Mia POV
"Ayun nakontak ko na sila!"
"Anong sabi!"
"Papunta na sila dito!!!" Masayang sambit ni Lee.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
Kanina pa ako nakalabas ng gusali dahil may mga nakita akong survivors pero hanggang ngayon hindi pa lumalabas sina Aira.
"Nasakin na si Abegail."
Bigla akong napatingin sa radyong hawak ko.
"Nasan kayo?!" -Kyler
"Pabalik na kami."
"God! Ayos lang ba siya?!" Tanong ko
"But Guys, we have a problem. May bombang naka install sa buong lugar meron nalang kaming isang minuto para makalabas."
"Ano?!/What?!"
Bomba?!
"Pupuntahan ko kayo!"-Biglang saad ni Kyler
"No! Malapit na kami, makakaabot pa kami!"
Shettt!!!!
Maya-maya pa ay, lumabas si Kyler.
"Where's Aira?!"
"Wala pa sila dito!!"
"Ano!?"
Langya!! Kanina pa namin sila kinokontak ngunit walang sumasagot!!
"G-guys!!"
Nagulat ako ng lumabas si Abe at hingal na hingal. Puro galos ang buong katawan at may suot na gas mask.
"Nasan si Aira?!" Tanong ko ngunit bigla na lamang siyang napaupo at umiyak.
"Na-nagpaiwan s-siya!" Sabi nito at humagul gol ng iyak.
Napaatras ako at pinindot ang radyong hawak ko.
"A-ndito n-na si Abegail Aira, *sob* please lumabas ka na diyan oh!" Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Aira! Hinihintay ka namin!"
Sigaw ng mga kasama ko.
Napagitingin ako kag Kyler na walang expresiyon sa mukha.
Napatingin ako sa hawak kong radyo ng tumunog ito
"p-patawarin niyo ako."
Halos manlamig ako dahil sa aking narinig. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa tono ng kanyang pananalita.
"H-hindi." Tiningnan ko ang gusali at tumakbo papunta doon ngunit hindi ko inaasahan na mapatilapon ako dahil sa malakas na pagsabog.
"No, A-aira."
Kahit nahihirapan na akong tumayo, pinilit ko parin ang sarili ko.
"Mia--" Nakaramdam ako ng paghawak sa balikat ko.
"Bitawan mo ako! Pupuntahan ko si Aira! Hinihintay niya ako!" Sabi ko habang patuloy na dumadaloy ang mga luha ko.
"Kyler!! Stop!!"
"Bitawan niyo ako! Kailangan kong puntahan si Aira!"
Napatingin ako kay Kyler at mas lalo pa akong napahagul gol ng pilit siyang nag pupumiglas sa paghawak sa kanya nina Xander.
"Hindi! Nandoon pa si Aira diba?! Sabi niya babalik siya!!!" Sigaw nito habang nag pupumiglas at umiiyak.
Napatingin ako sa gusaling, tinutupok na ngayon ng apoy.
"p-patawarin niyo ako."
"p-patawarin niyo ako."
"p-patawarin niyo ako."
Paulit-ulit na umeecho ang huling sinabi ni Aira, at ang boses niyang hindi ko na maririnig pa.
Hindi ako makapaniwala.
"Where's my Daughter?!"
Napaangat ako ng tingin.
"Tito"
Hindi ko namalayan na nandito na sila. Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala si Kuya Aries.
"Wha't happened here?! What happened to you?!" Tanong nito at inalalayan ako.
"Where's Aira?" Tanong nito.
Napayuko nalang ko.
"I-im sorry tito." Tanging nasabi ko nalang at nagpatuloy sa pag-iyak.
Narinig kong napabuntong hininga siya.
"Find the body of my daughter."Mariing utos niya sa ibang sundalo.
"Yes sir!"
"Let's go, ilalayo ko na kayo sa lugar na ito."
Napatingala ako sa kanya. Ngumiti naman ito saakin ngunit mababasa parin sa mata niya ang labis na paghihinagpis.
