Aira POV
Umaga na pala ngunit hindi ako nakaramdam ng antok. Nakipag palit lang naman ako ng pwesto kay Kyler dahil nagpresinta siyang siya na ang magmamaneho at tinatamad na rin naman akong magdrive.
Bumalik nalang ako sa pwesto ko kanina katabi ni Mia at nanghalumbaba sa bintana.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napahikab at nakaramdam ng pagsara ng talukap ng mata ko.
Bigla nalang akong nagising sa marahang tapik sa balikat ko. Naaaninag ko si Mia na nakadungaw sa mukha ko.
"Andito na tayo." Mahinang tugon niya, napaayos naman ako ng upo at tumingin sa bintana habang nanliliit ang mata dahil hindi pa ako tuluyang naka adjust sa liwanag.
Umaga na pala? Natanong ko sa sarili ko.
Andito kami ngayon sa harap ng gate ng subdivision, nagdadalawang isip kami kung papasok ba kami o hindi dahil marami kaming nakikitang zombie na pagala-gala sa loob ng subdivision.
"Eto nalang guys, aagawin namin ang atensiyon ng mga zombie upang mawala sila sa daraanan natin at once na mawala na sila unti-unti kayong papasok sa loob ng subdivision gets?" Sabi ni Mia.
Sumang-ayon naman ang lahat sa plano.
"Sasakay rin kami kapag nawala na ng tuluyan ang mga infected sa daanan." Sabi ko naman.
Ang layo pa kasi nung bahay namin simula dito sa Gate eh.
"Kami lang munang dalawa ni Mia ang lalabas." Saad ko.
"No, dalhin niyo si Ace at Xander." Pag tutol ni tita chelle.
Wala na kaming nagawa kundi ang sumang-ayon.
"How about us?" Walang emosyong tanong ni Kyler.
"You'll stay here." Pagdidiin ko sa kanya at iniwas na lamang niya ang kanyang tingin.
"Oyy! Sama ako!" Sabi ni Abe at nakarinig naman kami ng reklamo sa iba, kesyo daw sasama sila at tutulong.
"Dito lang kayo pleasee. Tsaka madali lang namang 'tong gagawin namin mas lalong magiging hasle kapag marami tayo doon. Kaya dito lang kayo at kami na munang apat ang lalabas."
Wala ng tumutol dahil pinatapos na ni Mia ang Usapan.
Lumabas na kami ng sasakyan, isinukbit ko ang isang dagger s may hita ko at hasak ko naman ang isang baril na may silencer.
"Mag-ingat kayo/take care." Sabi nila. Ngumiti naman ako sa kanila at isinara ko na ang pinto.
"Tara na." Pagyaya ni Mia.
Dahan Dahan kaming kumilos dahil baka anytime ay may makaramdam saaming infected.
Patuloy lang kami sa paglalakad ng biglang huminto si Ace.
"Pst Guys, Pa'no tayo makakalusot doon?" Tanong niya.
"Agawin natin ang atensiyon nila." Sabi ko at inilibot ko ang paningin sa buong lugar.
"Okay may alam na akong plano." Biglang saad ni Ace at biglang tumakbo papunta sa mga infected.
O___O
"Hoy!! Ace!"
Tangna! Nababaliw na ba siya?
"Hoy! Dito!" Aniya habang kumakaway.
Napasabunot nalang ako sa buhok ko!
"Ahhhh!" Sigaw ni Ace habang hinahabol ng mga zombie.
"Nalintekan na!" Sigaw ni Xander at tumakbo patungo kay Ace.
"Mia! Abangan mo ang sasakyan, senyasan mo silang pumasok kapag tuluyan ng mawala ang harang." Mabilis kong sambit hindi ko na hinintay ang sasabibin niya at pumunta sa may unahan kung saan may nakita akong motorbike.
Gosh! Naalala ko ang motor ko!
