webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · 若者
レビュー数が足りません
71 Chs

Dead 27 (Part 1)

Third Person POV

"Kumusta ang experimento?" Tanong ng isang lalaking may edad na sa kanyang mga tauhan.

"Wala pa pong progress doc ang sa isa ngunit ang kanyang DNA ay kakaiba, sigurado akong may malaking maitutulong ito sa inyong experimento." Saad ng isang scientist.

"Magaling, ngunit gawin niyong lahat upang malaman ang mga sangkap sa batang iyon, gawin niyong lahat para makaalala sila! Kinakailangang makuha natin iyon para huwag masira ang plano natin." Seryosong sabi nito.

"Dahil sa oras na makuha natin ang Formula, magiging makapangyarihan na tayo sa buong mundo! Makokontrol na natin ang gobyerno! Magtatag tayo ng sarili naing batas! Tayo ang mamumuno sa buong mundo!" Dugtong nito kasabay ang malademonyong halakhak.

"Pasensiyahan tayo Alonzo ngunit natagpuan ko ang apo mo."

Saad nito sa kanyang isip at ngumisi.

Tumingin siya sa isang silid ng laboratoryo kung saan makikita ang dalawang dalagang nakahiga at walang malay. Kung titingnan sa loob isa lamang itong glass window pero kapag nasa loob ka ng silid isa  itong salamin.

Nagulantang ang lahat ng marinig ang tunog ng alarm.

🚨*intruder alert*🚨

🚨*intruder alert*🚨

Paulit-ulit na sambit ng system.

"Anong nangyayari?!" Hesterikal na tanong ng Doctor.

"May nakapasok Doc!"

"Ano?! Istupido! Huwag niyo silang hayaan na makapasok ng tuluyan sa laboratoryo!!" Sigaw nito.

Inilock niya ang silid kung saan naroroon ang dalawang dalaga. Ngunit bago pa man magsara. Nakarinig siya ng putok ng baril.

Dali dali siyang umalis sa lugar na iyon at nagtago sa kanyang secret basement.

"Bwiset!" Galit na Galit niyang untag.

                             ✖✖✖✖

Kyler POV

Pinasok na namin ang kuta ng mga taong kumuha kina Aira.

F*ck! I should protect her!

*bang*

F*ck you people!

"Kyler! Lee! Hanapin niyo sina Aira!"

Sigaw ni Ate Mich.

We parted ways para hanapin sina Aira, kasama ko si Lee.

"Kyler andito sila!" Sigaw ni Lee

I looked at the window glass and shit! They are lying on the bed!

Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit naka lock ito.

Binaril ko ang salamin at nakalikha ito ng malakas na ingay. Pumasok ako sa loob .

Bigla akong nanlamig nang makita ang sitwasyon ng dalawa.

Agad kong binuhat si Aira at gayundin si Lee kay Mia.

"Tara na Kyler!" Sigaw nito.

Agad rin kaming umalis sa silid na iyon. Nakakarinig pa kami ng putok ng baril kaya delikado pa ang sitwasyon namin dito.

Napatigil ako dahil sa lalaking nakasalubong namin.

Ngunit bago pa man itutok ng lalaki ang kanyang baril nakarinig kami ng putok ng baril at nakahandusay na sa sahig ang walang buhay na lalaki.

Napatingin ako kay Abegail.

"Guys! Tara na!" Sigaw nito at agad naman kaming kumilos.

Wala na kaming nakasalubong na mga kalaban kaya matiwasay kaming nakalabas sa lugar na iyon. Agaran kaming sumakay sa sasakyan hawak ko pa rin si Aira at wala paring malay hanggang ngayon.

*bang*

Nagulat kami dahil pinauulan kami ng bala ng baril.

"Go!!!!" Sigaw ko sa driver at agad din naman niyang pinaharurot ang sasakyan pero patuloy parin sila sa pagbabaril. Nang makalayo na kami ay tumigil na ang mga ito. Nasa unahan namin ang sasakyan nina Ate Mich.

"Gosh! Anong nangyari sa kanilang dalawa! Ang putla putla ni Mia!" Sigaw ni Chrsitine habang nakatakip ang kamay nito sa kanyang bibig.

"Napakasama nila!" -Abegail

I looked at Aira's Face. Damn!

She looks vulnerable! I want to kill those fvking scientist!

Aira POV

"Lolo, what is this?"

Tanong ng batang si Aira.

"Apo you should memorize it. Napaka importante ng bagay na ito at makakatulong ito kung may mangyari mang masama sa hinaharap."

