webnovel

Death University [BOOK 1]

Si Hayden Zyrienne Reduxes ay isang babae na naniniwala na walang magbabago sa kanya at hindi niya matatakasan ang madilim na mundo kung saan nakasanayan niya. Atensyon sa pamilya ang gusto niya kaso hindi sa kanya naibigay dahil sinisi siya ng mga magulang niya sa pagkawala ng kapatid niya. Not until, na mapunta siya o pumasok siya sa school na tinatawag na Death University. Sa pagpasok niya dito ay makakaharap niya ang bagong pagsubok na kung saan kailangan ang katatagan. Magagawa niya ba ang katatagan kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya?

missHYchii · 歴史
レビュー数が足りません
14 Chs

Kabanata 9

(Loren's POV)

Grabe! Hindi ko talaga inaasahan na maging boyfriend ko si Kenneth!

How? Okay fine. It just started at first day of school!

Flashback

"Hi everyone I'm Kenneth Zyn"

*wink* at napansin kong tumungin siya sa'kin.

Parang pwede na nga akong natunaw dahil kinandatan niya 'ko.

Napansin kong papalapit siya sa'kin, kung sabagay wala naman akong katabi.

Ang landi ko na ba sa lagay na 'to?

"Nilalagnat ka ba? Bakit parang namumula ka?" tanong niya.

Nilingon ko naman siya at ang gwapo talaga niya sa malapitan. Kunin niyo na 'ko lord! Hindi na 'ko makahinga, shemaaaay.

*Clear throat* okay, Loren chill ka lang.

"H-hindi. G-ganito lang talaga ako kapag naiinitan." palusot ko sa kanya.

"Kahit na may aircon?"

Napatigil naman ako sa tanong niya.

Paktay!

"Oo, masama ba?" sabi ko at napakagat-labi.

"NEXT!" sigaw ni prof.

Ilan kayang mega phone ang nalunok ni ma'am? Ako na pala ang mag introduce.

So ayon, pumunta na 'ko sa harapan at nagpakilala.

"Hi everyone. I'm Loren Alcantara."

Tsk grabe ang lakas talaga ng tama ng charming smile ko. Kung sabagay ay maganda talaga ako.

Nang matapos na 'ko, syempre umupo na 'ko sa upuan dahil hindi naman ako uupo sa kandungan ni Kenneth.

"Sure ka ba na okay ka lang?" tanong niya sa'kin.

"I'm fine." sabi ko na may pagkaplastik.

Kasi sa totoo lang hindi talaga ako okay. Sobrang hot niya kasi kaya nag-iinit ako rito.

"Talaga lang." rinig kong sabi niya at tumawa siya ng mahina.

Infairness! Ang cute niyang tumawa. First day pa lang Loren napatawa mo na siya. Ang galing ko talaga.

The next day

"Aray! Ang sakit ng ulo ko. Teka? Saan kaya ako? Shems! Nasaan ba ako?" tanong ko sa sarili ko nang nagising ako sa hinding pamilyar na lugar.

Napapikit naman ako ng mariin dahil naalala ko na may dumukot pala sa'min na lalaki.

"Loren! Ok ka lang?" alalang tanong sa'kin ni Kenneth.

Infairness, nag-alala siya sa'kin.

Napangiti naman ako ng palihim bago sumagot.

"Oo naman, ikaw okay ka lang ba?" pabalik kong tanong sa kanya.

"Oo naman" sagot niya.

Simula noong araw na 'yun ay naging close kami. Hindi ko talaga inaaakala na maging close agad kami. Hangga't sa isang araw. Sa araw na hinding-hindi ko malilimutan.

Kumbaga 'yun na ang pinakamagandang araw sa buhay ko. Ang landi ko na talaga. Pero masama bang mainlove?

"Loren, can you be my girlfriend?" tanong niya sa'kin at kinuha niya ang alawang kamay ko at hinalikan.

Tiningnan niya 'ko sa mata at naghihintay ng sagot ko. Ba't ang bilis? Shems! A-anong sasabihin ko?

Bahala na, sasabihin ko na kung ano ang laman ng puso ko. Kahit na nagmumukha akong easy to get.

"Yes! you are my boyfriend from now on." sabi ko at ngumiti.

