webnovel

Death's Shadow (TAGLISH)

"If he is death himself then I'll be his shadow... and I will be the one to destroy him." A girl named Erica Thana Fleas from Tenebrae—Kingdom of Darkness or also known whereas monstrous creatures resides, is the holder of the forbidden element called 'Dark Arts'. As the person who's destined to die, she decided to changer her fate by stepping on the ground of Lumiere—Kingdom of Light. In order to fulfill her goal, her search for the Lost Crystal begas as she enroll in Light Academy and meet Kei Delvin Synivia.

Nikisamaaa · ファンタジー
レビュー数が足りません
15 Chs

Chapter 3

Chapter 3: Book

A war is the least thing I wanted to happen.

Nabasag lang ang katahimikan na namuo sa'min nang pumasok na ang Headmistress. Naglakad siya papunta sa harap nang nakataas ang noo. Iba talaga ang dating ng presensiya niya.

"I had a conversation with Kyla and Instructor Zach, and Kyla's parents live in the Common Grounds that's why she knew. With that, I will be assigning your squad to participate in investigating the Tenebrans movement on the Common Grounds." Anunsyo niya at tumingin naman kay Aqua. "You also agreed to this before, Aqua."

"Yeah. Don't remind me again. I might change my mind." Tamad na sabi ni Aqua at hindi nakatingin sa Headmistress.

"You already knew?" Blaze glanced at Aqua.

"I've heard that a student accidentally spilled it in front of class and no one must know about this mission. If this mission gets out, lahat kayo ay maaalis sa Academy. Why? Because once it reach the City everyone will freak out. Now then, we'll start discussing the mission." Bago pa makapagsalita si Aqua ay inunahan na siya ng Headmistress.

Then, a large hologram appeared that had shown the map of Lumiere. "This is the common grounds and this is—" the hologram zoomed in a particular town. "Enchanted City. The percentage of the killings have intensified and raised to 3%. Higher than we expected. Once you confirm the enemies' movements, immediately return and report. You will be given 216 hours. Failure is not an exemption and you'll be departing in 12 hours. A carriage will be prepared upon your leave. That's all." The hologram disappeared and the Headmistress gave us a last glance before leaving.

Rai and Blaze blew out the air they've been holding for awhile. Nakahinga lang sila nang maluwag noong umalis ang Headmistress.

"Kay gandang salubong nga naman," reklamo ni Rai at sumandal nalang sa couch, nakalagay ang mga braso sa likod ng ulo.

"Kailan tayo aalis?" Tanong ni Blaze nang makaalis ang Headmistress.

"We'll leave early tomorrow. I don't expect someone to be late..." Aqua trailed off and gave Rai a piercing gaze, "especially you."

"Bakit ako?!" Rai placed his hand on his chest and acted like he was hurt.

Nagdedisyon kaming umalis pagkatapos. Naexcuse kami sa klase kaya sabay na maming bumalik ni Blaze sa dorm para mag-ayos ng gamit.

"It's my first time going at the Common Grounds. 'Yung maaalala ko ha, bata pa ako nung unang punta ko do'n." Blaze started a conversation on our way. "I grew up in the castle since my father is a Duke. Do'n ko nakilala si Aqua at si Kei pero hindi ko nakikita si Kei noong bata kami, e. Sobrang dalang."

"In the palace?" I asked.

"Yup." She said, popping the 'p'. "My father wanted me to marry Aqua. You know... royalties. Marriage and stuff."

Nagulat ako sa sinabi niya dahil gusto pala siyang ipakasal kay Aqua.

"Pero 'di natuloy syempre," umiwas ng tingin si Blaze habang nakangiti. "Ayaw ni Aqua. Hindi ko alam kung bakit. I mean, ako okay lang sa'kin kasi magkasama naman na kami noong bata pero ayaw niya, e. Okay lang naman din."

Bigla akong napangiti sa tono ng pananalita niya. Wala pa naman akong tinatanong pero nage-explain na agad siya.

Bago pa ako makapagsalita, nahagip ng atensyon ko ang malaking double door at may nakasulat sa itaas ng 'library'. Naisipan ko tuloy na pumasok para maglibot. Gusto ko lang malaman kung anong klase ng mga libro ang nasa loob at kung makakatulong ba sa'kin 'yon.

"Library lang ako," paalam ko kay Blaze.

