webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #15

Nagising si Eyz nang dahil sa  mabigat na nakadagan sa kaniya. Napabangon siya at dahil sa biglang pagbangon at pagkataranta, ay nahulog siya sa kama.

"Aray naman, tang'na ang malas ko." Hawak ang balakang na sumasakit, umupo si Eyz sa kama. At do'n nakita niya ang dahilan nang pagkataranta niya— isang aso, isang beagle to be exact. Nagtaka siya, ano naman ang ginagawa nang asong 'to sa kwarto nila? At bakit ito nasa ibabaw niya? Sa tingin niya ay kay Shella 'to dahil imposible naman na sa kaniya.

Lumabas mula sa bathroom si Shella, nagpupunas ito nang basang buhok at nakasuot na nang uniform. Napasimangot si Eyz nang makita ang uniform, magsusuot na naman siya nang mainit na damit na 'yon kahit wala nang klase. Kung hindi niya lang talaga ayaw mapunta sa detention room ay baka nagsuot na lang siya ng sibilyan, ang kaso ay ayaw niya kaya no choice siya kun'di ang suotin ang mainit sa katawan nilang uniform.

Kapag siya yumaman, magpapagawa siya nang University na hindi na kailangan nang uniform. 'Yun ay kung makakaalis pa siya nang buhay sa EU para magpayaman.

"Sasas sa'yo ba 'tong aso na 'to?" Tanong ni Eyz at itinuro ang asong nakahiga sa kama niya at nakatingin sa kaniya. Nagagandahan siguro sa kaniya kaya gano'n.

"Huh?" Tiningnan ni Shella ang asong nakakahiga sa kama ni Eyz at umiling. "'Di ah! Hindi kaya ako mahilig sa aso." Pagbibigay kaalaman pa nito kay Eyz, kahit hindi naman tinatanong. Share niya lang bakit ba?

"Kanino naman kaya 'tong aso na 'to?" Nagtataka niyang tanong. "Trespasser ka ah!" Parang tangang kinausap ni Eyz ang aso na para bang sasagot sa kaniya ang napatawa. Si Shella naman ay natawa nang mahina sa inasta ni Eyz, parang tanga lang.

"At saan ka naman dumaan ha? Imposible naman na sa pinto dahil naka-lock 'yon." Pagkausap ulit ni Eyz sa aso, na nakatingin lang sa kaniya. Kung nakakapagsalita lang ang aso, ay baka sinabihan na nito ng baliw si Eyz.

Muling tumingin si Eyz kay Shella, na natatawang nakatingin sa kaniya. "Sigurado ka ba na hindi sayo 'to?" Paniniguro pa nito. Baka kasi niloloko lang siya ni Shella, marami pa namang manloloko ang nagkalat sa paligid, baka mamaya ay isa pala do'n si Shella.

Itinaas ni Shella ang kanang kamay, nanunumpa. "Promise, mamatay man si Watch." Nakilala nito si Watch nang minsang makita sila ni Shella ni Watch sa cafeteria. Sumama ang tingin ni Eyz kay Shella.

"Gago, bakit dinadamay mo si Relo? Bakit hindi na lang ikaw?" Pagalit na sabi ni Eyz kay Shella. Nagulat do'n si Shella dahil pinagtanggol ni Eyz si Watch sa biro niya, sa tuwing makikita niya kasi ang dalawa ay lagi lang tinatarayan ni Eyz si Watch. May himala at na kay Eyz 'yon.

"Chill, Eyz. Nagbibiro lang ako. 'Wag mong seryosohin." Natatawang saad ni Shella. Sa tingin niya ay may improvement na ang friendship nila Eyz at Watch. Congrats na lang kay Watch.

"Hindi maganda ang biro mo, kaya tigilan mo. Kapag inulit mo pa 'yan sasapakin kita." Pagbabanta ni Eyz kay Shella. Hindi naman natinag do'n si Shella, sa halip ay natuwa siya dahil sa nakikitang improvement sa trato ni Eyz kay Watch.

"Oo na, masyado kang protective kay Watch. May gusto ka siguro do'n 'no?" Pangtutukso ni Shella. Umirap si Eyz, binuhat ang aso at inilagay sa lap niya.

"Manahimik ka d'yan, at hindi porke't pinagsabihan ka ay may gusto na ako kay Relo. Masyado kang malisyosa, magsama kayo ni Dora." Naiiritang saad ni Eyz.

"Sinong Dora?"

"Basta. Wala ka na do'n." Balewalang saad ni Eyz. Hindi na sumagot pa si Shella at nagpaalam na pupuntahan na nito ang mga ka-grupo niya. Hindi naman siya pinansin ni Eyz, na hindi na naman bago. Napaka-suplada talaga ni Eyz, akala mo naman famous. Pero sikat naman talaga siya— sikat sa iba't-ibang school dahil sa mga bad records niya.

"Sinong amo mo? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" And once again kinakausap na naman ni Eyz ang aso. Kung may makakakita man sa kaniya ay mapagkakamalan siyang baliw at paniguradong tatawag agad ito sa mental hospital para ipadala do'n si Eyz. "May balak kang masama sakin 'no?" Pang-aakusa niya sa aso na tumahol lang.

"Sino ba ang tanga mong amo? Bakit pinapabayaan ka na lumaboy? Dapat ang mga pabayang pet owner, katulad nang amo mo ay kinukulong. Pabaya e." Pagkausap niya ulit sa aso. Sana lang ay hindi sumagot ang aso dahil sa ginagawa ni Eyz.

"Akin ka na lang kaya?" Nakangiting saad ni Eyz sa aso. Hindi man halata pero mahilig sa mga aso si Eyz. Sa katunayan ay may alaga siyang aso sa bahay ng kaniyang lola— may allergy kasi sa balahibo nang aso si Ariela kaya naman bawal siyang mag-alaga nang aso sa kanila. Kaya sa bahay na lang nang lola niya siya nag-alaga. Hershey ang pangalan nang aso niya.

Binuhat ni Eyz ang aso. "Ako na ang amo mo. Tutal ay wala naman kwenta ang amo mo, nami-miss ko na din si Hershey kaya ikaw na muna ang pet ko." Nakangiting sabi ni Eyz.

Sa puno naman na nasa tapat lang nang bintana nang kwarto nila Eyz, ay nakaupo sa sanga habang nakatingin siya kay Eyz na parang tangang kinakausap ang aso. Hindi siya makikita ni Eyz kahit pa na maliwanag na sa pwesto niya, natatabunan kasi siya nang malalagong dahon nang punong kinalalagayan— at ang punong kinalalagyan niya lang ang may malagong dahon kaya naman swerte siya.

Natatawa at natutuwa siya sa ginagawa ni Eyz, kahit na parang tanga lang ito. Hindi siya nagkamali nang desisyon na ibigay kay Eyz ang asong hindi niya pagma-may-ari, kun'di sa isang kakilala.

Naiisip niya pa lang ang reaksyon nang taong 'yon ay natatawa na siya. Si Arie— ang pangalan nang aso, pa naman ang paborito nito sa lahat nang alaga nitong aso.

Wala naman siyang galit sa taong 'yon, para ibigay niya kay Eyz ang aso nito. Sadyang kailangan niya lang itong gawin. Panigurado naman na kapag nalaman nang taong 'yon ang dahilan kaya niya ipinamigay ang aso nito ay maiintindihan nito at magpapasalamat pa sa kaniya.

***