webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Dead 34 (Part 1)

Mia POV

Tatlong araw simula noong panahon na pumunta kami sa bahay ni Aira. Tatlong araw nong nalaman naming traydor pala si tita chelle, tatlong araw rin na hindi namin kasama si Aira at tatlong araw ring noong bumalik lahat ng ala-ala ko.

Alam ko ang pinapahiwatig ni Aira kaya kinakailangan namin siyang tulungan dahil habang patagal ng patagal nanganganib ang buhay ni Aira.

"We need to help Aira as soon as possible."

Naalerto naman sila sa pagbasag ko ng katahimikan. Simula kasi noong mangyari iyon madalang na kaming nag-uusap. Tila may mga malalim na iniisip. Hindi na rin kami umalis pa sa bahay ni Aira dahil wala naman kaming ibang mapupuntahan pa.

Bigla nalang tumayo si Kyler.

"Dre, san ka pupunta?" Tanong ni Ace at Lee.

"Pupuntahan ko siya."

"No Kyler! Napaka delikado lalo pa't hindi pa tayo handa!" Sigaw ko.

"No! Ikaw na ang may sabi na nanganganib si Aira! Pupuntahan ko siya at ibabalik ko dito!" Sabi nito at mabilis na tumalikod saamin. Hinabol namin siya palabas ngunit nahuli na kami, tuluyan na siyang umalis gamit ang motorbike.

Napatampal nalang ako sa noo ko.

"Takte talagang Kyler na 'yun! Lakas ng tama!"- Lee

"Mahal niya eh."-Christine

"Ano nang plano?"-Abe

"We need to think bago tayo sumugod doon." Suhestiyon ni Xander.

"Oo nga? Sigurado akong delikado ang pagpunta ni Kyler doon."-Vans

Napamura nalang ako sa ing isipan.

"Be ready guys, co'z will be going."

Saad ko sa kanila.

Kyler PoV

Mabilis ang naging pagpapatakbo ko sa motorbike. Tila parang naging isang hangin lang ako habang dumaraan sa kalsada. Hindi ko na natiis na puntahan siya!

Fck!

Why am I feeling like this?!

I don't know!

Nagising nalang akong isang araw na grabe na ang naging pag-aalala ko sa kanya. I don't know but I realize tha't I fvkng like her!

No!

I think Iove her.

Mas lalo ko pang pinaharurot ang pagtakbo ng motorsiklo ko.

Pupuntahan ko siya sa star labs, pupuntahan ko siya.

Agad kong huminto ng  nakarating na ako sa star labs. Pangalawa ko ng beses na makapunta dito. Una ay ang pagligtas din namin kina Aira at Mia.

Isa na itong underground facility kung kaya't hindi mo masasabing may nakakubling advance laboratory sa isang wasak na gusali.

Umakyat ako sa harang at agad akong dumretso sa isang madilim na pasilyo. Agad naman akong naalerto dahil sa paparating na mga yapak. Nagtago ako sa gilid ng pader at para makakuha ng tyempo upang mapatumba ang bantay.

Agad ko naman itong sinipa sa kanyang mukha at inuntog sa pader at agad naman itong nawalan ng malay.

Hinubad ko ang kanyang suot at isinuot saakin.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Dumeretso ako sa entrance ng star labs kung saan may nag babantay.

Inihagis ko ang batong nakita ko sa paanan ko upang doon mabaling ang atensiyon nila.

"Ano yun?"

"Tingnan mo."

Umalis ang isang bantay, ng mapadpad siya sa direksyon ko agaran ko itong inatake. Pinagsusuntok ko ito sa mukha at tadyak sa kanyang tiyan.

I drag him sa isang sulok upang walang makakita.

Pumunta ako sa pwesto ng lalaki kanina. Pasimple akong naglakad habang inaayos ang suot kong cap upang hindi niya makita ang mukha ko.

"Oh a---"

Hindi ko na pinatapos ang kanyang pagsasalita ng sinuntok ko ito sa mismong mukha niya kaya nakasalampak siya sa sahig. Kinuha ko ang card and I swipe it upang bumukas ang elevator papunta sa baba. Ibinaba ko  ang aking tingin at inayos muli ang sumbrerong suot ko dahil may cctv sa loob ng elevator.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at bumungad saakin ang isang maliwanag na pasilyo. Lumabas na ako ng elevator at tinahak ang daan. May mga nakakasalubong akong mga bantay kung kaya't kumilos ako ng normal.

