webnovel

Chapter 9

Chase woke up at exactly 5:30 in the morning. Hinayaan niya ang sariling matulala ng ilang minuto habang nakatingin sa kisame bago tuluyang umupo sa sofa kung saan siya natulog. S'yempre, tinanggihan niya ang alok ni Ai na magtabi sila sa pagtulog. He didn't find it necessary and that would only make them feel uncomfortable.

Sinapo niya ang kanyang ulo. He didn't even drink much but he felt sick and nauseous. One of the many reasons why he was not and will never be a fan of drinking. Bukod sa hindi niya gusto ang lasa, automatic na may hangover siya kinabukasan kahit hindi gano'n karami ang nainom niya.

"Kuya, okay ka lang?"

Nilingon niya si Lynne na kalalabas lang ng kuwarto at abala sa pagsusuklay ng buhok.

"I'm fine."

"Hindi pala umuwi 'yung mga bisita mo, Kuya?" Umupo ito sa tabi niya.

"Inabot na ng gabi." Kinuha niya ang suklay at siya na mismo ang nagsuklay sa buhok ng kapatid. "Bakit ang aga mong nagising?"

"Hera accidentaly kicked my face. Ang likot, e," natatawang kuwento ni Lynne.

Tumango siya. Hindi niya alam kung anong nakakatawa. Ibinalik niya sa kapatid ang suklay. Nang makitang seryoso siya ay sumimangot ito.

"Bad mood ka na agad por que nabanggit ko si Hera?" hindi makapaniwalang sabi nito.

Umiling lang siya.

"Hera is one fine lady. Give her a chance, Kuya. Let her stay here, please?" Bahagyang niyugyog ni Lynne ang balikat niya. "Please, Kuya?"

"Hindi nga puwede, Lynne." Tumayo siya at tinalikuran ito. Kailangan na niyang maghanda ng almusal para sa mga bisita niyang hanggang ngayon ay tulog pa.

"Bakit hindi?"

"Just because." Naglakad siya patungo sa kusina. Ramdam niya ang pagsunod sa kanya ng kapatid. Kumuha siya ng dalawang tasa at ipinatong iyon sa mesa.

"Are you sure?"

"Try me," hamon niya rito.

"Okay."

Hinarap niya si Lynne at nagulat nang makitang may kausap na ito sa telepono.

"Good morning po. Gusto lang po kayong makausap ni Kuya Chase. Opo. Sorry po sa abala."

Inabot nito sa kanya ang telepono pagkatapos. Kumunot ang noo niya. Nang itapat niya ang telepono sa kanyang tainga at marinig ang isang pamilyar na boses ay natigilan siya.

"Chase, salamat sa pagpayag na makitira muna inyo ang kapatid ko, ha. I owe you this one. Bakit mo nga pala 'ko gustong makausap?"

"Louie," iyon na lang ang nasabi niya.

Tiningnan niya nang matalim ang kapatid na ngayon ay nakangisi na.

—x—

Pasado alas dos na nang muling magising si Chase. Alas otso nag-uwian ang mga bisita niya at dahil masama pa rin ang pakiramdam ay pinili niyang matulog ulit. Umupo siya sa gilid ng kama habang hinihilot ang kanyang sentido.

Kinapa niya ang kanyang cellphone na nailagay pala niya sa ilalim ng unan. May anim na unread messages siya. Una niyang binuksan ang galing kay Kurt, nagpapasalamat at nagyayayang magkita-kita ulit sila sa susunod. Ni-reply-an niya ito ng sure, no problem. Binasa niya rin ang ibang messages, halos katulad ng kay Kurt ang text ni Ralph sa kanya. Gano'n din ang kay Helen.

Ang naiba lang ay ang kay Ai, tatlong beses itong nag-text—isa noong alas nuwebe, alas dose at ngayong alas dos.

'Nice seeing you again, Chase. Let's meet again soon.'

'Ang redundant pala ng 'again' sa text ko kanina. Realized it just now. How are you? Still suffering from hangover? Coffee tayo later in the afternoon?'