Dahan dahan akong tumayo at kasalukuyan ng inaalalayan ng mga kasamahan ni Tito ang mga kaibigan ko.
Mas lalo pang sumikip ang dibdib ko.
"Fck Aira, ba't mo ginawa 'to?!"
"Mi-mia"
Napatingin ako kina Abe, mangiyak ngiyak ko silang tiningnan at yinakap ng mahigpit.
Pilit nila akong pinapatahan, ngunit hindi ko kaya.
"I'm so sorry guys."
Christine POV
She save Abegail.
She sacrifice herself.
She's a good friend.
Napatingin ako kay Mia na ngayon ay walang awat sa pag-iyak. Animo'y isang batang iniwan ng ina.
Hindi ko siya masisisi. Hindi ko sila masisi.
Napatingin muli ako kay Mia.
Iniwan ng kaibigan, kaibigang tinuring niyang kapatid.
Sabay na lumaki at sabay SANANG
makamit ang kanilang pangarap.
Napabuntong hininga ako.
Nalulungkot ako sa nangyari kay Aira.
Kahit hindi ganun katagal ang pagsasama namin at hindi kami gaanong kaclose, tinuring niya kaming pamilya.
Pinahid ko ang luhang pumapatak sa mata ko.
Napabaling ang atensiyon ko sa mga lalaki. Tahimik na umiiyak si Xander na kanina pa pinagsusuntok ang pader. Bakas din ang pag-iyak sa mata nina Lee at Ace.
Kyler
Walang bakas na kahit anong emosyon. Oo matagal ng walang emosyon si Kyler, ngunit hindi gaya ngayon mas lalo pang naging cold ang expression niya. Tulala lang ito sa isang tabi.
Alam kong malaki ang epekto nito sa kanya.
Napatingin ako sa lalaking katabi ni Mia.
Ang daddy niya.
Bakas sa kanyang mukha ang pagpipigil ng emosyon. Ngunit hindi maikakaila ang kalungkutan.
Kalungkutang mawalan ng anak.
Mia POV
Walang imik.
Tila nawalan ako ng lakas.
Lakas magsalita. Kung pwede ngalang tumigil sa paghinga dahil sa pagod, ginawa ko na.
Naghihintay kami.
Naghihintay kami kung marecover pa nila ang b-bangkay ni A-aira.
Tumingala ako para pigilan ang pag-agos muli ng luha ko.
Hindi ko kaya.
Hindi ko matanggap na wala na siya.
"Kasalanan kong lahat!!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Kasalanan ko!!!!"
"Huminahon ka lang Mia, hindi mo kasalanan!" Panenermon saakin ni Abegail.
"Hindi! ---ka-kasalanan ko 'to!"
Naramdaman kong yinakap ako ni Abegail.
"Shhhhh. Tahan na, magagalit si Aira niyan."
Mas lalo akong napaiyak ng banggitin niya ang pangalan niya.
"Sir!"
Napakalas ako ng yakap kay Abe.
"Nahanap niyo na ba?" Deretsong tanong ni Tito.
"Pasensiya na sir ngunit wala kaming nakitang bangkay sa loob."
Walang bangkay?
Tila nabuhayan ako ng loob dahil sa aking narinig. May posibilidad na nakaalis si Aira doon.
"Baka buhay siya!" Sigaw ko
"Eto lamang ang nakita namin Sir." Sabi nito sabay abot ng plastic kay Tito. Napatingin ako doon.
Ang kwintas ni Aira.
"Maaring natupok na ng apoy ang bangkay ng inyong anak, paumanhin po.
Muntik na akong matumba sa aking narinig. Kinuha ko iyon at pinagmasdan ng may makita akong sunog nitong parte at may bakas ng dugo.
Napahawak ako sa bibig ko habang nakatingin sa Gusali.
Tila nanlambot ang tuhod ko at napaupo.
Wala na...
Wala na talaga..
Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako kung wala si Aira.
Wala na talaga siya.