webnovel

Chapter 11

Chase licked his lips. Hinayaan niyang dumaloy sa kanyang ulo patungo sa katawan ang tubig mula sa shower. The warmth of the water made his mind wander. Kapag nag-aaway sila ni Lynne, hindi lumilipas ang tatlumpung minuto na hindi nagso-sorry o nakikipagbati ang kapatid niya. Pero ngayon, tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari 'yon, hindi pa rin siya nito pinapansin.

Oo, nagti-text ito sa tuwing gagabihin ng uwi at minsan ay nagdidikit ng sticky note sa pinto ng kanyang kuwarto, pero kapag kinakausap na niya ito sa personal, hindi siya nito sinasagot. Mukhang paninindigan nito ang hindi pakikipagbati hangga't hindi siya humihingi ng paumanhin sa kaibigan nito.

Truth be told, moments after the fight on that fateful day, he was able to clear his head and think rationally. Naisip niyang may punto ang kapatid niya at siguro nga, sumobra siya noong sinigaw-sigawan niya si Hera. He even decided to apologize right there and then. Kaso, hindi pala madali.

Noong nakita niya si Hera na may kausap sa telepono at panay ang tawa na para bang walang nangyari, naikuyom niya na lang ang kamao sa inis. The lass was back to her old, cheerful self! Mukhang hindi man lang na-guilty sa ginawa nito! Tinalikuran niya ito at hindi na itinuloy ang planong pakikipag-usap dito.

Gano'n ang palaging senaryo sa tatlong araw na nakalipas. Susubukan niyang makipag-usap pero sa huli ay hindi niya itinutuloy. Kaya para siyang hangin kung ituring nina Lynne at Hera sa mga araw na iyon. Dinadaan-daanan lang, ni hindi tinitingnan.

Isa pa, sa tuwing umuuwi siya, wala siyang naaabutang tao sa bahay. Madalas na ginagabi ang kapatid niya dahil sa trabaho, habang ang kaibigan nito, panay ang alis at punta sa kung saang-saang bar.

Wala naman siyang problema sa mga taong mahilig uminom. There was this thing called free will and he could respect that. Everyone had the right to do whatever they wanted to do as long as it was not contrary to law, morals, customs, public order or public policy. At least that's what he thought. Ngunit ibang usapan ngayong nasa poder niya si Hera, responsibilidad niya ito.

He turned off the shower and skillfully wrapped a towel around his lower body. Isa ang gabing 'yon sa mga gabing inaabutan niyang walang tao sa bahay. Saktong paglabas naman niya ng banyo ay ang pagpasok ng isang pamilyar na pigura sa pinto.

Hera.

Agad niyang napansin mula sa kinatatayuan ang namumula nitong pisngi at namumungay na mga mata. Padarag itong umupo sa sofa habang hirap na hirap sa pagtatanggal ng heels at mga alahas. Magulo ang kulot nitong buhok at lukot-lukot ang suot na long sleeve polo shirt na tinernuhan ng itim na mini skirt.

Hera stood up, stumbling, just to dim the lights down. Sumasakit siguro ang ulo nito sa sobrang liwanag. Halos humalik na ito sa sofa nang muli itong umupo. Mukhang hindi siya nito napansin.

Nilapitan ni Chase ang dalaga. Ni hindi na siya nag-abalang magbihis muna ng disenteng damit. Who would even notice, right? Hera was wasted.

"Stop going to clubs. Kung gusto mong magpakalasing, d'yan ka sa veranda," he said in a commanding voice.

Pumikit ito at naghilot ng sentido. "Lynne?"

Kumunot ang noo niya. "I'm Chase. Lynne's not here yet. Overtime."

Hindi siya sigurado kung naintindihan siya nito. Humilig lang ito sa sofa na tila walang narinig. Nag-iwas siya ng tingin nang makitang bahagyang umangat ang suot nitong mini skirt. Inabot niya ang pinakamalapit na throw pillow at itinabon iyon sa binti ng dalaga. Tinalikuran niya na ito pagkatapos.

Umamba na siyang maglalakad patungo sa kanyang kuwarto nang magsalita si Hera.

"Chase… I'm so sorry about what happened the other day."

Huminga siya nang malalim. Tumango siya saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

—x—

Pasado alas nuwebe nang nakauwi si Chase kinabukasan. Nakipagkita pa siya kay Ai dahil nahiya na siya sa naudlot nilang pagkikita at sa madalas niyang pagtanggi sa tuwing nagyayaya itong lumabas. Sa isang coffee shop malapit sa opisina ng dalaga nila napiling magkita.