'Oh, I think you're busy. 😊'

Ni-reply-an niya ito. 'Just woke up, sorry. But yeah, I will be busy today. Will invite you for coffee next time. Nice seeing you again, too.'

Matapos iyon, tumayo na siya para ayusin ang kama. Nang magawi ang paningin sa kanyang working table ay tumaas ang sulok ng labi niya. May tasa ng kapeng nakapatong doon. Nagkape na siya noong umaga pero tamang-tama iyon ngayong mas bumubuti na ang pakiramdam niya. Inabot niya ang tasa at agad ininom. Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansing hindi na mainit ang kapeng laman noon.

Lynne doesn't serve cold coffees. Sinisuguro nitong mainit iyon kapag ininom niya. Kung tulog pa siya, walang habas siya nitong gigisingin para lang mainom 'yon. Lalo siyang nagtaka nang mapagtantong iba rin ang lasa nito kumpara sa madalas na timpla ng kapatid niya.

Sino'ng nagtimpla nito? Napaisip siya. Nanlaki ang mga mata niya nang may maalala.

Hera.

Napabuntong hininga siya.

Hindi niya alam kung nanadya ba ang tadhana o ano. Kung sino pa ang ayaw niyang makita, 'yon pa ang palaging sumusulpot sa buhay niya, parang kabute.

Pakiramdam niya, naisahan siya ng kapatid niya at ng kaibigan nito. Hindi naman talaga sana siya papayag na makitira si Hera sa kanila hanggang sa inilabas na ni Lynne ang alas—si Louie. Naalala na naman niya ang pag-uusap nila sa telepono. Ipinagkakatiwala raw muna nito si Hera sa kanya at sa kapatid niya. Humingi rin ito ng dispensa dahil sa napakalaking abala.

Hinilot niya ang kanyang sentido. The thought of having Hera in their house for a month was enough to make him feel distressed.

Ibinalik niya ang tasa ng kape sa mesa bago nagdesisyong mag-shower. Hinablot niya sa closet ang isang puting tuwalya at mga damit.

Naglakad siya palabas ng kuwarto hanggang sa marating niya ang banyo. Bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla iyong bumukas at tumambad sa kanya ang bagong ligong si Hera. Natulala muna ito bago nakapagsalita.

"What the hell?!" sigaw nito sabay taklob sa katawan.

Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa. Her curly hair was a mess. Panay ang patak ng tubig mula sa buhok nito pababa. Kusang umangat ang gilid ng labi niya.

"Crazy," bulong niya.

"What?" inis na bulyaw ng dalaga.

Gustong-gusto niyang matawa pero pinigilan niya ang sarili. "You're fully covered, Miss. Makapagtakip ka d'yan, akala mo naman hubad."

Kinagat niya ang kanyang labi saka hinigit ang kamay ni Hera. Nang tuluyan na itong makalabas ay siya naman ang pumasok sa banyo. Sinadya niyang lakasan ang pagkakasara sa pinto dahilan para mapatalon ang dalaga.

Muling umangat ang gilid ng labi niya. "Real crazy."

—x—

"Nakita niya akong kalalabas lang ng CR!" frantic na sigaw ni Hera habang niyuyugyog si Lynne na abala naman sa paghahanda ng meryenda.

"So? Nakadamit ka na naman, a?"

Tinapik niya ang noo. "Kahit na, pakiramdam ko nakita niya ang lahat," aniya.

Tumawa lang ang kaibigan niya at nagpatuloy sa pagluluto. Umupo siya malapit dito at inilagay ang palad sa kanyang mukha.

"I'm dead," madramang sabi niya. "Wala bang bathroom sa kuwarto niya?"

"Gosh, tigilan mo nga 'yan, Hera. Hindi bagay sa 'yo. Walang bathroom sa room niya, sa akin lang meron. Bakit kasi 'di ka pa ro'n naligo? Saka isa pa, kapag 'di ka tumahimik d'yan baka magbago na naman ang isip ni Kuya at paalisin ka na nang tuluyan."

