webnovel

Escaping Zamiel's Clutches

Two people who are inlove with each other but something is keeping them apart. Their past. Ano nga bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit gustong lumayo ni Sienna mula kay Zamiel? Bakit ayaw pakawalan ni Zamiel si Sienna? Read more to find out.

Deianne_e23 · 若者
レビュー数が足りません
36 Chs

16: Another One

"Sienna! My goodness! Anong oras na at tulog na tulog ka parin! Gumising ka na nga diyan!" Agad na napabalikwat ako sa paghiga ng marinig ang boses ni Vivienne.

She's really an effective alarm clock. Sa lakas ba naman ng boses nito ay maririnig sa buong apartment room ko.

Nakalimutan kong Monday ngayon, I looked at my phone dahil hindi tumunog ang alarm clock nito. Napangiwi akong nakatingin sa aking phone nang makita na low battery. I forgot to charge it yesterday.

"Heto na!" Sambit ko at nagmamadaling pumunta sa cr ng aking kwarto. It didn't take long before I finished taking my bath. Sinuot ko na din ang uniporme ko. It was just a simple black pencil skirt and our school's light blue blouse for teachers. P

Hindi na din ako nahirapan sa pag-ayos dahil hindi naman ako maarte pagdating sa aking buhok. I just let my hair loose, and did a simple make-up. Mga bata ang tuturuan ko kaya ay dapat tama lamang ang aking ayos.

Isang linggo rin ang nagdaan simula nang magkabatian kami ni Zamiel, at pagkatapos 'non ay umalis agad ito papuntang Makati City. At sa isang linggo na iyon ay araw-araw itong tumatawag at tinetext.

Napakunot na lamang ang noo mo nang mapansin na wala pa rin akong natanggap na text, tuwing umaga kasi ay lagi itong bumabati ng 'good morning'.

"Nakapagluto ka ba Vivienne?" Tanong ko pagkabukas ng pinto. Minsan kasi kapag umagahan ay nagdadala siya ng breakfast o di kaya ay ako naman ang magdadala sa kanila.

Pagkapunta ko sa dining table ay ang lumalamon na Vivienne ang bumungad sa akin. Nanlaki na lamang aking mata nang mapansin ang mga pagkain na nakahain sa mesa.

"Ang saya mo ata ngayon para magluto ka ng ganito kadami." Masayang komento ko at tinikman ang bacon na nasa aking harap.

"As if naman paglulutuan kita ng ganiyang kadami..."

Napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Nag order ka?"

"No..." Before I could ask her another question, a deep voice greeted me.

"Good morning." Agad na napatingin ako sa aking likuran nang marinig ang boses niya. At nanlaki na lamang ang aking mata nang makita siyang nakaayos ngunit may suot suot na apron.

He looked so formal with his khaki pants, and white long sleeves, in which he folded so it wouldn't get dirty. However, he looked so cute with the apron, lalo na at color pink ito. Hindi ko mapigilan at malapad na napangiti sa kaniya.

Kaya naman pala hindi ito nagtext dahil ke-aga aga pa lang pumunta na agad ito sa apartment ko. Napangiti na lamang ako.

"Nagluto ka?" Tanong ko kahit obvious na ang sagot.

He nodded as he put another plate of pancakes in the table. "Ang tagal mong gumising kaya ay pinagluto na kita."

Napatingin ito sa akin at mas lalong lumapad ang aking ngiti nang tinaasan niya ako ng kilay.

"Eat. It's already late." Sambit niya at pinaghain ako. I let him be. Alam niya naman ang gusto kong kinakain which is 'yong pinagluto niya para sa umagahan.

Humarap ako kay Vivienne. "Sumabay ka na sa amin." Pag aaya ko.

"Hmm.. Zamiel already told me." She replied at napatingin na lamang ako sa lalaking katabi ko.

"What?" He asked as he handed me the fork after slicing the pancake.

Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata at tinaasan ng kilay. "Ang close niyo na atang dalawa."

"Selos ka?" Mabilis na komento ni Vivienne at malakas na napatawa.

Tiningnan ko naman siya ng masama at napairap. I glanced at Zamiel and there was a small smile plastered on his lips, and I couldn't help but to smile also.

---

Tulad nga ng sinabi ni Zamiel ay hinatid niya kami pagkatapos kumain. The school isn't that far from our apartment. Magtatagal lamang ang byahe ng 15 to 20 minutes bago makarating.

He's going to meet someone, at hindi na ako nagtanong pa kung sino dahil pinagtitiwalaan ko naman siya.

I bid at him goodbye as he entered his car and left. It was almost time at nagmadali na kaming pumunta ni Vivienne sa kaniya kaniya naming room.

The school is a private one. I'm handling a grade one class. Mas gusto ko kasing magturo ng mga bata. Aside from the fact that it's not that stressful, I love kids. Nakakasaya ng araw makakita ng mga batang nagsusumikap matuto.

"Good morning teacher!" Bati ng isa sa mga estudyante ko pagpasok ko lamang ng room. And everyone followed.

"Good morning class!" I happily replied to all of them with a smile.

This time it wasn't just an obligatory smile to show them but a smile that is real.

---

"Sienna!" Napatingin ako sa tumawag sa akin and it was Dorothy. Nagtuturo din siya at magkatabi lamang kami ng room. It was almost 4:30 at malapit na rin mag uwian, ngunit may pinapasagot pa ako sa mga bata.

Lumapit ako sa kaniya at napataas na lamang ang aking kilay ng makita ang hawak hawak niyang buoquet ng mga puting rosas.

"Bakit? Ipagmamayabang mo ba yang bulaklak na natanggap mo?" Pabirong sambit ko sa kaniya, kasalukuyan kasi siyang nililigawan ng isang guro mula sa High School Departement. Nakalimutan ko nga lang ang pangalan.

Nangunot ang noo niya. "Ano? Hindi no. Sa'yo to. Pinapabigay ni guard, hindi niya nga lang alam kung kanino galing." Sambit niya at may nakakalokong ngiti.

Hindi ko maiwasan at nagmadali kinuha sa kaniya ang buoqet. "Ay atat na atat." Komento niya ngunit hindi ko na pinansin. Before I could even open the note there was already a smile in my lips.

Is it from Zamiel again? Baka naman nagpatayo na'yon ng flower shop dahil halos araw-arawin niya na ang pamimigay ng bulaklak.

"Tingnan mo nga kung sino nagbigay niyan." Sambit niya at ginawa ko nga.

I searched for the note. It was just a folded paper. And my lips stiffened when I saw the name written on it.

"You're my own kind of beautiful." Pagbasa ni Dorothy sa nakasulat sa letter.

"Ay bongga! Mula naman pala yan kay Theon!"

I stared at the letter and it was really from him. It was from Theon.

And He's still not giving up.