webnovel

Chapter 4

"Don't worry, mabait talaga 'yang si Kuya Chase. Tara, puntahan na natin." Hinila ni Lynne ang braso niya bago pa man siya makapalag. Ilang beses na siyang tinatawag ng kapatid niya pero hindi pa rin siya lumalapit dahil natatakot siyang harapin ang kausap nito.

Halos kaladkarin na siya ni Lynne para lang maglakad siya. Nang makalapit sa kinaroroonan ng dalawang lalaking nag-uusap ay napalunok siya.

Parehong nakatingin sa kanya ang kuya niya at si Chase. Her brother was smiling widely, while Chase, well, he had this annoying poker face. Tumayo ang balahibo niya sa batok, hindi siya sigurado kung dahil sa mukha ni Chase o talagang malamig lang ang panahon.

Napaisip na naman siya kung may galit ba talaga sa kanya ang kapatid ng kaibigan niya. At kung meron man, bakit? Dahil sa ad hominem? She snorted. Kumunot ang noo ni Chase kaya napakapit siya sa braso ni Lynne na abala ngayon sa pagkamangha sa paligid. Mukhang gusto pa nga nitong habulin ang isang paruparong lumipad sa tapat nila. Ngumiwi siya.

"Wow, I am amazed," anang kapatid niya. "Hera, your best friend's brother is a good friend of mine."

"College friends. Nabanggit nga ni Lynne," tipid na sagot niya sabay upo sa tabi nito. Hindi siya lumilingon sa kanan para hindi niya makita si Chase.

The only good thing about this whole scenario is that they could skip the introduction. Wala nang Hera this is Chase, Chase this is Hera bla bla tutal magkakilala na naman sila.

"Aside from being a lawyer, professor na pala 'tong si Chase, e. Nurse pa ang kapatid. Professionals. But really, bro, I was trying to contact you for years but to no avail! Ni hindi ko alam na lumipat kayo ng bahay."

"I'm sorry. Tulad nga ng sinabi ko sa 'yo kanina, noong panahong 'yon, wala akong ibang gusto kundi ang lumayo. Masyadong mabigat ang lahat. But we're not the only professionals here, look at you now, you even own a law firm, CPA naman ang kapatid mo," seryosong sabi ni Chase.

"CPA?" Sa tawa pa lang ng kapatid niya, alam na niyang hindi maganda ang sunod na sasabihin nito. "Yeah right, CPA nga pala si Hera. Certified Palamunin Ako."

Sumimangot siya. See? Tama siya! Lalo pang sumama ang loob niya nang marinig ang paghalakhak ni Lynne. Napaka-supportive talaga ng kaibigan niya.

Aksidenteng napasadahan ng paningin niya si Chase. He wasn't laughing. Walang reaksyon Ano ba 'to, taong bato?

"Grabe talaga 'tong kapatid mo, Hera," natatawang bulong ni Lynne. "Ikaw kasi, magtrabaho ka na para 'di ka na palamunin."

Napairap na lang siya. Kare-resign niya lang kasi noong isang buwan dahil naburyo na siya sa pagiging accountant. After years of being an internal auditor of a huge corporation somewhere in Makati, routinary work eventually stressed the hell out of her. She realized she had enough.

"Dear brother, just let me enjoy your wealth. Para sa'n pa ang kinikita ng law firm mo kung hindi naman maaambunan kaming pamilya mo?" Ngumiti siya nang matamis at pinanlakihan ng mata ang kapatid niya pero hindi yata umepekto.

"I'm having my own family soon, Hera. Baka puwede ka nang bumukod ng bahay?"

"Kuya!" pikon niyang sigaw.

"I'm kidding," depensa nito nang umamba siyang mananabunot. Tumayo ito at lumayo sa kanya, dala-dala pa rin ang tasa ng kapeng kanina pa nito hawak. "O siya, sige. Maiwan ko muna kayo, magpapahanda na ako ng hapunan kay Manang. Chase, Lynne, dito na kayo kumain."

