webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #9

Sa unang pagkakataon sa buhay ni Eyz ay pinagsisihan niya ang pagiging basagulera. Kahit pa na nakakasakit siya nang mga kapwa estudyante ay wala siyang pake, lalo pa at hindi siya ang nagsimula ng gulo. Kahit ilang beses pa siyang ma-kick out, ay hindi niya iniinda 'yon.

Pero… Ngayon ay napapaisip siya na kung hindi ba siya naging 'gan'to' ay mararating niya kaya ang sitwasyon na ganito? Sa tingin niya ay hindi. Kung naging matino lang siguro siyang estudyante ay baka wala sita sa sitwasyon na 'to, 'yung napapaisip ka kung anong klase nang nilalang ang may-ari nang butong nahawakan niya.

Pero… Hindi niya naman ginusto na maging ganito siya, siguro ay nakatadhana na rin na maging ganito siya— kung ano man siya ngayon. Kung hindi lang talaga nangyari 'yon ay baka isa lang siyang mabait na estudyante at biktima nang bullying.

Hindi rin naman siya nagsisisi sa kung ano man siya ngayon, napapaisip lang. Ang nangyaring 'yon ay naging tulak na lang para mas maging matatag pa ang loob niya. May part kay Eyz na nagsisisi sa pangyayaring 'yon, pero mas lamang ang pagpapasalamat niya.

Nakatakip pa rin sa ilong ni Eyz amg blazzer, masyado kasi talagang mabaho. Kahit nga na nakatakip na ang ilong niya ay hindi niya pa rin maiwasan na maamoy ito. Ano ba naman kasi 'yon? Napaka-tapang nang amoy, mas matapang pa sa putok nang minsang nakatabi ni Eyz sa jeep.

Dapat niya na talagang ireklamo ang school na 'to, masyado nang napabayaan. Hindi dapat ganito ang environment nang mga mag-aaral, kaya madami ang tinatamad na mag-aral e.  At kung halos lahat nang mga kabataan ay tatamadin na mag-aral, paano na lang uunlad ang Pilipinas? Nakaka-impluwensya din kasi talaga ang environment sa mga kabataan.

At kung mag-isip si Eyz ay parang hindi siya nineteen years old. Minsan talaga ay maganda din ang mga iniisip niya, madalas naman ay hindi.  Kumbaga once in a blue moon lang makaisip ng matitinong bagay si Eyz.

Kung nalalaman lang ni Watch ang iniisip ngayon ni Eyz ay baka magpakain pa 'yon sa isang buong baranggay, dahil sa wakas ay may matinong bagay din na nasabi si Eyz. Hindi siya OA, sadyang wala kasi sa personality ni Eyz ang mag-isip nang gano'n.

Sa ilang oras na pamamalagi ni Eyz sa detention room ay dalawang bagay lang ang itinatak niya sa isip. Una ay hindi na siya makakapayag na muli siyang makapasok dito, at pangalawa ay kapag nakaalis na siya sa EU ay isusumbong niya agad sa DepEd ang hindi magandang environment nang mga estudyante dito. Sisiguraduhin niya na maipapasara o mapapaayos man lang ang University, dahil kung siya nga ay nagrereklamo, paano pa kaya ang iba?

Paniguradong nagrereklamo din sila sa madumi at 'di maayos na kapaligiran ng University.

Masakit na din ang likod ni Eyz at nagugutom na. Wala man siyang ginagawa ay nagugutom siya, abnormal lang 'di ba? Bumukas ang pinto na ikinatuwa ni Eyz ng slight lang, guwapong mukha ni Kevin ang bumungad sa kaniya.

Maganda ang bungad ngayon, sana naman maganda na ang mangyayari mamaya. Saad ni Eyz sa isip.

Maa-appreciate niya sana ito ng maayos kung hindi lang talaga masakit ang likod niya at gutom din siya. Siguro kapag maayos na ang takbo nang utak niya, saka niya iisipin ang guwapong mukha ni Kevin. Sa ngayon ay ang katawan at kumakalam na sikmura muna ang uunahin niya, hindi niya priority ang kalandian nang isip niya. Hindi siya mabubusog do'n.