Agad akong umangkas doon at thanks God dahil nandun ang susi. Agad ko itong inistart ito na naging sanhi upang umingay ang tambotso dahilan upang mabaling ang atensiyon ng ibang zombies. Unti unti silang palapit saakin at kapag minamalas ka nga naman, mga runners pa. Tuluyan na naging maingay ang motor ko at handa na ako upang umalis ito.
Pero bago 'yun, nagulat nalang ako ng biglang sumulpot si Kyler na hingal na hingal.
"What are you doing here?!" Nagtatakang tanong ko.
"Shut up and I'll drive." Sabi nito at pinaalis ako.
Nakatunga nga parin ako sa kanya.
"Ano pang hinihintay mo?! Sakay na!" Biglang utos nito at napaangkas nalang ako ng wala sa oras.
Nang makalapit na sila saamin ay agad niyang pinaharurot ang motor at sakto lang ang takbo ng motor para makahabol at masundan parin nila kami. Napatingin ako sa side mirror at dumadami na nga sila, nasilayan ko pa ang mga kasama ko na unti-unti nang pumapasok sa Gate.
Mas lalong dumadami ang mga infected at kailangan ko na siguro silang bawasan.
Itinaas ko ang kaliwang paa ko upang makapalit ng pwesto.
"What are you doing?!" Biglang tanong ni Kyler dahil muntikan na kaming naout balance dahil sa ginawa ko.
"Shut up and drive." Saad ko.
Nakatalikod na ako sa kanya at nakaharap sa mga zombie na tumatakbo. Kinuha ko ang baril ko at binaril sila sa mismong ulo nila. Isa-isa ko silang binabaril, tuloy-tuloy, hihinto lang ako kapag maglalagay uli ako ng bala. Mabagal lang ang pagpapatakbo ni Kyler dahil mukhang hindi na rin makakahabol ang mga infected. Huminto kami sa pinaka dulo ng subdivision. Iniliko niya ang motor dahilan upang mapaharap siya sa mga infected. Pinalitan ko na rin ang posisyon ko, back to normal position kumbaga. Binabaril na niya ang natitirang mga zombie kung kaya't tinulungan ko naman ito sa pamamaril para mas madali silang maubos. Nakapagtataka nga at kaunti lang ang mga infected dito. Inaakala kong marami kaming ma encounter na mga infected dito dahil marami ang tao noong araw na iyon at maraming mga bahay ang naandito.
Siguro lumabas na sila ng subdivision kaya kaunti nalang ang nandito.
Nang maubos na ang mga infected sa daan, pina andar na ito ni Kyler at bumalik na kami sa mga kasama namin.
Mabilis ang kanyang pagpapatakbo ngunit prente lang akong nakaupo sa likod niya. Hindi ako katulad ng ibang babae na nakahawak sa beywang ng lalaki. Ewww! Never!
Mabilis naman naming nakita ang mga kasama namin dahil nandun na sila sa tapat ng bahay ko at hinihintay kami.
"Ayos ba ang ginawa ko kanina?" Pagtatanong ni Ace habang tawa ng tawa.
Binatukan naman ito ni Xandie.
"Loko ka! Eh kamuntikan ka nang maging bangkay, proud ka pa niyan." Singhal nito sa kaibigan.
"Tara na." Pagyaya ko sa kanila.
Wala naman sigurong infected ang nandito sa bahay dahil kami lang dalawa ni Mia ang nakatira dito at pinauwi ko narin ang mga kasambahay ko dito dati atsaka may safety lock naman ang bahay kay secure na secure.
"Anlaki naman ng bahay niyo Aira." Pagpupuri ni Lee.
"Excuse me, pero siya lang ang nakatira dito I mean kaming dalawa na." Pagmamayabang ni Mia.
"Sml?" Tanong ni naman ni Lee. -___-
"Anong Sml?" Nagulat ako sa tanong ni Ace.
"Seriously?! Hindi mo alam jusko! Share mo lang ang ibig sabihin 'nun!" -Lee
"Ahh, ok." Tanging sambit ni Ace.
Agad naman kaming pumasok sa gate.
Napatingala ako sa kabuuan ng bahay at napabuntong hininga.
Namiss ko ang bahay ko.