"Teka."

Napatigil ako sa nagsalita, ramdam ko ang paglapit niya saakin mula sa likod.

"Bago ka lang dito?" Tanong niya.

Tumikhim muna ako bago magsalita

"Ah oo, kanina lang." Saad ko.

"Ahh, sige magbantay ka na." Sabi nito at iniwan ako.

Nakahinga naman ako ng maluwag. May nakita akong naka lab gown papunta sa direksyon ko. Tumigil ako sa isang pinto at tumayo.

Nang nasa harapan ko na siya, hinila ko, ito papasok sa isang silid at agad na kinuha ang lab gown na kanyang suot. Lumabas akong naka mask at normal na naglakad.

"Ano bang balak nila sa dalagang iyon?"

"Hindi ko alam pero kailangan nating sundin ang anumang iutos saatin."

Napahinto ako sa dalawang naka lab gown na nag-uusap at pumasok sa isang silid.

Agad ko silang sinundan at ginaya ang pag swipe ng kanilang card sa malaking pinto.

Napaawang nalang ako sa pagpasok sa isang silid. May mga taong naka lab gown at may kanya-kanyang ginagawa at may mga kemikal sa bawat sulok ng lugar.

"Attention Everyone! Natapos na ang ekspiremento at kinakailangan muna natin itong subukan kung matagumpay na ba ito o hindi!"

Te-teka?!

Huli na ba ako?

Inikot ko ang paningin ko sa buong lugar.

Nang mapako ang tingin ko sa isang tao.

Aira.

Gusto ko sana siyang puntahan kaso maraming tao.

Kung gagawa ako ng hakbang ngayon. Tiyak na magkakagulo. Naghintay nalang ako dito sa isang sulok kung ano ang mangyayari.

Maya-maya pa ay, may kinuha silang telang nakatakip sa isang bagay.

Lumaki ang mata ko sa nakita ko.

Anong gagawin nila sa zombie?

May isang zombie na pilit kumakawala sa isang malaking test tube at may makapal na salamin ang nakapalibot sa kanya.

Nabaling ang atensiyon ko sa lalaking naka tingin sa baba. Nakatingin lang siya sa baba mula sa taas na kinaroroonan niya.

Mukhang siya si Alfonso.

Tiningnan ko muli si Aira.

Walang emosyon ang makikita sa kanya.

Binaling ko na uli ang atensiyon ko sa harapan.

May mga usok na pumapasok sa loob ng tube, hindi ko alam kung ano ang binabalak nila.

Pigil hininga kong tiningnan ang sumunod na nangyari.

O___O

Nagulat nalang ako ng unti-unting lumalaki ang zombie.

Mukhang mas naging malakas ito kumpara kanina.

Pumalakpak ang lahat sa nakitang pagbabago ng zombie.

Ibig sabihin,tagumpay na ang kanilang plano.

Ngunit hindi ko inaasahan ang biglang pagiging agresibo ng zombie nagpupumiglas ito sa loob ng tube, bigla nalang nabasag ang salamin. Nakita ko ang pagsakmal ng zombie sa scientist na nakatayo.

Ang alam ko lang nagkakagulo na ang lahat ng naririto.

Umingay ang system at unti-unti nang sumasara ang mga daanan palabas. Gustuhin ko mang lumabas ngunit gusto kong makita si Aira.

Hinanap ko si Aira, ngunit hindi ko siya makita!

Napatingin ako kay Alfonso na hindi rin alam kung ano ang nangyayari.

Napakaingay na dito. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.

Nagkanda sira-sira na ang mga system dito. Marami na ang mga scientist ang wala nang buhay at mga apoy na nagkalat.

Pumunta ako sa direksyon ni Aira ngunit nanlaki ang mata ko nang sumugod si Aira sa Zombie ngunit dahil sa lakas nito, nakita ko ang pagtilapon niya sa mga rack ng kemikal.

"Aira!!!!" Sigaw ko ngunit sa hindi inaasahang pangyayari bigla akong tumilapon ng malakas sanhi ng isang matinding pagsabog. Napadaing nalang ako ng humampas ako sa matigas na bagay. Gustuhin ko mang tumayo ngunit nanghihina na ako. Lumalabo na rin ang paningin ko.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

May matinis na tunog sa aking tenga.

Naramdaman kong may kung anong tumutulo galing sa mata ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

"Kyler! Shit! Guys! Let's get outta here!"

Tanging narinig ko bago ako mawalan ng malay.