webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #22

Itinaas ni Eyz ang manggas nang longsleeve t-shirt na suot niya. Umatras siya nang bahagya at inayos ang postura. Sa isip ay nananalangin na sana ay kayanin niya pa ang pakikipagsuntukan dahil isang buwan din siyang nawalan nang aksyon sa buhay. Wala rin naman kasing kwenta ang training nila dahil kailangan niya pang kontrolin ang lakas niya para hindi masaktang ang partner niya.

Naiinis siya dahil do'n dahil pakiramdam niya ay nangangalawang na siya, mahina na kumbaga. Ayaw niya kasi nang pakiramdam na mahina siya, dahil para sa kaniya ay kapag mahina ka ay aapihin ka lang nang mga tao sa paligid mo. Naranasan niya na rin kasing maging mahina at hindi niya gustong maranasan 'yon sa ikalawang pagkakataon. Tama na ang isa, sobra na kapag dalawa.

Inihanda nang tumatayong  leader ng mga adik ang kanilang mga hawak na kahoy, kutsilyo at baseball bat, hindi nila alam kung anong trip ng nag-utos sa kanila at kailangan nilang makuha si Eyz. Basta ipinakita na lang sa kanila ang picture ni Eyz at itinuro sa kanila kung saan nila ito makikita.

Hindi rin naman sila makatanggi sa utos kahit na gusto nila dahil una sa lahat ay pinagbantaan ang buhay nila at malaki rin ang bayad. Unang sumugod ang pinakamaliit sa mga mukhang adik daw ayon kay Eyz. Tatawagin na lang natin siyang adik 1, dahil siya naman ang naunang sumugod.

Akmang ihahampas na ni adik 1 ang makapal na kahoy— na mas makapal pa sa mukha ng traydor na kakilala ni Eyz, pero nakaiwas si Eyz. Sinipa niya ito sa tuhod at sinuntok sa mukha. Tumba si adik 1, humihinga pa naman pero parang nagbibilang pa nang nahuling ibon dahil sa tagal ng pagkakahiga.

Sunod na sumugod si adik 2, kutsilyo naman ang hawak kaya naman ay mas lalong nag-ingat at naalerto si Eyz. Mahirap na daw ang maisahan at baka sa kabaong agad ang diretso niya. OA man ang iniisip ni Eyz pero may point naman siya, wala namang masama sa pag-iingat.

Hinawakan ni Eyz ang braso ni adik 2 nang tangka nito siyang sasaksakin, pinilipit niya ito kaya naman malakas na napasigaw si adik 2 dahil sa sakit, nabitawan niya rin ang hawak na kutsilyo. Sinipa ni Eyz ang likod ni adik 2 sabay bitaw sa braso nito, ang ending ay lumagpak si adik 2 sa lupa. Akmang hahampasin nang kahoy ni adik 3 si Eyz nang biglang may sumapak sa kaniya, hindi si Eyz 'yon dahil busy pa siya sa pagsapak kay adik 4, si Watch ang sumapak kay adik 3 na natumba agad at nagdugo ang nguso. Masyadong malakas ang pagkakasapak ni Watch kaya naman hindi na nakakapagtaka 'yon.

Ikaw ba naman ang makitang may hahampas ng makapal na kahoy sa crush mo hindi ka ba magagalit? Kahit sino naman siguro ay gano'n din ang gagawin, lalo na kung kasing tapang sila ni Watch.

Balik tayo kay Eyz na napatulog na si adik 4, mga anim na beses niya rin kasing sinapak. Pinulot ni Eyz ang kahoy na nabitawan ni adik 1, mahina niya itong hinahampas sa kamay niya at nanghahamon na tumingin sa natitira pang apat na adik kasama na ang leader. Medyo nakaramdam nang takot ang natitira pang mga 'goons' dahil sa sinapit ng kanilang mga kasama.

Pinanghinaan sila nang loob, pero naisip rin nila na mas okay na ang mapatulog sila sa suntok keysa naman habang buhay silang matulog sa kabaong, mas hindi okay 'yon. Sumugod na si adik 5 na may hawak na baseball bat inihampas niya ito kay Eyz, kaya naman umatras agad si Eyz at ipinangsalubong ang kahoy na hawak. Maririnig ang tunog na ginawa nang dalawang nagkasalubong na kahoy, wala namang nasira na kahoy pero inaamin ni Eyz na masakit sa kamay ang ginawa niya.

Tang'na sakit ampucha!

Hindi man halata sa mukha ni Eyz pero nasaktan talaga siya, pakiramdam niya nga e namumula pa ang kamay niya, kaya naman agad siyang umatras at tiningnan ang kamay. Hindi nga siya nagkakamali dahil namamaga nga ito. Habang si Watch naman ay sinugod nang hampas si adik 6 nang kahoy na nakuha niya lang sa kung saan, natamaan sa ulo si adik 6 dahil hindi niya namalayan si Watch. Nakatingin ba naman sa kasamahan na kasalukuyang kaharap ni Eyz e, talagang hindi niya mapapansin si Watch. Ang ending ay tulog agad si adik 6 at nagdugo pa ang ulo, masyadong malakas ang hampas ni Watch kaya gano'n.

