webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #3

"Welcome to Eirlo University, where survival is a must. May you survive." Nakangising saad ni Blaire sa dalawang bagong estudyante.

Nag-loading ang utak ni Eyz sa narinig. Ano daw? Where survival is a must? May you survive? Anong kalokohan 'yan? Ang tanong sa isip ni Eyz, gano'n din naman si Watch.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Blaire nang makita ang pagtataka sa mukha nang dalawa. "Don't mind what i said, that's just a useless motto." Tumango na lang ang dalawa sa sinabi ni Blaire. Naniwala agad sila, na ikinangisi ni Blaire.

Binigay ni Blaire sa dalawa ang school map, class schedule, dorm number at ang susi nang dorm nila. Umalis na rin sila pagkakuha no'n. Sabay silang naglalakad ni Watch, magkatabi lang naman ang boy's at girl's dorm. Sa paglalakad ay maraming estudyante ang nakakasabay at napapatingin sa kanila. Nagtaka sila dahil ayon sa schedule na binigay sa kanila ay class hour na. Wala din pa lang disiplina ang mga nag-aaral dito, pero ano pa nga bang aasahan mo sa Unibersidad na puro tinakwil na ng mga prestigious school dahil sa pagiging sakit sa ulo.

"Wala ka bang napapansin na kakaiba?" Biglang tanong ni Watch sa itinuturing na kaibigan, kahit hindi naman gano'n sa kaniya si Eyz.

Seryosong nakatingin lang sa unahan si Relo. Nanibago do'n si Eyz dahil parang laging baliw si Watch sa paningin niya.

"Anong kakaiba?" Kunwaring walang alam na tanong ni Eyz. Kahit ang totoo ay meron siyang napapansin, sabihin na lang natin na hindi niya lang talaga gustong pansinin. Curious siya pero malalaman niya rin naman kung ano ang kakaiba sa Unibersidad na pinasukan nila kapag nagtagal na sila.

"Basta. Ang hirap ipaliwanag." Nagkibit balikat na lang si Watch. Nang makarating sila sa tapat ng boy's dorm ay agad na nagpaalam si Watch kay Eyz. Tango lang ang isinagot ni Eyz kay Watch at dumiretso na sa girl's dorm.

Habang naglalakad papunta sa kwarto niya, ay madami pa rin ang nadadaanan niyang mga nagkalat at nagku-kwentuhan na mga estudyante. Sa third floor ang kwarto niya kaya naman naghagdan siya, meron sanang elevator ang kaso ay sira. Napintasan na naman tuloy ni Eyz ang may-ari ng EU sa isip niya, naghihirap na siguro talaga sila to the point na hindi nila mapaayos ang elevator.

Para sa kaniya ay walang kwenta ang Unibersidad dahil may elevator pero 'di gumagana at may fountain pero nilulumot at wala namang tubig na lumalabas. Adik ang may-ari nang EU, hindi napanindigan ang pagpapagawa nang Unibersidad. Walang self-discipline at sense of responsibility. Parang si Eyz lang, pwede na silang magsama dahil sa common characteristics nila.

Binuksan niya ang pinto nang kwarto niya, hindi naman kasi naka-lock. Pumasok siya at ni-lock ang pinto, bahala na ang roommate niya kung wala itong dalang susi, kasalanan din naman nito.

Dalawang kama na pang-isahan, dalawang cabinet, sala set, mini-kitchen, study table at restroom. Pink ang kulay nang isang kama pati ang bedsheet at unan, ang headboard nito ay puno nang sticker na kulay pink na pusa, hindi kilala 'yon ni Eyz kung anong cartoon character 'yon dahil hindi naman siya mahilig manood ng mga palabas sa TV.

Habang ang isang kama naman ay kulay gray, sa tingin niya sa kaniya 'yon. At hindi rin naman siya papayag na kulay pink ang kama niya, patayin na lang nila siya keysa mahiga siya d'yan. Umupo si Eyz sa kama at nilagay ang mga damit sa cabinet na katabi lang nang study table.

Humiga sa kama si Eyz nang matapos mag-ayos ng mga gamit. Hanggang sa 'di niya namalayan na nakatulog na siya. Nagising si Eyz dahil sa malakas na katok sa pinto ng kung sino man na istorbo sa tulog niya. Inis at tinatamad na binuksan niya ang pinto, isang hindi katangkaran na babae at 'di hamak na mas maganda si Eyz dito.

Inis na nakatingin si Shella— 'yung kumatok sa pinto na para bang wala ng bukas, sa babaeng nangbukas nang pinto.