"H'wag na. Pauwi na rin kami," sagot ng lalaki.

Mas mabuti pa nga, naisip niya. But knowing his brother, he wouldn't take no for an answer. Kaya wala ring nagawa ang magkapatid kundi sumang-ayon. Nang mawala sa paningin niya ang kapatid ay napabuntong-hininga siya.

"CR lang ako," ani Lynne makalipas ang ilang minuto.

"Sama ako," aniya sabay tayo.

Sapilitan siyang pinaupo nito at inilingan. "Ako na lang. Walang kasama 'yung kuya ko rito."

"O, ano naman? Ang tanda-tanda na niyan." Nakagat niya ang kanyang labi nang malaglag ang panga ni Lynne. Bummer. Hindi niya talaga gustong sabihin 'yon nang malakas.

"Sobra ka, 29 lang ang kapatid ko. Mag-sorry ka!" natatawang sabi ni Lynne.

Unti-unti niyang ipinalig ang ulo sa kanan hanggang sa makita niya ang mukha ni Chase… na nakangiti.

Ha? Nakangiti? Kumurap-kurap siya para makasiguro. Nakangiti nga ito! Pero hindi sa kanya, hindi rin kay Lynne, kundi sa cellphone nito.

Tumikhim siya. Muling nagpaalam sa kanya si Lynne na magbabanyo pero hindi niya pinansin ito. Tuluyan nang napako ang paningin niya sa nakangiting si Chase.

"Girlfriend?" tanong niya nang masigurong silang dalawa ang naiwan sa hardin.

Tingin niya, alam na niya kung paano mapapaamo ang lalaki. Papayuhan niya ito ng mga bagay-bagay tungkol sa pag-ibig!

Kung isang advertisement lang ang gagawin niya, alam na niya kung ano'ng magiging catch line: Doesn't know how to act in front of the girl you like? Worry no more, here's Hera to the rescue!

Ang problema, hindi naman sumagot si Chase—ang second customer sana niya (una si Lynne). Ni hindi nga siya tinapunan ng tingin nito.

"Girlfriend mo?" ulit niya. Benefit of the doubt, baka hindi lang siya nito narinig kanina. "Gaano na kayo katagal?"

A part of her wanted to stop being nosy but she couldn't help it. Curious din siya kung may girlfriend ba ang isang taong-batong tulad ng lalaking ito.

Itinago ni Chase ang cellphone nito bago tumingin sa sariling relo, hindi pa rin ito nagsasalita.

"You know what? You remind me of my first boyfriend, sobrang tahimik noong una." Bumilang siya hanggang lima, hindi pa rin ito umiimik. Huminga siya nang malalim. Last na, kapag hindi pa rin ito nagsalita, lalayasan na niya 'to.

"We were 15 that time, binigyan niya 'ko ng flowers. Tapos tinanong niya 'ko kung pwede akong maging girlfiend niya. Of course, I said yes. Halos lahat ng kakilala ko, sinasabing mabait siya, e. Ibig sabihin, mabait nga."

"Wrong."

Nanlaki ang mga mata niya. Nagsalita si Chase! Pero bakit wrong?

"Ha?" tanong niya.

Umiling ito.

"Ano nga?"

Bumuntong-hininga ito bago nagsalita, parang inis na inis sa kanya, "Hindi dahil sinabi ng iba na mabait, mabait na talaga. That's argumentum ad populum."

Napakurap siya. Uminit ang mukha niya sa inis.

"You're such a…"

"Genius?" he chuckled.

"No. Logic freak!" Tumayo siya at tinalikuran ito. "Buti pa si Lynne, nakikinig sa 'kin," bubulong-bulong niyang sabi bago siya nagsimulang maglakad palayo.

Nilingon niya si Chase. Nakatingin ito sa kanya habang pinaglalaruan ang pang-ibabang labi. Nang magtama ang paningin nila ay ngumisi ito. Umirap siya.

That guy… he was getting on her nerves. Big time.