webnovel

Chapter 4B

Hindi ko na naabutan si Achi sa labas ng bodega, nakita ko nalang ang pagharurot ng sasakyan nito palayo. Bahagya pa akong nagulat ng may kung anong sasakyan ang huminto sa harap ko.

"Get in!" Ani Paris, nagmamadali naman akong sumakay sa sasakyan.

Habang nasa daan ay hindi ko maiwasan ang mag-alala...

*"Alala??? At kailan ka pa nakadama ng pag-aalala sa isang lalaking ilang beses ka ng pinahiya?"*

Sigaw ng isang bahagi ng utak ko...Alam kong may mga matang panay ang sulyap sa'kin pero hindi ko na pinansin 'yon dahil ang kotseng sinusundan namin ang iniintindi ko.

"Hey, Cassandra! Relax, napaka-nerbiyosa mo naman ata." Ani Paris, matulin ang pagpapatakbo nito ng sasakyan.

"Baka kasi mapano 'yong kapatid mo! Napagsalitaan ko pa naman 'yon kanina tungkol kay Annika"

"Ahh..I get it, kaya pala mainit ang ulo niya pagpasok kanina."

"Oo, paano naman kasi napaka-pilosopo!"

"Gano'n talaga siya, kahit magkahiwalay kaming lumaki kabisado ko na ang ugali ng mga kapatid ko."

Napalunok ako ng biglang binilisan pa nito ang pagpapatakbo. Biglang tumunog ang cellphone ni Paris...may tumatawag... dagli niyang isinuot ang earphone.

"Stop following me, Paris!" Galit na bulalas ni Achi sa kabilang linya.

"I'm not following you, 'etong fake bride mo ang gusto kang sundan."

"Puwes sabihin mo sa kanya huwag siyang makialam! Buhay ko 'to----!" Natigil ito sa pagsasalita ng marinig ang boses ng dalaga halatang nakikipag-agawan ito sa earphone.

"Hello, Mr. Montevilla!" Bahagya pang nailayo ng binata ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya.

"Damn!"

"Huwag mo akong ma-damn, damn diyan! Magpapakamatay ka ba ha? Stop the car!" -Sandy

"Mamamatay man ako o hindi wala ka na 'ron! This is my life! Get lost!". -Achi

"Ah gano'n?!! Paris, open the window! Dikitan mo ang sasakyan niya!"

Agad namang sumunod ang isa... Bahagyang inilabas ni Sandy ang kalahati ng kanyang katawan sa bintana ng kotse.

"Hey! Bawal 'yang ginagawa mo! It's dangerous." Saway ni Paris.

"Hoyyyyyy!!! Itigil mo 'yang sasakyan mo! Kapag hindi ka tumigil tatalon ako dito!" Ani Sandy na hawak-hawak parin ang cellphone.

"Bullshit!" Napamura ang binata ng makita sa side mirror ang ginagawa ng nasa kabilang linya.

"Kapag namatay ako hinding-hindi mo na makikita si Annika!"

"Cassandra! Stop it! Nasa national highway na tayo." -Paris

"Isa... Dalawa! Hindi ako nagbibiro, Mr. Montevilla! Kapag sinabi ko gagawin ko talaga!" Aniya na parang walang narinig.

Nagsimula naring mapikon si Paris dahilan para binilisan pa ang pagpapatakbo. Mayamaya pa'y rinig na nila ang ugong ng patrol car.

"Ugh! Humanda ka sa'kin!" Ani Achi, pabigla nitong inapakan ang preno ng sasakyan ng makita ang dalawang patrol car na sinasalubong siya. Galit na nasuklay niya ang buhok gamit ang kanyang mga daliri pagkuwan ay padaskol na bumaba sa sasakyan.

"Hay, naku!" Naibulalas ni Sandy ng maitigil ang ginagawa. Agad na naitabi ni Paris ang kanyang sasakyan kasunod kay Achi.

"I told you, it's too dangerous!" Saway ni Paris na mabilis umibis ng sasakyan.

"I'm sorry." -Sandy

Malalaki ang hakbang na lumapit si Paris sa kapatid at walang sabi-sabing binigyan ito ng suntok. Napawingi si Achi, nang tingnan niya ang kamay ay may dugo na.

"I told you not to rush everything!"

Galit na sabi ni Paris, hindi paman ito nakapagsalita ulit ay ginantihan na ito ng suntok.

"I'm still older than you! How dare you to punch me?!!"

"Tumigil nga kayo!" Anas ng dalaga na sinubukang pumagitna sa dalawa, agad namang lumapit ang mga pulis na sakay ng ampra.

"Isa ka pa! Ikaw ang puno't dulo ng gulong 'to!" Baling ni Achi kay Sandy.

"Pinipigilan lang kita! Eh kung nakabangga ka ha? Kasalanan ko pa!"

"Sir, sa presento nalang kayo magpatuloy, nakakaabala na kayo sa ibang tao." Anas ng isang pulis.

Sa sobrang inis ay nasipa ni Achi ang gulong ng sasakyan nito.

Dahil nga sa maimpluwensya ang mga Montevilla agad na alegro ang kaso ng dalawang binata na overspeeding.

"Talaga bang hindi mo ako tatantanan ha?!!" Kunot-noong sabi ni Achi ng mapansing sumusunod parin ang dalaga sa kanya.

"Pinangako-an mo sina Tita na ihahatid mo ako pauwi for my safety!"

