webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · 若者
レビュー数が足りません
26 Chs

Kill #12

Nakaupo sa bench, nakapangalumbaba at nakasimangot. 'Yan si Eyz habang pinapanood si Watch at ang mga kasama nitong siyam na tao, na ka-grupo daw nila. Nasa loob sila ng gymnasium. Medyo malayo si Eyz kay Watch at mga kasama nito, pero naririnig niya naman ang pinag-uusapan nang mga 'to, nag-e-echo kasi ang boses nila.

Nag-uusap sila sa mga maaari daw nilang gawin sa event na three weeks from now na lang. Halos isang linggo din bago makakuha nang ka-grupo, dahil halos lahat ay may mga grupo na. Death Game daw ang tawag sa magaganap na event — or pwede ring tawagin na laro, next week from now.

Napasobra pa nga sila nang isa, mabuti na lang talaga at pinayagan sila na magdagdag nang isa, salamat sa convincing power ni Chail at nakumbinsi nila ang Headmistress na payagan silang magkaroon ng labing-isang miyembro.

Sa larong mangyayari ay kailangan nilang makatagal sa loob nang dalawang linggo sa arena. Sa larong ito ay buhay mo ang nakasalalay, dahil kapag isa sa miyembro nang isang ang namatay, ay lahat nang natitirang miyembro ay may kakaharapin na parusa.

At ang parusang 'yon ay katumbas din nang kamatayan. Diskarte, talino at tiwala sa isa't-isa ang kailangan. Dahil kung walang ganito ang bawat grupo, lahat lang sila ay hahantong sa kamatayan. Maaga nila mame-meet si San Pedro o kaya naman ay si Lucifer kung mamalasin.

Kaya naman kapag kukuha ka ng ka-grupo ay pairalin ang isip at 'wag ang puso. Hindi porke't kaibigan o kasintahan mo ay automatic na ka-grupo mo na, walang silbi ang relasyon at friendship kapag nasa laro ka na. Kapag gano'n ang naging system nang isang grupo sa paghahanap ng members, ay lahat sila ay isa lang ang pupuntahan, kamatayan.

May tatlo namang kakailanganin na katangian ng mga manlalaro, ang una ay talas nang isip, pinaka-importanteng karakter na kakailanganin nang kahit isa man lang sa isang grupo, siya ang utak nang grupo, kung maaari ay leader dapat ang taong ito.

Kailangan ang isang ito ay mabilis mag-isip, at palaging may maiisip na solution sa mga problema na kakaharapin nila sa kagubatan— arena kung tawagin. Hindi pwede ang nerbyoso, at praning dahil walang mararating ang isang grupo kung matalino nga ay nerbyoso at praning naman, useless lang 'yon.

Ang ikalawa ay diskarte. Hindi lahat nang bagay ay madadaan sa talino. Minsan ay kailangan din nang diskarte, at diskarte ang pinakamabisang paraan para malusutan ang isang problema. Hindi kailangan ang talino, tamang pag-iisip, at pagiging maparaan lang ang kailangan.

At ang ikatlo ay tiwala sa isa't-isa, ang isang grupo ay hindi magiging buo at maayos kung wala silang tiwala sa isa't-isa. Hindi pwedeng lahat ay may trust issue, ang pagdududa ay ayos lang, ngunit ang hindi pagtitiwala ay hindi ayos. Hindi magiging organisado ang isang grupo kung lahat sila ay may trust issue.

Bawal din ang Jollibee o bida-bida, dahil minsan ang sobrang kaepalan ay nagreresulta nang hindi magandang bagay. Ang trabaho nang Jollibee ay ang magpasaya, hindi ang magpahamak. Kung may isang Jollibee sa isang grupo ay mabuti pa na tanggalin na ito bago pa tumagal, dahil sa huli lahat ay mapapahamak lang.

May tatlong patakaran lang ito na kailangang sundin at kapag nasunod  'yon ay mataas ang porsyento na maka-survive ang isang grupo.

