webnovel

Elysium Academy (Tagalog)

She's Argon Neomy Mendez, an ordinary girl with ordinary life, until one day she meet Krypton Lee an arrogant Student Council President who make her life upside down. Her peaceful life was ended when she discovered the secret of the Elysium Academy, a school for dead souls who not being accomplished their mission in life. Are you willing to sacrifice? Or do something just to have one more chance to live? This is a battle between another life and eternal death. Secrets, Hatred, Missions Welcome to Elysium Academy.

iamjewelrie · 一般的
レビュー数が足りません
44 Chs

CHAPTER 3: XENON LEE

Argon's POV

Dahil sa curious ako kung sino yo'n ay lumapit ako.Nabigla ako ng maanininag kung sino ba talaga ang lalaki. Teka siya yung nakabangga sakin hindi ba? Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero sobrang pamilyar niya sakin. Ngayon ko lang kase siya nakita ng maayos.

Dahil parang sinaniban ako nang kamalasan at katangahan ay natapilok ako dahilan upang mapansin ako ng lalaki mula sa punong kinatatayuan ko.

"Sino yan?" tanong ng lalaki. At agad na binaba ang telepono. Dala na din ng pagka tapilok ko sa ugat ng puno ay hindi ako makatakbo. Nakakaasar. Baka mapagkamalan akong stalker dahil sa ginagawa ko.

"Meoww~ " Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang ideya na magpanggap na pusa. Sana gumana sa kanya. Nagulat ako nang tumawa ang lalaki.

"hahaha. Wag ka ng magtago d'yan Argon" sabi ng lalaki. Ngayon ko lang naisip na imposibleng ang pagpapanggap na pusa dahil ipinagbabawal ang hayop dito. Wala nakong choice kung hindi ay lumabas sa likod ng puno.

"P—Pasensya na kung nakinig ako sa usapan niyo—pero maniwala ka wala akong narinig kahit isa promise!" tuloy tuloy kong saad habang na ka tungo ako. Mas mabuti ng malinaw. Kaya inunahan ko na sya.Napatingin naman ako ng marinig ang kanyang mahinang tawa. Hala? nabaliw na ata?

" You're so funny Ms Argon, no wonder kung bakit nahumaling siya sayo" natatawang turan ng lalaki. Funny? Anong nakakatawa sa sinabi ko. Teka sino ba talaga siya? Bakit n'ya ko kilala? At sinong nahuhumaling daw? Ang gulo sobrang daming tanong sa isip ko.

" Mawalang galang na, sino ka ba talaga? Ikaw yung nakabangga sakin kanina hindi ba? Bakit mo ko kilala? " sunod sunod na tanong ko.

" Easy, tama nga sila wala ka ngang ka alam-alam sa nangyayari." Sabi ng lalaki, Now mas lalong gumulo ang isip ko dahil sa sinabi nya.

" I'm Xenon Lee, nice to meet you Ms Argon " pagpapakilala ng lalaki. Teka, Lee? Kaano ano naman nya yung dragon na Presidente nang SSG. Xenon coming from the word xenos or stranger a chemical element of atomic number 54. A colorless, heavy, odorless noble gas.

"Lee? Kaano ano mo ang School council President? " tanong ko kay Xenon. Imposibleng kapatid niya to dahil ang layo ng ugali niya kay Krypton. Although parehas silang nakakasilaw dahil sa kagwapuhan. Pero hindi talaga halata. Mukha kasing masayahin si Xenon unlike kay Krypton na daig pa ang babaing may dalaw araw araw.Hays. Bakit ko ba sya iniisip.

"That's not the matter Ms Argon."Sahalip ay sagot niya. Ano ba talaga ang relasyon nila. Nacucurious ako.

"Pero bakit mo nga ako kilala, sino kaba talaga? " tanong ko ulit.Napapikit ako ng konti dahil nakaramdam ako ng pamamaga ng paa ko pero hindi ko pinahalata kay Xenon.