Halos puro tungkol sa trabaho ang laman ng kanilang kuwentuhan. Corporate lawyer ang dalaga—gumagabay sa legal na aspeto ng pagpapatakbo sa isang malaking korporasyon sa Maynila. He was once a corporate lawyer, too. Ngayon, bukod sa pagtuturo, legal advisor at consultant siya ng ilang kliyente.

Nang magyaya siyang umuwi ay napansin niya ang bahagyang pagngiwi ni Ai na mabilis din namang napalitan ng pagtango. Ipinangako na lang niyang magkikita ulit sila sa susunod kaya muling umaliwalas ang mukha ng dalaga.

Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa garahe. Napangiti siya nang makitang bukas ang ilaw sa loob ng bahay. For the first time in a while, someone went home earlier than him.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Napawi ang ngiti niya nang makitang walang tao sa sala kahit may dalawang baso ng orange juice na nakapatong sa center table at bukas ang TV. Narinig niya ang mahinang bulungang nagmumula sa kuwarto ni Lynne.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang pinto at sumilip sa kaunting awang doon.

Ang una niyang nakita ay si Hera. She was animatedly talking about something. Kumukumpas ang kamay nito at nanlalaki ang mga mata. She looked just fine, parang hindi ito ang Hera na lasing na lasing at humingi ng tawad sa kanya kagabi. Sunod niyang nakita ang kapatid niya. She looked exacty like Hera. She was busy making faces while talking.

Kumunot ang noo niya. Lumapit pa siya para marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Okay lang ba talagang pumasok na tayo sa kuwarto mo? Baka magalit 'yang kuya mo, ha. Sabihin e obvious na obvious ang pag-iwas natin sa kanya."

Lynne made a mocking face. "Labas ka kung gusto mo."

"Ayoko nga! I was just asking, masyado 'to. So, nasa'n na nga 'yung usapan natin kanina?" tanong ni Hera.

"Sabi mo, feeling mo, nagbabago ka na," tatawa-tawang sagot ni Lynne.

"Oo kaya, don't laugh! See iniyakan ko lang 'yung away namin ng kuya mo, hindi ako masyadong nagalit, hindi ko sinabayan 'yung galit ni Chase. I didn't even mention it when Kuya called. Tinanong niya ako kung bakit malat ang boses ko that night, paos, sabi ko may sipon lang. You get my point? You know me, I am not really kind," litanya ni Hera.

"Okay, kuha ko. But you're kind. Hindi mo lang alam." Humalakhak si Lynne. "Kaya nga gusto kitang maging sister-in-law."

Umawang ang labi ni Chase. This whole conversation was making his head spin. But Hera as Lynne's sister-in-law was on another level. Her sister must be crazy.

"That's impossible, kilabutan ka nga! Laki kaya ng galit sa 'kin ng kuya mo."

"The more you hate, the more you love! Pero kung manligaw sa 'yo, may pag-asa?"

Chase couldn't help but sigh. Kung ano-ano na namang pinagsasasabi ng kapatid niya. Kaya siguro nagkakasundo ang dalawang 'to, birds of the same feather…

"Nagpapatawa ka ba? Walang pag-asa kasi imposibleng manligaw 'yon," ani Hera na nakapagpangisi sa kanya.

That's right, sa isip-isip niya.

"Hayaan mo, Lynne, mahahanap ko rin ang soulmate ko," si Hera.

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang malakas na pagtawa ng kapatid. "Soulmate? Naniniwala ka do'n? 'Di naman totoo 'yon!" pagkontra nito.

"Ano ka? Hindi pa naman napapatunayang hindi totoo kaya totoo 'yon!"

Napabuga siya ng hangin at nailing sa sarili. Argumentum ad ignorantiam. One cannot say that a claim is true just because it is yet to be proven false or vice versa.

He bit his tongue. Gusto na niyang tigilan ang kaiisip tungkol sa logic at fallacy lalo na kapag si Hera ang nagsasalita. 'Yun nga lang, hindi niya mapigilan ang sarili.

Umatras siya at tumalikod na. Pero bago pa man siya makahakbang ay bigla nang may nagsalita sa likuran niya.

"Kuya, anong ginagawa mo d'yan?" "Are you eavesdropping?" Halos sabay na sabi ng kapatid niya at ng kaibigan nito.

Nilingon niya ang mga ito. Parehong kunot ang noo at nakahalukipkip ang dalawa.

Napalunok siya saka pumikit nang mariin. "Hera, can we talk?" kusang lumabas sa bibig niya.

Nagkatinginan ang matalik na magkaibigan.