webnovel

EMBRACE OF WINTER

Helia and her family moved to a new place to start a new life but unexpectedly, she met her mother's bestfriend. They met again after so many years of being apart to each other. Everything is fine not until she excountered a cold and unapproachable guy with trust issue and trauma. Helia become very curious about the guy behavior and why he became like that so she involved her self into the life of this mysterious boy but what would Helia do if she found out that the strange guy is the son of her mother's bestfriend and worse, her neighbor.

glitterr_fairy · 現実
レビュー数が足りません
33 Chs

Chapter 19

Pagkatapos kong maglaro sa computer ni Brynthx ay naisipan ko na lang manood ng TV. Syempre nagpaalam muna ako sa may ari ng bahay. Hindi naman pwedeng gamitin ko na lang basta basta yung mga gamit dito hindi ba parang ang kapal naman ata ng mukha ko kung ganon.

Akala ko ay maglalaro na si Brynthx ng video games sa kanyang computer ngunit nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko at doon nagpipindot sa kanyang nitendo switch na hawak. Nakaharap ako sa telebisyon habang siya naman ay tahimik na naglalaro lamang. Mukhang gagabihin si Tita Lyn at Mama dahil anong oras na ay hindi pa sila umuuwi. Ayaw ko namang iwan na lang basta basta dito si Brynthx nang mag isa.

Inabot ni Brynthx ang isang mansanas na nasa maliit na lamesa sa aming harap. Pinunasan niya muna ito bago iabot sakin.

"Thanks" pasasalamat ko nang ibutin ko ang mansanas

Pagkatapos ibigay sakin ay kumuha ulit siya ng panibago para sa kanya. Kagat kagat niya ang mansanas at hindi inaalis sa bibig na ito dahil panay ang pindot nito sa nilalaro. Mukhang matatalo siya.

Buti na lang ay hindi ko pa nakakagatan ang inabot niya saking mansanas. Tumayo ako at balak sanang pumunta sa kusina ngunit mabilis na pinigilan niya ako. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sakin.

"Saan ka pupunta?" tanong nito at matamang nakatingin sakin.

"E-eh?"

"I said where are you going?" pag uulit nito sa sinabi

"Sa kusina...." sabi ko sabay turo don

Problema mo?

Mabilis na binitiwan niya ang aking kamay at bumalik sa paglalaro na parang walang nangyari kaya napakunot na lang ang aking noo dahil sa pagtataka.

Pagdating ko sa kusina ay sinimulan kong hiwain sa maliliit na piraso ang mansanas saka iyon nilagay sa platito at bumalik sa sala.

Umupo ako at inabutan siya ng maliit na piraso ng prutas. Naisip ko kasi na mas madali siyang makakain kung hahatin ko ito sa maliliit na piraso lalo na't abala siya sa paglalaro.

Nagulat ako nang bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sakin kaya mabilis na napalayo naman ako. Kinain niya yung hawak kong prutas saka bumalik ulit sa kanyang ginagawa habang ako naman ay hindi makagalaw agad dahil sa ginawa niya.

I thought he's going to ki--kis--kiss---whatever!

"Tch." dismayadong sabi ko

I'm disappointed?!

"Hey" sabi ni Brythnx sabay kalabit sakin

"What?" nakataas ang kilay na sagot ko

"Ah" sabi niya saka ngumanga

"What are you doing?" tanong ko

"Feed me" sagot niya naman

"Why do I nee----"

"Just do it"

Ikaw na nga lang yung nag uutos tapos ang demading mo pa. Naiinis na sinubuan ko siya nung prutas kaso aksidente kong natamaan yung labi niya.

"That hurts..." sabi nito habang nakahawak kung saan siya nasaktan. Nataranta naman agad ako.

"Sorry...." sabi ko saka sinubukan sipatin yung tinamaan ko kaso nakaharang yung kamay niya.

"Let me see" sabi ko saka marahang hinawakan ang baba niya at iniharap sakin nang maayos ang kanyang mukha.

