webnovel

Exael

I regret loving someone like you - Lyris I hate myself for destroying you - Exael

wriwrites · 若者
レビュー数が足りません
4 Chs

Chapter Two

I spent the night at Exael's room. nagpakatanga nanaman ako sa kanya, nagpagamit nanaman ako.

Konting lambing, konting haplos, ngiti at halik lang niya, hulog na hulog nanaman ako. Sa kama lang naman niya ako tinatrto nang tama.

He has always been sweet to me whenever we do intimate things, feeling ko girlfriend niya ako because he's sweet and gentle with me.

"Lyris, breakfast's ready" a half naked Exael said entering the room.

He always does that, he always cooks for me. Masarap magluto si Exael, minsan naiisip ko, paano kung isang araw mahalin na niya ako, will he treat me like this all the time?

"Don' look at me like that, baby" he whispered, hindi ko na napansin na nakalapit na pala siya

"I know I look sexy but we don't have time for sexy time right now, we have errands to do, so get your pretty ass up and eat" he said before kissing me on my forehead

Napabuntong hininga nalang ako bago tumayo at sumunod sa kanya. Sabay kamig kumain at pagkatapos ay naligo na rin.

May damit naman ako dito sa kwarto niya because I often sleep in, minsan kasi sobrang clingy niya, ayaw niya ako pabalikin sa sarili kong kwarto lalo na kapag nalalasing siya, gusto niyang inaalagaan ko siya.

"Okay ka na?" he asked nang makapasok ako sa kotse and I nodded

"Will you eat lunch with me?" i asked

He smiled a little, " no" he said as he continued to drive

"Kahit ngayon lang?" I said pleading, itinigil niya ang kotse sa tabi bago ako binalingan

"Let's get something straight okay? you do not have any rights to demand, kung ako ang may kailangan sayo itetext nalang kita" he said annoyed

"You're becoming clingy, Lyris, and you know that I don't like that" he added

"Nakakapagod na yung ganito, bakit kapag ikaw pwede kapag ako hindi? wala parin ba?" this is so draining, I don't know if I could still keep up. No, I know I can still endure this, for him.

Alam ko namang kahit anong pagmanaktol ko, hahabulin ko parin siya at sa kanya parin ako babalik.

"Stop acting as if pinipilit kita Ly, you wanted this remember?" and now he's angry

Yes, ako naman talaga ang may gusto nito at alam ko namang pinag bibigyan lang ako ni Exael, and that's why I treasure every moment na nakakasama ko siya, pero minsan talagang napapagod na ako intindihin siya.

Nasasaktan din naman ako, napapagod, naiinis, tao rin naman ako. Bakit hindi ako pwedeng mag demand? Bakit hindi ko siya pwedeng makasama?

"Sorry" I said, dismissing the conversation. Dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kanya.

Wala rin namang mangyayari kung ipipilit ko pa. Magagalit lang siya lalo sakin. He started the engine again and drove us to school.

Masama parin ang loob ko, pero wala naman akong magagawa, I can't change how he feels about me. Tama nang sakin parin siya umuuwi, tama na yung mga panakaw na sandaling kasama ko siya.

Nang makarating kami sa school ay agad akong bumaba sa kotse niya at walang sabi sabing umalis. I don't honestly have the energy to face him right now, magpapalipas muna ako, alam ko at alam naman din niyang hindi ko siya matitiis.

Nang makarating ako sa classrom ay kaagad naman akong sinalubong ni Iria

"O, bakit ganyan ang itsura mo? muka kang namatayan" asar niya na ikinairap ko nalang. Alam naman naming dalawa kung bakit nakasimangot ako

"Wala, masama lang ang gising ko" sagot ko naman. Kapag sinabi ko ang totoong dahilan tiyak na sesermonan nanaman niya ako

"Oh, pinabibigay nga pala ni kuya" sabi niya habang inaabot sakin ang isang kahon ng tsokolate

"para saan daw?" sagot ko naman bago tanggapin ang tsokolate.

"manhid ka ba girl? puro ka kasi e

Exael e" tatawa tawang sagot naman niya

"siyempre nanliligaw ang kuya" kindat niya sakin

Gwapo at mabait naman ang pinsan ni Iria, pero sadyang hindi ko kaya magkagusto sa iba. Siya parin talaga ang guso ko kahit na hindi naman niya ako gusto.

"Alam ko na yang mukang yan, relax! my cousin likes you pero he's not forcing you to like him naman '' depensa niya. I know how it feels to like someone na hindi ka naman gusto and so, I feel bad for kiel.

" I know naman, but Idon't like the thought na may nasasaktan akong tao" sagot ko naman. I am fully aware na I can't control people's feelings pero hindi ko parin mapigilang ma guilty.

"He's completely aware of that, and you can't do anyting about how they feel" I know, wala naman talaga akong magagwa kung hindi ko masuklian ang nararamdaan nila.

"ay nako! enjoy the chocolates nalang" pag iiba niya ng usapan

may mas lalala pa ba sa araw na ito?

Our professor came at pinagpatuloy ko ang araw ko. I only have two classes for today, so I decided to go home right after.

xxx

"Hi nay" bati ko "andyan na po ba si Exael?" dagdag ko pa bago mag mano sa kanya

"Nako hindi na kayo nagkasalubong. Kaaalis alis lang" nakangiti niyang sagot.

Sa pagkakatanda ko, isa lang naman din ang klase ni Exael. Saan kaya siya nagpunta.

