Nakatulog ako buong oras ng klase pero hindi naman ako nag alala na bumagsak ako meron naman akong voice record ng mga diniscuss ng professor namin sa unahan.
Hindi na kami masyadong nagkikita-kita ng mga kaibigan ko kasi magkakaiba kami ng kurso tuwing weekends lang kami nagbo-bonding kaya miss ko na sila kahit nagbonding na kami last time.
Nag open ako ng messenger ko. Ang daming messages galing kay Denver.
Puro pictures niya tapos may voice record pa.
Denver:
Mam send ka namang selfie mo.
Tsk. Utusan mo pa ko sa kaartehan mo.
Tinatamad ako maya na lang.
-Delivered
Kahit sa totoo naman eh ayoko talagang mag selfie hindi kasi masyadong mahilig.
Ikaw na lang sendan mo ko ng marami, Sir. Please ha? Thank you :*
-Delivered
Ayan para magtigil ka na kakarequest mo.
Nagsend nga siya ng marami at iniisa-isa ko iyon na tinignan.
Nakita ko na yan. Naistalk na kita hindi ba't sinabi ko na sa'yo?
-Delivered
Denver:
Ah. Sorry na Mam wag highblood.
Nagpicture ako sa may hallway kahit maraming tao at sinend sa kanya ang nakaheart sign kong daliri. Medyo magulo ang buhok ko dun dahil humangin at nakaangat ng kaunti ang I.D lace ko.
Denver:
Mam. Kiss kita.
Natawa ako pero pinigilan ko ayokong magmukhang tanga sa gitna ng hallway.
Parang ang tagal na rin pala. Ang tagal na rin pala na hindi ako nasabihang "Kiss Kita". Wag talaga akong magpapadala sa mabulaklak na salita ng lalaking ito. Dahil alam ko sa una lang yan sweet pag nahuli ka na nila sa bitag nila. Iiwan ka na lang ng biglaan na parang walang nangyari.
Ayoko kasi na nilalandi ako tapos pag hindi ako kumagat sila pa galit tapos pag sinakyan mo yung pakikipaglandian sa kanila at nahulog ka mawawala na lang bigla. Ano to'? Tinesting lang kung gaano ako katanga?
Wag mo kong landiin kung past time mo lang ako. Don't give me false hope. Kung gusto mo ko eh di gusto. Kung hindi eh di hindi.
-Delivered
Pinatay ko na ang data ko at hindi na inintay ang reply niya. Magpapakalma muna ako baka judgemental lang ako. Baka kasi friendly siya. Sweet ganon saka gentleman. Hahayaan ko muna siya magsasawa din siguro siya. Papatulan ko na lang. Sasakyan ko na lang.
Sumakay na ko ng jeep pauwi at nakatulog ako sandali sa biyahe. Buti na lang hindi ako nakalagpas kundi gagastos na naman ako. Bumaba ako malapit sa may eskenita. Naisipan kong mag earphones habang naglalakad at saka nag bukas ng messenger.
Denver:
Gusto kita. Hindi ako nagbibiro. Masaya akong kausap ka.
As usual na mga linyahan ng lalaki.
Gusto niya pala ko eh. Sakto nagsagot ako sa LOL tapos ang lumabas sa tanong na kung sino ang nakatadhana sa 'kin ay sa letter D raw nagsisimula. Tinag ko siya dun at hinahaha niya. Sabi na eh, tinitrip lang ako ng isang to'.
Masaya ka na ba?
-Delivered
Denver:
Saan?
Sa pangt-trip mo sa 'kin.
-Delivered
Denver:
Hindi kita tinitrip. Ngayon ko lang ulit to' naramdaman. Ang maging masaya kausap ang iba. Masaya ko sayo. Mahal na ata kita.
Akala mo lang na gusto mo ko, na mahal mo ko. Pero hindi mo talaga ko mahal. Mahal mo lang ako kasi nadadala ka sa ideya ng pag ibig pero hindi ako mismo ang mahal mo. Hindi mismo ang pagkatao ko.
-Delivered
Imposible yon. Ilang weeks palang kami nagkakachat saka isa pa hindi naman siya gaanong sweet sa 'kin saka kung gusto niya ko siya mismo magkukusa na pumunta kahit sa school manlang namin kasi malapit sa kanila. Kaso hindi naman ganon kailangan pipilitin pa siya. Madalas pang may alibi. Ilang beses ko na siyang gustong papuntahin sa school pero ang daming niyang dahilan.
Nagtipa ako ng bagong message para mawala ang tensyon na namamagitan sa aming dalawa.
Mas mabuti pa hayaan na lang natin 'yun. May joke ako.
-Delivered
Denver:
Sige. Mam ano yon?
Sinong bayani ang walang damit?
-Delivered
Denver:
Sino?
Eh di si Andres Bonifacio. Ano ba yan! Ang slow mo naman!
-Delivered
Denver:
Oo nga no Mam. Undress nga pala haha!
Humagalpak ako sa sarili kong joke. Self support ika nga nila.
Natawa ko Mam. Realtalk. Hindi ako nagbibiro.
Sige meron pa. Anong bansa ang mahilig sumuko?
-Delivered
Denver:
O? Ano?
Eh di Kuwait! Ayoko na! Kuwait na ko!
-Delivered
Ewan ko ba sa sarili ko pero natawa talaga ko sa sarili kong joke.
Na slow ako dun Mam! HAHAHAHA! Pero ayos yung joke mo natawa ko.
Nagscroll ako sa Facebook at sinend ko sa kanya iyong picture ni Julia Barreto. Tungkol iyon sa mga damit ng flatchested.
