webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Dead 38 (Part 1)

Mia POV

Nakatingin lang ako sa kawalan habang pinagmamasdan ang buong lugar sa himpapawid.

Sa wakas makakaalis na kami sa lugar na ito, makakaalis na kami nina Air--.

Napabuntong hininga ako.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Tiningnan ko si Abe na nasa tabi ko.

Nginitian niya ako na para bang nagsasabing...

"Maayos din ang lahat."

Binaling ko uli ang atensiyon ko sa kabila.

Hindi ko alam kung maayos pa ba ito.

Napaayos ako ng upo ko. Kaharap namin si Tito. Kanina pa ito tahimik.

Naaawa ako kay Tito. Matagal na niyang hindi nakikita si Aira tapos nauwi pa sa ganito ang lahat.

"Mia, alam mo ba kung bakit hindi sumama sa pagsundo sa inyo si Kuya niyong Aries?" Tanong nito ngunit nasa labas parin ang kanyang atensiyon.

Tiningnan ko lamang siya at hindi na umimik.

"Excited siyang makita muli ang kapatid niya, kaya naghahanda siya ng maliit na salo-salo para sa inyo."

Sabi nito at bumaling saakin.

Napailing siya at nagsimula muling magsalita.

"Alam mo ba ang sabi niya? 'Naku Dad, sigurado akong gutom na gutom ang kapatid ko 'yun, ang takaw takaw kasi eh'."

Napatingala nalang si Tito.

"Kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Aries kung malaman niyang

hindi na makakauwi ang kapatid niya."

Agad kong kinusot ang mata ko para pigilan muli ang mga luhang nagbabadyang kumawala.

Tanginang buhay 'to!

Sana kami nalang dalawa ang nawala!

Ang sakit-sakit.

Kyler POV

I felt hopeless,

I felt like I'm dying.

"So ikaw pala ang dahilan kung bakit nahimatay ako? Ba't mo ko binato?!"

"I thought You're a corpse."

Corpse?! Muka ba akong bangkay?!

"I hate you!"

"Well the feeling is mutual. It's your fault anyway bigla bigla ka na lang sumusulpot."

****

Kinusot ko ang mata ko.

Sana panaginip lang lahat ng 'to.

Kung sana'y------

"Arrghhhhhh!"

"Kyler, pre."

"Lee---" Saad ko habang nakayuko.

"Kung sinundan ko siya, h-hindi mangyayari 'to eh!"

Natatawa ako sa sarili ko kung bakit ako umiiyak. Pero shit!! Si Aira ang nawala! Ang babaeng---arghhhh!

"Pre, hindi ko siya naprotektahan! Hindi ko siya nailigtas!!"

"Pre, wala na tayong magagawa, tanggapin nalang natin." Saad niya.

Hindi na ako umimik pa. Tama naman siya eh, kailangan naming tanggapin ang nangyari.

Pero, hindi ko kaya.

Hindi ko kaya!!!

"Please bumalik ka na, hindi pa ako umamin sa'yo, Aira please alam kung buhay ka pa!"

Mia POV

Nagising ako dahil sa pagtapik sa mukha ko. Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko.

"Mia, malapit na 'raw tayo." Bungad na sabi ni Abe. Natanaw ko ang buong lugar. Marami ang mga nagtataasang gusali.

Nasa states na ba kami?

Napabaling ang atensiyon ko sa di kalayuan. Hindi ko maiwasang mapamangha. Isang part ng lugar ang pinalilibutan ng matataas na pader.

"Woah"

"Yang lugar na 'yan ay tinatawag naming safe zone. Nang malaman naming ang nangyari sa Pilipinas hindi na kami nagdalawang isip na magpagawa ng safe zone hanggang hindi pa huli ang lahat." Banggit ni Tito Arthur

Maya maya ay unti-unti nang lumalapag ang sinasakyan naming chopper kasunod din ang iba pa.

Pagkababa namin, maraming mga sundalo ang sumlubong saamin at sumaludo.