"Hindi ka na mag-aayos ng gamit?" Tanong niya.q

"I'll fix my things later. You can go ahead," I smiled a little. Tumango naman siya kaya tumalikod na ako para pumunta sa library.

Paniguradong marami pa akong malalaman kapag nagtungo sa library. Gusto ko din malaman ang history ng Lumiere. Limitado lang kasi ang inpormasyong nakalap ko bago ako nakapunta dito. Isa pa, kailangan ko alamin ang patakaran sa eskwelahan na 'to at ang patakaran sa kahariang ito. Baka magtaka sila kapag wala akong alam. I mean, pwede ko namang sabihin na galing ako sa Common Grounds dahil do'n naman talaga naka-base ang profile ko noong nag-enroll ako dito.

Ang Common Grounds ay kilala sa lugar kung sa'n ordinaryong tao lang ang mga nakatira at karamihan do'n ay hindi mga Gladiator. Malilipat ka lang sa Noble Grounds kapag isa sa pamilya ang nag-aaral sa Light Academy o 'di kaya'y Gladiator.

Bibilisan ko nalang ang paglilibot para makapag-ayos ako ng gamit.

The place was exceedingly large, kung nasa limang palapag ay meron ang taas nito at ilang pinagsama-samang bahay ang laki.

"Name?" Tanong ng librarian pagkapasok ko.

"Erica Thalia Freas," I answered.

May hologram na lumitaw sa harap niya bago siya tumango at payagan akong magpatuloy. There were books flying on its own. Nakalagay naman sa gilid ng bawat shelf ang mga librong nakapaloob sa shelf na 'yon at sinabing bigkasin ang title ng gustong libro para makuha.

Tumingin ako sa mga ibang tao na ginawa 'yon at namangha kung pa'no lumapat sa mga kamay nila ang libro na para bang nanggaling ito sa langit.

Tumingin naman ako sa itaas para makita kung sa'n ang section ng history. Sa dinami-dami ng libro do'n, hindi ko alam ang dapat kong piliin.

"You're into history?"

Habang pumipili ako, may lalaking nagsalita kaya nagulat ako. Naghahanap din siya ng libro tulad ko at hindi nakatingin sa'kin, "History of Lumiere by King Fritz III is actually a good book. Sabi nila."

Agad napakunot ang noo ko. How did he know that I was looking for Lumiere's history?

He whispered something and a book fell into his hands. I could see his smile as soon as he scanned the pages of the book. Wala na akong ginawa kung hindi banggitin nalang ang ang sinabi niyang title at hinintay na mahulog sa mga kamay ko ang libro.

Nagulat ako ng biglang umilaw ng saglit ang libro at parang bumigat sa kamay ko.

"Oh," napalingon na siya sa'kin dahil siguro sa pag-ilaw ng libro, "Kailangan na pala ngayon ng permission para mabasa 'yan. Dapat kasi babasahin ko 'yan noo kaso tinamad pa ako."

What?

Confusion struck me. I still have a lot to learn about this school. What permission? Is this some kind of sorcery? May lock?

"The librarian must grant you the access first before opening the book. Depende sa librarian kapag mabait o hindi para payagan kang basahin pero kapag natapat ka na si Ms. Felencio ang librarian halos lahat ng libro wala kang mababasa hangga't wala kang authorization galing sa Headmistress." Page-explain niya pa ulit.

"So, you mean I need an authorization from the Headmistress to read this book?"

"Some books need authorization while some books are granted with permission from the librarian. You're new here aren't you?" He closed the book he was reading. "Hindi pa kita nakikita."

"Yes. I am a new student so I'm not really familliar with anything." Tanging sabi ko nalang.

"You can go to the librarian for permission. Ms. Dovelio's on duty for today. She's the kindest librarian among the three of them.." he paused for awhile. "..And that's the restricted area. It is surrounded by magic so no one can access the books inside. I hope it helps." He pointed the section where I could see a clear blue wall. 'Yon ata ang tinutukoy niyang magic na nagr-restrict sa area na 'yon.

I wonder what kind of books are in there.

"Have anyone tried entering the area?"

"Madami na pero wala pa ring nakakapasok bukod sa Officials," he said. "By the way, I'm Cale. A-rank." Iniabot niya ang kamay niya at tinaggap ko nalang 'yon para hindi siya mapahiya. My eyes landed on the aquamarine pin attached to his breast pocket for a brief second.

"Thalia," I shortly said.

"Anong element mo?"

"Black magic."

"Cool, I'm a claymore user, light magic," he smiled, "May kailangan ka pa bang libro? I could suggest more."