Denver:
Grabe ka naman Mam sa sarili mo.Hindi ka naman flat.
Flat nga eh. Calamansi lang to'. Sa kanila melons.
-Delivered
Denver:
Ganon ba, Sorry Mam. Pero may alam ako paano yan palakihin.
Nako! Wag na. Manyak mo!
-Delivered
Denver:
Hahaha! Wala ko Mam sinasabi na iba. Ikaw itong iba ang iniisip eh.
Napatango naman ako. Tama naman siya. Ang judgemental ko kasi eh.
Pero magaganda kaming mga flat chested di ba? Saka kahit papaano hindi kami lapitin ng manyak. Kami kasi mga manyak eh. Sa tao nga lang na gusto namin hahaha!
-Delivered
Denver:
Eh di mamanyakin mo pala ko eh.
Bakit naman?
-Delivered
Denver:
Eh gusto mo ko. hahaha.
Assuming. Lol! Hindi rin.
-Delivered
Nagtipa muli ako ng message bago siya makapagreply.
Pwede bang friends na lang tayo?
-Delivered
Denver:
Ayoko. Gusto ko kung ganito tayo. I love you Mam.
Labyu too din.
-Delivered
Hays, hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. May mali kasi eh. Mali to' pero kasi ang kulit niya naman.
Makalipas ang message na iyon hindi na ko nagparamdam umiiwas na ko pero maging sa ML ay sinusundan niya ko. Kinukulit niya ko. Hindi siya napalya kada araw ay may bago siyang mga comments kahit sa shared memes ko na hindi naman related doon ay nag co-comment siya na miss niya na ko at humihingi siya ng tawad o hindi kaya naman mag fl-flood likes siya sa 'kin. Minsan sa my day ko nag h-heart siya.
Denver:
Miss you.
Denver:
Sorry kung may nasabi akong mali.
Nag comment din siya sa profile picture ko sa iba.
Sexy, kausapin mo na ko.
Naiirita na ko sa kanya na natatawa. Sexy pala ko. Alam ko na 'yun hindi niya na kailangang sabihin.
Nagbukas ako ng instagram ko at nagpost ng picture ng Laguna De Bae na kinuha ko matapos ang aming uwian na tyempuhan ko kasing maganda ang paglubog ng araw.
Nagpost din ako ng bagong selfie ko sa instagram na dapat nung isang linggo ka pa inupload. Naka red shirt ako at naka fierce feeling maganda ko eh.
May nag notif sa 'kin.
Ang ganda naman ng Mam ko.
Oo nga pala,finallow nga pala niya ko sa I.G at nag followback din ako.
Nagtext na rin siya ngayon.
Denver:
Uy, Mam. :'( Respond ka naman sa message ko. Ilang araw ka ng hindi nagpaparamdam. Miss you na.
Wala ka lang makachat kaya ganyan ka. Babaero. Halos lahat ng magagandang babae na nasa suggest friends ko siya ang mutual friends ko sa kanila.Basta maganda talaga, hilig iadd ng mga lalaki.
Ano? Busy kasi ako.
-Delivered
Denver:
Busy na naman? Eh halos nag sh-share ka nga ng memes araw-araw tapos busy ka.
Alam mo wag kang mangialam sa 'kin.
-Delivered
Denver:
Sorry Mam.Sino nga pala yung lalaking sinabihan kang maganda dun sa instagram post mo?
Nagkunot noo ako parang siya lang naman yung lalaking nagcomment sa picture ko.
Pagbukas ko dummy pala yun nung may gusto sa 'kin na lalaki daw. Parang babae nga siya na bisexual iba siya lumambing eh.
Wala yun. Wag mo na pansinin.
-Delivered
Denver
Mam. Balita ko maraming mga ka-department ko ang may gusto dyan sayo sa campus niyo.
Saan niya naman kaya niya nalaman yon?
Ah. Wala yon. Trip lang nila ko. Dont worry ikaw lang gusto ko. :*
-Delivered
Ews. Plastik ko.
Denver:
Mabuti naman. Send mo nga picture ko sa kanila sabihin mo boyfriend mo ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Nag isip akong mabuti bago gawin iyon.
Kung malalaman nilang may boyfriend ako tiyak na titigil na sila sa pangungulit sa 'kin. Tama! Hindi na ko mahihirapan na layuan sila. Nakakakonsensya kasi pag blinock message ko pa.
Den. Hindi ako makatulog.
-Delivered
Nagsend siya ng maikling voice message.
Denver:
Yan na Mam. Di ba sabi mo gusto mo ng kinakantahan ka bago matulog?
Pinakinggan ko 'yung pagkanta. Sakto lang 'yung boses niya. Hindi nakakaasar pero ayaw ko nung mismong kinanta niya. Masyadong lalaki eh saka pantambay.
Grabe! Salamat, Sir ha! Medyo natawa ko.
-Delivered
Totoo naman natawa ko para din kasi siyang lasing.
Denver:
Kantahan mo rin ako, Mam.
Wala kang maasahan sa 'kin.
-Delivered
Denver:
Ayos lang basta wag Korean hindi ko kasi maintindihan.
Naimagine ko tuloy siyang kumakamot sa kanyang ulo.
Eh yun lang kaya kong kantahin sa ngayon. Wala na kong ibang kanta na saulo bukod sa kanta ng mga asawa ko.
-Delivered
Denver:
Di ko kasi Mam maintindihan.
Nag isip ako ng kakantahin ko.
Perfect na lang. Wala kasi akong maisip na iba.
-Delivered
Denver:
Sige. Ayos lang gusto ko lang marinig boses mo.
#WalangTayoChapter3