"Bakit?" Maangas na tanong ni Eyz. Agad nawala ang tapang ni Shella, masyadong maangas ang pagsasalita nang nasa harapan niya, nawawala ang tapang niya.

''B-bakit mo ba k-kasi ni-lock ang pinto? At ikaw ba ang roommate ko?"Nauutal na tanong ni Shella. Pumasok si Eyz sa loob at sumunod naman si Shella, sinarado niya muna ang pinto. Umupo sa sofa si Eyz at gano'n din ang ginawa ni Shella.

"Sino ba ang tangang nag-iwan ng susi? Hindi ba obvious?" Walang kwentang sagot ni Eyz. May pagka-tanga ang roommate niya, hindi naman siguro siya papasok dito kung hindi sila roommate. Wala siyang common sense.

"Aish! Naiwan ko lang okay? Sungit naman nito." Padabog na tumayo si Shella at umupo sa kama niya. Nagulat siya nang pagtingin niya kay Eyz ay masama na ang tingin nito sa kaniya. Anong ginawa niya at gano'n makatingin ang roommate niya sa kaniya?

"B-bakit?" Kinakabahan na tanong ni Shella. Nakakatakot naman tumingin ang roommate niya, parang anytime ay pwede siya nitong patayin. Scary.

"'Wag mo kong pagdabugan, hindi tayo close." Seryosong saad ni Eyz. Masama pa rin ang tingin kay Shella. Tumango si Shella at hindi na sumagot pa. "Mabuti nang magkalinawan tayo, at ayaw ko nang maingay." Itsura pa lang kasi ay halata mo nang maingay ang roommate niya. Tumayo si Eyz at pumunta sa kusina, binuksan niya ang ref at wala siyang makitang makakain, puro mga hilaw na karne at gulay lang ang nakita niya. Naghanap na din siya sa cupboard, pero wala talaga kahit noodles.

Ang malas niya naman. Tumingin siya sa kasama niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang pangalan at wala siyang pake sa pangalan nito. Nakaupo ito sa kama at nakatingin sa kaniya.

"Hoy!" Pagtawag pansin niya. Lumingon si Shella sa kasama dahil sa pagtawag nito. Nagtatakang tingin ang binigay niya sa kasama.

"Magluto ka. Sarapan mo ah?" Nagsimula nang magluto si Shella at hindi na umangal. Gutom na rin naman siya, habang ang tamad na si Eyz naman ay umupo sa sofa at kinuha ang cellphone mula sa jeans pocket na suot niya.

Nagsalubong ang kilay niya nang makitang walang signal, hindi siya makapagtext kay Ariela. Hindi niya rin mag-open ang data, nagloloko na ba ang cellphone niya? Pero iPhone 'yon, at bagong bili imposible na magloko 'yon.

"Babae!" Sigaw niya na para bang hindi din siya babae, abnormal talaga si Eyz madalas. Sumilip si Shella sa pinto, siya panigurado ang tinatawag ni Eyz, siya lang naman ang kasamang babae nito, unless siyempre na nababaliw na si Eyz at may nakikitang hindi niya nakikita. Ibang usapan na 'yon.

"Bakit?" Mahinang tanong ni Shella. Sa sobrang hina ay halos hindi na marinig ni Eyz, mabuti na lang at malakas ang pandinig niya. Ikaw ba naman ang araw-araw pinagbubulungan dahil sa masama mong ugali, tingnan natin kung hindi lalakas ang pandinig mo. Ultimo bulong mula sa malayo ay maririnig niya, sanayan na lang kumbaga.

"Bakit walang signal?" Napatango si Shella. Ayon lang naman pala ang itatanong kailangan pang sumigaw, confirm abnormal ang roommate niya. Pwede bang magpalit nang roommate? Hindi niya kayang sabayan ang pagiging maldita nang roommate niya.

Hindi siya na-train para do'n, nagsisi na tuloy siya kung bakit siya pumayag. Parang biglang gusto niya na lang magback-out. Ano bang nagawa niyang kasalanan sa past life niya at kailangan niyang parusahan nang ganito? Siguro no'ng past life niya ay terorista siya, kaya gan'to ang nangyayari sa buhay niya.

"Ewan ko din. Pero halos lahat nang estudyante dito ay gan'yan din ang nangyari sa cellphone, walang signal." Tumalikod na siya.

Napadasal pa siya sa isip na sana ay bigyan siya nang mahabang pasensya.

Guide me Lord. Give me a lot of patience.

****