Don't you find it cute?"

"Cute? Cute ba ang ipamukha sa akin ang naghuhumiyaw kong kakulangan sa height?" taas ang kilay na tanong niya rito.

"You're cute as how you are right now. Don't you acknowledge that?" tanong nito sa kanya.

"Well, I do. Sometimes." Kibit-balikat na sagot niya.

"Walang problema sa height mo. I won't like it if you were taller." Dugtong pa nito.

"Ah kaya ba bansot ang tawag mo sa'kin?" tanong niyang muli bagaman nararamdaman niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa mga sinasabi nito. It was like his words has effects on her and deeply.

"It was an endearment." Kibit-balikat ding sagot nito.

"E-endearment?"

"I was the only one who calls you that and I like it. It makes me feel special. Like I'm different from all the people that surrounds you. And I wanted it that way. I wanted to be that one special person in your life."

And there goes her heart. Parang nais na niyong lumabas sa dibdib niya. Naramdaman din niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya.

Hindi niya gaanong naintindihan ang sinabi nito ngunit bakit ganoon ang epekto niyon sa sistema niya? She was close to hyperventilating even if she knows for a fact that she does not have a heart condition. And why was he saying such things to her now? What was happening to her? To them?

"You're blushing again." Umangat ang kamay nito sa pisngi niya and then he smiled. "And you're warm."

"I... ahm..."

"I like seeing you blushing." Sabi nito. "It's extremely cute." And then the distance between their faces decreases. Unti-unti nitong inilapit ang mukha sa mukha niya. Ni wala na sa isip niyang pigilan ito. She feels like she was also yearning for a kiss. His kiss.

Wala nang isang pulgada ang layo ng mga labi nila at unti-unti na rin siyang napapapikit, anticipating the kiss that would be coming, when they both heard a noise. Not just another noise, but a voice calling out to them. The annoying voice of Angelica.

Sapat iyon upang bumalik siya sa sariling huwisyo. Agad niyang itinulak itong palayo kasunod nang paglitaw naman ni Angelica sa bandang gilid nila.

"Tayo nang mananghalian. Sumalo na raw kayo sa amin sabi ni Tatay." Ang nakangiting sabi nito.

"Thanks, Angelica." Sagot naman ni Darwin mula sa tabi niya. Ni hindi niya ito magawang lingunin. "And by the way, nice timing."