"Okay na ako dito, salamat," binigyan ko siya ng maliit na ngiti bago nagpaalam. Ginantihan niya rin naman ako ng ngiti bago ako tuluyang umalis.

Pumunta ako sa iba pang section ng libro, hinihintay na umalis si Cale para makapaghanap pa ako ng ibang libro dahil ayoko siyang maabala. Pumunta muna ako sa librarian para manghingi ng sinasabing permission ni Cale.

"Title?" The librarian asked as if she already knew what will I say.

"History of Lumiere by King Fritz III."

Parang natigilan sa pagtatype ng kung ano ang librarian sa hologram at napatingin sa'kin nang ilang segundo bago nagsalita, "Permission granted to Erica Thalia Freas."

"Thank you," I said before turning my back again.

I searched for an empty table. Medyo lumayo ako para hindi kami magkita ni Cale at pinili ko ang wala masyadong tao na malapit sa restricted area. Hindi ko alan kung bakit wala masyadong tao dito sa may restricted area pero mabuti na rin dahil mas tahimik. Ang nakakapagtaka lang ay 'yung mga students na dumadaan at tingin nang tingin do'n sa lalaking nakadukdok sa gilid, parang pinagbubulungan pa habang nilalagpasan lang nila.

Wala naman akong paki at naupo. Mukhang kailangan nga muna ng permiso para mabuksan ang libro dahil hindi na 'yon mabigat. Binuklat ko ang libro at ang unang mga pahina nito ay tungkol sa History ng Lumiere. Tama nga si Cale. Mukhang maganda 'tong librong sinabi niya. Taimtim kong binasa ang laman nito.

Light Academy was built in 1789. 236 years na itong nakatayo at ginagamit pa rin hanggang ngayon. Hindi nga lang halata na sobrang tagal na pala ng eskwelahang ito at nakasulat sa ang founder ng Academy na kasama ang mga co-founder.

"Arius Sylvester," binasa ko ang pangalan ng founder habang tinahak ng daliri ko ang pangalan nitong nakasulat sa libro.

Mabilis ring naalis ang daliri ko nang biglang lumipat mag-isa ang libro. I was perplexed when it stopped on a blank page.

I stared at it for a minute but nothing happened. Sinilip ko kung may nakakita ba sa'kin dahil kinakabahan ako kung anong mangyayari. I was about to close the book when an ink appeared and it started writing.

'Only those who do not seek power are qualified to hold it, but those who seek power are not worth of that power. '

"How did you get that book?"

Naglaho ang ink na nasa libro at mabilis ko itong sinara nang may nagsalita. Agad ko itong kinuha at inalis sa pagkakapatong sa lamesa, tinago ko 'yon sa may hita ko.

It was the guy from last time. Aqua's brother. Ngayon ko lang na-realize na siya ata ang lalaking nakadukdok dahil sa mapungay niyang mata.

Kahit aantok-antok ang mga mata niya, hindi nagbago ang bigat ng tingin niya. Pakiramdam ko ay lalamunin niya ako nang buhay kapag may nagawa akong mali. Bigla atang nanuyot ang lalamunan ko at hindi ako nakapagsalita.

Mabilis niya akong hinatak kaya hindi ako nakapagprotesta. Sinugurado kong hawak ng isa kong kamay ang libro para hindi 'yon mahulog.

"Anong kailangan mo?" Mahina at nag-iingat kong tanong.

Hinatak niya lang ako paalis at pinapanood na kami ng ibang estudyante. Ang higpit ng hawak niya sa pulso ko at 'di ko naiwasang mapangiwi do'n.

Malapit na kami sa pintuan at rinig ko na ang bulungan ng mga estudyante. Yinuko ko ang ulo ko para hindi nila ako makilala.

"Hindi pwedeng hiramin ang libr-" napatayo ang librarian nang makita ang librong yakap ko. Malapit na kami sa pintuan kaya hinarang niya kami.

Hindi natapos ang salita ng librarian dahil sa huminto ang lalaki at tahimik na binigyan ng tingin ang librarian. Nanlaki ang mata nito nang makita ang lalaki bago tumikhim at hinayaan nalang kami. I was surprised about how much power does this man holds. His eyes were already deadly. Pa'no pa kaya kung magsalita na siya? His words might be the law.. no.. his words are the law.

