webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Dead 41 (Part 2)

Mia POV

2 years later....

March 2, 2025

7:00 pm

Dalawang taon na ang lumipas.

Naging tahimik na ang mundo namin sa pagitan ng Pader. Napag-alaman naming hindi lang pala sa US ang sinasabi nilang safe zone at meron rin pala dito sa Pilipinas kaya napagpasyahan nalang namin na dito na tumuloy, pati narin si Kuya Aries na hindi na lumuwas ng bansa.

Tila ba naging normal na ang buhay namin simula nang tumapak kami sa safe zone at wala ng nagtangkang lumabas pa ng harang.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ang safe zone ay hindi na ligtas. Hindi na ito ligtas sa mga masasama ang loob. Marami ang nagaganap na mga nakawan kaya

nagsimula narin kaming pumasok sa isang platoon.

Kyler, Lee, Ace, Xander, Vans, Christine, Abegail at ako ay kabilang sa Platoon No. 3 at si Kyler ang Liutenant.

We are the group of teenage soldier na tumutulong sa mga Army dito sa loob ng safe zone upang mapanatili ang kapayapaan sa loob. Marami rin kaming kasama dito at halos kasing edad namin ang iba ngunit kabilang sila sa Platoon No. 1 at 2 . Sila ang unang platoon bago kami dumating dito at si Kuya Aries ang namumuno sa dalawang Platoon na binubuo ng sampung miyembro ngunit kulang kami.

Isang taon kaming nag sanay at isang taon din kaming nagsisilbi dito sa loob ngunit kahit ganito na ang katayuan namin, pinagbabawalan parin kaming lumabas ng pader. Tanging mga Sundalo lang ang pwedeng lumabas ng pader at hanggang dito nalang kami sa loob ng safe zone. Wala pa naman kaming mabibigat na ginagawa tanging pagsasanay lang ang ginagawa namin at ang paglilibot sa buong safe zone.

Marami na ang nagbago sa pagkatao namin. Naka move on na sila sa nangyari dalawang taon na ang lumipas, ngunit may parte saakin na hindi ko kayang kalimutan.

Na kapag kinalimutan ko na 'yon, kinalimutan ko narin ang pinagsamahan namin ng labing dalawang taon.

Napangiti nalang ako napatingala ako sa langit na ngayon ay punong puno ng bituin.

Kung saan ka man ngayon, sigurado akong nasa mabuti kang kalagayan.

Napayakap nalang ako sa sarili kong ng dumampi ang malakas na hangin sa balat ko. Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto.

Bumaba ako galing sa rooftop para puntahan ang mga kaibigan ko. Hindi na kami nakatira sa bahay ni tito. Lumipat kami sa quarter ng mga kabilang sa platoon.

Isa itong Dormitory Style ngunit magkaiba ang Babae sa Lalaki.

Ngunit si DenDen ay iba saamin. Nandon siya nanatali sa bahay ni Tito. Gustuhin niya mang sumama saamin ngunit hindi pupwede at hindi rin ako papayag.

"Oh, kanina ka pa namin hinihintay." Bungad saakin ni Abegail na nakaupo sa sarili niyang kama. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid meron itong walong kama.

"Asan ang iba?" Tanong ko.

"Ah, yung mga plastic? Di ko alam." Pagtataray niya. Hindi namin kasundo ang taga Platoon 1. Lalong lalo na ang limang babaeng kasama namin sa silid. Pero hindi namin sila pinoproblema.

"Tsk" Untag ni Christine.

"Tara nga at ako'y nagugutom."

"Okay kailan ka pa naging makata abe?" Tanong ko.

"Ngayon lang!" Sabi ni Abe at nagmartsa palabas ng silid.

Nagkibit balikat lang si Christine at sumunod narin kami.

"Nalipasan na nga ng gutom." Sabi niya.

Masaya parin ako dahil hindi parin nagbabago ang pagsasamahan namin makalipas ng ilang taon at mas lalo pang tumibay ito.

Naglakad kami sa isang tahimik na pasilyo patungo sa cafeteria ng headquarters. Tanging mga tunog lamang ng sapatos namin ang maririnig sa loob ng lugar.

Unti-unti kaming nakarinig ng mga ingay at mas lalo pa itong lumakas dahil sa pagbukas namin ng pinto.