Unang patakaran, no one will die until the last day. Ang patakaran na pinakamahalaga, dahil ang mga susunod na patakaran ay hindi din masusunod nang isang grupo kung unang araw pa lang ng laro ay may mamamatay na agad. Dying is not an option in this game, 'yan ang motto nang mga estudyante na nais maka-survive sa laro.

Team work ang kailangan upang masunod ang patakaran na ito, lahat ay responsibilidad ang bawat isa sa pagprotekta. Hindi pwede ang selfish na tao.

Ikalawang patakaran, you must complete the two quest before the given time. Ang quest ay parang sa laro lang na may kailangang gawin ang manlalaro upang masiguro ang kaligtasan niya. At katulad rin lang nang mga laro sa video game, ito ay may limited time.

Kailangan itong magawa nang isang grupo bago ang ibinigay na oras, dahil kung hindi ay lahat sila ay may kahaharapin na parusa, at hindi nila gugustuhin na maranasan ang parusang 'yon.

At ang ikatlo naman ay, you must survive. Kill if needed, but don't get caught. Sa larong ito ay hindi maiiwasan ang sakitan at ang malala ay ang patayan, lalo na kapag nasa isang sitwasyon ka na buhay ang nakasalalay. Kaya naman ang pagpatay ay pinapayagan, pero… Kailangang siguraduhin nang taong papatay na walang makakakita o makakahuli sa kaniya. Dahil kung hindi ay ang mga 'Catcher' ang huhuli at magpaparusa sa kaniya.

Ang Catcher ay ang mga hindi kilalang estudyante na naatasan na humuli sa mga papatay sa kapwa estudyante, ang mga hindi nila hinuhuli ay ang mga nabigyan nang quest na pumatay. Ngunit kung ang isang estudyante ay walang quest na gano'n, huhulihin siya nang mga catchers at sila na ang bahalang magparusa dito, at paniguradong hindi maganda ang magiging parusa ng mga lumabag sa patakaran.

Sinabi din nila Dajiel— ang isa sa nakuhang ka-grupo ni Watch. Siya ang nerd nang grupo, seryoso siya at suplado, ang kaunting nalalaman nila tungkol sa Eirlo University. Ang pagiging prestigious school daw nito ay isa lang front, para walang maghinala sa totoong purpose nang Unibersidad— which is the Death Game.

Walang mga taga-labas ang nakakaalam nang nangyayari sa loob nang EU, basta ang alam lang nila ay isa itong maaayos at magandang Unibersidad para sa kanilang anak. At kung may nakakaalam man na mga taga-labas ay walang naglalakas nang loob na magsumbong sa gobyerno, dahil ang huling gumawa nito ay namatay. May mga tao rin sa gobyerno ang pumo-protekta sa EU, kaya naman wala ring mangyayari.

Ang mg teacher naman ay umalis na sa EU, last week pa. Gano'n daw lagi ang nangyayari kapag nagsimula na ang group registration ay umaalis na lahat nang school staffs.

Tanging mga estudyante at ang Headmistress na nasa secret room nito ang natira sa Eirlo University, kaya naman walang magiging hadlang sa mga mangyayari sa loob ng University.

Matapos magpaliwanag nila Dajiel ang mga dapat nilang malaman. Bumalik na sila sa kani-kanilang mga kwarto at nagkasundo na bukas na nila sisimulan ang kanilang training, dahil ang mga ka-grupo nila ni Watch ay mga walang alam sa self defense, at dahil si Watch at Eyz lang naman ang mga mga kaalaman sa self defense ay sila na ang magtra-training sa mga ka-grupo nila.

Simula bukas ay magsisimula ang totoong thrill sa high school life ni Eyz, na hiniling niya. At bukas ay simula na ang kan'yang bangungot na araw-araw niyang pagsisisihan.

At sa pagsisimula ng isang laro kung saan buhay nila ang nakataya, ay may mga sikretong mabubunyag. Mga sikretong matagal na itinago. Mga sikretong babago sa buhay at pagkatao ni Eyz. Maging handa kaya si Eyz sa mga matutuklasan niya o ito ang magiging dahilang upang siya ay magbago?

****