"Hah!" Napatawa ito ng pagak sabay pameywang. "Hindi ka ba natatakot sa'kin, Ms. Pagan?"

"Ba't naman ako matatakot sa'yo? Hindi ka Santo para katakutan ko!"

"Napaka-tigas talaga ng ulo mo! Kaya siguro iniwan ka ng fiance mo dahil diyan sa ugali mo! Mahilig kang makialam sa buhay ng ibang tao! You're so----!" Hindi na nito natapos ang pagsasalita dahil sa isang malakas na sampal.

"How dare you to judge me?!! At bakit ikaw? Iniwan karin naman ng fiancee mo, diba? Niloko karin niya! Kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako dahil hindi mo alam ang buong pagkatao ko!" Pagkasabi no'n ay tumalikod na ito... Hindi napigil ang mapaluha dahil sa masasakit na salitang ibinato ng binata.

"Let me take you home." Ani Paris na mabilis hinila ang kamay ni Sandy, ilang sandali pa'y napasunod nalang ng tingin si Achi sa papalayong sasakyan ng kapatid.

Nang makarating sa loob ng bahay ay agad na akong dumiretso sa kuwarto.

"Anyare? Ba't namamaga yang mga mata mo?" Anas ni Mj na sinundan pala ako sa kuwarto.

"W-Wala" Patalikod akong napahiga sa kama.

"Kilala kita, Sandy...bakit ka ba umiyak ha? At bakit 'yong si Paris ang naghatid sa'yo hindi si Achi?"

"Ang kapal ng mukha niyang pagsabihan ako tungkol sa pang-iwan sa'kin ni Liam! Kung tutuusin siya naman talaga ang matigas ang ulo hindi ako!"

"Saan ka ba nagagalit? Sa pag-iwan ni Liam sa'yo o dahil nasaktan ka sa sinabi ni Achi Montevilla?"

Bahagya akong napaisip... Bakit nga ba ako gano'n kaapektado sa sinabi ng Achi na 'yon?

"Naku malala 'yan, Sandy! Baka gusto mo na ang tinaguriang 'Achilles' sa pamilya Montevilla."

"Tumigil ka, Mj! Wala ako sa mood para makipag-biruan sa'yo."

"Hindi ako nagbibiro, Sandy... Kung ako sa'yo dalian mo na ang paghahanap kina Liam dahil kapag tumagal pa, mas magiging kumplikado yang nararamdaman mo at kapag nagkita sila ni Annika Almonte...mapipilitan kanang umalis sa buhay ni Achi Montevilla."

"That will never be happen... I'll make sure of it!"

"Bahala ka, basta pinagsabihan na kita. O siya, uwi na ako! Nandito ka naman na eh...bye!"

"Salamat." Pagkuwan ay narinig ko na ang pagsirado ng pinto. Bahagyang dumako ang pag-iisip ko...

*"Pa'no balik na ako sa loob."* Anas ko na akma na sanang tatalikod pero mabilis na nahila ako paharap ni Paris at niyakap.

"I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina, nakakainis kasing isipin na halos ipapahamak mo na ang sarili mo para lang kay Achi." Napamaang ako sa mga sinabi nito...lalo na ng halikan nito ako sa noo...

"Goodnight" pagkuwan ay tinungo na nito ang driver's seat at pinasibad ang sasakyan. Napasunod nalang ako ng tingin rito.*

Nakailang tungga na ng alak ang binatang si Achi, nasa mini bar siya ng kanilang Mansiyon. Hindi niya mapigilan ang mainis sa nakita. He was there...sinundan niya ang dalawa at hinintay niyang makalabas si Paris sa bahay ng dalaga..Hindi niya alam kung bakit niya ginawa 'yon...

"Damn her!" Napamura siya ng maalala ang ginawa ng kapatid.

"Sabi ko na nga ba't nandito ka lang!" Anas ni Blue, tumabi ito sa kinauupuan ng nakatatandang-kapatid pagkuwan ay tumungga narin ng alak.

"Ano na naman bang ginawagawa mo rito ha?" Anito na muli na naman sanang tumungga ng alak pero agad kinuha ni Blue ang hawak nitong wine glass.

"That's enough, Kuya! You're drunk... Nalaman ko ang nangyari kanina, sinabi sa akin ni Ares. May kukunin lang sana ako sa kuarto pero ang sabi ni Adraine umuwi ka raw kaya dumiretso na ako rito. Buti nalang nasa bakasyon si Mama dahil kung nandito siya siguradong papagalitan ka no'n."

"Para ka talagang si Mama...at para kang si Sandy na 'yon! Ha! Walang preno ang bibig."

"O ba't narating si Fake bride sa usapan? Huwag mong sabihing... siya ang dahilan ng paglalasing mo?" Anito na pinipigilan ang mapatawa.

"Wala akong pakialam sa babaeng 'yon, okay?" Muli nitong kinuha ang basong hawak ng kapatid at tumungga ng alak. "Kahit ilang beses pa siyang halikan ni Paris sa noo... wala akong pakialam!" Lasing na bulalas nito. Bahagyang napaatras si Blue sa narinig.

"Paris did that?!! Then, he likes her! And you're acting like a jealous boyfriend!" Tuluyan na itong natawa.

"Oh, shut up! Magsama silang dalawa, basta ako hahanapin ko si Annika!" Pagkasabi no'n ay nawalan na ito ng malay. Naiiling na napakamot nalang si Blue sa ulo.