webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #14

24 hours before the game start.

Gloomy ang atmosphere sa Eirlo University. Lahat ay kinakabahan dahil isang araw at na lang ay magaganap na ang laro na maaaring tumapos sa kanilang buhay. Walang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan, kahit ang mga naka-survive na sa nakaraang laro ay kinakabahan pa rin.

Hindi nila alam kung nasa kanila pa rin ba ang swerte, at hindi nila alam kung anong naghihintay sa kanila sa arena. Walang may ideya, lahat sila ay clueless. Iisa lang ang kanilang panalangin at 'yun ay makaligtas sila sa loob nang dalawang linggo, sa totoo lang ay maikling oras lang 'yon at madali lang para sa iba. Ngunit para sa mga senior na naranasan na ang dalawang linggong pananatili sa arena ay isa itong bangungot.

Sa katunayan ay limang grupo lang ang nakaligtas sa fourty groups na kasali sa laro.

Ang mga senior o ang mga nakaligtas no'ng nakaraang taon ay pinayagan na tumawag sa kanilang mga pamilya, maari kasing iyon na ang huling beses na makakausap nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Habang ang mga junior naman o transferee ay hindi pinayagan dahil bago pa lang daw sila. At pwede daw nila itong gawin na motivation para makaligtas.

Sa kwarto ni Eyz at Shella...

Nakaupo sa kama at nakatungo si Eyz, katulad nang mga kapwa estudyante ay tahimik siyang nagdadasal na sana ay makaligtas sila nang mga kasama sa Death Game. Medyo close na din siya sa siyam kaya naman nag-aalala din siya para sa kaligtasan ng mga ito.

At isa pa ay kung may isa sa kanila ang mamamatay, madadamay din siya. Kaya naman ipinangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat wala lang ang mapahawak sa kanilang labing-isa. Hindi din kasi sapat ang tatlong linggong training para makaya nilang makipagsabayan sa mga estudyante na may mga experience na, at hindi rin naman professional na trainer sila Eyz at Watch kaya naman wala silang masyadong alam sa mga gano'n. Hindi lang siya masyadong kinakabahan dahil alam niya na kasama niya si Watch, kaya hindi siya masyadong nangangamba.

May tiwala siya kay Watch kahit pa na hindi halata na pinagkakatiwalaan niya ito. Hindi siya expressive na tao, kung noon ay oo, ngayon ay hindi na. Sadyang malaki ang nagbago sa kaniya dahil sa isang pangyayari.

Natigil sa pagse-senti si Eyz nang may biglang kumatok sa pinto. Nangunot ang noo niya, alas-singko pa lang kasi nang umaga kaya naman sino ang matinong pupunta sa kanila? Hindi naman pwedeng si Shella, 'yon dahil busy ito sa paghilik, tulo pa nga ang laway e.

Mas lumakas ang katok kaya naman inis na tumayo si Eyz, para namang may emergency kung makakatok ang kung sino man na kumakatok. Pagkabukas niya nang pinto, Chail ang nakita niya, nakangiti ito ng alanganin.

"Problema mo?" Mataray na tanong ni Eyz. Inistorbo lang naman ni Chail ang pagse-senti niya.

"Ah... Good morning, Eyz." Alanganin na bati ni Chail.

"Walang good sa morning kung mukha mo ang makikita ko." Pabalang na sagot ni Eyz. Maldita talaga.

"Talaga?" Gulat na tanong nito. "Pero... Ang laging sinasabi sakin ni Daria, gumaganda daw ang umaga niya kapag nakikita niya ako." Bulong nito na rinig naman ni Eyz. Kinakausap ang sarili. "Nagsisinungaling ba siya?" Tanong nito sa sarili.

"Malamang, niloloko ka lang no'n" Pang-aasar pa ni Eyz. Mukha kasing tanga si Chail sa harap niya, saya lang pag-tripan.

"Gano'n ba?" Malungkot na saad ni Chail. Nagpaloko naman siya kay Eyz. "Tatanungin ko siya mamaya." Determinadong saad nito.

"Edi tanungin mo. Pustahan pa tayo, niloloko ka lang no'n." Pang-aasar ulit ni Eyz. Lakas talaga nang trip kahit kailan ni Eyz.