Napako ang tingin ko sa lalaking palapit saamin na may malapad na ngiti.

"Mia!!!" Sigaw niya at yinakap ako ng mahigpit.

"Kuya Aries" Tanging tugon ko lang bago kumalas ng yakap sa kanya.

"Where's my sister?"

May kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"Nandun pa ba siya sa chopper?" Tanong nito habang lumilinga sa mga chopper na nasa likuran.

Tanging iling lang ang nasagot ko sa kanya.

"Oh, ba't ganyan mukha mo? Diba dapa't masaya kayo dahil narito na kayo ngayon kasama ang mga bago niyong kaibigan?"

"Son"

"Dad, meron pa bang susunod na chopper? Akala ko ba tatlo lang 'yung dinala ninyo? Hindi niyo naman sinabi na apat eh." Inosenteng saad nito.

Napayuko nalang ako at pinahid ang luhang tumutulo sa mata ko.

"I-I'm s-sorry kuya A-aries." Sabi ko

"Ha? Bakit ka nagsosorry? Naku naman, ako ng dapat ang magsosorry sa inyo dahil hindi ako nakasama sa pagsundo---." 

"Wala na si Aira." Deretsahang sabi ko, kahit masakit.

"Ha?! Wala pa si Aira? Tara hintayin nalang natin siya sa loob okay?" Sabi nito at akmang hihilahin ang kamay ko ngunit marahas ko itong kinuha.

Napaawang nalang ang bibig niya sa inasta ko.

"Oy Mia, bakit ka umiiyak, tara na baka gutom ka na--"

"Patay na si Aira!" Sigaw ko at biglang napaupo sa sahig at kumawala na ang emosyong kanina ko pa pinipigilan.

"Ano bang sinasabi mo diyan Mia? Hindi maganda ang nagbibiro ng ganyan." Seryoso niyang saad.

Umiling nalang ako.

"Daaad!" Singhal niya sa ama na maiiyak na.

"Ano 'to? Ano bang pinagsasabi nila dad? Nasan na ba si Aira?! Nasan na ba ang kapatid ko!" Damang dama ko ang galit ni Kuya Aries at ang tonong sa tingin niya ay nagbibiro lang kami.

"I'm so sorry son."

"'Yan nanaman ang sorry eh! Ano b kasing nangyari? Gusto niya ba akong sorpresahin Dad? Gusto niya ba akong gulatin mamaya pagdating niya?!"

"Hindi"- Tito Arthur

"Then tell me!! Hindi na kasi nakakatuwa eh!!" Galit na galit niyang sigaw.

Lumapit ako kay Kuya Aries na umiiyak parin.

"Tumahan ka na nga Mia!" Napatingin siya sa mga kaibigan ko.

"Oh? Kayo diyan? Ba't kayo umiiyak? Huwag niyo ngang iyakan ang kapafid ko dahil hindi pa siya patay!" Sigaw niya.

Kinuha ko ang kwintas sa bulsa ko na pagmamay-ari ni Aira at ibinigay sa kuya niya.

"Ano to? Diba kay Aira 'to? B-ba't m-may d-dugo 'to?" Unti unti nalang lumambot ang ekspresyion ni Kuya na animo'y alam na niya ang nangyari.

"N-no, no!!! Daddy! Nandun pa ang kapatid ko diba??!" Umiiyak na saad niya.

Mas lalo akong napahagulgol ng makita si Kuya Aries na umiiyak. Nagwawala.

"Argghhhh!!! Dalhin niyo ko sa kapatid ko!!!"

"Aries! Huminahon ka!" Pagtatahan ng kanyang ama sa kanya na ngayon ay awang-awa sa kanyang anak.

"Dad naman eh! Paano ako hihinahon kung ang nag-iisa kung kapatid ay hindi ko makita!!!!"

Sigaw niya habang patuloy parin sa pag-iyak.

Kung totoo sanang ang mga sapi, please lang Aira. Bumalik ka na saamin.