webnovel

DEREF

NOTE: It looks like you made a mistake, so you'd better not continue. But if you continue, you will take care of your life, as long as i tell you. A man named Jairus Grozen who had a hard life but had a happy family, but we know not everyone who is happy is always happy. He will leave and face his path... And when he returns, he will meet a woman with a bad temper. And as time goes on he does not realize that he is falling for this woman. BUT What will he do when.he finds out this woman is the only key why he left. WHAT should not have happened has already happened. WILL he let that happen again and this time to the woman he love?

nelvino0401 · アクション
レビュー数が足りません
46 Chs

DEREF CHAPTER EIGHTEEN

Jairus POV

Kasalukuyan akong nandito sa kusina at naghahanda ng pagkain ni joree.

Kalalabas nya lang ng ospital at ng mga kaibigan nya kahapon.

Dalawang araw narin magmula nung mangyari yun.

Dahil mga sikat na artista sila hindi mag kandamayaw yung mga manager nila dahil headline ngayon tungkol sa nangyari sa kanila.

Nang puntahan ko naman yung mga gumawa nun sa kanila...

Napag alamang mga adik pala yun.

At dahil hindi sila minor kinulong kaagad sila.

At syempre yung mga magulang nila hindi sila papayag na makawala pa yung mga gumawa nun sa anak nila.

At si miss keilla at sir nagpasalamat sila sa'kin dahil sa pagligtas ko sa kanila.

Naglakad na'ko papuntang kwarto ni joree.

Makailang ulit akong kumatok at...

"PUMASOK KANA NAPAKA TAGAL MO!" Sigaw nya.

Akala ko titino na sya pagkatapos ng pangyayaring yun kaso mas lumama pa ata.

Binuksan ko yun at ng makapasok isinara ko yun.

"BAKIT BA ANTAGAL MO?!" Sigaw nya sa'kin.

Nakapantulog pa sya.

Kakagising nya lang kase.

Nilapag ko yung pagkain nya at naupo sa sofa nya sa kwarto.

"ANO TO?! GULAY NA NAMAN?!" Sigaw nya.

"Wag mo kong pagurin. Wala ka namang sugat bakit hindi ikaw kumuha ng pagkain mo at nag uutos kapa." Nanlaki naman yung mata nya at dumampot ng unan at ibinato sa'kin yun.

At syempre sinalo ko yun ng isang kamay.

"Kidding." Sabi ko.

"KIDDING MO YANG MUKA MONG PANGET!" Sigaw nya.

"Mas gwapo na ko sa dylan mo kaya tumahimik ka dyan." Napanganga sya dahil sa sinabi ko.

Actually totoo naman dahil puro pasa yung muka nya.

"ANG KAPAL NG MUKA MO! DAPAT IKAW NA LANG YUNG NABUGBOG!"

"Nakita mo yung ityura nya muka na syang lamog na kamote." Natatawa kong sabi.

Puro kase kayabangan ang alam e.

"KASALANAN MO KASE YUN E KUNG HINDI KA NAG TAGAL SANA NAKA ALIS KAAGAD TAYO SA LUGAR NA YUN!"

"Ang ganda nyo kase mag plano ayan napahamak kayo." Sabi ko sa kanya.

Totoo naman iniwan nila ko tapos ako pa sinisisi nila ngayun mga abnormal naalog na utak dahil sa nangyari.

"UMALIS KANA NGA ANO PA BANG GINAGAWA MO DITO?!" Nanggigigil nyang tanong.

"Alam mo kung bakit ako nandito kaya manahimik ka at kumain na dahil matutulog ako salamat dito sa unan." Sabi ko at nahiga sa sofa nya.

Pagkatapos mangyari nun galit na galit din yung tatay nya.

At dahil dun binigyan nya ako ng permiso para bantayan 24/7 tong anak nya.

At syempre nag protesta si joree.

Bakit daw magkasama kami sa iisang kwarto?

Yes, magkasama kami at dito narin ako natutulog pero sya nasa kama ako nandito sa sofa.