"nay" tawag ko bago siya niyakap nang mahigpit

"May problema ka ba anak?" nag aaalang sagot niya bago hinagod hagod ang aking likod

"Wala po nay, nagugutom lang po" natatawa tawa kong sabi, paglalambing sa kanya

"naku naglalambig nanaman ang aming dalaga" tawa tawa rin niyang sagot

"hayaan mo't ipagluluto kita ng paborito mo" yumakap naman ako nang mas mahigpit pa sa kanya

umakyat na ako sa kwarto para makapag pahinga. I changed my clothes and got my phone para icheck naman ang social media ko, I logged in to twitter.

I scrolled for awhile. Reading people's thoughts and opinions about things really amazes me, and as an aspiring journalist e I've become much more open in sharing my opinion and views about our country's current situation.

nang magsawa ako sa twitter, nag instagram naman ako. Hindi ako ganun ka active sa platform na ito, I don't really like sharing pictures of myself to people dahil nahihiya ako pero I like taking and sharing pictures of landscapes na nakunan ko kapag nag tatravel kami.

Pagkuwa'y nakaramdam ako ng antok kaya nag ayos na ako para matulog

I woke up around 4 in the afternoon at nagulat ako sa daming missed calls and texts ni Exael. Bigla naman akong kinabahan kaya tinawagan ko kaagad siya

"e-" i was caught off guard when I heard a woman moaning sa kabilang linya

para akong pinag bagsakan ng langit sa narinig ko. I've always seen him with a girl, flirting and making out with them but he never slept with them, but hearing them moaning really hurts.

I ended the call after that. Nanginginig, hindi ko alam ang gagawin ko, iyak lang ako nang iyak, gusto ko siyang awayin, sigawan, bakit? bakit ba tuwang tuwa siya kapag nasasaktan ako?

I called Sairo to ask him to accompany me for a drink and he immediately said yes. I just want to get wasted right now, baka sakaling makalimutan ko siya kahit sandali manlang.

Baka sakaling makalimutan ko yung sakit, yung sakit na dulot niya. Baka sakaling matauhan na ako.

"Lyris, don't you think that you're drinking too much?" after hours of drinking Sai decided to stop me, pero ayoko, kulang pa ito.

"bakit ba niya ako laging sinasaktan sai? kulang pa ba ako? ano bang mali sakin?" tanong ko sa kanya habang patuloy parin sa pag iyak

"nothing's wrong with you Ly, you're more than enough. Talagang hindi lang siya marunong makuntento, don't you think that it's too much already?" malungkot na sagot niya

Sairo held my hand, trying to give me comfort. Pero hindi parin mawala sa isip ko ang ginawa ni Exael.

Ganun ba siya kagalit sakin? Hanggang kailan?

"I've done everything to make him fall for me, I gave him everything Sairo" patuloy lang ako sa pag iyak at pag inom, kahit gaano pa kadami ang alak na inumin ko, hindi ko parin talaga makalimutan ang nangyari

"Lyris tama na, lasing ka na" nag aalalang pigil niya sakin

I looked at him once again, Sairo is not bad looking. Actually marming nagkakagusto sa kanya, bakit hindi nalang siya yung gustuhin ko? bakit hindi nalang siya yung nagustuhan ko? I know he'll treat me right, I know, I just do.

Tanga siguro talaga ako. Dahil pilit kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto.

" will you give me a kiss if i ask for it sai?" natatawatawa kong tanong sa kanya na ikinakunot ng noo niya

I playfully held his cheek. Looking at him straight in the eyes. "bakit hindi nalang ikaw?" Malungkot kong saad.

"what the hell are you saying?" nagtataka namang sagot niya

"you want me to stop drinking right? make me. kiss me to make me stop" natatawa ko paring sagot, maybe if I feel someone else's lips on mine mababago ang nararamdaman ko.

"Are you sure about this?" he asked and I nodded, I am desperate now to forget him. Kahit ngayon lang.

Sairo slowly bent his head down, hinawakan niya ang aking pisngi, he's about to kiss me but then-

"I swear to God if you kiss her I will break your fucking face Sairol" napalingon kami pareho ni Sai sa nagsalita. Anger is written all over Exael's face. What's his problem?

"Sai, why'd you stop? natatakot ka ba sa kanya?" hamon ko. Sairo looked at me in the eyes, I know he's handsome but I never thought na ganito kaganda ang mga mata niya

"let's go home" nabigla naman ako nang hablutin ni Exael ang aking braso. Agad naman akong nagpumiglas dahil ayaw ko siyang makasama ngayon. Ni hindi ko maatim na hawakan niya.

"ano ba?! let me go!" patuloy ko paring pagpipiglas sa kanya

"bro, let her go" hila rin ni Sairo sa kabila kong braso

"she came here with me, so she is going home with me" dagdag niya pa

binitawan naman ni Exael ang aking braso at masama akong tiningnan.

Bakit parang kasalanan ko? Siya tong nakipag sex sa kung sino pero ako bawal magpakahilk sa iba?

"okay then, choose. kanino ka sasama? if you choose him, you can never be with me again and the engagement is off" nagtitigan kaming dalawa at naiyak nanaman ako, sobrang sakit na.

" come on Lyris, don't make me wait, choose!" sigaw niya

nilingon ko naman si Sairo, he looks furious, galit din siya tulad ni Exael. Sino bang pipiliin ko?

Tiningnan ko si Sairo, hoping that he can see how sorry I am, "Sai, sorry for dragging you into this mess" panimula ko

"siya parin ba ang pipiliin mo? hindi ka pa ba napapagod na saktan niya? come on Ly, stop being stupid" alam kong sobrang tanga na ako pero si Exael parin talaga ang pipiliin ko

"Fine then. Go with him. Tawagan mo nalang ako kapag natauhan ka na" Sairo said before leaving

I looked back at Exael who is now smiling. Dahil alam niyang panalo nanaman siya. I won't even bother asking kung paano niya nalaman na nandito ako.

"I want to go home" pagod kong sabi sa kanya