webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #18

"Everyone of you must answer the question correctly. Three wrong answer and you're all dead."

Hindi sila nakapagsalita sa narinig, kinilabutan sila. Nagsisi sila na ninais pa nila na pumasok sa bahay. Mas gugustuhin pa nila na walang bahay, keysa mawala ang kanilang buhay dahil lang sa tatlong maling sagot. Sana nga lang ay madali lang ang itanong sa kanila, katulad na lang ng sino ang kasalukuyang Presidente nang Pilipinas, ilan ang isla sa Pilipinas o kaya naman ay kailan naganap ang Edsa Revolution.

Makakaya nilang sagutin ang mga tanong na 'yon, napag-aralan na nila 'yon sa dati nilang pinapasukan na paaralan. Pero… Sadyang hindi lahat nang gusto natin ay makukuha natin.

"First question, you must answer this correctly Lixon Ver Cerio."

Napalunok si Lixon, kinakabahan. Malakas ang pintig nang kaniyang puso at pinagpapawisan siya.

"Who's the eldest in your group?"

"Eh?" Napangaga si Lixon sa narinig, hindi lang naman siya. Hindi nila inaasahan na ganito ang itatanong sa kanila.

"You must answer the question in 5 seconds, your time starts now."

Hindi pa rin makapagsalita si Lixon, hindi pa rin siya makapaniwala sa tanong na ibinigay sa kaniya.

"5…"

Mas madali ito keysa inaasahan niya.

"4…"

"Hoy! Sagot na." Hinampas ni Eyz ang hindi makapaniwalang si Lixon.

"3…"

"Ha? Ah, oo." Naguguluhang saad ni Lixon.

"2…"

"Si Watch!" Natatarantang sagot niya. Tumigil na sa pagbibilang ang boses. Nakahinga sila nang maluwag, muntik na silang magkaroon nang unang mali do'n. Pero sa tingin naman nila ay hindi sila magkakaroon nang maling sagot.

"Correct. Second question, you must answer this correctly Chail Solindez."

Ngumiti si Chail sa mga kasama, kumpyansa siya na masasagot niya ito nang tama.

"What is your religion?"

Nagtawanan ang siyam sa narinig. Pati ang relihiyon nila ay inaalam nang kung sino man ang nagtatanong.

"Catholic." Nagmamalaking sagot ni Chail. Mas lalo silang nagtawanan sila dahil do'n— maliban kay Eyz at Dajiel. Parehong masama ang kutob nila sa mga tanong, kahit na wala namang mga kwenta ang tinatanong sa kanila. Siguro ay masyado lang silang paranoid.

"Correct. Third question, you must answer this correctly Breil Anxir Enrico."

"Oh, yes I will." Mayabang na saad ni Breil.

"Are you Gay?"

At nagtawanan sila— maliban ulit kay Dajiel, dahil sa tanong, napasimangot naman si Breil.

"5…"

Judgemental ang kung sino man ang nagtatanong sa kaniya.

"4…"

Bakit sila gano'n? Mahilig lang maglagay nang eyeliner, bakla na agad.

"3…"

Natigil sila sa pagtatawanan nang hindi pa sumasagot ang nakasimangot na si Breil.

"Hoy, Breil sagot na." Si Sier.

"2…"

"Breil!" Sigaw ni Eyz.

"HINDI!!!" malakas na sigaw ni Breil at pinagdiinan niya pa ito. Baka sakaling tumatak sa isip nila na hindi siya bakla, sadyang judgemental lang talaga sila.

Natawa naman nang mahina ang sampu, ang lakas kasi nang sigaw ni Breil at mahahalata mo na naiinis ito.

"Correct. Fourth question, you must answer this correctly Yera Shane Lopes."

Ngumiti si Yera sa mga kasama at nag-thumbs up.

"What did you do in America two years ago?"

Nawala ang ngiti ni Yera sa narinig. Ang thumbs up ay naging thumbs down.

"5…"

Nagtaka naman ang mga kasama niya, hindi nila alam na pumunta sa America si Yera.