"Wag mo nang tangkaing umalis dahil hindi ka makakatakas sa'kin." Sabi ko.

"LINTIK NAMAN AKALA KO TULOG KANA?" Sigaw nya sa'kin.

"Imbis na mag pahinga ka at manahimik dito sa bahay mas gusto mo pang lumabas." Sabi ko sa kanya.

"ARGHH NAKAKAINIS KA ALAM MO BANG BORED NA BORED NA'KO GUSTO KONG PUNTAHAN ANG MGA KAIBIGAN KO, GUSTO KO SILANG MAKITA, BAT BA NAPAKA TIGAS MO WALA KA BANG PUSO?!!!" Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga at hinarap sya.

Tinignan ko yung pagkain nya at hindi nya man lang nagagalaw yun.

"Kainin mo yung pagkain mo." Sabi ko sa kanya.

"SABI KO GUSTO KONG MAKITA YUNG MGA KAIBIGAN KO!!!" Sigaw na naman nya. Kailangan kaya to tatahimik.

"Kapag hindi mo kinain yang pagkain mo hindi kita sasamahan sa mga kaibigan mo." Nagulat sya sa sinabi ko at kaagad nilantakan yung pagkain nya.

Hindi sya pinapaalis ng papa nya dahil sa nangyari pero...

Kinausap nya ako na hindi daw sya pwedeng umalis kapag hindi ako kasama.

Kaya nasa akin ang desisyon kung gustong umalis ni joree.

Kawawa sya kapag tinamad ako dahil hindi talaga ako napipilit.

Pero naiintindihan ko sya.

Gusto nyang makita ang mga kaibigan nya.

Dahil nag aalala sya.

Ako kaya...

Naaalala pa kaya ko ng d kengkoy's?

Papaluin ko sila ng upuan kung hindi.

Kamusta na kaya sila?

Hindi pa ito ang oras para makita nila ako.

"Hari ng hoodlum tara na." Napapitlag ako dahil sa pagsasalita ni joree.

Nang tignan ko sya tapos na syang kumain at nakaligo narin sya.

Ganun ba kalalim ang iniisip ko at diko namalayan.

Tumango ako at kinuha yung coat ko at sinuot iyon.

At syempre yung salamin kong itim dahil hindi maganda ang outfit ko kapag may kulang.

Wala naman dito yung magulang nya dahil nasa business sila at mamaya pa ang uwi nila.

Nagpaaalam muna kami kay manang.

At saglit nakipag kamustahan kay joree.

"Hari ng mga hoodlum, wala ka bang balak palitan yang motor mo bulok na e." Sabi ni joree.

Wala akong pakielam kung bulok na yan at makaluma.

Dahil mahalaga sa'kin yan.

Sobra..

Ganun naman talaga kapag mahalaga mas lalo pang pinapahalagahan.

Ganun naman talaga kapag binigay, iniingatan.

Hindi ko sya sinagot at sumakay na lang sa motor at syempre tinulungan ko muna sya.

...

Joree POV

Tinext ko sila na magkita-kita kami sa tambayan namin at buti pinayagan sila.

Dahil wala naman daw problema dun sinabihan lang sila ng mga magulang nila na mag-iingat.

"Dito, dito ihinto mo." Turo ko dun sa tambayan namin.

Kaagad nyang hininto yun at bumaba sya syempre tinulungan nya akong bumaba dahil hindi ako sanay.

Pumasok kami dito sa condo yes condo.

Bumili kami nito at eto ang tambayan namin.

Nang nasa harapan na'ko ng pintuan kaagad kong kinatok yun.

At nung bumukas nun walang iba kundi si dylan.

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

"Shit are you okay?!" Tanong nya sa'kin at humiwalay sa pagkakayap.

"Yes, ikaw tignan mo andami mong pasa o okay kana ba?" Nag aalala kong tanong.

"Yes baby dahil nandito kana." Napangiti ako nang sabihin nya yun.

"Tara pasok na tayo." Sabi ko.

"San ka pupunta?!" Nagulat ako sa sigaw ni dylan ng tignan ko sya naka harang yung mga braso nya sa pintuan.

