Aira POV
Nagkakagulo na ang buong school.
"All students please proceed to the auditurium immediately! All students please proceed to the auditorium----"
"Aira! Umalis na tayo!" Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo na patungong auditorium. Palabas na sana kami kaso nagulantang ang buong pagkatao ko ng may biglang sumakmal sa isang estudyante. Aswang!
"Mia! May aswang!" Sigaw ko at hinila siya. Langya! Ba't nagkaroon ng mga aswang dito. Again napahinto nanaman kami dahil sa isang kahindikhindik na senaryo. Isang babaeng kumakain ng lamang l-loob ng tao?! Pakshet! Bigla naman itong napatingin saamin.
"O-ow" biglang sabi namin ni Mia at tumakbo sa ibang direksyon. Patay tayo diyan! Hinahabol kami ng Zombie! Waaaa! Malapit na kami sa Auditorium. Mas lalo pang naging marami ang humahabol saamin. Marami rin kaming nakasabay na mga estudyante. Namamanhind na paa ko. Shit kinakain na ang iba, napatingin ako sa harapan, malapit na kami!
Pero unti-unting sumasara ang pinto nito.
"Hoyyyy!"
Bago pa man sumara ng tuluyan ang pinto nakapasok na kami. Bigla akong napaupo. Dahil Glass door ang pinto. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang sinapit ng mga estudyanteng na naroon sa labas. Biglang nanayo balahibo ko. This is not true! This is a f*cking nightmare! And the best thing to do is to wake up in this f*king nightmare!!!
Mia POV
"Shit anong nangyayare!?" Nasabi ko nalang!
"Takpan niyo ang pinto!" Sigaw ng kung sino. Kaya ayun naghanap sila ng pedeng ipantakip dito. Nagkakagulo ang mga halimaw sa pinto, pilit pumapasok! Napakaingay naman kasi ng mga tao dito.
"I said shut the f*ck up! Those Zombies are attracted to sound, kaya kung ayaw niyong mamatay itikom niyo ang mga bibig niyo!!!" Nagulat ako dahil sa pagsigaw ni Aira. Tama nga naman. Puro iyakan, bangayan at kung ano pang maingay ang maririnig sa buong auditorium.
Masuwerte kami dahil nakapasok kami kaagad sa audi. Kung hindi I'm pretty sure nilapa na kami ng mga Zombie duon! Napatingin ako sa kabuuan ng Auditorium. Buti nalang malaki ito. Pero kahit na malaki ito marami rin ang mga estudyante. May nakahalo ding taga Southern high. Napabuntong hininga nalang ako. May buhay pa kaya sa labas? Haist. Napatawa nalang ako sa tanong ko! Maraming buhay pero hindi tao kundi Zombies. Tao ang katawan pero halimaw kung mag-isip! I hope may mga survivors pa.
Ano na kayang nangyayari sa labas ng school? Siguro mas malala pa dito.
Aira POV
Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito. Ka-kanina lang masaya kami, kanina lang nag-eenjoy kami pe-pero ngayon...
Iba na..
Tahimik ang buong paligid, animo'y natatakot gumawa ng ingay.
Napatingin ako sa phone ko.
Napaiyak nalang ako ng tumawag si Daddy.
"Da-d?" Nauutal kong sambit.
"Honey? Thanks God!"
Bigla nalang akong napahagul-gol.
"Da---." Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko ng mamatay ang tawag.
Bwiset!!
Lowbattery! Arrgggghhhh!!
Kasalanan nilang lahat 'to!
Kuya! Daddy!
"Palabasin niyo ako dito!"
"Tanga ka ba? Gusto mo bang mamatay?!"
"Oo, tutal wala na tayong magagawa! Wala nang magliligtas saatin dito!"
Nagulat nalang kami ng biglang binuksan niya ang pinto ng Auditorium.
F*ck!
Were Doomed!
"Aira!" Tawag saakin ni Mia habang kaladkad si Abe.
God! Buti ligtas si Abe.
"Kailangan na nating makaalis!" Sigaw ko.
"Paano?! Di tayo makakalusot! Nagkakagulo na!" Marami na ang nakagat, marami rin ang lumalaban, pagnagpatuloy ito, dadami ang infected. Tumayo ko sa lamesa.
"GUYS! AS MUCH AS POSSIBLE HUWAG NIYONG HAHAYAANG MAKAGAT KAYO! LUMABAN KAYO!!!" Sigaw ko ng pagkalakas-lakas. Kaya naagaw ko ang atensiyon ng iba pansamantala.