Ingay na nagmumula sa mga bunganga ng mga tao dito, sa bawat kalansing ng kanilang mga pinagkakainan.

Inilibot ko ang aking paningin para hanapin sina Kyler.

"Ayun sila!" Sigaw ni Abe habang nakaturo sa may gilid.

Hindi naman ako nabigo at agad ko na rin silang nakita.

Agad naman nila kaming napansin ng palapit na kami sa kanila.

"Kanina pa namin kayo hinihintay." Sabi ni Xander.

"Hindi pa kayo kumakain?" Tanong ni Christine.

"Obvious naman diba?" Sabat ni Vans.

Christine just rolled her eyes at tumayo na ang mga lalaki tsaka naglakad para kumuha ng pagkain kaya sumunod naman kami.

Kumuha ako ng tray para paglagyan ng pagkain ko. Nakahilera kami para kumuha ng pagkain para hindi magulo.

"Asan si Kuya Aries?" Tanong ko kina Vans.

"Hindi namin alam, wala pa siya dito 'nung dunating kami eh." Sagot ni Vans.

"Baka pumunta sa Daddy niya." Sabat naman ni Abegail.

"Baka nga." Tanging nasagot ko nalang at kumuha ng pagkain.

Bumalik kami sa aming pwesto matapos kumuha ng pagkain. Tahimik lang kaming kumakain ng biglang magsalita si Lee.

"Guys may gagawin ba tayo mamaya?" Tanong niya.

"Ewan, wala pa namang announcement eh." -Ace

"Sabagay, magpapatawag naman sila kung meron man."-Lee

Susubo na sana ako ng biglang tumunog ang intercom.

"Ayan na!" Excited na sigaw ni Lee.

"Attention to all platoons, please proceed to the training area now."

"Attention to all platoons, please proceed to the training area now."

"Attention to all platoons, please proceed to the training area now."

"Tara! Pinapatawag na tayo!!" Sigas uli ni Lee. Kairita na ah!

"Alam namin at huwag ka ngang maingay!" Singhal ko.

"Huwag kang manira ng trip diyan!" Saad niya saakin.

"Whatever."

"Let's go guys." -Xander

Palabas na kami ng cafeteria ng makasabay namin ang Platoon 1. Deretso deretso lang sila at hindi naman lumingon. Well, wala naman kaming paki sa kanila kaya quits lang.

Mabuti pa yung mga Platoon Two, mabait pero di kami close nag ngingitian lang.

Lumabas kami ng headquarters kung saan makikita ang napakalapad na training ground. Naka linya ng 'yung dalawang platoon kaya agad naman kaming pumunta sa kanya-kanyang posisyon namin.

"Platoons, napapansin niyo naman siguro ang nangyayari sa loob ng safe zone ngayong taon at mas lalo pa itong lumalala." Saad ni Kuya Aries. Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya.

"Araw-araw kayong nagtretraining and I can see that marami na kayong improvements lalo na ang Platoon No. 1 and 2 dahil matagal na kayong nandito. As of you Platoon number 3, I want the all of you na doblehin ang oras ng pagtretraining niyo araw-araw. Understand?"

"Yes Sir!" Sigaw naming lahat.

Mukhang mapapagod kami nito ah.

"Although, malalakas na naman kayo but I think kulang pa. Platoon  3 ipagpatuloy parin ninyo ang pagtretraining because may tendency na iaasign kayo sa labas ng pader. That's all. You can now prepare for the training."

Narinig ko naman ang ingayan ng Ibang platoon. Gosh. Lalabas na sila?

"Ay ang swerte naman nila!" Atungal ni Ace.

"Anong swerte?! Mas delikado kapag nasa labas kana iaasign no!" Pagprotesta ni Abegail.

"Exciting kaya!" Dagdag ni Lee.

"Isa ka pa!" Sigaw ni Abe.

"Let's go guys, we need to prepare." Sabi ni Kyler.

"Aye Aye Sir!" Sigaw ng mga lalaki.

-____-

Napabuntong hininga ako.

What if, lalabas na uli kami ng pader?

What if, matatakot lang akong makita kung ano ang nandun?

What if, babalik nanaman sa aking isipan ang nangyari sa nakaraan?