Ayaw nyang papasukin si hari ng mga hoodlum.

"Tingin mo?" Nag init yung ulo ni dylan dahil sa sinagot sa kanya.

"Dylan, hayaan muna." Kaagad naman syang tumango at sinabayan akong maglakad.

Napatakbo kaagad si brianna ng makita nya ako.

Nang makalapit sya sa'kin at kaagad akong niyakap.

"B-brianna h-hindi a-ako m-makahinga." Natatawa kong sabi.

"Are you okay?!" Chineck nya pa yung katawan ko kung may sugat.

"Tumigil ka nga okay lang ako, ikaw ba?" Nag aalala kong tanong.

"Oo medyo okay na thanks to jai for saving us kundi dahil sa kanya baka napano na tayo." Nagulat ako dahil sa sinabi nya.

Kung nagulat ako ano pa kaya sila dylan.

Hindi nga pala nila alam dahil bagsak sila nung mga oras nayun.

"Ako ba walang yakap?" Napapitlag ako dahil sa nag salita.

"Caleb." Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Are you okay may masakit pa ba sayo?!" Natataranta kong tanong.

"Chill, relax im alright, im fine medyo masakit nga lang yung ulo ko dahil pinalo ako ng tubo pero im fine hindi naman daw ganun kalala sabi ng doktor." Sabi nya.

"Okay si paul nasan?" Tanong ko.

"Nagpapahinga sya kaya hindi sya makakapunta pero wag kang mag alala." Sabi ni brianna. Napangiti naman ako dahil maayos na ang mga kaibigan ko.

"Kung akala mo mag papasalamat ako dahil niligtas mo kami pwes nag kakamali ka." Nagulat ako dahil sa sinabi ni dylan.

"Me too." Gatong ni caleb.

"Ikaw ang nagkamali, dahil hindi ko inakala." Sabi ni hari ng mga hoodlum.

"Guys tama na nga imbis na magpasalamat kayo ganyan pa inaasta nyo." Sabi ni brianna.

...

Jairus POV

"Joree hatid na kita." Pag piprisinta ni dylan.

"Sige, nahihirapan kase ako sa motor e let's go." Kaagad naman silang nag paalam sa isa't isa at nag si alis.

Inabot na kami ng gabi dahil sa sa pag bo-bonding nila.

Tsk dalawang araw palang silang hindi nagkikita pero akala mo parang isang taon na.

Dina-drive ko yung motor ko at naka sunod sa sinasakyan ni joree.

...

"Salamat sa paghatid sa'kin dylan, baka mabinat ka pa nyan sige pasok na ko." Paalam ni joree.

"Alam mong lahat gagawin ko para sayo." Sabi naman nung dylan at ilang saglit na paglalambingan nila...

Salamat at natapos din sila.

Pumasok kami at naabutan namin ang mga magulang nya na nasa dining table.

"Maupo na kayo ng makakain na." Biglang sabi ni miss keilla ng makita kami.

Lumapit naman si joree sa mama nya at binigyan ng isang halik sa pisngi at ganun din sa papa nya.

"San ka galing?" Tanong nung papa nya.

Halatang natatakot si joree.

Tsk.tsk

"Sa mga kaibigan nya at sinamahan ko sya sir." Biglang sabi ko at tumango naman sya.

...

Tinitignan ko yung picture naming pamilya...

At sobrang saya namin dito.

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko at nag nag aayos ng gamit dahil lilipat ako sa kwarto ni joree para mabantayan ko sya sabi ni sir.

Sa'kin walang problema pero sa kanya kung maka pag react sya parang katapusan na ng mundo.

Itinago ko kaagad sa mga damit ko ang larawan namin at lumabas na dala ang mga gamit ko...

"DYAN KA SA SOFA MATULOG AH. ARGHH KAINIS!" Sigaw ni joree sa'kin ng makapasok ako ng kwarto nya.

Hindi ko sya pinansin at inilagay ko ang mga gamit ko sa gilid ng closet nya.

