Bumalik ako sa kwarto ni Ashleen kaso narinig ko syang may kausap sa phone. Ang sweet nila masyado ni Alex kaya naman feeling ko hindi maganda kung papasok ako. Ayokong marinig ang usapan nilang dalawa, para kasing masyado iyong private. Kahit naman bestfriend nya ako at willing sya na i-share sa akin lahat, may mga bagay parin na hindi ko na dapat pang malaman.
Nanatili akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Ashleen. Hindi ko alam kung babalik ba ako sa banyo o bababa. Muli kong hinarap ang pintuan ng kwarto ni Ashton. Gusto ko talagang mapasok ang kwarto nya. Okay lang kaya? Syempre hindi yon okay kasi naman stalker-ish na yon. Ano nga ba ang tawag nila sa mga ganitong klase ng pag-stalk? Sasaeng sa korean?
Sisilipin ko lang naman. Wala akong gagalawin na gamit. Hindi ko aamuyin ang unan nya o titignan ang brand ng perfume at shampoo nya. Promise hindi talaga!
Maingat kong binuksan ang pinto at pumasok ako sa loob ng kwarto ni Ashton. Blue. Blue ang kulay dingding at white naman ang kisame. May mga posters ng sikat na banda na naka-hang sa wall nya. May isang mataas na bookshelf na puno ng libro, CDs at trophies. May collection din sya ng vinyls.
Dark blue ang kulay ng bedsheet nya pati unan, maayos iyon. Halos walang kalat sa kwarto nya. Sa isang sulok ay nakalagay ang isang iMac computer. Natakot akong lapitan yon dahil nakakaintimidate ang hitsura. Laptop lang ang gamit ko sa bahay. Mukhang napaka-advance ng technology na gamit ni Ashton. May microphone din na naka-display, tatlong klase ng electric guitars, isang keyboard at dalawang speakers.
Napakurap ako habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto nya. Gusto kong bawiin ang sinabi kong hindi ko pakikialaman ang gamit nya dahil naamoy ko ang pabango ni Ashton sa kwarto nya. May isang pintuan sa loob ng kwarto, closet siguro yon. Gusto ko talagang makialam ng gamit pero hindi pwede! Ayokong maging creepy stalker. Ayokong maging sasaeng!
Pumihit na ako palabas pero sa pagmamadali ko nadali ko ang isang lazy boy chair. Muntik na akong matumba kung di lang ako napahawak sa upuan. Nahuli ng mga mata ko ang bagay na nakapatong doon. Ang tablet ni Ashton ay inosenteng nakalagay sa upuan.
Nag-sisisi ako kung bakit ko pa tinanong kay Ashleen kung ano ba ang password non. Ngayon kasi walang pipigil sa akin para makialam. Sobrang curious na talaga ako na malaman kung ano ang laman non. May pictures kaya sya na wacky? Ano'ng games ang naka-install doon?
Bago ko pa namalayan ay na-unlock ko na pala ang tablet. Binati ako ng mga apps sa tablet. Ngiting ngiti ako habang iniisa isang basahin ang pangalan ng mga apps na iyon. Natigil ang mga mata ko sa icon ng isang pamilyar n app sa akin. May DearDiary app sya? May diary sya?
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang tinititigan ang app. Bubuksan ko ba? Syempre hindi pwede! Private information na 'to! Hindi ko 'to pwedeng pakialamanan.
"Kayleen?"
"Ay kabayo!" Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang tablet. Sinubukan ko iyong saluhin pero nalaglag yon sa paanan ko.
"Bakit ka nandito sa kwarto ni Ashton?" tanong ng bestfriend ko.
Hindi ko nasagot ang tanong ni Ashleen. Nakatitig lang ako sa asksidenteng nabuksang app. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa mga letrang nababasa ko roon. Hindi ako makahinga.
Dear Future Boyfriend,
Hindi man kita nakita ngayong araw, natanggap ko naman ang regalo na ipinaabot mo kanina.
Umiling ako. Bakit ko nababasa ang entry ko sa tablet ni Ashton. Sa akin ba talaga to? Hinanap ng mga mata ko ang dulo at nakumpirma ang kinatatakutan ko.
Bukas maaga akong papasok para hintayin ka sa may gate. Kung nahihiya ka sa'kin na lumapit ako na mismo ang lalapit sa'yo. Bukas sasabihin ko na sa'yong gusto kita! Gustong gusto kita Ryan! I love you!
Love,
Kayleen
Pakiramdam ko nalulunod ako. Ang hirap huminga. Nasisikipan ako sa paligid ko. Bakit yon nasa tablet ni Ashton? Alam ba nya ang username ko sa site na yon? Alam kaya nyang ako yon? Nawala na ang ilaw sa tablet kaya naman nakita ko ang repleksyon ng mukha ko sa itim nitong screen. Nakatitig sa akin pabalik ang mukha ng isang babaeng naguguluhan at natatakot.
"Kayleen, okay ka lang ba?"
Hindi ko maramdaman ang mukha ko. Hindi ko alam kung namumula ba ako o namumutla. Pilit ko syang nginitian pero nakita kong mas nag-alala sya.
"Uuwi na muna ako Ashleen. Medyo nahihilo kasi ako."
"Ihahatid kita sa inyo Kayleen. You don't look okay."
"H-Hindi na. Kailangan mo pang mag-ayos para sa date nyo." Nilagpasan ko na sya at lumabas ng kwarto. "Okay lang talaga ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Dyan lang naman ang bahay namin eh."
Hinatid nya ako hanggang sa pintuan ng bahay nila.
"Text mo ko kapag nakauwi ka na ha?"
"S-Sure. Good luck sa date nyo. Bye." Nagmamadali akong naglakad palayo sa bahay nila.
Gusto kong makalayo roon. Ayokong makita si Ashton. Ayokong makita nya ako. Pumatak ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa kanya. All this time alam nya? Nabasa nya ang diary ko. Every entries nabasa nya? Lahat ng iniisip ko, lahat ng nararamdaman ko tungkol sa kanya at sa ibang tao alam nya. Alam nya lahat.
Naninikip ang dibdib ko. Ayokong tanggapin na nabasa nya yon. Hindi nya yon pwedeng mabasa. Hindi nya yon dapat na binasa. Humiliated. Pakiramdam ko tuloy napaglaruan ako. Sunud-sunod na kurot sa puso ko ang naramdaman ko. Pinaglaruan nya ba ako? Manipulated. Gusto ko nalang maglaho. Ayokong makita sya. Gusto kong bawiin lahat ng isinulat ko ron. Betrayed. Gusto kong bawiin lahat!