"4…"

"Dilaw, Sagot!" Sigaw ni Eyz kay Yera na nakatulala. Walang oras pagiging tulala dahil hangga't maaari ay kailangan nilang maiwasan na magkaroon nang mali.

"3…"

"H-health problem." Nakatungong sagot ni Yera. Tumigil na sa pagbibilang ang boses at natahimik naman ang mga kasamahan niya.

Iba't-ibang katanungan ang tumatakbo sa isip nila, katulad nang may sakit ba si Yera? Kaya ba nito iniwan si Lixon? Magaling na kaya ito? At bakit hindi nila alam?

"Correct. Fifth question, you must answer this correctly Daria Jane Angeles."

Medyo kinakabahan si Daria dahil baka hindi niya masagot ang tanong. Ang tanong nga kay Yera ay muntik na nitong hindi masagot, sana lang ay masagot niya ang tanong sa kaniya.

"How old are you?"

Napatanga sila sa tanong. Kung kanina lang ay seryoso ang tanong nito kay Yera, pagdating naman kay Daria ay walang kwenta ang tanong nito.

"5…"

"18." Agad na sagot ni Daria.

"Correct. Sixth question, you must answer this correctly Kairon Troi Lee."

"Huh! Kahit hirapan mo pa." Hambog na sagot ni Kairon. Binatukan naman siya nang bestfriend niya na si Dajiel.

"Who's your parent?"

"Sana hinirapan mo 'di ba?" Mayabang na saad ni Kairon.

"5…"

"Melanie Lee and Mikel Lee." Proud na sagot ni Kairon.

Nagpalakpakan sila sa sagot ni Kairon, habang si Dajiel ay binatukan ulit ang bestfriend na mayabang.

"Correct. Seventh question, you must answer this question correctly Dajiel Rio."

Walang naglakas nang loob na mag-ingay, ayaw lang nila na masaway nang suplado na si Dajiel. Si Kairon naman ay tinapik lang ang balikat nang bestfriend.

"Where is your parent?"

"They're already dead." Malamig ang boses na saad ni Dajiel. Nakalaklak siguro siya nang isang timba nang yelo kaya gano'n.

"Wrong. Two mistake left and you're all dead."

Napatingin sila kay Dajiel na ngayon lang nakitaan ni Eyz at Watch nang emosyon, magkasalubong ang mga kilay nito na nakatingin sa screen.

Habang ang mga kaibigan niya naman ay nagtataka din, ang alam kasi nila ay patay na ang mga magulang ni Dajiel, gano'n din naman ang alam ni Dajiel kaya naman pati siya ay nagtataka din.

"Update as of six in the morning, first day of Death Game. Five groups has been eliminated."

Nangilabot sila sa narinig, galing din sa screen ang boses. Isang oras pa lang ang nakakalipas pero may limang grupo na agad ang nawala.

Sana lang ay hindi sila mapabilang sa mga iyon.

"For the last question as of now, you must answer this correctly Sier Xyjo Leondale."

"Kung kakayanin." Kinakabahan na sagot ni Sier. May isa na silang mali kaya naman hindi niya maiwasang kabahan.

"What is your family business?"

Napangiti si Sier. Nawala ang kaba.

"We own a Shipping and Food Company." Proud niyang sagot.

"Correct. You may now enter."

Bumukas na ang pinto kaya naman pumasok na sila. Namangha sila sa nang makita ang loob nang bahay, may chandelier, may kitchen, may sala, dinning area, limang kwarto sa first floor at no'ng umakyat sila sa second floor ay may sampung kwarto din do'n.

Nang umupo sila sa sofa ay narinig na naman nila ang boses na nasa screen kanina.

"You have 24 hours access to house number two."

Naghiyawan sila— maliban kay Dajiel, dahil matagal silang mamamalagi sa magandang bahay.

"But… Before you can go out you must answer the last three question."

Natigil sila sa pagsasaya, may kakaharapin pa pala silang problema bukas.

"Two more mistakes and you're all dead. You will root inside the house, with no food and water. And one of the catcher will come and kill all of you."

***