"It's bleeding....." guilty na sabi ko at hindi maiwasang mapanguso na lang

For the second time, I hurt him again.

"I'm sorry" paghingi ko ulit ng tawad

"It's okay. No need to worry" sabi nito saka pinabalik ako sa pagkakaupo ko kanina

Nag aalangan na sinubuan ko ulit siya. This time, I'll do it properly and GENTLY.

Biglang tumunog ang phone niya kaya kinuha niya ito. Mukhang may nag message.

Nagulat ako nang bigla siya tumayo at pumasok sa kwarto niya nang mabasa niya ang message sa kanyang phone. Pagkababa niya ay nakasuot na ito ng longsleeve at handa na itong umalis.

"Saan ka pupunta" nagtatakang tanong ko dahil masyado naman atang biglaan

"May bibilin lang ako saglit. Huwag kang aalis hangga't hindi ako bumabalik" bilin nito saka nagmamadaling lumabas ng pinto. Hind na niya ako hinayaang makasagot pa at iniwan na niya ako.

Naiwan naman akong mag isang nakatayo sa sala nila hanggang nakabukas yung TV. Hindi pa man ako nakakaupo ay bumukas naman ang pinto.

"Dito ka lang" sabi ni Brynthx saka ulit umalis.

Weird.....

Tahimik at ako lang mag isa sa kanilang bahay. Nilayasan ako nung may ari. Napailing na lang ako sa aking naisip. Dahil wala naman akong masyadong ginagawa ay naisipan ko na lang na magligpit ng kaunti sa bahay nila. Hinugasan ko ang pinagkainan namin. Nagwalis at nag ayos pa ako ng ibang mga kagamitan dito sa loob ng pamamahay nila.

Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ni Brynthx. Mabilis na napangiwi ako sa aking nakita. Hanggang ngayon ay hindi niya parin nililipit yung kama niya. Ano siya bata? Lahat idudulot sa kanya.

Myghad.

Ako na ang nagkusang nag ayos ng kama niya. Hiyang hiya naman ako sa natutulog dito. Pagkatapos kong magligpit sa kwarto ni Brynthx ay naisipan kong Magtingin tingin muna sa second floor ng bahay nila. Pagkaakyat mo ng hagdan ay kwarto nila Tita Kristine at Tito Christian ang bubungad. Sunod naman yung isang kwarto na hindi ko alam kung sino yung gumagamit. At ang panghuli naman ay yung kwarto ni Brythnx, katabi non ang terrace.

Ngayon ko lang narealize na bakait nasa second floor yung terrace nila at hindi sa baba?

Maya maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto sa baba. Baka nakabalik na si Brynthx. Bumaba ako para tignan kung ano yung binili niya para umalis siya ng bahay ng ganitong oras.

Pababa pa lang ako sa hagdan ay sinisilip ko na agad siya. Napahinto ako sa pagbaba nang makita na likod palang nito ay parang si Brynthx na ngunit magkaiba ang suot na damit nito. Nakalongsleeve kanina si Brynthx nung umalis siya samantalang naka blue shirt at ripped jeans naman ang kaharap ko ngayon.

Unti unting nanlaki ang maga mata ko nung humarap siya sakin at magtaka ang tingin naming dalawa.

"Brynthx?!" gulantang na sabi ko

Makuhang kamukha talaga siya ni Brythnx. Para siyang carbon copy nito ngunit ang pinagkaiba lang maraming piercing ang tainga nito at undercut ang style buhok.

Mapalingon agad ako nang biglang bumukas yung pinto at pumasok don si Brynthx. Yung totoong Brynthx!

"Am I seeing things?" wala sa sariling sabi ko. sino ba naman kasi ang hindi naguguluhan kung may dalawang lalaki sa kanan at kaliwa mo na iisa lang ang mukha.

Bakit may dalawang Brynthx na nakapagitna sakin ngayon?!

Napaatras ako ng lumapit sakin yung kamukha ni Brynthx at naglahad ng kamay.

"I'm Blythe, Brynthx's twin brother. Nice to meet you"