Inirapan niya si Lynne. Kahit kailan talaga, panira ito sa buhay. Kasalanan ba niyang ang pakiramdam niya e nakita ni Chase ang lahat-lahat sa kanya? E ano kung nakadamit siya? For her, a Hera without makeup was tantamount to a naked Hera. That was her crowning glory. Sure, nakita na siya nitong wasted noong unang beses silang magkita sa personal, but she wasn't completely 'naked' that time. On fleek pa rin ang kilay niya noon at namumutok ang blush on kahit sabog-sabog ang buhok niya.

Humilig siya sa kitchen counter.

"Hera, maiba ako." Umupo si Lynne malapit sa kanya habang gumagawa ng peanut butter sandwich. "Hindi mo ba nami-miss si Lucas? As in kahit konti, wala? Zero, nada, zilch?"

Napanguso siya. Tinanggap niya ang iniaabot nitong sandwich bago nagsalita, "I do, sometimes."

Sa totoo lang, hindi niya alam. Masyado siyang pre-occupied nitong mga nakaraang araw kaya wala na siyang oras para isipin ito. O 'yon nga ba ang dahilan?

"Oh, I see. Ang weird lang kasi, I think what you felt for Pao…" huminto ito ng ilang segundo bago muling nagpatuloy, "… is hundred million times stronger than what you felt for Lucas."

On that, she agrees. "More importantly, Pao is way, way better than Lucas. Nag-break kami because he fell out of love. Walang third party, sadyang nawala lang ang pagmamahal niya. Akala ko, that was the lamest reason ever until Lucas proves me wrong. It's not me, it's him daw."

"Cringe!" ani Lynne.

"Yeah, right. 'Di ba nagti-text siya days after the breakup? Nakikipagbalikan." Nilapitan niya ang kaibigan. Kinagatan niya ang kanyang tinapay at marahang nginuya iyon.

"Yup, nagti-text pa ba?"

"Nope. But rumor has it, nakabuntis daw." Natawa siya nang makitang nalaglag ang panga ni Lynne. "See? That guy doesn't deserve me, not even a glance." She flipped her hair.

Nailing na lang si Lynne. "That guy's hopeless."

"Pero alam mo bang sabi ng mga kaibigan ni Lucas, hindi naman daw si Lucas ang ama ng bata. Hello, bakit ako maniniwala sa kaibigan niya e pare-pareho sila ng tabas ng mukha. Siya ang ama no'n!"

"Guilt by association."

Mabilis siyang napatingin sa nagsalita at laglag ang panga niya nang makita si Chase—bagong ligo ito at well, topless. Nakagat niya ang labi niya habang pinapasadahan ng tingin ang katawan nito. Toned, muscular body.

"Ano 'yon, Kuya?" tanong ni Lynne rito.

"That's a fallacy—guilt by association. Ayoko nang magpaliwanag, i-research mo na lang." Nakatingin ito sa kanya.

Wow ha? At feel na feel yata nito ang pagiging professor, may pa-assignment pang research sa kanya! Nakagat niya ang labi niya. Ipinatong niya ang kanyang sandwich sa platito ni Lynne. Nawalan na siya ng ganang kumain.

Humagalpak naman ng tawa ang matalik niyang kaibigan. "Grabe, Kuya! Gustong-gusto mo talagang pinangangaralan si Hera, 'no? Bigyan mo na nga ng crash course sa logic at law."

Napalunok siya. Nang tumikhim si Chase at lingunin niya ito ay halos takasan siya ng kulay sa mukha. Kanina pa pala siya nakatingin sa katawan nito! Ngumisi ito bago tumalikod at nagsuot ng t-shirt.

May t-shirt naman pala, bakit ibinalandra pa ang hindi dapat ibalandra?

Sa sobrang kahihiyan ay tumayo siya at nagsalita. Pero hindi niya akalaing lalabas sa bibig niya ang mga salitang hindi niya dapat sabihin... "Chase, sa'n ang gym mo? Magpapa-member ako."