webnovel

Chapter 20

Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang pangalawang plano at ito ay ang pumunta sa lugar sa pagitan ng pangunahing ruta ng daanan ng first Rate, Second Rate at Third papunta sa Sentro ng bayan. Bilang pagkukubli sa kanyang sarili ay ginamit niya ang nakuha niyang pambihirang Technique na isang twin Technique at yun ay ang Changing Appearance Technique at Body Changing Technique. Natutunan niya ito matapos ang madaling araw niyang paglabas. Di niya na rin kailangang matulog, maging ang uhaw maging ang makamundong gawain sapagkat isa na siyang ganap na Martial Art Expert. Patiloy lamang siyang nabubuhay sa pamamagitan ng paghigop ng enerhiya ( Martial Qi) para patuloy na mabuhay. Isa itong advantages ng pagiging Martial Art Expert.

Matapos niyang matutunan ang Twin Technique ay nagamit niya ito ng lubusan. Pinili niyang magmukhang matanda. Maging ang kanyang balat at pangangatawan ay binago niya. Mabuti na lamang at malalaki ang mga damit niya maging ngayon lalo pat pinaglumaan na ito ng kanyang ama. Mas pinili niya ang suutin ang bagong damit na sana'y ireregalo niya sa kanyang ama. Kahit na ipinagtabuyan siya nito ay nagalit siya rito pero sa paglipas ng isat-kalahating taon ay natutunan niya rin niyang magpatawad at lubos na nagpapasalamat dahil na rin sa naranasan niya'y naging malakas at matatag ang kanyang loob. Sa murang edad niyang ito ay natuto siyang magsumikap at malaman kung gaano mabuhay at kung gaano kalupit ang mundong ito sa bawat isa sa kanila. Malupit ang sistemang kinamulatan niya pero iyon ang nagpamulat sa kanya upang sikaping mabuhay sa marahas na sistema ng buhay. Pinahid niya ang mga luha niyang umagos dahil sa pagbabalik tanaw niya.

"Hindi ito ang panahon upang maging mahina ka Van Grego, bagkus maging malakas ka pa para sa pinagmulan at kinamulatan mong kontinente. Maging matatag ka!." Sambit niya sa kaniyang sarili upang palakasin pa lalo ang loob niyasa darating pang araw. Nakatanaw pa rin siya sa kaniyang repleksyong ibang-iba sa kaanyuan niya. Wala siyang sinayang na oras at naglakbay siya gamit ang kanyang Ancient Flying Technique. Binuka at pinagaspas niya ang anim na naggagandahang tatlong magkakaibang pares ng pakpak niya at lumipad sa makakapal na mga ulap dala ang mga planong gustong isakatuparan sa darating na mga araw.

Ngayon ay nakarating na siya sa pangunahing Ruta ng tatlong pangunahing Class at maging ang ibang mga sektor ng pamahalaan. Maraming mga establishimintong nakatayo rito at di pangkaraniwan ang bawat imprastraktura dito. May isang bakanteng loteng napansin si Van Grego na nakaagaw ng pansin sa kanya. Malawak na parte ito st hindi pa napatatayuan ng kahit na anong imprastraktura. Nabasa ang impormasyong ito at napag-alamang ibinebenta ito ng buo kung Kaya't maraming mga negosyante ang hindi nagkng interesado lalo pa't nagkakahalaga ito ng 2,000,000 martial money. Malapad nga ang loteng ito at siguradong magdadalawang isip ang mga negosyante lalo pa't hindi sasapat ang pera nila at magagastos ang puhunan nila kung kaya't nawalan na halos lahat ng pag-asa lalo pa't fix payment dapat at hindi hulugan kung Kaya't masakit sa bulsa ito. Kung pera lang ay hindi ito problema sa kanya lalo pa't may gabundok siyang pera na laking pasasalamat niya sa Sphere niya.

May isang di kalakihang konkretong bahay ang nakatayo saaliit na lote. Nagsisilbi itong tanggapan ng may-ari ng lote. Gusto niya ng mabenta ang lote lalo pa't maysakit ang kanyang asawa. Ito nalang ang natirang lupain na pagmamay-ari niya kung Kaya't kahit masakit man sa loob niya ay labag sa loob niyang ibebenta ito dahil ayaw niya ring mawala sa piling niya ang kanyang asawa. Mas mahalaga sa kanya ang buhay at kaligtasan ng asawa niya lalo pa't may mga anak pa siyang nag-aaral sa First Rate Sect. Paubos na din ang savings niya mula sa pagbebenta ng mga lupaing kanyang namana at naipundar. Tanging maliliit na lupain na lamang ang naiwan sa kanya. Mas pinili nilang mamirahan dito pansamantala dahil sa malapit ito sa bahay- pagamutan at hindi na sila mag-aaksaya ng pera para sa mahabang paglalakbay. Para sa isang buwan na lamang ang natitira niyang perang inipon para sa pantustos ng gastusin sa hospital ng kanyang magandang asawa, at sa pag-aaral ng tatlo niyang anak na nagsusumikap sa pag-aaral. Iyon lamang ang mabibigay miya lalo pa't naghihirap na rin sila. Mapipilitan na siyang pababain ang presyo ng lupain na ito ayon sa noong napagkasunduang presyo ng mga negosyante.

