webnovel

Dead 43 (Part 2)

CHAPTER ³

MIA POV

"Kaya pa?" Tanong ni Christine habang patuloy kami sa pagtakbo.

Nakailang ikot na kami sa open ground ngayong gabi, ngunit ayaw parin kaming pahintuin ni Kuya Aries.

"I'm tireeed!" Sigaw ni Abe na halos magkanda-dapa na dahil sa pagod.

Hingal na hingal parin kami.

"Stop!"

Napahiga ako sa lupa ng patigilin na kami ni Kuya Aries.

Napatingala ako sa langit walang stars. Mukhang uulan ngayon ah.

Napahawak ako sa pisnge ko ng may biglang pumatak.

"Let's go, ayan na yung ulan." Saad ni Kuya Aries. Bumalik na kami sa loob.

Nag-unat unat ako habang pabalik kami ng quarters namin. Ang sakit ng katawan ko eh.

Nasa harapan namin si Kuya Aries at si Kyler na walang imik. Nasa likod naman ang ibang lalaki.

"Arghh! Ang sakit ng hita ko, feel ko namanhid na ata eh." Reklamo ni Christine.

"Manhid ka diyan, eh di sana hindi ka na nakakalakad." Pambasag ni Vans.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Walang oras na hindi sila nag-aaway.

"Pakialam mo ba ha!?"

May kung ano pang binubulong si Vans eh.

Habang naglalakad kami, may napansin akong nahulog kay Kuya Aries. Agad ko naman iyong kinuha ngunit natigilan ako.

Litrato ni Aira.

Biglang sumikip ang dibdib ko, bumalik lahat. Lahat ng alaala naming lahat, naming dalawa.

"Oh, Mia Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Abe.

Ngumiti nalang ako tsaka tumango. Agad kaming humabol sa iba at tinawag si Kuya Aries.

"Kuya!" Agad naman nito akong nilingon.

"N-nahulog mo." Saad ko sabat abot ng litrato. Nakita kong napalunok siya at napatigil naman si Kyler dahil sa nakita.

Kinuha niya ang litrato at nagpasalamat bago nagpatukoy sa paglalakad.

Hindi ko alam pero feeling ko bumigat ang aura ng makita namin ang litrato.

Hindi na ako nakaramdam ng pagod ngunit nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.

Nang makarating na kami sa harap ng pinto ng quarters namin agad akong napatigil.

"Mauna na kayo Abe, pupuntahan ko muna si Kuya Aries." Saad ko.

"Sige." Agad kong pumunta sa room ni Kuya Aries. Nag buzzer ako at nagsalita sa mini speaker na nakakabit sa may pinto.

"Kuya ako 'to." Saad ko at awtomatikong bumukas ang pinto.

Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng bintana niya at napansin kong hawak hawak niya parin ang litrato ni Aira.

"Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi ko parin matanggap Mia." Saad nito.

"K-kuya."

"Sinisisi ko parin ang sarili ko sa nangyari sa kanya." Sabi niya habang umiiyak.

Naaawa na ako kay Kuya Aries. Hindi man niya sabihin, araw-araw nakikita ko siyang nasasaktan.

Kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko parin siya nakakalimutan at ganun din ang iba. Nakatatak na siya sa parte ng puso namin at kahit wala man siya dito sa tabi namin, she's always here in our hearts and I will never forget her no matter what.

"Kung maibabalik ko sana ang oras, naprotektahan ko sana siya bilang Kuya niya. Hindi siya mawawala saatin."

Napabuntong hininga ako.

Pinahid ko ang luhang tumutulo sa mata ko.

Bumalik uli ang sakit.

"Sana buhay siya no? Sana One day bigla nalang siyang magpakita saatin ng nakangiti. Sana marinig natin sa kanya na buhay siya, na hindi totoong patay siya na namimiss na niya tayong lahat kaya bumalik siya."

"Pe-pero h-hindi na 'yun mangyayari Kuya eh." Mahinang sambit ko habang umiiyak.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"I-Im s-sorry Kuya, h-hindi ko na maibabalik si Aira."

                           ✘✘✘

Nakatulala parin ako sa higaan ko. Hindi ako makatulog. Simula 'nong lumabas ako ng room ni Kuya. Marami na ang bumabagabag saakin.

Biglang bumalik sa ala ala ko ang mga pinagdaanan naming lahat. Mga pangyayaring buhay ang nakasalalay.

Umayos ako ng pagkakahiga. Napatingin ako sa mga kasama ko. Hindi ko na talaga kakayanin once na may mawala uli sa mga taong mahalaga saakin.

Naalimpungatan ako dahil sa mga ingay na naririnig ko.

