webnovel

Dead 39 (Part 1)

CHAPTER 39

Mia POV

"Mia! Gising!!

Napatalukbong nalang ako ng kumot ko dahil sa ingay na aking narinig.

"Gumising ka na diyan Mia!! Malalate na tayo sa school!!!!"

School?

T-teka kaboses 'to ni Aira ah!

Agad akong napabalikwas ng bangon at tumambad sa akin ang mukha na akala ko hindi ko na makikita pa.

"Aira!!!" Sigaw ko at agad na yinakap siya.

"Mia! Ano ba! Hindi ka pa nagtotoothbrush! Kadiri neto!" Sabi nito at akmang kakalasin ang yakap ngunit mas lalo ko pa itong hinigpitan.

"Buhay ka Aira!" Atungal ko at hindi ko napigilan ang umiyak.

"Oy! Ano bang iniyak iyak mo diyan! Malamang Buhay pa ako! Kelan ba ako namatay ha?!"

Kumalas ako ng yakap sa kanya at marahas na pinahiran ang mata ko.

Hindi ba ako nanaginip?!

"Mia! Yung ano---yung Sport Fest! Yung mga--mga Zombies!!!!!" Sigaw ko.

"Ano ba 'yung pinagsasabi mo diyan ha?! Kahapon pa tapos yung sport fest natin at anong zombie?! Ikaw ha! Mas nagiging adik ka na ngayon sa zombie, mwahahahahah!"

Napatigil ako.

"Aira" seryosong tawag ko sa kanya.

"Oh?" Tanong nito.

"Kilala mo ba si DenDen? Yung bata?"

Tanong ko sa kanya.

"Sino yun? Bagong kakilala mo?" Inosenteng tanong niya.

Seryoso?!

"Eh sina Lee at Kyler? Si Ace at Xander! Tsaka sina Christine At Abe?!" Sunod-sunod na tanong ko.

"Teka nga Mia! Nilalagnat ka ba? Tsaka sino ba 'yang mga 'yan ha? Malamang kilala ko si Abegail, kaibigan natin diba? Haler!"

Anong nangyayari?!

"Eh si Tita Chelle?"

"Oh? Sino naman 'yan? Kailan ka pa nagkaroon ng bagong tita? Mia naman eh, para kang baliw diyan! Iligo mo nalang 'yan! Malalate na tayo oh!" Singhal nito at lumabas ng kwarto.

Naguguluhan na talaga ako!!

Nasa panaginip ba ako ngayon? O Panaginip lang lahat ng mga nangyari saamin?

"Argghhh!"  Napa sabunot nalang ako ng buhok ko.

Pero bakit parang totoo lahat ng mga iyon?

Panaginip lang ba lahat ng iyon?

May kung ano sa loob ko na masaya dahil buhay si Aira ngunit hindi ko alam kung bakit ba ako nalulungkot.

May kung ano sa loob ko na sana totoo ang mga pangyayaring iyon.

Pinagsawalang bahala ko nalang ang aking iniisip at pumasok na sa banyo.

Panaginip lang pala ang lahat.

Saad ko sa aking isipan bago tuliyang dumaloy ang tubig sa buo kong katawan.

                             ✖✖✖

Napagpasyahan naming gamitin ang aming motorbike papuntang school.

Tila nanibago ako sa lagay ng lugar ngayon. Tila nanumbalik sa ala-ala ko ang trahedyang naganap. Pilit ko mang iwaksi iyon sa isipan ko. Ngunit tila bangungot iyon na hindi ko na malilimutan pa.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa parking lot ng school.

Hindi ko alam kung bakit namiss ko ang ganito.

Gaano ba katagal akong nanaginip? Ilang oras lang yata ako tulog eh pero bakit feeling ko, napakatagal akong tulog? Ganun ba talaga 'yun kapag bangungot?

Haist.

"Hoy! Lutang ka nanaman! Tara na!"

Nagulat ako kay Aira ng sumigaw siya malapit sa tenga ko.

Hindi ko alam kung bakit napangiti nalang ako dahil kasama ko ngayon si Aira.

Pagpasok namin ng main gate, marami paring mga estudyante sa loob. Napatingin ako sa relo ko.

5 minutes nalang bago magsimula ang klase.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.

"Aira! Mia!"

Bigla akong napalingon palikod ng may tumawag saamin.

Bumungad sa harap ko ang hingal na hingal na si Abegail.

"Oy, ba't ngayon ka lang?" Tanong ni Aira sa kanya habang pinagpatuloy namin ang paglalakad.

Pagkarating namin sa loob ng classroom namin dumeretso na kami sa aming upuan sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa ang professor namin.

"Good Morning class, today we have your new classmates."

Ha? Transferees? Classmates meaning marami?

Hindi ko alam kung bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Tila hindi ako malagalaw sa aking nakikita.

Sila---

"Hi Guys My Name is Lee and this is Kyler."

"Hi Guys My Name is Lee and this is Kyler."

"Hi Guys My Name is Lee and this is Kyler."

"Hi Guys My Name is Lee and this is Kyler."

"Hi Guys My Name is Lee and this is Kyler."

Paanong-----

Tila nanlamig ako ng tumama ang paningin ni Lee saakin.

"Mia,"

Nanindig ang aking balahibo ng  banggitin niya ang pangalan ko.

Napatingin ako kay Aira ng maramdamang nakatingin siya saakin.

Halos mapaigtad ako ng walang ekspresyon ang kanyang mukha habang nakatingin saakin.

Papalit-palit ako ng tingin sa harapan kung saan nandon sina Lee at kay Aira.

Nagulat ako ng unti-unting naglalaho ang katawan ni Aira.

"Aira?! Aira! Anong nangyayari sayo?!" Pilit ko man siyang hawakan ngunit hindi ako makagalaw na animoy may pumipigil saaking mahawakan si Aira.

Umiyak lang ako ng Umiyak dahil pakiramdam ko hindi ko na uli makikita si Aira.

"Aira?! Ano 'to?! Anong nangyayari sa'yo?!"

Binaling ako sa harapan at nakatingin lang silang dalawa saakin.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng classroom.

Nasan sila?! Ba't kaming apat lang ang nandito?!

Naibalik ko ang atensiyon ko kay Aira.

No---

"Paalam Mia."

"No!!!!!"

"Mia!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Bigla akong napadilat ng mata ko at bumungad saakin ang mukha ni Abe na puno ng pag-aalaa ang mukha.

Bigla akong napabalikwas ng bangon.

Panaginip lang pala lahat ng iyon.

Bigla akong napahagul gol ng iyak.

"Akala ko---buhay si Aira!" Saad ko at nagpatuloy sa pag-iyak.

Agad naman niya akong yinakap.

"Shhh. Nanaginip ka lang. Kinabahan kami kanina ng hindi ka magising-gising. Panay iyak lang ang ginawa mo at banggit sa pangalan niya." Sabi nito.

Mas lalo akong naiyak ng maalala ang maiksing oras na nakasama ko si Aira.

Akala ko tuluyan ko na siyang makasama, akala ko balik normal na ang lahat.

Akala ko lang pala.

"Maglinis ka na Mia at bababa na tayo, hihintayin kita dito." Paalam niya saakin. Agad naman akong pumasok sa banyo at ginawa ang dapat gawin.

Akala ko totoo yung panaginip ko.

Arghhhhh!!!

Sana hindi nalang ako nagising! Sana pala hinayaan ko nalang ang sarili kong malunod sa panaginip na iyon.

Kung saan kasama ko pa si Aira at namumuhay ng normal sa mundo.

Pero tangina!!

This is reality! At hindi ko na mababago ang lahat ng ito.