Napansin ng may-ari ng  lote ang matagal at patingin-tingin ng  matandang estranghero (si Van Grego in disguise), nagbabasa din ito sa mga impormasyon patungkol sa lote. Dahil na rin sa kuryusidad ay sinubukan niya pa rin itong i-entertain kahit na marami ng mga negosyante at maging mga estranghero ang dumaan dito at nakipagdeal sa kanya ngunit wala ring bumili. Ang iba'y nagreklamo at ang iba'y nakipagtawaran ngunit hindi niya tinanggap ito at ang iba'y nasungitan niya lalo pa't masyadong mababa ang presyong gusto niya.  Lumabas siya at kinausap ang matandang estranghero.

Magandang araw po Ginoo! Ano po ang kailangan nila? Sabi ng isang may katandaang lalaki

Magandang araw din Ginoo, narito ako upang humanap ng loteng pinaplano kung bilihin." Magalang na pagsagot ni Van Grego.

Ganon po ba? Binebenta ko kasi ang malawak na loteng ito kaya lang masyadong mataas ang presyo nito. May halong lungkot sa boses ng medyo may katandaang lalaki

Wala pong problema sa akin lalo na't gusto ko na ring bumili ng lote dito at nakita kong sakto ang loteng ito sa gusto kong lokasyon nito at sobrang lawak din nito kung Kaya't bibilhin ko na ito sa nabasa kung detalye paukol sa pagbenta niyo ng lupa." Masayang sambit ni Van

Nanlaki ang mata ng may-ari ng lupa. Halos maluha-luha ito lalo pa't sa wakas ay may bumili na rin sa awa ng diyos.

Talago po Ginoo? Ako ay sobrang natutuwa lalo pa't hindi ko gustong ibenta ito lalo pa't pamana ito ng mga magula ng ko sa akin ngunit nangangailangan ako ng malaking halaga sa pagpapagamot sa asawa kung maysakit at pantustos ko din sa mga anak kong nag-aaral kaya maraming salamat ginoo dahil sa pagbili mo ng loteng to!" Maluha-luhang sambit ng medyo may katandaan na rin (30+)

"Walang problema iyon lalo pa't nalaman kong napakabuti niyong magulang at asawa kung Kaya't alam kong hindi din naging madali ang desisyon sa pagbenta niyo. Asahan niyong di ko ito yuyurakan ang lupain niyo bagkus narito ako upang magpatayo na malaking imprastraktura na makakatulong din sa inyo. "

mahabang litanya ni Van Grego na mahihimigan ng totoong mabuting hangarin sa bawat salita nito. Nakuha niya ang loob ng lalaki.

Nagulantang ang medyo may katandaang lalaki sa sinabi ni Van Grego. Napaisip siya lalo't isang talinhaga ito para sa kanya. Nararamdaman niya ring sincere at mabuti ang hangarin ng matandang lalaki sa kanya kung Kaya't willing din siyang ibenta ito sa napagkasunduang presyo.

"Ano po ang pangalan niyo Ginoo?"May respetong pagkakasabi ng lalaki

"Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Mr. Van."mahinahong pagkakasabi ni Van Grego

"Salamat Mr. Van sa pagtugon sa aking mga tanong, ang pangalan ko ay si Vicente Ignacio, tawagin mo na lamang akong Mr. Vic."pagpapakila ni Mr. Vic sa kanyang sarili.

"Kailan niyo po gustong umpisahan ang pagpapatayo ng imprastraktura sa malawak na loteng ito Mr. Van?

"Dahil nagmamadali ako lalo pa't marami pa kong aasikasuhin, pwedeng ngayon na mismo at gusto kong matapos agad ang pagpapatayo. Kontakin mo ang pinamagaling na inhenyero ukol sa pagpapatayo ng imprastraktura, ito na din ang gusto kung maging desinyo ng imprastrakturang ipapatayo ko." Mahabang instruction ni Van Grego at ipinahawak kay Mr. Vic ang nasabing itsura at desinyong gusto niya.