"Anong nangyayari?" Tanong ko.

"Nanggugulo nanaman daw yung mga magananakaw at ang mas malala armado sila." Sabi ni Abe habang naghahanda.

"Ano?! Ba't di niyo ko ginising?!" Bulyaw ko at tumalon ng kama para maghanda.

"Kanina ka pa namin ginigising pero tulog mantika ka parin."

"Aist!"

Ng makatapos na ako sa pagbihis agad kong kinuha ang mga baril ko at isinukbit sa may hita.

"Tara na!" Sigaw ni Christine, nasalubong din namin sina Kyler ng palabas kami ng quarters namin.

Hindi na kami nag-abalang nag-usap pa at dumeretso na sa pupuntahan namin.

Kaunti ngayon ang mga sundalo dahil nasa isang misyon sila sa labas. Tanging mga platoons lang ang maaasahan sa bagay na 'to. Agad kaming lumabas ng headquarters at dumertso sa mga sasakyan. Madilim pa ang paligid

Hindi namin nakita si Kuya Aries pero hindi na namin kailangan pang utusan bago pa kami pumunta doon.

Nagsimula ng magdrive si Ace. Hindi namin nakita ang ibang platoon at sigurado akong nauna na sila doon. Especially yung mga nasa platoon 1 mga pabida kasi.

Hindi nagtagal nakarating na kami sa lugar na iyon.

Gosh. Hindi ako makapaniwala na mayroon pang mga taong gagawa ng ganito sa kabila ng lahat.

Nagkakagulo na. Mga putok ng baril ang umaalingaw-ngaw sa buong lugar.

"Move!"

Sigaw ni Kyler. Kinasa namin ang mga baril namin. Napayuko ako dahil sa mga balang tumatama sa lugar namin. Nagtago ako sa sasakyan at inaasinta ang mga taong dapat asintahin.

*bang*

*bang*

*bang*

"Saan ba nanggaling mga 'to?" Tanong ni Abe habang nagtatago.

"I don't know, maaring dito na talaga sila sa loob o di kaya'y sa labas." Napatigil ako.

"Kung sa labas man sila galing ibig sanihin....."

Nagkatinginan kami ni Abe.

"May sekretong daanan." Sabay naming sabi.

*bang*

Umalis kami sa puwesto namin. Marami na ang sugatan saamin. Ba't ba hindi sila nauubos. Kainis naman eh.

Nagulat kaming lahat sa biglang pagsabog.

"May bahay na nasusunog!!!!"

Agad kong nilingon ang bahay na iyon at may naaninag akong isang  tao. Tumakbo ako papunta roon. Sinipa ko ang pinto para makapasok ako. Punong-puno na ito ng apoy.

"Mommy!!!!" Hinanap ko kaagad ang pinanggalingan ng boses. Napatakip nalang ako ng mukha ko ng biglang sumiklab ang apoy na nasa harapan ko. Napaubo ako dahil sa usok.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang iyak at hindi nga ako nagkamali, may batang babae na pinalilibutan ng apoy.

"Come here." Saad ko at binuhat siya. Napatalikod ako ng biglang may nalalaglag na kisameng punong-puno ng apoy at sa mismong pintuan pa.

"Sh*t!" Agad akong naghanap ng kumot at binalot sa katawan namin. Nagbuwelo ako para tumakbo palabas at hindi naman ako nabigo. Nagmadali ako sa paglabas dahil hindi ko na kaya ang init at ang usok sa loob. 

Malapit na kami sa labasan ngunit napatigil ako ng may nakitang babae sa may kusina. Agad kong inilabas ang bata at sinalubong naman ako nina Christine.

Magsasalita na sana sila ngunit naunahan ko sila.

"I'll be right back." Saad ko at agad na bumalik sa loob. Pumunta ako sa kusina at nakita ko uli siya ngunit nagmadali itong umalis pagkakita saakin lumabas siya  gamit ang bintana at agad ko naman itong sinundan.

"Hey! Tigil!"

Ngunit patuloy parin siya sa pagtakbo.

Napahinto naman ito dahil dead end na.

"Sino ka?!" Tanong ko. Nilingon niya ako at napatigil ako ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakatakip ang kalahati ng kanyang mukha.

Napabalik ako sa wisyo ng umakyat ito sa pader.

"Mia!"

Napatigil ako sa pagtakbo doon ng tinawag nila ako.

"Anong ginagawa mo diyan? " Tanong ni Ace kasama silang lahat.

"Ah, wala tara na." Saad ko. Napalingon ako kung saan nakatayo ang babaeng 'yun.

Sino siya?

Done