Agad naman niya 'kong niyakap. Hindi na 'ko member ng NBSB! Nakalaya na 'ko sa mga grupo ng mga single na nagsasabi na 'Walang forever maghihiwalay din kayo'.

Sasabihin ko 'to kina Mhia. Alam kong matutuwa sila sa'kin.

End of flashback

(Kathleen's POV)

Saan ba nagpunta si Micca?

Bakit kasi nagkagusto siya kay Christian at bakit din nagkagusto si Christian kay Hayden?

Kanina pa namin siya hinahanap pero hanggang ngayon hindi pa rin namin siya makita.

"Micca! Nasaan ka na?!"

Minsan talaga sarap kaltukan 'tong si Christian. Hindi ba siya aware na wala talaga siyang pag-asa kay Hayden?

Ito naman sila Crissa at Jeseryll tulala ay ewan ko nga ba kung na pa'no tung mga 'to! Anong nangyari sa dalawang 'to?

"Hoy may problema ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Wala naman." parang lutang na sagot ni Crissa.

Wala daw? Kaltukan ko kaya kayo dyan?

Naiistress ako! Mas naiistress ako sa larong card namin. Gusto ko ng makaalis dito pero paano? Puro lang ako sana at hindi nga natuloy 'yung plano sana namin para makaalis dito kasi taenang Christian 'yun umamin bigla.

Wrong timing. Napalingon-lingon naman ako ngunit hindi ko makita si Hayden. Saan na naman ba nagpupunta 'yung babaeng 'yun.

"Nasa'n na kaya si Micca?" may pagka-alalang tanong ni Crissa habang nakayuko.

"Hindi ko alam. Hindi naman natin siya kasama." sagot ni Jeseryll.

Parang wala siya sa sarili. Napatingin naman kami sa kanya at napakunot-noo.

"Kaya nga hinahanap si Micca kasi hindi na'tin siya kasama. Hindi naman natin siya hahanap in kung kasama naman pala natin siya?" pairap kong sabi.

Wala na ata sa katinuan 'tung mga kausap ko.

Tumingin naman ako sa kawalan. Gusto niya lang sigurong mapag-isa ngayon. Kung gusto niya ng kausap ay nandito lang kami at handang makinig sa kanya.

(Micca Catleyn's POV)

Ang sakit pala. Ang sakit pala na nasaksihan mo kung paano umamin ang taong gusto mo sa kaibigan mo.

Bakit ba kasi ako hindi maganda?

'Yung kasingganda ni Hayden. Required bang dapat maganda ka para mahalin ka? Akala ko ba ang pagmamahal ay nasa puso? Ba't ngayon nasa balat na? Nasa mukha?

I admit it. Hindi ko lang siya gusto kundi mahal ko na siya but he love someone else.

Nandito ako ngayon sa backstage ng auditorium at umiiyak mag-isa. Alam kong hinahanap nila ako pero kailangan ko mapag-isa. Gusto ko munang layuan si Hayden kahit na wala siyang kasalanan.

Gumugulo pa sa isip ko 'yung laro na ginawa ng pumapatay dito. Ang dami nang namamatay sa'min pero wala kaming magawa.

I hope that someday, I cry for hapiness but not be pain. I'm suck on this one-sided love.

Mapait akong napangiti. Sana lang mabilis akong makalimot. Para malimutan ko na rin ang pangyayaring 'to.

Isa lang nagpapagaan ng loob ko. Ang paborito kong kanta. Kumanta na lang kaya ako para mawala kahit konti 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Scrolling through my cellphone for the 20th time today

Reading the text you sent me again

Though I memorized it anyway

It was an afternoon in December

When it reminded you of the day

When we bumped into each other

But you didn't say hi cause I looked away..."

Sana hindi na lang siya ang nagustuhan ko. Sana hindi na lang niya nagustuhan ang kaibigan ko.

"And maybe that was the biggest mistake of my life

And maybe I haven't moved on since that night

'Cause it's 12:51

And I thought my feelings were gone

But I'm lying on my bed thinking of you again

And the moon shines so bright

But I gotta dry these tears tonight

'Cause you're moving on and I'm not that strong to hold on any longer Oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh oh"

Sana mabilis akong makamove-on na sa kanya.