Halos malula si Mr. Vic sa nakita niya. Halatang napaka-elegante at napakagandang desinyo ang nakita niya. Halatang pinag-isipan ang paggawa ng imprastrakturang ito. Masyadong mabusisi at detalyado lahat kaya konti lamang ang naintindihan niya. Mabuti na lamang at napag-aralan niya ng konti ang Field ng  Structural Design at masasabi niya ito na ang pinakamalaki at pinakamagandang imprastrakturang nakita niya kung Kaya't halos manginig siya sa sobrang pagkamangha. Iningatan niya mabuti ang Structural plan and design.

Maya-maya ay may inabot si Mr. Van sa kanya na isang low grade Interspatial sack. Inilagay ni Van Grego dito ang kanyang kabuuang bayad sa lupa na dalawang milyon at dinagdagan niya din ng isang milyon.

Pinakiramdaman ni Mr. Vic ang loob ng nasabing Interspatial sack at nagulantang siya sa nakita. Halos atakehin siya sa puso mabuti na lamang at walang sakit. Maluha-luha pa siya at nanginginig ang kanyang kamay sa pagtanggap ng Interspatial sack na naglalaman ng 10 million Martial Money.

"Tatlong milyon ang ibibigay ko sa inyo at ang nasabing pitong milyon na pera ay igugol mo lahat ng mga gastusin. Babalik ako sa susunod na mga araw upang malaman ko ang kabuuang estimate ng gastusin sa pagpapatayo ng imprastrakturang gusto ko." Mahabang paalala ni Mr. Van kay Mr. Vic.

Isang tango lamang ang naitugon ni Mr. Vic lalo pa't ngayon lamang siya nakahawak ng sampong milyon na Martial Money, agad niyang kinuha ang kontrata ng lupa at nilagdaan nila pareho. Hawak na ngayon ni Mr.Van ang titulo ng malaking lote na ito na nagpapatotoong kanyang lupain na ito.

Pilit inalala ni Mr. Vic ang bawat tagubilin ni Mr. Van. Ayaw niyang mapahiya siya lalo pa't malaki ang naging porsyento niya dito at malaki ang respeto niya dito dahil na din sa sigurado siyang mataas na tao ito sa Lipunan at nagtataglay ng di masukat na background. Nakuha agad ni Mr. Van ang loob at respeto ni Mr. Vic. Tatlong milyon ang nasa kanyang mga kamay ngayon na nakahiwalay sa pitong milyon. Agad niyang itinagong maigi ang mga pera.

Agad siyang nagpatawag ng apat na mahuhusay na  Enhinyero at  maraming trabahador, maging ang mga materyales ay inihanda na niyang ideliver. Yung ibang materyales ay naideliver na sa mismong malawak na lote. Nalaman niyang  150 million ang kabuuang magagastos sa nasabing imprastraktura. Dahil na din sa mga suggestions na makakatulong pa sa pagpapaganda at pagpapatibay ng imprastraktura ay gumamit sila ng mamahaling materyales na masasabi mong napakamahal pero dahil na rin dito ay binago ng kaunti ang mga ito ay sinang-ayunan niya ito maging ng apat na inhenyero.

Kinabukasan ay dumating ulit si Mr. Van. Nakita niya na ang paunang pagpapagawa at masasabi niyang mabilis na nagawa ang paunang pundasyon ng gusali. Kasalukuyan paring nagtatrabaho ang mga trabahador maging nag mga Inhenyero na mabusising pinsgmamasdan ang gawa ng mga trabahadot. Malaking oportunidad ito lalo pa't isa itong maituturing na big Projects. Nagplano si Mr. Van na dagdagan ang naunang dalawampong trabahador at inhenyero. Dinoble niya ang mga bilang ng mga ito agad-agad.

Nag-usap ng masinsinan sina Mr. Van at Mr. Vic patungkol sa gudaling ipapatayo. Kailang matapos ang proyektong ito sa loob ng isa't kalahating buwan. Masasabi ni Mr. Vic na nagmamadali si Mr. Van sa pagpapatayo.

Inabot na din ni Mr. Van ang Martial Money na nagkakahalaga ng 250 million. Ipinaalala niya na lahat na siyang bahala sa pagbahagi ng sweldo maging ang mga incentives ng bawat trabahador lalo na ang pagpapasweldo ng malaki sa Inhenyero. Tiangubilin na din na wag tipirin ang kahit na sino at kahit siya na malayang magastos ang paunang bayad.

Noong nakaraan na  araw na ikinwento niya ang tungkol sa malubhang sakit ng asawa niya kay Mr. Van at ngayon ay inabot sa kanya ang mga high -grade medicine na makakatulong sa paggamot ng sakit maging ang madaming magagandang benepisyong makukuha ng asawa niya. Lubos ang pasasalamat niya sa malalaking mga tulong na inabot ni Mr. Van sa kanya. Hindi niya mapigilang maging emosyunal .