Wag na wag ko daw ihahalo sa mga damit nya dahil babaho yun.

Nang matapos kong ilagay yun kaagad kong hinubad yung coat ko at itiniklop.

Binuhat ko yung sofa nya at halatang nagulat sya dahil dun.

"ANONG GINAGAWA MO?!" tanong nya.

"Ihahampas ko sayo kapag hindi ka nanahimik." Sabi ko at syempre kung ano ano pang sinisigaw nya habang binabato ako ng unan.

Nang maiayos ko na yung sofa kaagad akong humiga.

Ayokong mahulog kaya inayos ko ito.

Tinatamad akong mag explain kaya isipin nyo na lang kung pa'nong ayos ginawa ko.

"HOY PULUTIN MO YUNG UNAN!" Sigaw nya sa'kin.

Shit naman kase ibabato bato hindi kayang pulutin.

Bumangon ako at isa-isa ko iyong pinag pupulot.

"Aba himala hindi nag reklamo." Namamangha nyang sabi.

Kung ano-ano pang inuutos nya kahit walang ka kwenta-kwenta para pahirapan ako pero sinusunod ko lang yun.

"BAKIT HINDI KA MAN LANG NAGSASALITA O NAGREREKLAMO?!"

"Sarili mong bitag ikaw ang nahuli." Nagtaka sya dahil sa sinabi ko sige isipin mo wag ka matutulog hanggat hindi mo naiisip.

Simple lang naman dahil inuutusan nya ako para mainis ako pero at the end sya yung nainis.

...

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong ko kay joree.

"Manahimik ka hindi ka sasama sa'kin ayokong mapahiya." Nagtaka ko sa sinabi nya.

Pero bago pa ako makatayo kaagad syang tumakbo palabas.

Kaagad akong naghanap ng damit at dumiresto sa banyo para maligo.

Nang matapos ako lumabas na ako at nagtaka ako ng may maaninag ako.

Dali-dali ko itong nilapitan at dinampot.

Kakamadali nya naiwan nya yung phone nya.

Binuksan ko iyon...

Yes kahit may password yun nabuksan ko pa rin.

Dahil hindi ko sinasadyang makita yun na pinipindot nya yun at nakabisado ko naman.

Napapitlag ako ng makita ko yung text shit...

...

Joree POV

"Nasan si jai?" Tanong ni brianna.

"Nilayasan ko." Sabi ko natawa naman si dylan at caleb dun.

"Ang galing mo talaga." Natatawang sabi ni dylan.

"Syempre joree ata yan." Sabi naman ni caleb.

Kasalukuyan kasi kaming nandito sa mall pumipili ng susuotin namin para sa party namin.

Malapit na kase yun.

Party yun ng mga artista at ng magkaka love team pagdating sa larangan ng pag arte.

Ako syempre partner ko si dylan.

Si caleb naman yung ka love team nya din na maganda pero syempre mas maganda ako no.

"Brianna sino ka partner mo?" Tanong ko.

"Hindi ko alam." Sabi nya.

Sabagay wala syang ka love team kase andaminging ipina-partner sa kanya.

"Joree." Shit pa'no nya nalamang nandito ako.

"Diba sinabi kong ayoko kasama ka?!" Nainis kong sabi.

Sino paba...

Edi yung hari ng mga hoodlum.

"Bawal ka umalis ng wala ako." Sabi nya.

Wala na akong nagawa kundi hayaan sya.

Papasok sana kami ng restaurant dito sa loob ng mall kaso napahinto kami sa pinto dahil may nakaharang na limang lalaki na...

UMIIYAK?!

"Ke-kelan ka-kapa na-nakabalik?!" Nagtaka kami dahil sa sinabi nung isang sa limang nakaharang na lalaki.

"Miss na miss ka namin...

Ja-jairus." Nagulat kaming lahat dahil sa sinabi nung isa sa mga nakaharang na lalaki.

Unti-unti akong napapatingin sa likod namin at...

W-wag m-mong sa-sabihin s-sya a-ang ti-tinutukoy ni-nilang j-jairus.