Nakagawa na ako ng fifty pieces ng cookies makalipas ang thirty minutes. Inilagay ko yon lahat sa tupperware namin at ibinigay sa kanya.
"Pupunta ka ba sa practice namin bukas?"
Napaiwas ako ng tingin. "H-Hindi eh."
"Inaway ka ba ni Ashton?"
Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo naman nasabi yan?"
"Hindi ka na kasi pumupunta. Palagi rin syang bad mood."
"Hindi kami nag-away." Hindi lang kami nag-uusap pero hindi naman kami nag-away. Ang totoo lumipas na nga yung galit ko sa kanya. Hindi ko na nga maalala kung galit nga ba yon. Hindi ko lang sya maharap kasi nahihiya ako. Gusto kong magtago nalang forever dito sa bahay namin. Ayoko nalang magpakita sa kanya dahil wala akong mukha na maihaharap.
"Sana pumunta ka. Masakit sa tenga ang boses ni Trisha kapag galit."
"Inaaway ka nya?"
"Si Ashton. Lagi silang nag-aaway."
"B-Bakit naman sila nag-aaway?"
"Hindi ko alam. Umaalis ako kapag nag-umpisa na sila."
Naglakad na kami palabas ng bahay. Bakit kaya sila nag-aaway ni Trisha? Ano kayang meron? Inihatid ko si Gio hanggang sa tapat ng gate namin. Nakatayo na si Oliver sa gilid ng sasakyan at handang magbukas ng pinto ng kotse para kay Gio.
"Salamat dito Kayleen." Inangat ni Gio ang hawak na tupperware.
"Enjoyin mo lang."
"I owe you a lot. Kung may kailangan ka, mag-sabi ka lang sa'kin."
"Sige. Aasahan ko yan. Sa future baka kailanganin ko nga ang tulong mo."
Tumango sya.
"Bye."
"Ingat."
Binuksan ni Oliver ang pintuan ng kotse at pumasok na si Gio sa loob nito. Pinanood kong umandar ang sasakyan palayo. Bumalik ako sa loob ng bahay at pumunta sa kusina para mag-linis.
"Ang bango naman ng cookies. Nasaan na?"
Namilog ang mga mata ko. Hinarap ko si Kuya Dylan. Nakangiti sya at naghahanap ng cookies.
"W-Wala na."
"Anong wala na?"
"Yung cookies. Wala na."
"Bunso hwag kang magbiro nang ganyan. Nasaan na yung cookies ko?"
"Wala na nga kuya. Dinala lahat ni Gio."
Binuksan nya ulit ang bibig nya para magsalita pero isinara nya ulit.
"Pero ako ang nagpagawa sayo ng cookies!"
"A-Alam ko. Hehe."
"Bakit mo sa kanya ibinigay lahat?"
"Eh kasi kuya mas kailangan nya yon. He's a growing boy."
"Pero ako ang kapatid mo!"
"Alam ko kuya. Don't worry, gagawa nalang ulit ako."
"Di bale na." Pumihit na sya pabalik sa kwarto nya.
"Kuya Dylan!"
Narinig ko nalang na nagsara na sya ng pinto ng kwarto nya. Naku nagtampo na si Kuya. Kumuha ulit ako ng ingredients. May natira pa naman, igagawa ko nalang sya ng cookies nya. Matapos ang twenty minutes, may thirty cookies na naghihintay kay Kuya sa lamesa. Kapag lumabas sya ng kwarto nya, makikita nya yon.
Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga. Ang sakit ng balikat ko. Naalala ko ang sinabi ni Gio kanina, bad mood palagi si Ashton. Ako kaya ang dahilan non? Bumangon ako sa kama ko at nilapitan ang kahon mula sa lamesa. Ilang beses ko tong pilit na di pinansin.
Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang ilang random na bagay. Ang unang bumati sa akin ay ang mukha ni Corporal Giroro. Sigurado ako na nilagay ko sa diary ko ito.
May pagkakahawig sina Corporal Giroro at Ashton. Parehas sila na... medyo nakakatakot pero... medyo sweet. At may nakasabit lagi kay Giroro katulad ni Ashton, laging nakasabit gitara nya. Haha! Di ko pala nadala yung bigay nyang Sgt Keroro.
Binasa nya nga. Every entry binasa nya. Nabasa nya rin ang dati kong entry tungkol sa kanya, na galit ako sa kanya at natatakot ako sa kanya. Pati yung pagkakaroonn ko ng crush kay Ryan noon nabasa nya.
Hinalungkat ko pa ang kahon. May amoy cake! Hala! May cake ba syang ibinigay sa akin? Lagot baka langgamin! Oh no!
May chocolate cake akong nakuha na pagkatigas-tigas. Nakabalot pa ito ng plastic. Malaki iyon at chocolate flavor. Ang sarap ng amoy. Inalis ko ang plastic cover. Hindi pala sya totoong cake. Amoy cake lang sya at hugis cake, parang totoong totoo. Pero libro pala sya. May nakasulat na puting icing A World of Cake. Mukha syang malaking Oreo at ang puti sa gitna ay mga papel na may nakasulat na recipes ng cake.
Nakakamangha. Ngayon ko lang nakita ito. May ganito palang libro. Saan kaya to nakuha ni Ashton? Napanguso ako. Kailangan ko syang pasalamatan dito. Sa pinakailalim ng kahon ay may isa pang itim na kahon. Medyo mabigat nang kunin ko. Ito pala yung nagpabigat sa box. The Complete Harry Potter Collection ang nakasulat sa itim na box. Napasinghap ako. Binigyan nya ako ng box set ng Harry Potter.
Di ko naman 'to nalagay sa diary ko ah. Pero kung sabagay galing sila don kaya baka... Wait. Si Mr Creeper nga pala sya. Tinanong nya ako noon tungkol sa Harry Potter. Ahh. Ito pala 'yon. Ito siguro ang paborito nyang libro. Inalis ko ang takip ng kahon at kumuha ng isang libro na kulay itim din. Bumalik ako ng higa sa kama at sinimulang basahin ang kwento ni Harry Potter.