Hindi man kita sa mukha ni Kevin, pero ramdam ni Eyz na natutuwa ito sa nangyari sa kaniya, magulo at weird 'no?

"Problema mo?" Maangas na tanong ni Eyz.

"Mukha mo."

"Crush mo." Nang-aasar na saad ni Eyz. Hindi naman nakasagot si Kevin at sumimangot na lang.

Si Eyz naman ay napaisip, umiiral na naman ang pagiging mahangin niya. Like, siguro ay may gusto sa kaniya si Kevin kaya hindi umangal, at hindi niya ito masisisi dahil maganda siya. Nananalansa na naman ang bagyong Eyz, signal number ten na siya ngayon.

Nang makalabas ay nakahinga nang malalim si Eyz, nakalanghap na siya nang hindi masyadong preskong hangin dulot ng polusyon, na ang sanhi naman ay ang mga usok galing sa sasakyan at ang patuloy na pagputol sa mga puno. Minsan tuloy ay gusto niya na lang tumira sa probinsya, dahil do'n presko ang hangin at tahimik.

                                ****

Habang busy si Eyz sa pag-iisip kung saan ba dapat siya tumira, kung sa Manila ba na polluted o sa probinsya na tahimik at walang polusyon. Sa isang kwarto sa building D, ay nakatayo ang isang babae sa bintana. Tinatanaw si Eyz, blangko ang mukha niya at may hawak na wine glass.

Sa likod niya ay ang isa pang babae na kaedaran lang ni Eyz. Nakatingin lang ito sa kasama, naghihintay nang utos.

"Althea, nagagawa mo ba nang maayos ang inuutos ko?" Malamig ang boses na saad nang babaeng nakatingin kay Eyz, na naglalakad na papunta sa dorm.

"Yes, Ma'am." Puno nang respeto na sagot ni 'Althea'.

"Any updates?"

"As of now wala pa po. But, rest assured that when 'it' comes i will do my best to fulfill your command." Puno nang determinasyon ang boses ni 'Althea'. Desidido siya na magawa nang maayos ang inutos sa kaniya nang babaeng nasa bintana.

"Good. And always be careful, try not to get caught. Especially to 'her'."

"Yes, Ma'am."

"You may now go, watch 'her' every second and update me."

"Yes, Ma'am." Akmang aalis na si 'Althea' nang biglang magsalita ang babae.

"And about your request, it will happen once the game starts." Napatigil sa paglalakad si 'Althea'. Nagulat sa ibinalita nang kausap.

"R-really?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Yes. So, do your task well." Tumango si 'Althea' at paulit-ulit na nagpapasalamat sa kausap.

Napa-pangiti siya habang naglalakad, hindi mawala sa isip ang magandang balita. Sa wakas ay magkakaroon na nang bunga ang mga paghihirap niya. Hindi siya makapaghintay na mangyari ito, at kapag nangyari 'yon ay sisiguraduhin niya na makukuha niya ang inaasam niya. Isinugal niya ang buhay niya sa pagpasok dito, kaya hindi pwedeng mapunta lang iyon sa wala. Hindi siya papayag, at hindi niya hahayaan 'yon.

Kahit pa na ang kapalit nito ay ang pagiging alipin niya, matupad lang ang inaasam niya ay hindi niya iindahin 'yon.

"Bestie!" Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses nang kaibigan. Nilingon niya ito at nginitian.

"Bakit?"

"Ah… Hindi ka ba pupunta sa club ngayon? Ang alam ko ay may meeting at pinapatawag ka din ni Pres."

"Papunta na nga ako. Ano naman ang kailangan ni Pres.? Naibigay ko na 'di ba ang activity ko na painting ah? At bakit ba nagmamadali siya do'n? Wala namang kwenta ang mga ginagawa natin." Nagtataka niyang tanong. Ang President na tinutukoy nila ay ang President nang Art Club.

"Ewan ko, alam mo naman ang isang 'yon." Natawa siya. Medyo may kabaliwan din kasi ang Pres. nila, minsan ay hindi nila maintindihan ang mga ginagawa.

"Sige. Tara sabay na tayo." At sabay silang pumunta sa Art Club.

****