"I don't understand lolo but why are you giving this to me lolo. You are the one who should keep it, not me."

"Apo listen to me, no matter what happen you should keep it on your mind. You will be able to understand someday kung bakit ko ito ibinigay sa iyo. You should promise to lolo."

"I promise."

Bigla akong napamulat dahil sa panaginip na iyon, napabuntong hininga ako. Hindi iyon panaginip, isa iyong alaala mula sa nakaraan. Malinaw ito saakin, ngunit anong ibigsabihin ni Lolo. Ano yung bagay na iyon? Bakit hindi ko parin maalala sa kabila ng aking napanaginipan?

Nailibot ko ang aking paningin sa buong lugar.

Te-teka! Pamilyar ang lugar na ito ah!

Nananaginip ba ako?! Paano ako napunta dito?!

"Gising ka na pala." Napabaling ang atensiyon ko sa nagsalita.

"Kyler." Mahinang untag ko. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang akong hindi makahinga at parang may mga kabayong tumatakbo sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito.

"Ba-bakit--"

Itatanong ko sa kanya kung bakit ako nandito pero naunahan na niya ako.

"We rescued the both of you."

Hindi ako makapaniwala.

Huli ko na napagtanto na nasa kampo parin kami, nasa training area.

"Where's Mia?"

"She's still unconscious"

Napabuntong hininga ako.

"Asan siya?"

Lumabas siya kaya sinundan ko kung saan siya pupunta.

Medyo okay na yung pakiramdam ko.

Pumunta kami sa kabilang bahagi ng training room. Napa kuyom ako ng kamao ko ng makita ko ang kalagayan ni Mia. Walang pinag bago noong huli ko siyang nakita parang lantang gulay parin ito, namumutla parin ito.

"Anong ginawa nila sayo?" Napatingin ako kay Kyler dahil sa tanong niya. Binaling ko muli ang atensiyon ko kay Mia at nagsalita.

"E-ewan ko, kinulong nila ako ng isang linggo. Hindi ko na alam ang nangyari 'nong nilabas nila ako." Mahinang sagot ko.

Narinig ko ang malalim na paghinga niya.

"Pa-paano niyo kami natunton?" Pagtatanong ko.

"Hinack namin ang  satelite nila,isang linggo rin kaming naghintay para ma track kayo."

Wala akong masabi kaya napatahimik nalang ako.

"Airraaa!!!!!"

Napalingot ako sa sumigaw.

Napaatras ako ng bigla ako nitong yinakap.

"Aira! Na miss kita!" She said between our hugs.

"Na miss ko rin kayo." Saad ko naman.

Kumalas na ako sa yakap niya at ngumiti.

"Anong ginawa nila sayo???" Pagtatanong niya kaya sinabi ko rin ang sinabi ko kay Kyler.

"Napakasama nila! Sila pala ang may kagagawan ng apocalypse na ito!" Singhal niya.

"Aira pinapatawag ka ni ate Mich." Pagtawag saakin ni Vans. Pinuntahan ko na kaagad si tita chelle dahil gusto ko rin naman na makausap siya.

Nang makarating na kami sa ibabang bahagi ng training area. Puro mga monitor ang bumungad saakin, mga taong may kanya kanyang ginagawa. Iba ito sa dati nitong anyo. Ginawa na nila itong lugar kung saan pwede silang makapagpapatuloy sa kanilang ginagawa pagkatapos ng pagsabog na naganap linggo na ang nakalipas.

"Tita chelle." Pagtawag ko sa kanyang atensiyon.

"Oh God Aira!" Saad nito at bigla niya akong yinakap.

"Na miss kita tita chelle." Sambit ko.

"I miss you too Aira." Sabi ni tita chelle at yinakap ko siya ng mahigpit.

"I'm glad tha't you are okay now." Napatingin ako sa likod ni tita chelle. Kumalas ako sa yakap nito at pumunta kay Xander at yinakap rin ito.

"Xandie." Sambit ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya at ginulo ang buhok ko.

"Ehem"

Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Xandie at tumingin sa tumikhim.

"Hey bro!" Bati sa kanya ni Xander at ngumisi.

"Aira!!!!" Napatingin ako kay Ace na ngayon ay nakaamba na sa pagyakap saakin pero hinarangan ito nina Xander at Kyler.

"Grabe naman kayo! Parang yakap lang eh!" Atungal ni Ace.

Napataas nalang ako ng kilay dahil sa kanila.

"Aira, halika ka nga dito." Napatingin ako kay tita chelle na ngayon ay natatawa na.

Napasimangot nalang ako habang palapit sa kanya.