"Saka ko na ipapaliwanag pag dala ko sayo sa clinic " pagkasabi nya na yon ay akmang hahawakan niya na ko nang biglang may naunang humila sakin.

" Back off Xenon" malamig na sabi ng boses, kahit hindi ko siya makita ay kilala ko na ang taong humila sakin at nag may aari ng malamig na boses. Siya lang naman ang nakakapag patayo ng balahibo ko.

" Easy lang Kryp. Dadalin ko lang naman siya sa clinic dahil namamaga ang paa n'ya " Saad ni Xenon, Kryp? Close ba sila?

Hindi naman sya pinansin ng Presindente sahalip ay humarap sya sakin. Kitang kita ko ang malalamig nya mga mata at ang black aura na bumabalot sa kanya. Paano n'ya nalaman na nandito ako. At bakit kilala n'ya si Xenon.

Mas lalo akong akong nagulat sa susunod niyang ginawa. Binuhat n'ya lang naman ako ng patiwarik. Wow ang gentleman n'ya naman. Bigla siyang humarap kay Xenon.

" Stay away from her---she's my slave " Galit na sagot nito. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis na pinaalam niya pa kay Xenon na slave nya ako. Ang sama nya I hate him.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na s'ya. Wala naman akong nagawa kung hindi magpumiglas sa kabila ng sakit na nadarama ko dahil sa pag kakatapilok ko sa ugat nag puno.

"Mr. President ibaba mo ako! Ano ba! San mo ko dadalin? " sigaw ko. Liblib ang bahagi nito kaya naman walang nakakarinig sa amin o nakakita. Sa halip na sagutin ako ay nagpatuloy lang s'ya sa pag lakad. Ang sama niya sya kaya ang ibitin ko ng patiwarik.

Nagulat ako dahil sa halip sa clinic nya ko dalhin ay sa kabilang building n'ya ko dinala. First time kong makapunta sa lugar na to dahil pawang mga SSG officers lang ang pwedeng pumunta dito. Nagulat nalang ako nang nasa ika apat na palapag na kami.

Bakit n'ya ba ko dinala dito, ang pagkaka alam ko ay s'ya lang ang pwedeng mag room sa ika apat na palapag.Pabagsak niya kong binaba sa kama. What the! Wag niyang sabihin na dinala n'ya ko sa kwarto nya. Anong gagawin n'ya sakin! Hindi maari masyado pa kong bata para sa ganong bagay.

" Ahm--Mr President b--bakit mo ko dinala dito dapat ay sa clinic diba? Wag mong sabihing ano--" Mabilis kong wika. Nakatingin lang sya sakin. Di na gaano naka kunot ang mga kilay n'ya. Bagay naman pala sa kanya ang ganyan. Bakit kase lagi syang galit.

"Tsss. " yun lang ang sagot nya. Tsss? Ahas ba sya?

Iniwan n'ya ko doon at may kinuha sa cabinet. First aid kit? Parang bigla akong nahiya, kung ano ano ang iniisip ko. Nakakaasar.

"M—Mr. Presi--" Magsasalita sana ako nang putulin n'ya nanaman ang sasabihin ko.

"Cut that Mr. President your too formal " pagputol n'ya sa sasabihin ko. Ako pa ang formal? S'ya kaya ang tawag ng tawag sakin nang Ms. Mendez.

" Fine, But di mo naman kailang-.." Aangal sana ko nang magsalita nanaman sya. Grr. Bakit ba di n'ya ko pinapatapos magsalita.

" Idiot, It's swollen" wika nya sabay tingin sa namamaga kong paa. Idiot kanina lang moron. Kaya ko naman gamutin ang sarili ko eh.

Di na ko nakapagsalita dahil baka putulin n'ya nanaman ang sasabihin ko. Hinayaan ko nalang na gamutin n'ya ang sugat ko. Ano kayang nakain nito bakit biglang bumait sakin, although masungit pa din s'ya , hays ang gulo mo Krypton!