𝑫𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝑳𝒐𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖
Janice POV( Mom of Rage )
Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Gising na si Rage, ang anak ko. Anim na taon din siyang na comatose. Halos mawalan na kami ni Davis ng pag asa. Ako na ang pinakamasayang tao ngayon, salamat at gising na ang aking anak.
Ngunit lahat kami ay naguluhan nang hanapin niya si Addison. Bakit siya ang hinahanap niya at hindi si Zariah? Anong nangyayari sa kaniya?
Lumabas kami ng kwarto kung saan nakatulog ang anak ko. Alam kong lahat kami ay naguguluhan sa nangyari.
Janice? bakit si Addison ang hinahanap niya? bakit hindi si Zariah? At mas masama pa rito ay bakit si Addison ang alam niyang pakakasalan niya?"naka kunot noong tanong sa akin ni Maxine. Maging ako ay hindi ko alam. Kung nagkataon mang si Addison ang alam niyang pakakasalan niya, malaking problema ito. Masasaktan si Zariah kapag nalaman niya ang tungkol rito.
Hindi ko rin alam bes, pero tanungin nalang natin ang doctor baka epekto ito ng pagka comatose niya." sagot ko nalang sa kaniya. Mabuti nga't ang doctor nalang ang tanungin namin patungkol sa bagay na ito. Mabuti pa nga at ang doctor na ang pagtanungan natin. " pag sang ayon naman ni Goerge, ang asawa ni Maxine. Kaya naman tinawag namin si Dr. Jared. Ilang minuto lang ay dumating na siya. Pumunta kami sa Living Room at doon kami naupo. Doc, ano pong nagyayari sa anak namin? "walang paligoy ligoy na tanong ni Davis kay doc. Sa observation ko sa kaniya, nagkaroon siya ng amnesia. Hindi ito ang klase ng amnesia na kumlikado. Sa lagay ng anak ninyo Mr& Mrs Morgan ay ang ordinaryong amnesia lang. Kaya kung mapapansin niyo, hindi niya kayo nakalimutan ngunit maaring ang iba pang taong kilala niya. "May amnesia ang anak ko? pero bakit si Addison ang alam niyang pakakasalan niya? Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Tama kaya ang kutob kong, nakalimutan niya si Zariah pero si Addison ay hindi? possible rin yun kasi magkakilala naman sila dati. Pero bakit si Addison? O baka naman napag baliktad niya silang dalawa? Hindi, impossible namang mangyari iyon. Napaka kumplikado. Pero doc, may napansin kaming mali sa kaniya. " si Maxine naman ang nagsalita. Napatingin naman sa kaniya si Dr. Jared. Ano yun Mrs. Veenciavior? " he asked with curiosity. Maxine sighed before answering his questions.
When Rage woke up, he's asking for my daughter Addison instead of Zariah which is also my daughter. " pagpapaliwanag ni Maxine. Wala namang umimik sa amin na sinasabing ituloy lang ang pag kukwento niya. My daughter Zariah was the one he promised to marry pero ang pagkaka alam niya, si Addison ang pakakasalan niya. Paano nangyari yun doc? " gulong gulong tanong nito kay doc. Napaisip naman si doc bago nagsalita. Siguro nagtataka rin siya kung paano nangyari yun pero inaasahan kong may alam siya tungkol sa nangyayari sa anak ko. Kilala ba ng anak niyo si Addison? " tanong niya sa amin . Agad naman kaming tumango bilang sagot sa kaniya. Kaya ipinag patuloy niya ang pagsasalita. Hindi rin ako sigurado kung anong nangyari sa kaniya dahil ito palang ang unang beses na nakarinig ako ng ganyan. Pero sa kutob ko, maaaring nagkahalo halo ang memorya ni Rage. Maaaring nagkahalo ang ala ala ni Addison at Zariah." pagpapaliwanag niya. Ang sinasabi ba niya ay naghalo ang ala ala ng magkapatid? Possible rin kasi talagang magka mukha ang dalawa. At baka yung memorya ni Rage tungkol kay Zariah ay nahalo kay Addison? Aish! bahala na nga, masyadong magulo. Mabuti pa at tatanungin nalang namin ang anak ko paggising niya mamaya.
Natapos narin kami sa pag uusap. Pero mas nadagdagan pa ang mga tanong sa isipan ko. Ano ba kasing nangyari? Kung magpapatuloy iyon, masasaktan si Zariah.
Dumeretso na kami sa kwarto ni Rage at naabutan naman namin siyang gising. Gising kana pala anak, nagugutom kaba? "tanong ka sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at umiling. Sobrang gaan sa pakiramdam na nakikita ko na ulit siyang nakangiti. I am done eating mom, don't worry" malambing niyang sagot sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Would you mind if we ask you some questions anak?" walang pag aalinlangang tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at tumango bilang sagot. Do you know Zariah? "deretsong tanong ko sa kaniya. Sana ay hindi niya ito nakalimutan. Yeah, she's the sister of Addison right? " sagot niya sa akin. Natuwa naman ako dahil naalala niya ito. Where and how did you met her?" kapag iba ng sinagot niya, confirm naghalo ang ala ala ng magkapatid. Ahm, I met her in their house, Addison introduced her to me. " Oh no, hindi pwede. Si Addison ang nakilala niya sa bahay nila at hindi si Zariah. How 'bout Addison anak?" pagtatanong ko sa kaniya. At agad naman siyang sumagot ng walang paligoy ligoy.
I met Addison in the park, she was 11 years old that time while I am 14. I lost my way home, so I asked for help to her. She helped me and then we went first in their house to asked for some help to her mom, and that is tita Maxine. And fortunately, our house is next to theirs. We are neighbors. And then she introduced me to her sister Zariah. And they're actually the same, their face,eyes,nose are all the same. And in 5 months you and Addison's parents became close. And that time I said me and Addison will get married. And then you agreed . You said, if Addison is already 21, I'll marry her. That's it . "Pagpapaliwanag niya. Totoo nga, paanong nangyari to? Si Zariah ang nakilala niya sa park at hindi si Addison. Anak, it's not Addison, it's Zariah. When you was a child, you met Zariah in the park and you promised to marry her. While Addison, Zariah introduced her to you. Kaya how come na parang baliktad yata ang alam mo? " deretso kong sabi sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya. No, Addison was the girl I'd promise to marry. I Know it, she is in my dream. "matigas niyang sabi sa akin.
The doctor said, I am now okay mom. So I want us to go home because I want to see Addison."seryosong sabi niya sa akin . At tumingin kay Davis. Oh no, paano na si Zariah? Masasaktan siya sa malalaman niya. Alam kong matagal na niyng hininintay si Rage. Masakit yon sa parte niya kasi hindi siya ang kinikilala ni Rage na babaeng pakakasalan niya, kundi ang kapatid niya. Wala naman sigurong gusto si Addison sa anak ko diba? pero kung meron man, hindi ko na alam ang mangyayari.