Pero nagulat ako ng may dumambang zombie saakin. Napadaing ako ng lumagapak ako sa sahig. Sh*t ansakit ng likod ko!
Nasa ibabaw siya.
"Aira!"
Pilit niya akong kinakagat. Yuck! Kakadiri Itsura niya!
"Arrrggg!!" Daing ko. Malakas sila! Sinipa ko siya sa tiyan at dahila para tumilapon siya. Tatayo na sana ako kaso hinawakan niya ako sa paa kaya ayun lumagapak uli ako sa sahig. Grr!
Tinadyakan ko pagmumuka nito, pero ayaw talagang bumitaw sa paa ko. Buti pa siya di kayang mag let-go. Kahit nasasaktan niya ayaw paring bumitaw. Eh yung syota mo?
"Ahhhhhh!"
Napasigaw nalang ako ng tumalsik dugo nito sa katawan ko.
"Sorry!" Sabi ni Mia. Pinaghahampas ba naman ulo ng Zombie?! Pero okay lang atleast tigok na 'to.
"Tara sa Cr! May bintana 'dun!" Sabi ni Abe. Tumatakbo kami ngayon papuntang CR. Marami kaming nadadaanang lasog-lasog na katawan. Gross! Mas dumarami na ngayon ang infected.
Napahinto kami sa tapat ng Cr dahil dalawang zombie kaagad ang bumungad saamin habang kinakalampag ang pinto. Nakarinig naman kami ng sigaw sa loob ng isang cubicle.
"Hoy!" Biglang sigaw ni Mia.
"Ba't ka sumigaw?!" Sigaw ko.
Nakakita ako ng Floor Mop. Sinaksak ko ang ulo ng isang Zombie na palapit saakin. Gross!
Nakarinig naman ako ng paglagating. Hinampas pala ni Mia ng Tubo. -___-
Binuksan ko ang loob ng cubicle. Tumambad saakin ang nakayukong si DenDen.
"DenDen?!" Sigaw namin pareho ni Mia.
"Mga ate!" Sabi niya at bigla kaming niyakap. Iyak lang siya ng Iyak.
"Shhh, tahan na Den." Sabi ko.
"Tara na Guys!" Nagmamadaling sambit ni Abe habang paakyat ng bintana. Ambilis naman ng babae'ng 'to, hindi naman makaakyat.
"Di ko abot!" Reklamo ni Abe
"Nagtaka ka pa!" Singhal ni Mia
"Eh di kayo na mataas!"
"Mga ate! Ito drum ng tubig!" Biglang sulpot ni Denden. Agad ko naman 'yung kinuha at nilagay sa baba ng bintana.
"Den, ikaw na mauna." Sabi ko. Pagkatapos ni Denden si Abe naman.
"Aira ako muna!"
"Tae! Ako nauna!"
"Guys! Bilisan niyo!" Sigaw ni Abe sa labas.
"Rarrrr!"
"Paking Shet! Aira mauna kana!"
Nagdali-dali akong umakyat. May Zombieng palapit! Shit! Shit! Shit! Nagulat nalang ako ng bigla akong sumalampak sa lupa.
"Arrrggghhhhh, langya ka Mia! Ba't mo ko tinulak?!"
"Ambagal mo kaya!"
Takte, ang sakit ng katawan ko. Itulak ba naman ako!
Andito kami sa Likod ng Auditorium.
"I think those zombies are called
Runner Zombies sometimes known as The Infected, Sprinters or Rage Zeds this zombies are Zombies that have the ability to run at a full sprint.
Fast Infected quickly gain ground on survivors and bring them down, attacking them in a frenzied manner. Kaya madaling kumalat ang virus sa katawan ng tao, so a survivor we should never try to outrun the Runners, since they do not tire like humans do. " Saad ko.
" Pano mo nalaman 'yan ate?" Tanong ni Den
"Well me and Aira are into zombies but hindi namin aakalain na magiging totoo, gosh siguro sinumpa tayo Aira kaya nagkaganito?!"
" Baliw!" Singhal ko sa kanya.
"G-guys? May student pa kaya?" Tanong ni Abe.
"Oo, abe marami! Yun nga lang nagtransform na." Sabi ko.
"What I mean mga survivors!" Sigaw niya saakin.
"Paano natin malalaman kung hindi natin titingnan" tanong ni Mia.
"Seriously?! Aalis tayo?!" Tanong ni Abe.
"Wala na tayong pagpipilian, wala tayong magagawa kung tutunga-nga nalang tayo dito, mas mabuting lumaban tayo, then there's a chance na makakasurvive tayo." Sabi ko.
"Ilang percent?" Tanong nila
"Hmmm. I think 3%"