"Sige, sige." At nagpa-uto naman si Chail kay Eyz.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Muntik nang makalimutan ni Eyz i-tanong 'yon kay Chail. Masyado siyang nag-enjoy na asarin si Chail.

Napakamot si Chail sa batok, muntik niya na din makalimutan ang pakay. Masyado siyang nagpadala sa pang-aasar ni Eyz.

"Si Watch kasi e... may problema." Nag-aalangan na saad nito. Natatakot na baka magalit si Eyz sa kaniya. Sa tatlong linggo kasi nilang magkasama ay medyo alam na niya ang ugali ni Eyz. Nagtataka nga si Chail dahil natatagalan ni Watch si Eyz. Gano'n siguro ang nagagawa nang pag-ibig.

"Ano naman ang pake ko do'n?" Nakataas ang kilay na sagot ni Eyz. Wala naman siyang alam o matutulong sa problema ni Watch, lalo na kapag usapang lovelife. Ano namang alam niya do'n?

"Sabi ko nga wala." Napapahiyang sagot ni Chail. Grabe talaga si Eyz, hindi man lang concern sa tagahanga niya.

"Buti alam mo." Akmang isasara na ni Eyz ang pinto nang biglang iharang ni Chail ang kamay niya, ang resulta ay napa-aray siya dahil naipit siya.

"Tanga mo naman." Komento ni Eyz. Sa halip na maawa kay Chail dahil sa pagkaipit ng kamay nito, ay nilait niya pa. Ang bait talaga ni Eyz, walang katulad at walang makakahigit sa kabaitan niyang taglay.

"Ano pa ba ang sasabihin mo? At kailangan mo pang iharang 'yang kamay mo?" Naiiritang tanong ni Eyz.

"W-wala." At umalis na si Chail habang hawak ang kamay na nananakit. Nagtatampo at may hinanakit siya kay Eyz. Una dahil naipit nito ang kamay niya pero wala man lang sorry, pangalawa ay wala man lang itong concern sa kaniya at pangatlo ay wala rin itong pakialam kay Watch.

Siya na lang ang tutulong kay Watch, keysa iasa niya ito sa walang pusong si Eyz. Kahit na wala siyang alam na maiitulong kay Watch, ay susubukan niya pa rin na tumulong. It's the thought that counts, ayon sa kasabihan. Mabuti nga siya ay may gagawing effort at concern siya kay Watch, hindi katulad ni Eyz na manhid.

Nagtataka tuloy siya kung anong nagustuhan do'n ni Watch, inaamin niya naman na maganda si Eyz. Pero pagdating naman sa ugali ay nakaka-turn off. Maldita. Mataray. Foul mouthed at mapang-asar. Weird ang taste ni Watch pagdating sa babae, mas gusto nito ang parang tigre sa tapang at hindi ang mala-prinsesa sa hinhin.

Paano na lang kaya kapag nakakita nang mas matapang pa kay Eyz si Watch? Magkakagusto kaya siya do'n? Kapag nagkagusto naman siya do'n, isa lang ang ibig-sabihin no'n, mababaw lang ang pagkagusto niya kay Eyz.

At kailan kaya mare-realize ni Eyz ang halaga ni Watch? Sana lang ay mangyari 'yon bago pa mahuli ang lahat.

Habang pinoproblema ni Chail ang dapat ay problema ni Watch, si Eyz naman ay nakasimangot na nakatingin kay Chail. Naiinis dahil sa ginawa nitong pagtalikod sa kaniya nang walang dahilan. Wala naman siyang ginagawang masama dito, at hindi niya rin naman kasalanan kung bakit naipit ang kamay nito.

Abnormal. Saad niya sa isip.

Padabog na sinarado ni Eyz ang pinto. Badtrip pa rin kay Chail. Humiga siya sa kama at pumikit, masyado siyang maagang nagising. At inaantok na siya, nang makatulog si Eyz ay saka naman bumaba mula sa puno na katapat lang nang bintana nang kwarto ni Eyz ang isang babae na kanina pa nagmamasid kay Eyz.

Ilang oras din siyang nagtago sa puno kaya naman nananakit na ang katawan niya sa kakatago, idagdag mo pa ang mga lamok na ginawa siyang agahan. Paniguradong namumula na ang balat niya sa dami nang kagat nang lamok at kamot niya dito.

***