Ganito ba ang Bloodunit? Akala ko tuta lang sila ng hari. It's frightening how he can order anyone with a stare, make someone kneel with his words, and even kill everyone in a snap.

Did I just get myself in trouble?

Yakap ko pa rin ang libro habang ang isang kamay ko ay hatak niya. Hindi na ako nagreklamo dahil baka baliin niya ang buto ko.

Natagpuan ko nalang ang sarili na dinala niya ako sa isang kwarto at naabutan namin do'n ang apat na tao. 'Yung dalawa ay magkamukha, parang kambal. 'Yung isang lalaki naman nakasalamin at nagbabasa sa couch, tila walang pakielam sa ginagawa ng mga kasama. Habang 'yung isang babae naman ay magkasalubong ang kilay habang may binabasa sa hologram na nasa harap niya.

Bigla sila napatahimik at dumako ang tingin sa'min, nakita ko pa na tinignan nila ang kamay na nakahawak sa braso ko bago sila sabay-sabay na umalis para lumabas.

Eto ata ang headquarters nila dahil nakita ko ang room number na 1BU sa pinto at nag-scan siya ng fingerprint bago kami pumasok. Binitawan na ako ng lalaki at nilagay sa harap niya.

"Return to that page." He commanded.

Hindi naman ako gumalaw kaya parang nainis siya.

"Are you deaf?"

Nagbago ang timpla ng mukha ko sa tono ng pananalita niya. Inis kong ibinato sa couch ang libro at nahulog pa 'yon sa sahig bago ko siya tinalikuran.

"Wow," he sarcastically said. "Are you new? Certainly, you wouldn't act like that if you knew who I am."

"I know who you are so don't get full of yourself." I said, not looking at him.

Kung kailangan niya ang librong 'yon pwede niyang kunin sa'kin 'yon. Why the hell did he drag me here anyways? As if naman ako ang nagsulat no'n sa libro.

Narinig ko ang pagbubuklat niya sa libro sabay sabing, "It's not here."

I glanced at him who was busy observing the book and flipping the pages. Totoo ngang nawala ang nakasulat kanina? So it wasn't just my imagination?

"Wait, look," huminto siya sa ginagawa niya.

Kahit nasa may pinto na ako, hindi nakatakas sa mga mata ko ang itim na tintang nagpakita muli sa libro. Dinala ako ng mga paa ko palapit do'n. Binasa ko 'yon pero gano'n pa rin ang nakasulat.

"It's the same." I stated.

His forehead wrinkled, "What?"

"Pareho lang ng nakasulat kanina."

Pagtingin namin sa libro, nawala na ulit 'yon. Pareho kaming naguluhan at inilipat niya pa ulit sa ibang page, umaasang makikita pa ngunit ni-isang bakas ng tinta ay walang nagpakita.

"This never happened before.." I heard him say. "No one should know about this."

"You're not going to report this to the Headmistress?"

"No. She will bring it up to the Officals and it will only be messier. Officials are the dumbest shit ever made." He sarcastically said.

Officials huh?

Officials are some kind of government ruled by royalties. The only thing that differs official from an actual government is that they have the connection to the palace. In fact, to be one of them, you need the power and wealth.

"How about your squad, aren't you gonna tell them?" I asked.

"That's on me."

Hindi na ako nagsalita at hinayaan siya. He stared at the book for a few seconds. Oras na para umalis ako kaso nagsalita siya.

"Meet me here tomorrow at 7pm." Tumayo siya at binigay sa'kin ang libro. Tinignan ko lang 'yon pero wala ata siyang balak ibaba ang kamay niya hangga't 'di ko kinukuha ang libro.

"For what?"

"A message might appear again. You were present when it started writing," he insisted on making me keep the book.

Kukuhanin ko na 'yon sa kamay niya pero nang kukuhanin ko na bigla niyang binawi. What the... hell?

"What's your dorm number? I'll give it to you later. The others might see it."

My lips parted. Sinasabi niya bang pupunatahan niya ako? As if naman ipaglalandakan ko rin ang librong 'yon.

"And how would you sneak in inside the girl's dormitory? Hindi ka pwede do'n." I arched a brow.

"Who says I'll sneak in?"

Right... he's the captain of Bloodunit. The most powerful group that works under the King, pero kung sa hari sila nagsisilbi, ano nga ba ang ginagawa nila dito?  

"Just tell me the room," he looked pissed.

"404."

"Make sure to unlock your door on my third knock." Sabi niya bago ako nilagpasan at naunang lumabas.