Agad din na hinampas ni Watch si adik 7 na gulat na nakatingin kay adik 6, hindi siya agad naka-recover kaya naman hindi niya na naiwasan si Watch. Habang ang leader naman ay nakaramdam na talaga nang matinding takot dahil wala na ang mga alagad niya. Mga tulog at medyo kritikal na, napaatras siya dahil unti-unting lumalapit sa kaniya si Eyz, tinalikudan niya si Eyz at mabilis na tumakbo. Sa kaba na baka sinusundan pa siya ni Eyz ay agad siyang lumingon habang tumatakbo pa rin, hindi niya tuloy napansin ang puno sa harapan siya kaya saktong pagharap niya ay nabunggo siya. Umikot ang paningin niya at natumba hanggang sa magdilim ang paningin niya.

"Hahahahaha!!!" Malakas na tawa ni Eyz dahil sa nakita. Ang tanga naman nang gagong 'to. Saad at panlalait niya sa isip. Imbis na maawa sa lalaki ay nilait at tinawanan niya pa, ganiyan kasama ang ugali ni Eyz, kaya hindi dapat tularan.

Nakasimangot lang si Watch dahil sa ginawang pagtawa ni Eyz, medyo naawa naman siya sa lalaki kahit na may balak itong hindi maganda kay Eyz. Ganiyan kabait si Watch, kahit na may hindi ka magandang gawin sa kaniya ay kaaawaan ka pa niya, siya ang dapat tularan.

Habang 'yung mga miyembro naman nang Student Council ay seryoso lang na nakatingin kay Watch at Eyz, pero mas seryoso talaga si Kevin e. Wala namang eksaktong dahilan kaya siya seryoso, natural na talaga sa kaniya 'yon.

Samantala 'yung walo— oo, walo lang, naman ay medyo nabawasan na ang takot dahil wala na 'yung mga goons na humarang sa kanila, tulog na e. Duwag kasi sila kahit na sabihin pa na nagtraining sila nang tatlong linggo hindi pa rin sapat 'yon para mawala ang takot nila at hindi rin naman sila sanay sa ganitong sitwasyon, hindi tulad ni Eyz na bago pumasok sa EU ay talaga namang maaksyon ang buhay. Basagulera kasi.

At ang ika-siyam naman sa  kanila ang kapansin-pansin na isang ekspresyon, walang takot at pangamba. Blangko lang ang ekspresyon nang taong ito, ngunit nang mapalingon sa kaniya ang isa sa mga kasama ay agad niyang iniba ang kaniyang ekspresyon. Napalitan nang takot ang blangkong tingin.

"Kaya mo naman pala e." Mapang-uyam na saad ni Kevin. Halatang nang-aasar. Napailing na lang ang apat niyang kasama, alam naman nila ang dahilan nang ginawa ni Kevin kaya hindi na sila nakikigulo pa. At isa rin ito sa ugali na kinaiinisan ng mga taong nakakasalamuha ni Kevin, masyado siyang mapaglaro 'yung tipong mawawalan na siya nang pake sa nararamdaman mo basta ang importante ay nalilibang siya.

Natigil ang pagtawa at nawala ang tuwa sa sistema ni Eyz, bumalik ang galit. Naalala niya ang ginawang pagkakanulo ni Kevin the gago sa kaniya. Mababakas ang inis sa kaniyang mukha na nilingon ni Eyz si Kevin.

"Gago ka ah! Anong karapatan mo para ipamigay lang ako nang gano'n sa mga adik na 'yon?" Galit na sigaw ni Eyz. Galit talaga siya at walang makakapigil sa galit na nadarama niya.

"Tsk, i just test your skills." Nakangising saad ni Kevin, na talaga namang nagpadagdag nang galit ni Eyz.

Test? Hindi makapaniwalang saad niya sa isip.

"Anong akala mo sakin specimen na pwede mong i-test kung kailan mo gusto?"

"Not really." Simpleng sagot ni Kevin. Hindi man lang siya natakot, nasindak o nabahala sa galit ni Eyz. Para bang isang walang kwentang bagay ang galit na pinapakita ni Eyz at hindi dapat bigyan nang pansin.

Mas lalo namang nagalit si Eyz sa narinig at susugudin na sana si Kevin, ang kaso ay pinigilan siya ni Watch.

Heto nanaman ang pabida na si Relo. Sa isip ni Eyz.

"Tama na 'yan. 'Wag mo na lang pansinin, Eyz." Bulong sa kaniya ni Watch. Inis niyang tinulak si Watch, hindi dahil nagalit siya sa sinabi nito kun'di dahil nakiliti siya sa pagbulong nito sa tenga niya. Weakness siya kasi talaga iyon. Tiningnan niya nang masama si Kevin na nakangisi lang sa kaniya at nagpauna nang maglakad.

***